"Are you alright?" tanong sa akin ni Saint nang makaalis kami sa dance floor.
Nakabalik na kami ngayon sa table namin at nakita kong naroon na rin si Marcus at Caroline kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
"Hey! Where have you been?" tanong naman kaagad sa akin ni Caroline nang makita niya kaming naroon na.
Humugot naman ako ng malalim na hininga bago siya sagutin.
"Sa dance floor," sagot ko pagkatapos ay kay Saint naman ako bumaling.
"I'm alright, Saint. Thank you. Ikaw ayos ka lang ba?" sagot at tanong ko naman sa kaniya.
"Yeah of course. Sa'yo ako nag-aalala. Nasaktan ka ba?" muling pagtatanong niya sa akin.
Napahugot akong muli ng hininga at napatango sa kaniya. Naupo sa bakanteng upuan doon habang ang mga kaibigan ko ay abala sa kani-kanilang ginagawa roon. Sumunod naman sa akin si Saint.
"Yeah don't worry about me, Saint. Ayos na ako. Lasing lang si Mike kaya gano'n ang naging reaksyon," sabi ko pagkatapos ay itinawa na lang ang inis na nararamdaman dahil sa nangyari.
"Halatang lasing na nga talaga siya. Baka puntahan ka pa niya rito at guluhin," sabi ni Saint at kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala kaya naman napailing ako.
"No. Hindi niya alam kung saan ang table namin. Isa pa nandito na rin naman ang mga kaibigan ko," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.
Hindi ko naman masisisi si Saint kung bakit siya ganoon na lang mag-alala para sa akin. Alam niya kasi ang past ko dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Sa lahat ng mga naging kaibigan kong lalaki rito sa ibang bansa ay sa kaniya lang ako nag-open up about sa past ko.
Hindi naman na rin nagtagal si Saint doon dahil kinailangan na niyang bumalik sa mga kaibigan niya. Nang makaalis naman siya ay agad akong nilapitan ni Caroline.
"Ang sweet niyo ha! Umamin ka nga. Kayo na ni Saint 'no?" mapaghinalang tanong sa akin ni Caroline.
Napatitig naman ako sandali sa kaniya at napaikot na lang ang dalawa kong mata dahil nagsisimula na naman siya. Nagsalin ako ng alak sa baso ko at padabog na naupo sa tabi ni Marcus.
"That guy is really getting into my nerves! How dare him to touch me like that?!" inis na sabi ko roon at wala ng pakialam pa sa mga titig sa akin ng mga kaibigan.
"Huh? Sino? Si Saint?" sunod-sunod namang tanong sa akin ni Caroline.
"It's probably Mike, right?" sabi naman ni Marcus kaya agad akong napalingon sa kaniya.
"You saw that?" tanong ko sa kaniya.
Napangisi naman si Marcus at napatango bilang sagot sa akin kaya naman napailing ako sa inis bago ko tuluyang ininom ang alak ko.
"Wait, what? Si Mike? What did he do?" tanong ni Caroline at agad na naupo sa tabi ko para malaman ang nangyari.
"He just grab my waist and kissed my neck!" pagrereklamo ko pagkatapos ay agad kong pinunasan ang leeg ko kung saan ako hinalikan ni Mike.
"He did that?! Baka naman namimiss ka na. Hindi ba kayo-"
"Of course not!" sagot ko kaagad dahil alam ko na kaagad ang tanong niya.
Never akong nakipagtalik sa mga lalaking dine-date ko. My first and my last is was husband at ilang taon na ang lumipas simula nang maranasan ko iyon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagra-rants sa kanila roon at hindi naman sila nagsawang makinig sa akin hanggang sa manahimik na lang ako dahil nakakaramdam na ako ng antok.
"Where's Stella na?" tanong ko nang ma-realize ko na wala pa sa table namin si Stella.
Sa pagiging abala ko sa pagra-rants ay muntikan ko nang makalimutan ang isang 'yon lalo na at ang iba naming mga kasama ay umuwi na rin. Napatingin ako kay Caroline at sa tatlo ko pang kasama na babae pero wasted na rin sila kaya naman halos mapasapo na lang ako sa noo ko.
