Home / Romance / Beastly: Primo Hernani / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Beastly: Primo Hernani: Chapter 11 - Chapter 20

55 Chapters

Chapter 10

Hindi ko alam kung hilo o antok ba itong nararamdaman ko. Mabuti na nga lang at nandito si Primo para alalayan ako hanggang sa makarating na kami sa hotel room. Ang sarap ng alak na binigay sa akin, pero ganito pala ang tama no’n. Siguro dahil nga hindi naman talaga ako umiinom. Marahil ay gano’n na nga. Huminga ako ng malalim habang nakapikit pa rin nang maramdaman ang malambot na kama sa likod ko. Finally! Sigaw ko sa sa isip ko. Kanina ko pa kasi talaga gustong humiga. Pero hinintay ko na si Primo mismo ang mag-aya sa akin na bumalik na sa hotel room dahil nga hindi ko naman gustong isipin ng mga kasama namin sa table na kinokontrol ko siya sa mga desisyon niya. I mean, I just don’t get why I’m making such a big deal out of it. Hindi naman talaga kami. Nagpapanggap lang kami. Siguro rin ay gusto kong ipakita kina Jeric at Aryan na ‘perfect relationship’ ang meron kami ni Primo. “Hindi mo na dapat ininom ang binigay sa
last updateLast Updated : 2023-03-12
Read more

Chapter 11

As usual, nainip na naman ako sa conference. They were actually talking about some things that they already tackled on their previous conference. Kaya naman tahimik lang ako na nakatingin sa may entablado. Kunware ay nakikinig ako, kahit na ang totoo ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang nangyari kagabi, at kaninang umaga. Wait, what stage are we in right now? MU na ba? I mean, did I just give him the right to flirt with me? Hindi ba malanding ugnayan ang ibig sabihin ng MU? Gano’n na ba kami? Hindi ko alam! At wala akong lakas ng loob na magtanong sa kanya. Kasama pa rin naman namin sa table sina Jeric at Aryan, maging ang mga iba pa naming nakasama sa table sa barbecue party kagabi. Ngayon ko lang nalaman na Luna pala ang pangalan nung babae na nagbigay sa akin ng alak. Luna is actually fun and easy to be with. Okay siya kumpara kay Aryan. Nalaman ko rin na may isa siyang maliit na at kasisimula pa lang na negosyo kaya siya
last updateLast Updated : 2023-03-13
Read more

Chapter 12

“Do you want to stay here until tomorrow?” tanong ni Primo habang nasa loob na kami ng hotel room namin. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard, ako naman ay nakaupo rin sa kama pero nasa bandang dulo naman. “Puntahan na natin iyong mga kaibigang sinasabi mo, tapos umuwi na siguro tayo. Marami rin kasing trabaho ang naghihintay sa akin sa opisina,” mababa ang boses na sagot ko naman, mahina siyang napabuntong hininga bago tumango. “I made the situation worse, didn’t I?” tanong niya, ngumiti naman ako bago umiling. “You did the right thing, Attorney. Deserve nila iyon,” sagot ko naman. “Medyo nagwo-worry lang ako sa magiging reaction ni Dad. Alam mo na…” Tumango naman siya. “Ako na ang magpapaliwanag ng lahat kay Tito,” saad niya. “Alright, ayusin na natin ang mga gamit natin para makaalis na tayo.” Sinunod ko naman ang sinabi niya. Halos sabay pa nga kaming tumayo mula sa pagkakaupo sa kama para maa
last updateLast Updated : 2023-03-13
Read more

