Home / Romance / Billionaire's Unwanted Wife / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Billionaire's Unwanted Wife: Chapter 51 - Chapter 60

72 Chapters

Chapter 51

"So, what's your plan on your birthday? Sa house niyo lang talaga?" tanong ko kay Lucas.Magkasama na kami ngayon at sinundo niya ako sa condo. Pupunta raw kami sa isang designer na kakilala niya para mamili or magpagawa ng susuotin niya sa birthday niya."Yup. I invited all my friends and colleagues. Nag-invite rin sina Mom and Dad. I've been celebrating my birthdays outside before. Gusto ko sa house naman para maiba," sunod-sunod naman niyang paliwanag sa akin.Napatango naman ako dahil mas maganda nga kung sa bahay na lang nila ang party. Sobrang laki ng bahay nila at sigurado akong kasya lahat ang mga bisita niya roon. "Well, that's good idea. Are you gonna bring your girlfriend now?" natatawang tanong ko naman sa kaniya."What girlfriend are you talking about, Lily? Kahit nga fling ay wala ako," sagot niya habang natatawa rin.Bahagya lang naman akong napangisi at napatango sa kaniya. Gusto ko sana asarin si Lucas kay Stella pero may boyfriend na nga si Stella at baka hindi niya
Read more

Chapter 52

Napangiti ako habang tinitignan 'yon sa hindi kalayuan. Bigla akong na-excite na maipasuot ko ang mga gano'ng damit sa magiging anak ko kahit na wala pang gender ito. Alam kong hindi ito ang tamang araw para bumili ng mga gamit para sa baby dahil si Lucas ang kasama ko, pero hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit doon para lang magtingin muna.Halos mamangha ako sa maliliit na damit doon at napapangiti dahil nai-imagine kong suot na 'yon ng baby ko. Hinawakan ko ang maliit at kulay pink na damit. Kung babae man ang magiging anak ko ay sigurado akong bagay na bagay 'yon sa kaniya. Sigurado rin ako na tuwang-tuwa sina Mom and Dad dahil baby girl ang gusto nila ngayon na apo.Gusto ko nang umalis doon pero nate-tempt akong kuhanin 'yon dahil baka maubos na. Sigurado rin ako na wala na ang gano'ng design kapag nanganak na ako. "Lily! You're just here lang pala. Ano'ng ginagawa mo rito?" si Lucas na kararating lang doon.Halos mabitawan ko naman ang hawak ko dahil sa gulat at biglaan
Read more

Chapter 53

Dumating ang araw ng birthday ni Lucas. Mabuti na lang din ay dumating ang in-order ko sa ibang bansa na drone. Iyon ang birthday gift ko sa kaniya dahil bukod sa pagiging magaling na engineer ni Lucas ay mahilig din siyang mag-adventure. Nahirapan pa nga akong maghanap ng ireregalo sa kaniya dahil lahat naman yata ay nasa kaniya na except sa drone. Hapon hanggang gabi ang birthday ni Lucas at medyo na-late pa nga kami sa call time dahil sa pag-aayos naming tatlo nila Stella at Caroline."Liam! Where's the birthday boy?" tanong ko kay Liam pagkatapos kong bumeso sa kaniya."He's with his friends malapit sa swimming pool area. Ang ganda mo ah!" sagot at puri naman siya sa akin.Bahagya naman akong natawa at tinapik na lang siya sa balikat."Thanks! Ikaw rin. Puntahan ko lang muna si Lucas para ibigay 'tong presents ko sa kaniya," paalam ko naman.Tumango lang naman sa akin si Liam at kumaway dahil mukhang may pupuntahan din siya. Nagkasalubong lang kasi kami roon. Ang dalawa ko namang
Read more

