Share

Chapter 25

Pagkababa namin ng jetski ni Primo ay nakangiti at magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin. Mas nauna kasi silang nakarating sa katabing isla na ito at kasalukuyang nasa isang kubo para sumilong habang hinihintay nila kami.

“Ang bilis nila nakarating dito. Ang bilis mo na nga magpatakbo pero nauna pa rin sila,” pabulong na saad ko kaya mahina siyang natawa.

“Busy ka kasi sa pagyakap at pag-tiyansing sa akin kaya hindi mo nakita na halos lumipad na ang jetski nila,” may halong kalokohan naman na sagot niya kaya mahina na lang din akong natawa.

“Kunware ka pa, eh gustong-gusto mo naman na niyayakap kita!” wika ko.

“Basta ikaw ang yayakap, kahit hindi ka na bumitaw pa,” sagot ulit niya kaya nakaramdam na naman ako ng kakaibang kilig.

Bago kami makalapit sa mga kaibigan namin ay tumayo na rin naman sila para salubungin kami.

“This way,” nakangiting sabi pa ni Luigi at igini
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status