Home / Romance / Billionaire's Unwanted Wife / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Billionaire's Unwanted Wife: Kabanata 21 - Kabanata 30

72 Kabanata

Chapter 21

"How are you, Architect? Nag-alala ako sa'yo kanina," tanong sa akin ng medyo matandang babae na kaibigan ni Mommy."I'm alright, Ma'am. Pagod lang siguro from yesterday's work," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Naku! You should get some rest sometimes. 'Wag puro trabaho, magpahinga ka rin. Health is more important," paalala nito sa akin."Ewan ko ba naman sa anak kong 'yan. Masyadong masipag at kahit weekends ay imbis na magpahinga na lang, nagtatrabaho pa!" gatong naman ni Mommy roon.Natawa na lang ako at napailing dahil ako na ang naging topic nila. Nang makaluwag-luwag ako ay nagpaalam ako na pupuntahan ko ang ibang mga katrabaho at kaibigan ko na dumalo roon.Nakita ko sila Wendy kanina kaya lang ay sa sobrang daming tao roon ay nawala na sila sa paningin ko. Ang mga kakilala kong engineer at architect na nakita ko roon ay inisa-isa kong kumustahin kaya lang ako ang kinakumusta nila dahil nakita raw nila ang nangyari sa akin kanina.May hawak akong wine habang nakiki
Magbasa pa

Chapter 22

"Hey," tawag niya sa akin.Nang maramdaman kong mas papalapit siya sa akin ay mas lumayo naman ako sa kaniya. Nahihiya ako ngayon dahil tuluyan kong hindi napigil ang mga luha na lumabas sa mga mata ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko at kahit na ano'ng pilit kong pakalmahin ang sarili ko roon ay hindi ko na magawa pa."Are you crying?" tanong niya, na para bang hindi nakikita ang paghikbi ko."L-Leave me alone. P-Please!" paki-usap kong muli sa kaniya.Tuluyan na ngang nabasag ang boses ko roon kaya naman halos mapapikit ako ng mariin."Why are you crying?" tanong niya at bakas doon ang pag-alala.Nang makahugot ako ng lakas ng loob ay umayos ako ng tayo at agad na pinalis ang mga luha ko. Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos ay naglakad palapit sa isang bench para roon maupo. Medyo kalmado na rin ako at hindi na masyadong marami ang luha na lumalabas sa mga mata ko. "I'm gonna ask you one more question. Why are you crying?" pag-uulit niya sa tanong niya kan
Magbasa pa

Chapter 23

Ganoon lang nangyari sa buong party. Nag-inom lang kami roon kasama ang mga dating kaibigan. Sumama rin ang grupo ni Marcus sa amin dahil magkakaibigan naman kaming lahat doon. Kahit nagkakasiyahan kami roon ay limitado pa rin ang pag-inom ko. Pakiramdam ko kasi ay may mangyayari na namang hindi maganda kapag nagpakalasing ako sa gabing 'yon. "Shot mo," sabi sa akin ni Marcus. Napatingin naman ako sa hawak niyang baso na may laman na alak. Hard drinks na ang iniinom nila ngayon at nasa isang lamesa lang kaming lahat. Napailing naman ako at inilayo ang kamay niya sa harap ko. "Wow. Tumatanggi ka na ngayon?" tanong niya pagkatapos ay natawa. "Mukhang nagbago na nga talaga siya," sabi naman ni Liam na nasa tabi ko rin. Nakagitna ako sa kanilang dalawa ni Marcus ngayon at abala ang mga kaibigan namin sa pagkukwentuhan. Halos kompleto nga sana kami roon kaya lang ay wala kasi si Stella at Caroline. "Yeah. Baka pinagbawalan ng boyfriend niya na 'wag uminom ng marami ngayong gabi," sag
Magbasa pa