Chapter 54

Agad akong napalunok dahil kita ko ang seryosong mukha niya. Well, ganito naman siya parati pero sobrang seryoso nito ngayon at mukhang ang hirap niyang kausapin. Wala akong nakikitang amo sa mukha niya kaya naman kahit nakakaramdam ako ng kaba ngayon ay hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na 'yon."I need to talk to you," sagot ko sa kaniya.Bahagyang napataas ang isa niyang kilay kaya nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko ba 'yon sisimulan!"What is it? Sabihin mo na kaagad dahil kailangan ko na magpahinga," sabi niya sa akin.Muli akong napalunok doon dahil may kakaiba sa kaniya ngayon. Bakit parang iba siyang makipag-usap sa akin ngayon? I feel something about his behavior tonight lalo na sa pakikipag-usap sa akin ngayon pa lang. Dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsabi sa kaniya ay kinuha ko na lang ang printed na ultra sounds ko sa bag ko. Nanginginig pa ang dalawa kong kamay habang kinukuha 'yon. Wala na akong pakialam kung pagod
Read more

Chapter 55

Parang kulog naman ang boses ni Tito Christian nang marinig namin 'yon. Agad namang lumapit si Lucas sa dalawang kapatid niya para awatin ang mga ito. Napahinto rin naman silang dalawa dahil naroon na nga ang mga magulang namin. Napapikit ako ng mariin doon dahil hindi sa ganitong sitwasyon ko gustong ipaalam sa kanila ang lahat pero bumulong lang sa akin si Ate roon para palakasin ang loob ko. Isinara ang pintuan doon at kaming pamilya na lang nga ang naroon. Kabado naman akong napatingin kina Mom and Dad na nagtatakha ang mga mukha roon habang tinitignan akong namumugto ang mga mata. "Bakit mo kami pinatawag, Lisette? At ano ang dapat nating pag-usapan? May problema ba?" sunod-sunod na tanong naman ni Daddy. "Good news or bad news?" tanong naman ni Mommy. "Both," sagot ni Tita. "Then let's start for good news," sabi naman ni Lucas doon na wala ring kaalam-alam. Napatingin sa akin si Tita Lisette at tumango sa akin na para bang sumenyas na ako na ang magsabi roon pero napailing
Read more

Chapter 56

Maraming prutas 'yon at bigla rin akong nagutom kahit maaga pa. Nakita ko namang walang epekto 'yon kay Janeth kaya kumuha ako at kumain din habang nagpipirma.Ilang saglit lang din ay tumunog naman ang phone ko kaya agad akong napatingin doon. Text lang siya pero si Liam ang may mensahe kaya agad kong binasa dahil baka importante.From Liam:I hope you like the fruits. Kainin mo lahat 'yan para healthy kayo ni baby.Napangiti naman ako dahil sa kaniya pala galing ang mga 'yon. Bigla ko tuloy naalala ang suggestion niya kagabi na siya na lang ang ipakasal sa akin at kuhanin ang responsibilidad na dapat si Cristiano ang gagawa. Ayaw kong mangyari 'yon dahil sigurado akong masasayang lang si Liam at ang pagkakaibigan naming dalawa kapag ipinakasal kami sa isa't-isa. I want him to be happy at hindi siya magiging masaya kapag ako ang naging asawa niya.I'd rather to suffer than to see him hurting because of me.To Liam:Received it. Thanks, Liam!Itinabi ko ang phone ko nang makapag-reply
Read more

Chapter 57

"Mauna ka nang sumakay sa elevator. Susunod na lang ako. Makikita mo naman ang mga bodyguards ko na naghihintay sa baba," sabi sa akin ni Cristiano. Nasa harapan na kami ng elevator ngayon at hinihintay ko lang huminto 'yon doon. Dalawang metro siguro ang layo niya sa akin at talagang hindi siya lumapit. Tipid naman akong ngumiti at tumango sa kaniya dahil mas mainam nga na hindi kami magkasama sa loob ng elevator. Nakakahiya kung doon pa ako masusuka at baka biglang kumalat na lang doon sa buong company na buntis ako. Nang bumukas ang elevator ay laking pasasalamat ko naman dahil walang ibang tao na sakay roon kaya mabilis na akong pumasok. Nagtama naman ang mga tingin namin ni Cristiano habang sumasara ang pintuan ng elevator. Kita ko ang seryosong mga tingin niya sa akin na para bang sobrang lalim ng iniisip niya. Naputol lang ang titigan naming dalawa nang tuluyang magsara ang pintuan. Tatlong minuto lang naman ang lumipas hanggang sa nakababa na ako sa parking area. May sumalu
Read more