"Do you guys bring your car?" tanong ko sa kanila.
"Nope. Sinabi sa amin ni Stella na 'wag na kaming magdala," sagot sa akin ni Kim pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
Napailing tuloy akong muli at napatingin kay Marcus. Alam kong may sasakyan siya at hindi ko pwedeng hayaan na lang ang mga lasing kong kaibigan.
"Ako na ang maghahatid kaya lang ay hindi tayo kasya lahat sa sasakyan ko," sabi kaagad sa akin ni Marcus.
Napatango naman ako.
"Yeah it's okay. Hindi naman ako lasing at ako na ang bahala maghanap kay Stella. You can go home guys," sabi ko sa kanila.
"Are you sure? Saan kayo sasakay? Hintayin niyo na lang ako at babalikan ko kayo," sabi naman ni Marcus pero napailing lang ako.
"Ako na ang bahala, Marcus. I have a lot of friends here. Nakalimutan mo na?" natatawang sabi ko sa kaniya.
Napatango lang naman si Marcus at hindi na ipinilit pa ang gutso niya dahil alam naman niya na never siyang mananalo sa akin. Hinatid ko sila sa labas dahil hindi naman kayang alalayan ni Marcus lahat ang mga kaibigan namin at nagpaalam na lang ako bago sila tuluyang makaalis doon.
Pabalik na ako sa loob nang may natanaw akong lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Medyo madilim doon pero kita ko naman ito. Naka-itim siya ng long sleeve at itim din na pantalon. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay itinapon niya ang sigarilyo niya at inapakan ito bago muling nakipagtitigan sa akin.
Pamilyar siya sa akin at inalala ko pang mabuti kung saan ko ba siya nakita at nakilala. Halos manlaki naman ang mga mata ko nang ma-realize ko kung sino ang lalaking iyon.
"A-Andrew?" tawag ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagngisi niya kaya naman halos kumalabog ang puso ko. Tumalikod ito at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng bar kaya naman nagmadali akong sundan ito. What the hell is he doing here? Kasama niya ba ang asawa ko?!
"Andrew!" muling pagtawag ko sa kaniya habang patuloy akong sumusunod sa kaniya.
Si Andrew ay kanang kamay ng asawa ko at ang alam ko ay sobrang close nila sa isa't-isa. Mas mukha pa ngang siya ang itinuturing nitong kapatid kaysa sa mga tunay niyang kapatid. Hinding-hindi ako magkakamali dahil kung nasaan ang asawa ko ay naroon din siya kaya naman hindi malabong nandito rin ang isang 'yon.
Hindi pa ako handa na makaharap ang lalaking iyon pero kung ito na lamang ang pagkakataon para masabi ko sa kaniya ang tungkol sa pagpapa-annul ko ng kasal naming dalawa ay gagawin ko.
Wala na akong pakialam sa mga taong nababangga ko dahil sa kakasunod kay Andrew. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko at nang maabutan ko siya sa isang VIP table ay nakita kong naroon si Stella.
"Stella?!" gulat na tanong ko at napatingin sa kaibigan na tulog na tulog doon.
Sinuyod ko ang buong table pero wala ng ibang tao pa ang naroon. Napatingin ako kay Andrew na tahimik lang na nakatayo roon. Sa kakahabol ko sa kaniya ay halos makalimutan ko na kailangan ko nga pa lang hanapin si Stella.
"She's already drunk when I saw her. Sumama siya sa akin dahil hindi niya raw kayo makita," paliwanag ni Andrew sa akin.
Napatango at gusto na lapitan si Stella kaya lang ay baka mawala sa paningin ko si Andrew kaya nanatili akong nakatayo roon at nag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin.
"Don't worry, I'm not gonna leave you guys here. May susundo ba sa inyo? Boyfriend niya?" sabi ni Andrew pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
Napailing naman ako dahil hindi ko kabisado ang sasakyan ni Stella. I can't drive her car well pero wala naman sigurong mangyayaring masama kung susubukan ko?
