Share

Chapter 10

Hindi ko alam kung hilo o antok ba itong nararamdaman ko. Mabuti na nga lang at nandito si Primo para alalayan ako hanggang sa makarating na kami sa hotel room. Ang sarap ng alak na binigay sa akin, pero ganito pala ang tama no’n.

Siguro dahil nga hindi naman talaga ako umiinom. Marahil ay gano’n na nga. Huminga ako ng malalim habang nakapikit pa rin nang maramdaman ang malambot na kama sa likod ko.

Finally!

Sigaw ko sa sa isip ko. Kanina ko pa kasi talaga gustong humiga. Pero hinintay ko na si Primo mismo ang mag-aya sa akin na bumalik na sa hotel room dahil nga hindi ko naman gustong isipin ng mga kasama namin sa table na kinokontrol ko siya sa mga desisyon niya.

I mean, I just don’t get why I’m making such a big deal out of it. Hindi naman talaga kami. Nagpapanggap lang kami. Siguro rin ay gusto kong ipakita kina Jeric at Aryan na ‘perfect relationship’ ang meron kami ni Primo.

“Hindi mo na dapat ininom ang binigay sa ’yo,” mababa ang boses na sabi ni Primo.

Bahagya akong nagmulat ng mata nang marinig ng boses niya. Nakita ko na hinubad niya ang suot niyang polo. Bumaba ang tingin ko sa maganda niyang katawan. May six pack abs, tapos ay pababa pa sa V-Line niya.

How can a man like him be so perfectly handsome? Hindi na nakakapagtaka na ang daming nababaliw sa kanya. Tama naman si Lyn, eh. Sobrang guwapo niya. At hindi ko maintindihan kung bakit todo puri ako sa kanya ngayon sa isip ko. Dahil ba sa tama ng alak? Hindi ko alam. Siguro…

“Ang sarap…” halos pabulong na sagot ko naman.

Napalingon siya sa akin habang nakakunot ang mga noo. Tapos ay napangisi siya nang makitang nakatingin ako sa hubad baro niyang katawan. He’s still wearing his shorts. Wait, is he also going to remove it?

God! Get a hold of yourself, Aliyah! Hindi ikaw ang tipo ng babae na mag-iinit sa isang lalaki at mag-iisip ng kahalayan. Bulyaw ko sa sarili ko.

“Ako?” may halong pang-aasar naman na tanong niya.

“Iyong alak,” sagot ko at mahinang natawa.

Parang kailan lang ay naiinis ako sa mga ganito niyang biro. Ngayon naman ay natatawa na lang ako sa kanya. I hate to admit it, but yes, I’m slowly getting used to him…

Inalis ko na ang tingin ko sa kanya tapos ay matamang tumitig sa kulay puti na kisame. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari ngayon. Kung hindi sigurado ako pumayag sa offer na tulong ni Primo na magpanggap kaming may relasyon ay baka naging laughing stock ako sa mata nina Jeric at Aryan.

I keep on telling myself that I can manage all alone and I’ll be just fine. Pero sinong niloloko ko? Sarili ko lang. I may be a woman of focus, but I still need help in times like this.

“Thank you, Attorney,” mababa ang boses at puno ng sinseridad na saad ko.

Naramdaman ko na bahagyang umuga ang kama. Muli naman akong napatingin sa gawi niya at napansin ko na umupo siya sa gilid nito.

“For what?” tanong niya.

“For… being with me here. For helping me…” sagot ko. “Kung wala ka rito, tiyak pinagtatawanan ako nina Jeric,” dagdag ko pa at mapait na natawa. “Kasi… kahit na gaano ko sabihin at paniwalain ang sarili ko na… kaya ko, na magiging okay ako sa harap nila, deep down inside, I know that I still need help.”

“Do you still like him?” tanong niya kaya mahina akong natawa.

“Of course not.”

“Then, why are telling me this?”

“I don’t know,” mahinang sagot ko. “Siguro dahil thankful talaga ako? I really don’t want to be humiliated.”

“I’m not going to let that happen,” marahang sagot niya.

Hindi ako agad na nakasagot. Muli na naman kasi akong nakaramdam ng antok. Tapos feeling ko ay biglang parang umikot ang lahat. So, this is what it feels to get drunk, huh? Ito ang unang beses na naranasan ko ito.

