Home / Romance / Billionaire's Unwanted Wife / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Billionaire's Unwanted Wife: Kabanata 31 - Kabanata 40

72 Kabanata

Chapter 31

Hindi pa ako makatulog sa gabing 'yon kaya naman nag-phone na lang ako. Maraming message sa akin ang mga kaibigan ko but I chose to ignore it that time. Wala ako sa mood na makipag-usap ngayon dahil alam kong kinukumusta nila ako sa mga nangyayari..Tama nga rin si Daddy dahil may mga page at website na nag-post about sa eksena kanina sa restaurant. Nakabasa rin ako na nakaulat doon na kabet nga raw ako ni Mr. Reyes. Tinignan ko naman ang mga comments doon at may iilan akong nakita na galit na galit sa akin dahil naninira raw ako ng pamilya. May mga comments din naman doon na pinagtatanggol ako. Maraming hate comments ang nabasa ko at talagang nadamay ang company namin. Hindi ko tuloy alam kung malaki ba ang naging epekto nito kahit isang araw pa lang ang lumilipas sa mga nangyari. Hindi ko rin alam sa karamihan kung bakit naniniwala sila kaagad sa mga balitang nababasa nila kahit na wala naman silang sapat na ibidensya.Habang nagi-scroll naman ako sa phone ko ay lumabas ang name ni
Magbasa pa

Chapter 32

Kinabukasan pagkagising ko ay nagulat ako nang naroon sila Daddy at Mommy sa bahay kahit medyo late na. Kadalasan kasi ay before seven pm ay wala na sila rito sa bahay."Good morning, sweetie!" bati sa akin ni Daddy.Nasa veranda siya ng bahay habang tinatanaw niya si Mommy na tahimik na nagdidilig ng mga halaman niya sa garden."Morning, Dad!" bati ko naman pabalik.Tinanaw ko si Mommy at nakita kong nakatingin siya sa amin at kumaway ito kaya naman kumaway na lang din ako pabalik sa kaniya habang nakangiti."Are you ready?" tanong sa akin ni Daddy.Napakunot naman ang noo ko pagkatapos ay tumayo ng maayos doon bago magsalita."Ready for what?" tanong ko.May trabaho ako ngayon pero mamaya pa ang pasok ko sa opisina ko dahil bibisita ako sa isang site, hindi kalayuan sa city namin."The Presscon will be held later. Hindi ko nga pala nasabi sa'yo kaagad kagabi," sabi ni Daddy.Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat. Alam kong nagpatawag si Daddy para sa Presscon pero hindi ko al
Magbasa pa

Chapter 33

Tahimik akong sumakay sa sasakyan ni Cristiano. Aamba pa nga siyang lalabas kanina para pagbuksan ako pero inunahan ko na sila."I'll take care of her," sabi ni Cristiano bago kami tuluyang umalis doon.Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na nakikita siya kung nasaan ako. Humugot ako ng malalim na hininga at isinuot sa akin ang seatbelt ko. "You should always check your car first before using it," sabi ni Cristiano.Napatingin naman ako sa kaniya habang diretsyo ang tingin niya sa daan. Tumikhim ako bago magsalita."I checked it naman kanina at maayos naman bago ko gamitin," sagot ko."Well, that's good but, hindi natin maiiwasan talaga na masiraan ng sasakyan," sabi niya kaya napatango naman ako.Hindi na ako nagsalita pa at nanahimik na lang doon pero muli siyang nagsalita."Kumusta ka pala? Nabalitaan ko sa mga kapatid ko na pinagkaguluhan ka raw ng media sa labas no'ng isang araw?" pagtatanong niya."Yeah, hindi ko rin expected 'yon. Good thing I have bodyguards na," sagot ko naman
Magbasa pa