"Siya lang ang may dalang sasakyan but I can handle this," sagot ko kay Andrew pagkatapos ay humarap ako sa kaniya para masimulan ang pagtatanong ko sa kaniya.
"Alright then, ako na ang maghahatid sa place niyo. Nakainom ka na rin and I'm not gonna let you drive," sagot niya pagkatapos ay agad na lumapit kay Stella para buhatin ito.
Gusto kong umapila pero hindi ko rin talaga kayang buhatin si Stella roon dahil tulog na siya.
"What are you doing here?" tanong ko kaagad kay Andrew.
Tinignan lang naman niya ako at sandaling napangisi bago tuluyang binuhat si Stella.
"Let's go," sabi niya pagkatapos ay nagsimula nang maglakad, hindi pinansin ang tanong ko.
Parehas na parehas nga talaga sila ng best friend niya! Hanggang ngayon ay mukhang wala pa ring pagbabago.
"Are you with Cristiano?" tanong ko sa kaniya nang makalabas kami sa club.
May kaba akong nararamdaman at mas lalong kumabog ang dibdib ko nang huminto si Andrew at humarap sa akin nang nakangiti kaya naman pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Why? Do you miss your husband already?" mapaghinala at mapang-asar niyang tanong sa akin.
"Stop playing with me, Andrew. Kasama mo ba siya?" muling pagtatanong ko.
Bahagya lang naman siyang natawa at napailing bago muling sumagot sa akin.
"Sadly no. Katulad lang ng dati ay busy pa rin ang asawa mo," sagot niya sa akin pagkatapos ay nagkibit ng balikat at muli akong tinalikuran para ipagpatuloy ang paglalakad.
"I know he's always been busy but you can't lie to me. Alam kong magkasama kayong dalawa rito," sunod-sunod na sabi ko sa kaniya.
Hindi naman siya sumagot sa akin at nagpatuloy lang sa paglalakad kaya naman sinundan ko lang siya. Ilang sandali lang din ay huminto siya sa isang itim na sasakyan at nakita kong umilaw ito kaagad nang pindutin niya ang susi nito.
"Maniwala ka man o sa hindi, I'm not with Cristiano here. Naiwan siya sa Pilipinas, and why don't you come back and show yourself to him again? Nami-miss ka na ng boss ko," sunod-sunod niya ring sabi sa akin pagkatapos ay muling tumawa.
Agad akong nakaramdam ng inis dahil sa huling sinabi niya at kahit na gusto kong sumabog sa pagkainis ngayong gabi ay hindi ko magawa dahil siya ang maghahatid sa amin ni Stella.
"Can you give me your location? Para alam ko kung saan ko kayo ihahatid?" tanong niya nang makaalis na kami sa parking.
Tulog pa rin si Stella sa tabi ko at halos mapairap na lang ako kay Andrew dahil hindi naman niya ako nakikita. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang address ko dahil baka sabihin niya pa iyon sa boss niya! Antagal kong nagtago tapos malalaman niya lang kung nasaan ako nang gano'n-gano'n lang?! Sa bahay kami ni Stella nagpahatid at gising pa ang kapatid niya nang dumating kami roon.
"Thanks for driving us," sabi ko kay Andrew nang kaming dalawa na lang ang nasa sala ni Stella dahil dinala na siya ng kapatid niya sa kwarto niya.
"How about you? Ihahatid na rin kita sa place mo," sabi niya kaya naman agad akong napailing.
"No, thanks. Dito na ako magpapalipas ng gabi," sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ay sarkastiko akong ngumiti sa kaniya.
"Let me pay you na lang so you can go na," dagdag na sabi ko pag pagkatapos ay agad kong hinanap ang wallet sa bag ko.
"No, no. It's okay. You're my obligation here dahil baka magalit pa si boss kapag nalaman niyang pinabayaan ko lang kayo roon," sabi niya kaagad sa akin kaya naman halos mapairap na naman ako.