Chapter 13

Siguro ay nanatili kami sa bahay nila Nanang at Tatang ng halos dalawang oras. Nakipagkuwentuhan lang kami. Masaya silang kausap, hindi rin nauubusan ng kuwento at nakakatuwa kasi sobrang init ng pagtanggap nila sa amin. Nabanggit din ni Primo na magbabakasyon daw kami sa Isla Amara sa mga susunod na araw, hindi pa raw sigurado kung kailan ang exact date, pero sigurado naman daw na pupunta kami ro’n. Medyo nakakalungkot kasi mga bandang alas kuwatro ay nagpasya na kaming umalis. Hindi na namin nahintay sina Mario at Luigi kasi masyado raw silang abala sa trabaho. Nalaman ko na pareho pala silang nagma-manage ng isa sa mga businesses ng mga Montealegre rito sa Pangasinan kaya hindi nakakapagtaka na abala talaga sila masyado. Habang nasa sasakyan naman at biyahe pauwi ay tahimik lang akong nakikinig sa mga pandadaldal at kuwento ni Luna. Hindi ko alam pero feeling ko kasi ay pagod ako ngayong araw kahit na wala naman akong masyadong ginawa.
last updateLast Updated : 2023-03-13
Read more

Chapter 14

“Good morning, Miss,” nakangiti at masayang bati sa akin ni Lyn nang makita niya akong papasok na sa opisina ko, tumayo pa siya mula sa swivel chair niya. “Good morning, Lyn. Kumusta ang nanay mo?” bati at tanong ko rin naman sa kanya. “Okay na siya, Miss. Thank you nga pala ulit sa leave. Bakit pala nandito ka na? Hindi ba dapat mamaya pa ang uwi niyo at bukas pa ang pasok mo?” tanong naman niya tapos ay sinabayan ako papasok sa opisina ko. “Umuwi na kami ni Attorney kahapon, may hindi kasi magandang nangyari sa conference,” sagot ko naman. “So totoo iyong article sa website na scandalmongeringbeshy, Miss?” kunot-noong tanong niya, nakakunot ang noo ko nang umupo sa swivel chair ko tapos ay agad akong nag-angat ng tingin kay Lyn. “Anong article?” tanong ko pa. Hindi naman siya sumagot. Inilabas niya ang cellphone niya na parang may hinahanap, tapos nang makita iyon ay agad niyang inabot sa akin. Hindi naman
last updateLast Updated : 2023-03-13
Read more

Chapter 15

“What’s going to happen to him now?” tanong ko kay Primo. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch magkasabay rito sa opisina ko. Balak talaga sana namin na kumain sa labas, eh ang kaso ay pareho kaming busy at maraming ginagawa. Kaya naman nagpasya kami na magpa-deliver na lang. “I don’t know,” sagot niya. “Pero sisiguraduhin ko na sa kulungan ang bagsak niya,” dagdag pa niya kaya marahan akong tumango. “Sorry ulit, ah? I mean, kung dati pa lang nagsalita at nagsabi na ako, baka sakali lang na marami ang nagbago. Baka wala na siyang nabiktima ulit na iba pa,” nahihiyang saad ko. “You don’t have to apologize, Aliyah. It’s not like you did it for him. Ginawa mo iyon kasi hindi mo gusto ng gulo, and if that was your better judgment at that time, then who am I to question it?” sagot at tanong niya. Tipid akong napangiti dahil sa narinig. Ang ganda talaga niyang mag-isip. Alam mo na matalino talaga at pinag-iisipan ang mga sasab
last updateLast Updated : 2023-03-13
Read more

Chapter 16

Hindi ko alam kung paano haharapin ng maayos si Primo nang nasa sasakyan na niya kami. Masyado kasi akong nahihiya dahil sa ginawa namin kanina. I mean, who wouldn’t, right? We just made out. We kissed! The great Atty. Primo Hernani just kissed the hell out of me. At hindi lang iyon basta mababaw na halik. Malalim iyon at dalang-dala ako sa mga pangyayari. “Aliyah, are we good?” mababa ang boses na tanong nuiya sa akin, napalingon naman ako sa kanya bago marahang tumango. “Y-Yeah…” mahinang sagot ko. “Why did you become quiet right after we kissed? Nagsisisi ka ba?” tanong ulit niya na bahagya kong kinagulat. “H-Hindi, Attorney,” mahinang sagot ko tapos ay bahagyang napayuko. “Nahihiya lang ako,” ang pagsasabi ko pa sa kanya ng totoo. He sexily chuckled because of what I just said. “Bakit ka mahihiya? You actually did great. Feeling ko nga baguhan pa ako nang mahalikan na kita,” sagot niya kaya
last updateLast Updated : 2023-03-14
Read more

