“Pero hindi ko talaga in-expect na magiging kaibigan ko si Aliyah,” pagkukuwento ni Luna habang umiinom kami. “I mean, kilala ko siya. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya, hindi ba? Sa Lakehouse noon, hindi ko siya agad na nilapitan kasi mukha talaga siyang masungit. Pero nang makaharap ko na sila sa mesa, grabe lang!” aniya at napa-iling pa. “Masungit naman talaga siya,” ani Primo kaya natawa ang lahat, ako ay napanguso na lang. “Baka sa ’yo lang, Attorney,” natatawang saad naman ni Luna. “Hindi ko sinasabi ito dahil sinama niyo ako rito, ah? Pero siya iyong may napatunayan na sa buhay na hindi mo makikitaan ng yabang,” nakangiting dagdag pa niya. “Unang tingin ko sa kanya, mukhang mabait. Ang amo ng mukha, eh. Mukhang hindi marunong magalit,” wika naman ni Luigi kaya mahina akong natawa. “Iba-iba naman talaga ang first impression natin sa mga tao. Kung hindi natin sila makikilala at makakasama talaga ay hindi natin malalaman
Ang sarap ng naging tulog ko nang gabing iyon. Ang ideya na kami na talaga ni Primo, tapos ay yakap niya ako magdamag ay nagdulot ng kakaibang tuwa sa akin at katahimikan sa isip ko. Nagising naman ako nang sumunod na umaga na wala na siya sa tabi ko. When I took a glance at the wall clock, I saw that it’s already eight in the morning. Kaya naman nagpahinga lang ako saglit habang parang baliw na nakangiti at nakatitig sa kisame bago nagpasyang tumayo at maghilamos na sa banyo. Pagkatapos ay nagpasya na akong lumabas. Naabutan ko sina Luigi at Luna sa kusina, abala sila sa paghahanda ng agahan. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sila. “Good morning,” nakangiting bati ko. “Mukhang good nga ang morning mo, bes. Lawak ng ngiti, eh! Pinaligaya ka ba ni Attorney kagabi?” makahulugang tanong ni Luna kaya napangiwi ako, si Luigi naman ay mahinang natawa. “Hindi ba puwedeng napasarap lang ang tulog k
Pagkababa namin ng jetski ni Primo ay nakangiti at magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin. Mas nauna kasi silang nakarating sa katabing isla na ito at kasalukuyang nasa isang kubo para sumilong habang hinihintay nila kami. “Ang bilis nila nakarating dito. Ang bilis mo na nga magpatakbo pero nauna pa rin sila,” pabulong na saad ko kaya mahina siyang natawa. “Busy ka kasi sa pagyakap at pag-tiyansing sa akin kaya hindi mo nakita na halos lumipad na ang jetski nila,” may halong kalokohan naman na sagot niya kaya mahina na lang din akong natawa. “Kunware ka pa, eh gustong-gusto mo naman na niyayakap kita!” wika ko. “Basta ikaw ang yayakap, kahit hindi ka na bumitaw pa,” sagot ulit niya kaya nakaramdam na naman ako ng kakaibang kilig. Bago kami makalapit sa mga kaibigan namin ay tumayo na rin naman sila para salubungin kami. “This way,” nakangiting sabi pa ni Luigi at igini
“Ah! This is paradise! Ang sarap sigurong tumira dito!” ani Luna habang nakatambay kami sa public cottages at umiinom ng buko juice. “Hindi rin,” ani Luigi. “Masaya pumasyal dito, pero kapag dito ka nakatira, magsasawa ka rin. Nakaka-miss din ang mga puwedeng gawin sa city,” dagdag pa niya, napatango naman ako dahil doon. “Kung sabagay, kayo kasi dito na lumaki,” wika naman ni Luna. Nagkuwentuhan pa sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig. Minsan ay napapalingon ako kay Primo, pansin ko naman na hindi maalis ang ngiti sa labi niya at hindi ko alam kung bakit. Am I also making him happy? Kasi ako sobrang saya ko. Gano’n din ba ang nararamdaman niya? I honestly want to know his thoughts about us… about our relationship. Hindi ko naman alam kung paano. He’s kind of hard to read. Hindi naman siya uptight na tao, at kapag nagtanong ako ay sinasagot naman niya. Pero nakakahiya namang itanong sa harap ng mga kaibigan namin