"Correction, I'm not your obligation. Kaya ko ang sarili ko," sagot ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay.
Natawa lang naman siya at tumango-tango at hindi na nakipagtalo pa sa akin. Nagpaalam na rin siyang aalis na kaya naman hinatid ko siya hanggang sa makalabas sa pintuan.
"Sabihin mo sa boss mo humanda siya sa pagkikita naming muling dalawa!" mariin na sabi ko sa kaniya bago ko siya tuluyang pinagsaran ng pintuan.
Nagpaalam naman ako kay Mitzy na roon na lang ako magpapalipas ng gabi sa kanila dahil sigurado akong malalaman ng mga 'yon kung saan ako nakatira. Hindi nila pwedeng malaman iyon dahil sigurado akong guguluhin nila akong muli. Mas maganda na ako na lang ang manggulo sa kanila pagkabalik ko muli sa Pilipinas.
Tulala ako kinabukasan dahil sa totoo lang ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi lalo na nang makita ko si Andrew. Paano nga kung nandito rin ang magaling kong asawa? Handa na ba talaga akong makipagkita muli sa kaniya? "Ate, coffee?" pag-aalok sa akin ni Mitzy ng kape. Nasa veranda nila ako ngayong umaga at doon ko napiling magmuni-muni dahil maaga akong nagising kahit na masakit pa ang ulo ko. "Thanks, Mitz! Si Stella?" tanong ko sa kaniya. Inabot naman niya muna sa akin ang tinimpla niyang iced coffee bago sumagot sa akin. "She's still sleeping. Halatang sobrang dami na nainom niya kagabi," sagot nito sa akin pagkatapoas ay bahagyang natawa. Natawa rin ako at napatango dahil marami ngang nainom ang babaeng iyon. Balak ko na rin sanang umalis dito kanina pa nang magising ako kaya lang ay alam kong matagal na ulit kami magkikita ni Stella dahil parehas kaming magiging busy na naman sa kaniya-kaniya naming trabaho. Kailangan ko rin siyang makausap dahil hindi k
Kabanata 5 Lumipas ang ilang araw na naging abala ako sa trabaho ko. Naghahanda na rin ako sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung magiging successful ba ang pag-uwi ko nang hindi nalalaman ng pamilya ko. Ilang taon na rin simula nang umalis ako roon kaya hindi naman masama kung babalik ako ulit. Isa pa ay ilang birthday na ako ni Daddy na hindi nakakapunta. "You can email me if you have any questions. My secretary will inform me about that," sabi ko sa medyo matandang foreigner na kausap ko. Nakatanggap na naman ako ng malaking project dito dahil may itatayong malaking building para sa bagong business doon. Ilang taon na akong nagtatrabaho bilang architect at sa ilang taon na lumipas mula nang mapadpad ako rito, pakiramdam ko mas naa-appreciate ang ginagawa ko. "Thank you so much, Architect Scott. I didn't expecy that you would accept this bog project. I know you have a lot of on-going projects and have the right to not accept this. I appreciate it!" sunod-sunod niy
Kabanata 6 Lumapag[as lang si Liam at ang mga kaibigan niya sa kinauupuan ko at halos matawa ako sa sarili ko dahil ano bang karapatan kong batiin siya pagkatapos ko silang iwan nang walang paalam? Pagkatapos ng lahat ng pagtatago at hindi pagpapaalam sa kanila, sigurado akong marami silang hinanakit at sama ng loob sa akin. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko, dahil kapatid sila ng asawa ko at natakot ako na baka kung ipaalam ko sa kanila kung nasaan ako ay baka mahanap ako ng asawa ko. Lucas and Liam are my best friends. Simula bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama dahil magkaibigan din ang mga magulang namin. Si Cristiano lang ang hindi ko nakilala bilang kapatid nila dahil madalas siyang wala lalo na at mas matanda pa siya sa aming tatlo. Napatingin ako muli sa gawi nila Liam hindi kalayuan sa akin at nakita kong nag-uusap pa rin sila ng mga kaibigan niya. Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong umiwas. Aaminin kong masakit makita na halos hindi na ako kilala ng