Chapter 24

Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin ni Cristiano at umalis na lang din ako roon para makapunta sa sasakyan ko. Nahanap ko naman na ang susi ko kaya dumiretsyo ako sa kotse ko nang makita ko ito roon na naka-park. Hindi na ako nagpaalam pa kila Mommy at Daddy dahil tulad nga ng sabi ni Mr. Reyes ay sandali lang naman daw 'yon. Kung sakali rin na hanapin nila ako ay may isa namang nakakaalam at si Cristiano 'yon.Nag-drive lang ako papunta sa Hotel kung nasaan si Mr. Reyes, hindi kalayuan sa Hotel kung nasaan din kami. Ilang minuto rin naman ang lumipas hanggang sa nakarating ako roon."To Mr. Reyes," sabi ko sa receptionist nang dumating ako sa hotel.Nag-text na ako kay Mr. Reyes na nakarating na ako roon at lumipas na ang ilang minuto na paghihintay ko sa kaniya sa lobby kaya naman nagtanong na ako sa receptionist para tawagan ang room ni Mr. Reyes. Baka kasi nakatulog na siya sa paghihintay sa akin."Ma'am, Mr. Reyes asked me if you can go to his room because his foots hurts. He sa
Magbasa pa

Chapter 25

"Lily!"Parang kulog ang boses na umalingaw-ngaw sa loob ng hotel room ni Mr. Reyes doon. Gulat pa ako lalo na nang bumukas ang pintuan. Galing sa pag-inda ko sa sakit na natamo ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok doon.Tuluyan itong nakapasok doon at mabilis na naglakad palapit sa amin. Isang kurap ko lang ay tumilapon na si Mr. Reyes dahilan nang mas lalong paglaki ng mga mata ko. Wala pang ilang segundo ang lumipas ay nakahandusay na si Mr. Reyes at may bakas na rin ng dugo sa mukha niya.Nang tuluyan akong nakahugot muli ng lakas ay napatayo ako."Cristiano!" sigaw ko at agad na lumapit sa kaniya.Hindi niya tinigilan na suntukin si Mr. Reyes sa mukha kaya naman labis na lang ang takot at pag-aalala ko dahil baka kung ano pa ang magawa ni Cristiano kay Mr. Reyes."Stop!" pigil ko sa kaniya.Hinawakan ko ang braso ni Cristiano para patigilin siya at buong pwersa ko siyang inilayo roon. Mabilis ang paghinga niya at kita ko 'yon sa pagtaas at baba ng dibdi
Magbasa pa

Chapter 26

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon. Ang tanging naaalala ko lang ay nakatulog ako sa sofa habang binabantayan ako ng mga kaibigan ko. Pagkagising ko naman ay nasa kama na ako sa kwarto ko. Napalitan na rin ako ng damit at hula ko ay si Ate Sabrina ang gumawa no'n para sa akin.Gumalaw ako sa kama para makabangon na pero napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa katawan. Pakiramdam ko ay para akong nabugbog at hindi naman 'yon nalalayo sa nangyari sa akin kagabi dahil sa ginawa ni Mr. Reyes. Wala na akong takot na nararamdaman ngayon pero hindi pa ako sigurado kung tuluyan na nga bang nawala ang trauma sa akin.Pinilit kong bumangon sa kama ko at naligo ako kaagad. Nagbabad ako sa paliligo habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Kung hindi dumating si Cristiano kagabi at kung hindi ko naagaw ang key card kay Mr. Reyes para mabuksan ang pintuan kagabi ay baka mas malala nga ang nangyari sa akin.Wala akong kaalam-alam na mangyayari sa akin 'yon dahil sobrang laki ng
Magbasa pa

Chapter 27

"Are you sure it's okay if they'll interview you?" tanong sa akin ni Cristiano.Nasa garden kami ngayon at kaming dalawa lang ang naroon dahil sila Ate at ang tatlo ko pang mga kaibigan ay nauna nang umalis. May mga trabaho pa kasi silang naiwanan at talagang pumunta lang sila rito kanina ng maaga para ma-check kung ayos na ba ako."Yeah, wala namang problema. Isa pa, kailangan kong sagutin 'yon e," sagot ko naman pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.Napatango naman sa akin si Cristiano. Ang sabi niya ay may pupuntang mga police rito para mag-interview sa akin tungkol sa mga nangyari kagabi para umusad na ang kaso laban kay Mr. Reyes."You can say no if you don't want. We all know that you've been traumatized by what happened last night," sabi niya sa akin.Napailing naman ako dahil ayos lang talaga sa akin. Isa pa ay para na rin malinaw ko ang totoong nangyari. May nagpapakalat kasi ng maling balita na kabet ako ni Mr. Reyes kaya ako nagpunta sa hotel kung nasaan siya at alam kong
Magbasa pa