Chapter 34

"You guys should stop saying that. Hindi kami ni Cristiano," paglilinaw ko sa kanila. Mabilisang make up lang ang ginawa sa akin doon at simpleng damit lang ang sinuot ko. Wala si Mommy sa room kung nasaan ako at alam kong hanggang ngayon ay magkasama pa rin silang dalawa ni Cristiano sa labas. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila kaya naman atat na atat na akong makalabas doon kahit wala akong kasiguraduhan na malalaman ko kung ano 'yon. Ilang sandali pa ay dumating na si Janeth para tawagin ako dahil magsisimula na raw ang press conference. Nang marinig ko 'yon ay doon pa lang ako nagsimulang kabahan dahil first time ko 'yon. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman 'yon matagal kaya 'yon na lang ang pinaghahawakan ko. Basta ay once na malinis ko ang pangalan ko ay ayos na 'yon sa akin. Lumabas ako ng room at naabutan ko si Mommy roon na hindi na kasama si Cristiano kaya bahagya kong iginala ang mga mata ko para hanapin siya kaya lang ay nagtanong na kaagad sa akin si Mommy.
Magbasa pa

Chapter 35

Kabado pa rin ako kahit patapos na ang interview roon lalo na nang napunta na 'yon about sa love life namin ni Cristiano. May part sa akin na gustong matanong kami tungkol doon dahil kahit ako ay curious sa love life niya. "Are you single now Mr. Cristiano?" tanong ng isang interviewer roon. Nanatili naman akong nakatingin sa kanila sa harapan at inihahanda ang sarili sa maririnig na sagot mula kay Cristiano. Napangiti rin naman ako nang maalala ko ang sinabi nila Liam at Lucas sa akin na matagal na nga raw sila ng girlfriend niya. Sigurado rin naman ako kilala nila ang babae at ayaw lang nilang ipakilala sa akin dahil tingin pa rin nila ay may gusto pa rin ako kay Cristiano hanggang ngayon. "Yes," tipid na sagot naman ni Cristiano. Ang ngiti sa mga labi ko ay unti-unting nawala nang marinig ko 'yon mula sa kaniya kaya naman gulat akong napatingin sa kaniya. Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay napatingin din siya sa akin habang nakakunot ang noo. Bahagyang nanlaki ang mga ma
Magbasa pa

Chapter 36

Sandali namang tumahik doon kaya tahimik ko ring pinagpatuloy ang pagkain ko roon. "It's alright, Hijo. You're not forced to tell your story. I'm just curious!" natatawang sabi naman ni Mommy roon. "No, Tita. Ayos lang po. I'm about to share about that kila Mom and Dad," sagot naman ni Cristiano. "Yeah! Hindi rin namin alam ang dahilan. Family rin naman natin sila Cristiano kaya ayos lang naman siguro kung malalaman nila, right?" sunod-sunod na sabi naman ni Tita Lisette roon. Napahugot naman ako nang malalim na hininga at inilapag ang hawak kong tinidor bago magsalita. "No. I'm sorry, Tita but I don't agree with that po. Ayos lang Crisitiano. Hindi naman namin kailangan marinig 'yon. It's your right to have a privacy," sabat ko sa usapan doon. "Yes, Lily is right. Sa inyo na lang siguro ng family kung hindi ka comfortable na marinig din namin 'yon," dagdag naman ni Ate Sabrina. Napatango ako nakahinga nang maluwag dahil tinulungan ako roon ni Ate. "It's okay, Lily and Sabrina
Magbasa pa

Chapter 37

I went outside of that room. Nasa itaas kami kaya hindi ako makababa kaagad. Naglakad lang ako ng mabilis doon kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kusa na lang ako dinala ng mga paa ko sa outdoor ng restaurant sa hotel na 'yon. Walang masyadong kumakain doon dahil masyadong mahangin at malamig. Tumama ang malakas na hangin sa mukha ko at ninamnam ko ang sariwang hangin habang nakapikit. Habang tumatagal ay pakiramdam ko mas nagiging komplikado ang buhay ko. Una, naka-one night stand ko si Cristiano without knowing na siya ang Kuya ng matatalik kong mga kaibigan, pangalawa ay muntikan na akong pagsamantalahan ni Mr. Reyes at nagkaroon pa ako ng issure na mistress niya ako. Ngayon naman ay si Liam na biglaang nag-confess sa akin at sa harapan pa ng mga magulang namin. Ilang sandali akong nanatili roon habang nakapikit at nag-isip kung ano ba ang una kong aayusin. Nakita kong sincere si Liam sa mga sinabi niya roon kanina. Hindi ko alam na sa sobrang tagal naming magkakaibiga
Magbasa pa