Marami pang sinabi sa akin si Mike pero hindi ko na lang pinakinggan pa. Pasok sa isang tenga at labas sa kabila. Natatawa na lang ako dahil hindi ko inaasahan na ganoon pala ang nararamdaman niya sa akin. Bago pa man kami mag-date, nilinaw na namin sa isa't isa na hindi kami pwedeng ma-attach at ma-inlove. Hindi ko alam na sa tatlong buwan na pag-hangout namin, nahuhulog na pala siya. Well, hindi ko naman kasalanan 'yon at wala akong obligasyon sa kanya na ibalik ang nararamdaman niya para sa akin. Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi ako ng maaga para magpahinga. Doon na lang ako nagluto ng hapunan ko dahil hindi naman ako pupunta sa club nang hindi kumakain kung nasaan si Liam mamaya. Niyaya ko rin si Marcus na sumama sa akin at agad naman silang pumayag. Hindi ko rin naman sila aayain kung alam kong hindi sila sasama sa akin. Habang nagluluto ako ng hapunan ko, naglinis muna ako ng bahay. Walang masyadong kalat doon pero kailangan ko pa ring linisin dahil once a week lang ako
Kinakabahan ako at ang daming negative thoughts pumapasok sa isip ko pero nilakasan ko na lang ang loob ko. Nanatili akong nakatayo hindi kalayuan kila Liam habang pinapanood silang nag-uusa at nagtatawanan. Ilang sandali pa ay humugot ako ng malalim na hininga para magkaroon ng lakas ng loob. Nang maglakad ako palapit kila Liam ay agad siyang napatingin sa gawi ko. Katulad lang ng kanina nang makita niya ako sa restaurant ay tumigil siya sa pagtawa. Napalunok tuloy ako dahil hindi alam ko sa sarili ko na hindi madali itong gagawin ko. "Liam," tawag ko sa kanya sa mahinang boses. Maingay roon pero alam kong nabasa niya ang pagbigkas ko ng pangalan niya. Nanatili lang naman siyang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi ko mabuksan at walang halos salitang lumabas sa bibig ko. Kitan ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya habang nakatingin kami sa isa't isa. Nakikita ko roon ang saya, lungko
Kabanata 9"Architect! Sasama ka ba sa amin?" tanong sakin ni Leah. Si Leah ay isa sa team ko sa firm. Sobrang close namin sa isa't isa kahit ako ang boss nila at bago ako dumating sa kompanya ay nakasanayan na nilang lumabas tuwing biyernes dahil walang pasok kinabukasan. "Nope. I have a meeting with my client tomorrow morning. I need to rest early," sagot ko habang nililigpit ang mga gamit ko sa mesa. "Oh come on. You can move your schedule to the afternoon," giit niya sa akin. Natawa na lang ako at umiling lalo na nang makita ko ang tatlo kong kasamahan na nakasilip mula sa pintuan ng opisina ko. "Sumama ka na sa amin, Architect!" Giit ni Jean. "Sorry girls but I can't make it tonight. I will visit a construction site tomorrow," sagot ko para ipaalam sa kanila ang mga activities ko bukas. "You're always working, Architect. Paano ka makakapag-asawa kung palagi kang gan'yan? Minsan kailangan mo ring lumabas!" Sunod-sunod na sabi ni Leah para lang makasama ako sa kanila. "Tama