Na-experience ko pa kasama ang tao na hindi ko inakala. Iyong taong kilala ko, pero ang akala ko ay nasa pinakahuli sa listahan ko. Life is full of surprises.

“Why?” mahina at halos pabulong na tanong ko.

Sinabi ko iyon na nakapikit na ang mga mata ko. I felt like I was half awake and half asleep at that time.

“Because I like you…” narinig kong sagot niya.

I tried to open my eyes. Gusto kong tignan ang mukha at reaction niya nang sabihin iyon. Gusto kong mabasa ang nasa mata niya. Gusto kong malaman kung totoo ba o nagbibiro na naman siya. Pero hindi ko na nagawa.

“Can you…” I trailed off. “Keep on liking me? Just… me,” halos pabulong na pakiusap ko.

Hindi ako nakarinig ng sagot. Naramdaman ko na lang na parang gumalaw ulit ang malambot na kama. Bigla naman akong humawak sa kamay niya kahit na nakapikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon. It’s like an instinct.

“Don’t… leave…” I whispered.

Right after saying that, I fell asleep. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari at hindi ko na matandaan kung may iba pa ba akong sinabi. Basta nagising na lang ako kinabukasan na hubad-baro pa rin siya at nakahiga sa tabi ko.

Nakakagulat nga na nakaunan pa ako sa kaliwang braso niya habang ang mga kamay ko ay nakayakap sa tiyan niya. Ngayon naman ay nasa banyo ako.

Kanina pa ako tapos maligo at magbihis. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang lumabas kasi tandang tanda ko pa ang mga nangyari. Naaalala ko lahat ng sinabi ko sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin kasi… kasi nakakahiya!

Paano pala kung gusto lang niya ako bilang tao o kaibigan? Where the hell did I get the courage to ask him to keep on liking me last night? Tapos ang ideya na makakasama ko pa siya rito hanggang bukas ay hindi nakakatulong sa hiyang nararamdaman ko.

“Gaga ka, Aliyah! Gaga ka!” mahinang bulong ko at halos i-untog ko na sa pader ang ulo ko.

Muntik pa akong mapasigaw sa gulat nang marinig ang katok mula sa pinto ng banyo.

“Aliyah, the conference will start in an hour. Are you okay?” narinig ko lang tanong ni Primo habang kumakatok pa rin sa pinto.

“Y-Yeah, just… give me a moment!” sagot ko.

Well, I did this to myself! Hindi pala maganda ang epekto ng alak. Walang magandang dulot ang pagiging lasing. Nakakapahamak lang. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo sa lapag tapos ay huminga ng malalim. Pilit pa akong ngumiti habang nakatingin sa sarili sa salamin bago marahang tumango.

“Okay, girl. Just act normal. You can do it!” bulong ko pa, pinapalakas ang sarili kong loob.

Mariin akong pumikit, pagkamulat ko ay tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto ng banyo. Pagkabukas ko naman doon ay nakita ko si Primo na hubad-baro pa rin. Prente siyang nakatayo sa harap ng banyo at nakasandal sa pader na siyang kinagulat ko.

“Papatayin mo ba ako sa gulat?” gulat na tanong ko kaya kumunot ang noo niya.

“What did I do?” walang ideya na tanong niya pabalik, napabuntong hininga na lang ako bago marahang umiling.

“W-Wala, nagulat lang talaga ako,” mahinang sagot ko.

“Nsa bedside table na ang breakfast natin. You can eat first. Susunod na lang ako pagkatapos kong gumayak. Or you can wait for me to finish and we’ll eat together,” sabi niya, pilit naman akong ngumiti bago tumango.

“Thanks,” sagot ko.

Tumango na lang din siya bago naglakad papasok sa banyo. Nang maisara na niya ang pinto ay parang saka lang ako nakahinga ng maluwag. Paano niya nagagawa na maging kalmado gayong para na akong lalamunin ng lupa sa hiya?

Napailing na lang ako at naglakad na papunta sa kama. Nakita ko naman agad ang pagkain na sinasabi niya. May dalawang plato sa may tray. Ang bawat plato ay may isang pirasong tinapay, sunny side up egg, bacon at prutas na saging. May dalawang mug din doon na may lamang tsaa.