Chapter 38

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Cristiano. Pakiramdam ko ay isang panaginip lang ang sabihan ka ng isang tulad niya na maganda ka. Hindi ko tuloy alam kung tama bang kiligin ako sa kaniya sa mga puntong 'yon dahil sa dami ng problema ang mayroon ako. "Nasanay lang siguro si Liam na ako ang laging kasama. Nabigla lang siya," sabi ko naman. Hiyang-hiya ako ngayon lalo na nang maalala ko kung paano umamin si Liam sa harapan ng mga magulang namin at kung paano ko siya takbuhan kanina sa harap nila Cristiano dahil hindi ko alam ang magiging sagot ko roon. Nabigla lang din ako sa mga pangyayari. Bahagya namang natawa na naman si Cristiano kaya kunot noo ko siyang tinignan. Napatingin din ako kung paano siya ka effortless mag-drive habang chill lang siyang nakasandal sa driver seat at diretsyo ang tingin sa daan. Umiling siya bago magsalita. "My two brothers are fighting because of you. Nag-confess din ba sa'yo si Lucas?" tanong niya. Mabilis naman akong um
Magbasa pa

Chapter 39

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong may isang bottle pa roon ng Chateau Margaux wine. Naalala kong regalo sa akin 'yon ni Marcus at talagang hindi ko iniinom dahil medyo expensive 'yon. Ngayon ay mabubuksan at maiinom ko na dahil nakakahiya naman kung ordinary wine lang ang ipapainom ko isang Cristianous Smith. "You saved me tonight," bulong ko sa wine. Sa sobrang gaan sa pakiramdam ay niyakap ko pa 'yon pero nang maalala kong kasama ko nga pala si Cristiano sa condo ay nagsimula na namang kumalabog ang puso ko. Humugot ako nang malalim na hininga bago kumuha ng dalawang wine glass doon at tuluyang bumalik sa sala kung saan ko iniwanan si Cristiano. Nang makita kong tahimik lang na naka-upo si Cristiano sa sofa kung saan ko siya iniwanan kanina ay naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakahilig ang likod niya roon habang ang isang hita niya ay nakapatong sa tuhod niya. Wala siyang ibang ginagawa roon at parang nakatungo lang siya na para bang may malalim na iniisip. "I'
Magbasa pa

Chapter 40

"Alright, Lily. Let's not talk about it. Gusto kong mapahinga ang isip ko kahit ngayong gabi lang," sabi sa akin ni Cristiano. Napatango-tango naman ako roon at muling nagsalin ng wine sa glass ko. Bigla rin akong nahiya dahil baka ayaw niya nga talagang pag-usapan 'yon at in-open ko pa ang topic tungkol doon. "I'm sorry kung nagbigay pa ako ng opinion, pero tama ka. 'Wag na nga natin pag-usapan 'yon. We're here to relax and chill," sagot ko naman sa kaniya. Hindi siya nagsalita kaya muli akong uminom ng wine. Ngayon ko lang din na-realize na masarap nga ang niregalo sa aking wine ni Marcus. Kapag nagkita nga kami ulit ay ire-request ko sa kaniya na bilhan niya ako ulit ng gan'on. "It's alright, Lily. Nagtanong din naman ako about sa love life mo kaya ayos lang na napag-usapan natin ang sa akin," sabi ni Cristiano. Lumapit naman siya sa lamesa at nagsalin ng wine sa glass niya kaya pinanood ko lang siya habang nag-iisip kung ano ang pwedeng maging bagong topic namin. Hind ko nama
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status