Tahimik akong umiinom doon at kung kakausapin ako ng mga kaibigan ni Trisha, kinakausap ko rin sila. Hindi sila awkward kasama dahil malakas ang sense of humor nila at natatawa rin ako sa mga biro nila. "Architect," bulong sa akin ni Trisha. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya ngayon at naiwan niya sa kabilang upuan ang boyfriend niyang si John. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. Hindi agad siya nagsalita at napatingin sa mga kaibigan namin na nagtatawanan doon. Hindi ako makasabay dahil natuon ang atensyon ko kay Trisha nang lumapit siya sa akin. "I'm sorry if I took John and his friends with us on our girls night out. Nagkataon lang na pumunta sila rito," paliwanag ni Trisha sa akin. Ngumisi ako at umiling dahil wala akong problema roon. Isa pa, ano ang silbi ng gabi naming mga mga babae kung hindi kami makihalubilo sa iba. "Oh come on, Trisha! It's fine. Isa pa masaya silang kasama," sabi ko pagkatapos ay nagkibit balikat. "Sigurado ka bang okay lang sa'yo? Baka hindi
Habang lumalalim ang gabi, parami nang parami ang naiinim namin. I admit that I'm a little bit tipsy but I can still handle. Siguro kung kaming mga babae lang ang naroon ay baka kanina pa nila gustong umuwi, pero dahil may mga kasama kaming lalaki nagtagal kami roon. Malakas na ang tama ng alak sa akin at nawala na ang hiya sa pagkatao ko ngayong gabi. Nag-uusap kami ni Cris na parang matagal na kaming magkakilala. Kapag binibiro niya ako, sinasakyan ko lang din siya. Hindi naman siya ganito noong una kaming magkakilala kanina pero habang tumatagal ay lalo siyang nangungulit. "Let's go dance there!" pag-aaya naman ni Wendy. Nandoon na ang iba naming kasama sa dance floor tulad ni Trisha. Kami na lang ang naiwan sa table dahil sa pinag-uusapan namin. Nang magsawa nang uminom ay tsaka lang nag-aya si Wendy na sumunod doon."Marunong ka bang sumayaw?" tanong ko kay Cris. "Not really," sagot niya sa akin pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Naunang umalis si Wendy kaya napangiti ako at t
Sa mga sandaling oras na naghihintay ako sa pagdating ni Cristiano ay siyang paglaban ko naman sa antok at pagod ko. Wala pa akong halos pahinga dahil iyon din ang araw na pag-uwi ko mula sa America. Mas nananaig naman ang kaba at takot ko kaya kahit na ano'ng bigat ng talukap ng mga mata ko ay hindi ko 'yon maipikit. Mahigit kalahating oras na ang lumipas at sigurado akong malapit na si Cristiano. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling sumilip sa bintana. Hindi pa rin umaalis ang mga lalaking nakabantay roon kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Hindi ba sila napapagod or inaantok man lang? Napailing na lang ako roon at napairap. Sana lang ay sapat ang mga dinalang tauhan ni Cristiano dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Mike. Ilang sandali pa akong nakatayo roon nang maramdaman kong nag-vibrate ang watch na nasa bulsa ko kaya naman dali-dali kong kinuha 'yon para tignan. Tumatawag doon si Cristiano kaya hindi ko na pinatagal pang sagutin 'yon dahil sa kaba na kanina ko p
"Matagal naman na tayong hiwalay simula nang mawala ang baby natin. So, bakit ayaw mo pa akong pakawalan?" tanong ko sa kaniya.May bahid ng luha sa gilid ng mga mata ko pero agad kong itiningin 'yon sa itaas para hindi magtuloy ang pagluha. Sinabi ko sa sarili ko na hiindi na ako iiyak muli sa harapan niya."I-I don't want us to separate. Patawarin mo na ako, Lily. Tatanggapin ko ang lahat 'wag mo lang akong hiwalayan," sagot niya sa akin at mas lalong humigpit ang yakap niya.Napahawaj ako sa braso niya para ilayo siya sa pagkakayakap sa akin pero masyado siyang malakas kaysa sa akin. "Bitiwan mo na ako," sabi ko sa kaniya.Naramdaman ko naman ang paghugot nang malalim niyang hininga bago ako tuluyang hiniwalayan sa pagkakayakap pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa."W-What are you doing?" nauutal kong tanong sa kaniya.Napatingin ako sa paligid namin at laking pasasalamat ko dahil walang tao roon. Lumuhod siya at humawak sa kamay ko."Don't leave me. Please," his v
