Share

Chapter 23

“Pero hindi ko talaga in-expect na magiging kaibigan ko si Aliyah,” pagkukuwento ni Luna habang umiinom kami. “I mean, kilala ko siya. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya, hindi ba? Sa Lakehouse noon, hindi ko siya agad na nilapitan kasi mukha talaga siyang masungit. Pero nang makaharap ko na sila sa mesa, grabe lang!” aniya at napa-iling pa.

“Masungit naman talaga siya,” ani Primo kaya natawa ang lahat, ako ay napanguso na lang.

“Baka sa ’yo lang, Attorney,” natatawang saad naman ni Luna. “Hindi ko sinasabi ito dahil sinama niyo ako rito, ah? Pero siya iyong may napatunayan na sa buhay na hindi mo makikitaan ng yabang,” nakangiting dagdag pa niya.

“Unang tingin ko sa kanya, mukhang mabait. Ang amo ng mukha, eh. Mukhang hindi marunong magalit,” wika naman ni Luigi kaya mahina akong natawa.

“Iba-iba naman talaga ang first impression natin sa mga tao. Kung hindi natin sila makikilala at makakasama talaga ay hindi natin malalaman
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status