Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo habang yakap- yakap ni Aya. Kanina pa din siya nito sinasabihan na okay lang at huwag na siyang umiyak ngunit hindi niya mapigil ang kanyang luha.Lalo pa siyang napaiyak nang makita niya ang picture nitong nakasabit sa dingding katabi ng kanyang Tito. Isang dekada na nang huli niyang masilayan at makita ang mukha nito.Miss na miss na niya ito, ang tawa nito ang bonding nila at higit sa lahat ay ang pag- aalaga nito sa kanya."Huwag ka ng umiyak, Jazz." Sabi ni Aya habang hinihimas nito ang likod niya. Agad naman siyang umayos ng upo at nagpunas ng kanyang luha. Inabutan naman siya ni Vin ng tissue na naka- box at hindi niya alam kung saan nito iyon kinuha.Pero dahil nga umiiyak siya ay kinuha na lamang niya iyon isa pa ay nag- uumpisa na rin namang tumulo sipon niya.Kumuha siya ng tissue at suminga sa harap nila, wala na siyang pakialam kung mandiri pa ang mga ito sa kanya.Bigla namang napatawa si Aya."Grabe ka Jazz. Ang tanda
Read more