[After Flashback: Continuation of chapter 8] *** "I-I'm so sorry to hear that, Lily. Kung alam ko lang na gano'n ang pinagdaanan mo," sabi sa akin ni Liam. Pinalis ko ang mga luha ko at agad na ininom ang alak na nasa harapan ko. Hindi ko akalain na sa ilang taon ang lumipas ay muli akong mapapaiyak. That was very diffucult for me to move on. Matapos kong magpatulong kay Ate na dalhin ako sa ibang bansa na walang makakaalam ay nagsimula akong kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan na maalala 'yon minsan. "Mali ang ginawa sa'yo ni Kuya pero napatawad mo na ba siya? Are you ready to face him again?" tanong sa akin ni Liam. Natawa ako at napailing dahil kaya ko naman na talagang humarap kay Cristiano. May kaonting takot lang talaga akong nararamdaman dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon naming dalawa kapag nagkita kaming muli. Basta ang tanging gusto ko lang ngayon ay ma-annul ang kasal naming dalawa kaya naman hindi ko maiwasang magalit sa t
Walang kahit na sino ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Nawalan lang naman ako ng anak at dahil 'yon sa pananakit sa akin ni Cristiano. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako lumaban sa kaniya ay sana hindi iyon nangyari. Kung nag-stay na lang sana ako sa kwartong 'yon at indahin ang pananakit niya sa akin.Tulala lang ako habang naka-upo sa hospital bed. Kanina pa ako iyak nang iyak doon at paminsan-minsan ay hihinto ako kapag napagod. Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay nawala ang hinihintay kong anak. Hindi ko man lang siya nahawakan, nakita, at kahit kailan hindi ko na siya makikitang lalaki pa kasama ako."Eat this so you can get some strength. Tinawagan ko na si Sabrina," sabi ni Cristiano.Hindi siya umalis sa tabi ko kanina pa kahit na nakailang beses na akong pagtaboy sa kaniya. Mas lalo akong naiyak dahil naalala ko ang mga magulang at kapatid namin na sabik na sabik sa pagdating ng magiging anak ko p
"Bakit sa akin mo ibinabalik ang mga salitang dapat sa'yo? You're the who's cheating here at hindi ako!" dagdag na sabi ko sa kaniya.Siya naman talaga ang nanloloko sa aming dalawa at hindi ako. Binalikan niya ang ex niya kinikita niya ito ng patago. Niloloko nila kami ng asawa ni Francine."So, bumabawi ka nga? You're doing this to shame me?! Ang kapal ng mukha mo! Pinakasalan lang kita dahil nabigla ako at dahil sa batang dinadala mo! I agree to marry a girl but nothing like you!" patuloy niya.Pinalis ko ang mga luha ko at umiling sa mga sinasabi niya. Kahit isa ay walang katotohanan doon dahil ang pagloloko ay ang bagay hinding-hindi ko kayang gawin dahil alam ko ang pakiramdam no'n. "Hindi ako bumabawi. Hindi kita niloloko-""Stop lying!" sigaw niya dahilan nang pagkahinto ko sa pagsasalita."Alam mong gusto ka ni Liam kaya ka sumasama sa kaniya! Sana pala sa kaniya ka na lang nagpakasal! Nagpakipot ka pa no'ng una pero gusto mo rin pala!" sunod-sunod niyang sabi sa akin.Halos
