Tahimik akong umiinom doon at kung kakausapin ako ng mga kaibigan ni Trisha, kinakausap ko rin sila. Hindi sila awkward kasama dahil malakas ang sense of humor nila at natatawa rin ako sa mga biro nila. "Architect," bulong sa akin ni Trisha. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya ngayon at naiwan niya sa kabilang upuan ang boyfriend niyang si John. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. Hindi agad siya nagsalita at napatingin sa mga kaibigan namin na nagtatawanan doon. Hindi ako makasabay dahil natuon ang atensyon ko kay Trisha nang lumapit siya sa akin. "I'm sorry if I took John and his friends with us on our girls night out. Nagkataon lang na pumunta sila rito," paliwanag ni Trisha sa akin. Ngumisi ako at umiling dahil wala akong problema roon. Isa pa, ano ang silbi ng gabi naming mga mga babae kung hindi kami makihalubilo sa iba. "Oh come on, Trisha! It's fine. Isa pa masaya silang kasama," sabi ko pagkatapos ay nagkibit balikat. "Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Baka hindi
ปรับปรุงล่าสุด : 2023-03-06 อ่านเพิ่มเติม