The whole day was tiring. Ang dami kasi naming ginawa at sinubukan. They also bought a lot of souvenirs. Ako rin ay bumili ng mga t-shirt para kina Lyn at sa pamilya ko. Although, I’m not just quite sure if they still need them because they’ve been to Pangasinan a couple of times already. Sinubukan din naming mag-snorkeling, and when we got back to Isla Amara, we tried fishing. Iyong mga nahuli naming isda ang niluto namin kinagabihan para sa dinner. Ngayon naman ay nagbo-bonfire ulit kami at umiinom. As usual, they just gave me a drink with a little to no alcohol percentage, while they’re drinking bourbon. “Dahil nakakapagod ang araw na ito sa dami nating ginawa, ang sarap uminom. Ang sarap din niyan matulong mamaya,” nakangiting wika ni Luna. “Tapos bukas back to work na. I honestly want to stay here more. Ang kaso ang dami pang naiwang trabaho na kailangang balikan,” sabi naman ni Attorney Marcus. “Wala, eh! Hindi na
“Take a rest now, love. Pupuntahan kita mamaya rito, okay?” ani Primo pagkaparada niya ng sasakyan sa harap ng bahay namin. Bahagya naman akong napanguso kasi parang hindi ko pa siya gustong pakawalan. Nothing happened last night. Natulog lang kaming magkayakap, at nagising na magkayakap pa rin. We had our breakfast, stayed for a bit more at tapos ay nagpasya kaming mag-lunch sa bahay nila Luigi kasama sina Nanang at Tatang. Tapos ay nagpahinga lang saglit at nagpasya nang umuwi. Alas kuwatro na ng hapon nang makarating kami rito sa bahay, si Luna naman ay hinatid na ni Attorney Marcus. “Why?” malambing na tanong ni Primo nang mapansing nakanguso ako at hindi pa bumababa sa sasakyan niya, mahina pa siyang natawa na parang nababasa ang nasa isip ko. “H-Hindi ka ba puwedeng mag-stay rito kahit… saglit lang?” mahinang tanong ko. “I would love to. Pero marami pa kasi akong kailangang gawin sa firm, by seven or e
“Hindi ka ba sasabay sa aming mag-dinner, anak?” tanong ni Mama sa akin. Kasalukuyan kaming nasa hapag nina Dad, at silang dalawa lang ang kumakain. Alas seis na ng gabi, ang akala ko ay kaninang alas cinco ako pupuntahan ni Primo rito pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nag-text naman ako sa kanya kaninang pagkagising ko, at nagsabi rin naman siya na baka medyo ma-late daw siya. “Baka sabay na po kami ni Primo,” sagot ko naman, ngumiti si Mama bago marahang tumango. “Alright, then,” aniya. “Naging kayo ba habang nasa Isla Amara kayo?” tanong ni Dad, tumango naman ako. “Opo,” “Pero may article akong nabasa na sinabi niyong engage na kayo noong dumalo kayo ng business conference sa Lakehouse,” sabi pa ni Dad. “Uhm, nandoon po kasi si Jeric noon, kaya gano’n ang pinalabas namin,” paliwanag ko. “Jeric Ignacio?” tanong niya, tumango naman ako ulit. “Yes,
Pagkatapos kumain ng dinner ay nagpahinga pa kami ro’n kasama si Attorney Marcus habang nagkukuwetuhan. Mamayang konti pa naman daw kasi ang lakad nila. Sa totoo lang ay hindi na ako makapaghintay na maka-uwi kami ni Primo. Hindi ko alam kung sa bahay ba o sa condo niya. Pero ayos lang kahit na saan. Basta gusto ko na kasama ko siya at excited na ako na mag-cuddle kami. “Aliyah?” sabay-sabay kaming napalingon nang marinig iyon. Bahagya pa akong nagulat nang makita si James Reynolds. Iyong Fil-Am na isa sa mga naging ex ko. “James,” gulat na wika ko. Bahagya pa akong napalingon kay Primo at napangiwi nang makitang tinaasan niya ng isang kilay si James kahit na wala pa itong ginagawa. “How have you been?” nakangiting tanong ni James na halatang masayang makita ako. “Never been better,” sagot ko. “Why are you here?” “I’m one of the shareholders of Lim Mobiles,” aniya na ang tinutukoy ay ang telco c