"I'm his brother. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya," sabi ni Liam sa bodyguard ko. Napailing naman ako dahil baka magalit lalo sa akin si Cristiano pero ayaw ko namang makulong dito sa loob ng bahay lalo na at karapatan kong lumabas. "Mapapagalitan po ako, Sir. Baka mawalan pa ako ng trabaho," sagot nito kay Liam. "Ako ang bahala sa'yo. Tatawagan ko rin si Cristiano para sabihin na ako ang kasama ng asawa niya. May tiwala siya sa akin," patuloy na pagpupumilit ni Liam. Ilang minuto rin kaming nakipag-usap sa bodyguard ko hanggang sa nakumbinsi namin ito at nakalabas nga ako. "Bakit ayaw kang palabasin ng bahay ni Cristiano?" tanong sa akin ni Liam. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong paalisin. Nag-isip na lang tuloy ako ng ibang dahilan para masagot ko ang tanong ni Liam. "Ah, he just want me to rest. Ayaw niya munang umalis-alis ako para raw hindi ako mapagod," palusot na sabi ko. "Don't worry. Ako na ang ba
Gano'n ang mga naging trato sa akin ni Cristiano sa mga sumunod na araw pa at alam ko ang dahilan. Ayaw na niya sa akin dahil nasa iba na muli ang atensyon niya at ramdam niyang mahal na siya ulit ni Francine."What happened to your right hand?" tanong sa akin ni Stella.Nasa condo ako ngayon at dinalaw na naman ako ni Stella. Napatingin naman ako sa kamay kong may kaonting lapnos dahil sa pagkakapaso kanina."Ah, wala. Naaksidenteng naidikit ko lang 'yan kanina habang nagluluto ako," sabi ko sa kaniya.Aksidente naman talaga ang nangyari kanina dahil nagtalo kaming dalawa ni Cristiano. Muntikan ko na naman kasing masunog ang niluluto ko kanina at inagaw niya 'yon sa akin pero nagpumilit ako na ako na lang ang magluto. Sa pagiging makulit ko kanina ay napagalit ko siya nang sobra dahilan nang pagdadabog niya kaya tumama sa akin ang mainit na kawali."My gosh! Tigilan mo na nga kasi ang kakaluto. Cooking is not for you kahit na ano'ng gawin. Sabihin mo kay Cristiano ay ikuha ka ng cook
"May asawa na kayong parehas, Francine. Why don't you focus on yuour husband and build your own family? Bakit sa akin pa ang gusto mong sirain?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at napayuko lang habang umiiyak. Mabilis akong maawa kapag nakakakita ako ng mga taong umiiyak sa harapan ko pero hindi niya deserve ng awa ko. "Lily, please. Sinubukan ko naman lumayo at kalimutan siya e. Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para lang 'wag na ulit magpakita sa kaniya pero tadhana ang nagdadala sa amin sa isa't-isa," sunod-sunod niyang sabi. Napailing naman ako at napasinghap. Masakit para sa akin ito dahil dalawa kaming nasasaktan dahil sa isang lalaki at alam kong isa sa amin ang uuwi ng panalo at isa ang uuwi na talunan. "I don't care about your feelings, Francine. That's not valid to ruin a family! And I'll do my best to save my family, so I'm here to warn you. Stay away from my husband," sunod-sunod ko ring sagot sa kaniya. Alam kong wala akong laban dahil siya naman talaga
"You're leaving?"Napahinto si Cristiano sa paglalakad nang tuluyan siyang makababa sa hagdan. Ten pm na at nakita kong bihis na bihis siya. Madilim na sa sala kaya hindi aakalain na may tao roon. Nakahiga na kami kanina pa sa kwarto para matulog at magpahinga pero naramdaman kong bumangon siya kaya naman inunahan ko na siya rito sa baba dahil kutob kong aalis siya. Tama naman ang kutob ko dahil nasa harapan ko siya ngayon.Simula nang bumalik siya galing sa ibang bansa ay may nag-iba sa kaniya. Naging cold ang tungo niya sa akin sa tuwing maglalambing ako sa kaniya. Kaya naman sa tuwing naiisip ko na si Francine ang dahilan no'n ay hindi ko maiwasang hindi masaktan."What are you doing here?" tanong naman sa akin pabalik ni Cristiano.Tanging kaonting ilaw lang ang naroon at kita ko ang tingin niya sa akin."Uminom lang ako ng tubig," palusot na sabi ko naman sa kaniya."Gabi na ah? Aalis ka pa?" tanong ko kaagad sa kaniya."Andrew called me. Nasa bar sila with our friends, at pinapa