Chapter 58

"Masasaktan mo lang ang babaeng pinakamamahal mo kapag nalaman niya ang tungkol dito. Kaya ko namang kausapin sina Dad and even your parents," sabi ko kay Cristiano."Sinaktan niya rin naman ako e. Isa pa, we can't convince our parents. Kilala ko si Dad and also your Dad, kaya nga sila nagkasundo sa matagal na panahon," sunod-sunod niyang paliwanag sa akin.Hindi ako nakapagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya pero gusto ko pa rin subukan. Malay namin ay this time pagbigyan nila kami."Naiitindihan mo naman siguro kung bakit ayaw kong ikasal tayong dalawa, right?" dadgdag pa niya.Napatango naman ako sa kaniya at napabuntong hininga roon."I don't want us to get married but I promise you that I can take care of you and our baby. Hindi ko kayo aabandonahin and I will support you in everything," pagpapatuloy niya."I agree with you and thank you for that, Cristiano. Magkakasundo naman tayo sa gan'yang bagay pero ang pinaka-problema lang natin sa ngayon ay ang mga magulang natin," su
Read more

Chapter 59

"Go! Spill the tea!" sabi ni Stella. Kanina pa nila ako kinukulit na sabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman pero hindi ko muna 'yon sinabi sa kanila hangga't hindi dumadating ang order naming apat. Nang ma-serve naman na ang lahat ng pagkain ay muli nila akong kinulit. "Can we eat first? Kahit dalawang subo lang. Kanina pa ako gutom e," sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagsabay na pag-irap ng dalawa kaya natawa na lang ako at sinimulan ang pagkain. Gano'n din naman ang ginawa nila at kaya ko 'yon binibitin na sabihin sa kanila ay nagdadalawang isip pa ako. Malalaman din naman nila ito sa mga susunod na araw o linggo kaya ayaw ko rin na patagalin pa. Tahimik lang naman silang tatlo roon habang kumakain at nakatingin sa akin na para bang hinihintay na magsalita akong muli. Itinawa ko naman ang kabang nararamdaman ko at humugot nang malalim na hininga bago tuluyang magsalita. "'Wag kayong magugulat, okay?" sabi ko sa kanila. "Oh come on, Lily. Hindi namin maipapanga
Read more

Chapter 60

"What are you trying to emphasize, Liam? Don't tell me that you're still insist on what you want?" tanong naman ni Tito Christian kay Liam. Nanatili lang naman kaming tahimik doon at nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Si Tito ay nanatiling nakatingin kay Liam na para bang naghihintay ng isasagot sa kaniya habang si Liam naman ay tamad na naka-upo. Nakatingin lang siya sa hawak niyang tinidor at hindi nagsalita. "Impossible ang gusto mong mangyari, Liam anak. Yeah, we're family but you're not involved here," sabi naman ni Tita Lisette. "Mom and Dad is right, Liam. Hindi porket mahal mo si Lily at ayaw siyang pakasalan ni Kuya ay hindi ibig sabihin pwede mo nang kuhanin ang responsibilidad na 'yon," si Lucas naman ang nagsalita ngayon. Natahimik naman sila sandali nang may mag-serve na ng pagkain sa amin kaya naman nagkatinginan lang kami ni Ate. Sina Mom and Dad naman ay abala ang mga mata sa mga pagkain na inilalagay sa lamesa. Nang makaalis naman ang mga service crew ay
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status