Gusto ko sanang mauna nang kumain, pero baka isipin niya na umiiwas ako dahil sa nangyari kagabi. I mean, alam ko na natatandaan niya ang lahat. Hindi naman siya nalasing kagabi, eh.

“Don’t… leave…”

Napatakip ako sa bibig ko at muling nakaramdam ng hiya nang maalala ang huli kong sinabi sa kanya. Gusto kong magsisisgaw ngayon.

Gaga ka, Aliyah! Nakakaloka ka!

Mga twenty minutes siguro ang tinagal ni Primo sa banyo. At sa twenty minutes na iyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang manlumo, pagalitan ang sarili ko sa utak ko, pasikretong sumigaw dala ng hiya at kung ano-ano pang bagay na kung makikita ng iba ay iisipin nilang baliw ako.

O baka naman sadyang nababaliw na talaga ako.

Nang marinig ko naman na magbukas na ang pinto ng banyo ay umupo ako ng maayos sa gilid ng kama. Bihis na rin si Primo. Tapos ay pilit pa akong ngumiti sa kanya.

“Let’s eat?” pag-aya ko.

“Yeah, sure. I’m a bit hungry,” sagot niya.

Naglakad siya papalapit sa akin kaya natigilan ako. Sa pagdaan kasi niya sa harap ko ay naamoy ko ang mabagong samyo ng katawan niya, kahalo ng amoy na iyon ang mabangong sabon na ginamit niya sa pagligo.

Dahil sa naamoy kong bango niya, pakiramdam ko ay nanghina at nanlambot ang mga tuhod ko. Pero mabilis naman akong umiling para iwaksi ang kahit na anong bagay tungkol sa kanya sa isip ko.

Tapos ay siya na ang kumuha ng tray at muling naglakad papunta sa sofa sa hotel room namin, inilapag din niya sa lamesita ang tray pagkatapos no’n. Hindi naman na ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya para makakain na rin.

“You’re quiet,” aniya. It was not a question, it’s a statement. Teka, may napansin na ba siya? Ano ang sasabihin ko? Baka dahil sa usapang ito ay maging topic bigla ang mga nangyari kagabi. That can’t happen!

“I’m still a bit sleepy,” mahinang sagot ko. “I mean, nakakapagtaka. For the first time since college days, nagkaroon ako ng more than eight hours na tulog, pero parang inaantok pa rin ako,” dagdag ko at pilit pang tumawa.

“That’s because you got drunk last night,” aniya.

Muntik na akong maubo dahil sa narinig. It’s true after all, that the less we talk, the fewer mistakes we make. Bakit ba kasi dinagdag ko pa ang haba ng tulog ko mula college?

“I… wasn’t drunk. Medyo nahilo lang. But I was perfectly fine!” agad na sagot ko naman.

“You mean to say, you remember everything?” tanong niya, tapos ang tinging binigay niya sa akin ay nanunukat. Napabuntong hininga naman ako dahil doon.

“Fine,” pagsuko ko. “I got drunk. Nahihiya lang ako kasi isang baso lang naman ang ininom ko tapos nalasing pa ako.”

“Why do you keep on making excuses?” mababa ang boses na tanong niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

“H-Hindi! Nahihiya lang talaga ako dahil doon. Wala nga akong maalala sa mga nangyari, eh. Hindi ko na rin halos matandaan kung paano ako nakabalik dito—”

“You’re not a good liar, Your Honor,” aniya at ngumisi pa sa akin. “Alam kong natatandaan mo ang lahat. Last night, I told you that I like you, and you asked me to keep on liking you. Just you. Hindi mo kailangang mahiya dahil doon. Totoo ang sinabi ko, at wala rin akong balak na magkagusto sa iba. Now, stop acting like someone who committed a serious crime. It won’t work on me,” mahabang dagdag pa niya.

Hindi ko naman alam kung paano magre-react. Ano ba ang dapat na isagot doon? Hindi ko talaga alam!

“I want a serious relationship with you, but at the same time, I don’t want to pressure you to do things you’re not ready yet. Let’s take things slow, Your Honor. Kilalanin natin ang isa’t isa at tignan natin kung saan tayo nito dadalhin. Any objection?” aniya.

“N-No, Attorney…”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gemma Denolong Dulce
bkt di na scroll eh n rad kina to
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status