Chapter 28

Umalis ako ng bahay na may mas maraming iniisip. Hindi ko naman talaga kailangan ng bodyguard pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Gusto kong mainis at 'wag na lang pasamahin sa akin ang mga boduguards ko kaya lang ay wala na akong magawa dahil ayaw nila akong sundin sa gusto kong 'yon. Iyon daw kasi ang bilin sa kanila ni Daddy at susundin naman daw nila ang ibang gusto ko basta ay 'wag lang ang paalisin sila. Napapairap na lang ako ng patago at napapabuntonghininga. Papunta ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Stella. Gamit ko ang sasakyan ko at sa likuran ko naman ang sasakyan ng dalawa kong bodyguards. Ang gusto pa nga nila ay sila na ang mag-drive para sa akin pero hindi ako pumayag. Ang utos lang naman sa kanila ni Daddy ay bantayan ako at hindi i-pag-drive kaya naman wala silang nagawa roon. "Sa malayo na lang kayo. Ayokong may makakita na may bodyguards ako," bilin ko sa dalawa. "Sige po, Ma'am. Kami na po ang bahala" sagot naman sa akin ni Romel. "Papasok ako sa r
Magbasa pa

Chapter 29

"No! Nag-usap na rin kami na hindi na ulit kami magkikita at mag-uusap. He agreed with that kaya lang nangyari ang kagabi," pagkukwento ko kay Stella. Sinabi ko sa kaniya ang pagtulong sa akin ni Cristiano at tuwang-tuwa naman si Stella dahil pakiramdam niya raw ay may gusto sa akin si Cristiano. Hindi ko naman sinasakyan ang sinasabi niya dahil ayaw kong ma-attach sa lalaking 'yon. He's so kind to me at aminado ako na siya lang ang nakakagawa na pakiligin ako sa maliliit na bagay. Ayaw ko namang magtuloy 'yon dahil alam kong masasaktan lang ako. Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan ni Stella roon hanggang may dumating na isang grupo sa kabilang table kaya napatingin kami roon sandali pero iniwas ko kaagad ang tingin ko dahil mas nagtuon ako ng atensyon sa mga kwento sa akin ni Stella. "Kailangan na makapagkita na tayo nila Caroline ulit. Marami na siyang tsismis na namimiss," sabi ni Stella. Napatango naman ako dahil ilang event na rin ang na-miss ni Caroline na hindi kami ka
Magbasa pa

Chapter 30

"Why don't you just ask her personally? Nasa kabilang table lang naman siya," dagdag na sabi pa ni Regina. Wala pang ilang segundo ay dinumog na ang table namin kaya kumalabog ang puso ko roon. Hindi naman ako takot na tanungin tungkol doon, sadyang nagulat lang talaga ako dahil hindi ko expected ito. "Architect Scott, totoo ba ang sinasabi na mistress ka ni Mr. Reyes?" "Ano ba talagang ginawa mo sa hotel kung nasaan si Mr. Reyes?" "Totoo ba na pinagsamantalahan ka nito?" Hindi ko na alam ang mga iba nilang tanong dahil sunod-sunod ito. May nakatutok sa aking camera at mga phone. Si Romel at Benz naman ay pilit na pinapalayo ang mga ito sa akin at sinisiguro na hindi makadidikit ang mga ito sa akin. "Lily, you don't have to answer them," sabi naman sa akin ni Stella. Napatango naman ako kay Stella. Kahit may part sa akin na gusto nang magsalita roon ay hindi ko ginawa. Gusto kong linawin sa kanila ang lahat pero tingin ko ay hindi roon ang tamang lugar para sagutin ang mga tano
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status