Chapter 17

“Okay ka pa ba?” tanong ni Primo sa akin. “Bakit hindi naman ako magiging okay, eh ikaw lang naman ang umiinom?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya kaya mahina siyang natawa. “Nagsusungit ka na naman,” aniya kaya mahina na rin akong natawa. Isa na siguro ito sa mga bagay na hindi ko maalis sa akin, iyong maging masungit sa tingin ng iba minsan kahit na hindi ko naman talaga intensiyon iyon. Kasalukuyan pa rin kaming nasa rooftop ng building at nagkukuwentuhan. Kanina ay ramdam ko ang bahagyang pagod at antok, ngayon naman ay gising na gising ang diwa ko. Kahit na madalas ay wala naman nang kuwenta ang mga pinag-uusapan namin ay hindi man lang ako naiinip. I just feel like I want to be with him longer. Mag-a-alas diez na ng gabi, at normally ganitong oras ay nakakulong na ako sa kuwarto ko at nagtatrabaho pa rin. Pero ngayon ay parang wala akong pakialam sa kahit na ano. Basta gusto ko lang manatili rito kasama
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more

Chapter 18

“Grabe ang laki ng opisina mo, bes! Parang bachelor’s pad na ito, eh!” namamanghang saad ni Luna habang naglalakad-lakad sa opisina ko. Gaya nang sinabi niya kagabi ay nag-text siya sa akin, sinabi ko naman sa kanya agad ang address at wala pang isang oras ay nandito na siya. Mabuti na nga lang at wala akong gaanong ginagawa ngayon. “Sa pamilya niyo ang buong building na ito? Grabe! Nakakalula!” saad pa niya nang sumilip sa bintana. “Ah, yes, kay Dad,” sagot ko na lang. “Ay, oo nga pala, heto mga ibibigay ko sa ’yo,” aniya at agad na naglakad papalapit sa office table ko at inilapag sa mesa ang isang paper bag na may tatak pang Luna’s. “Uy, thank you,” nakangiting saad ko. It’s just ten in the morning, and it’s too early to eat lunch. Kaya nagkukuwentuhan na muna kami. Binuksan ko naman ang paper bag at nakita ko na mga cosmetics iyon na may tatak ding Luna’s. “Iyan ang mga products ko, try mo l
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more

Chapter 19

“Ito, bes?” nakangising tanong sa akin ni Luna at winagayway pa ang hawak na white polka dots na bikini. “Bagay sa ’yo ito, for sure maglalaway sa ’yo si Attorney!” dagdag pa niya kaya napangiwi ako. “Luna, hindi ako nagsusuot ng mga ganyan!” agad naman na saad ko, bahagya pang namula nang maisip kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Primo kapag nakita niya na gano’n nga ang suot ko. Kaalukuyan kaming nasa isang kilalang Mall sa BGC ni Luna. Kaninang alas kuwatro, dahil wala naman na akong ginagawa ay nagpasya kaming umalis na. Iniwan namin si Primo sa opisina ko na abala pa rin sa trabaho. “Madalang lang naman, atsaka, hello! Beach ang pupuntahan natin!” giit niya pero mabilis pa rin akong umiling. “Hindi ko talaga kaya, Luna,” pinal na saad ko kaya napanguso na lang siya. “Ito? Hindi gaanong daring, kasi may black na robe naman!” nakangising tanong niya. Pinakita niya sa akin ang two piece na hindi nga g
last updateLast Updated : 2023-03-16
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status