Agad akong napalunok dahil kita ko ang seryosong mukha niya. Well, ganito naman siya parati pero sobrang seryoso nito ngayon at mukhang ang hirap niyang kausapin. Wala akong nakikitang amo sa mukha niya kaya naman kahit nakakaramdam ako ng kaba ngayon ay hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na 'yon."I need to talk to you," sagot ko sa kaniya.Bahagyang napataas ang isa niyang kilay kaya nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko ba 'yon sisimulan!"What is it? Sabihin mo na kaagad dahil kailangan ko na magpahinga," sabi niya sa akin.Muli akong napalunok doon dahil may kakaiba sa kaniya ngayon. Bakit parang iba siyang makipag-usap sa akin ngayon? I feel something about his behavior tonight lalo na sa pakikipag-usap sa akin ngayon pa lang. Dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsabi sa kaniya ay kinuha ko na lang ang printed na ultra sounds ko sa bag ko. Nanginginig pa ang dalawa kong kamay habang kinukuha 'yon. Wala na akong pakialam kung pagod
Parang kulog naman ang boses ni Tito Christian nang marinig namin 'yon. Agad namang lumapit si Lucas sa dalawang kapatid niya para awatin ang mga ito. Napahinto rin naman silang dalawa dahil naroon na nga ang mga magulang namin. Napapikit ako ng mariin doon dahil hindi sa ganitong sitwasyon ko gustong ipaalam sa kanila ang lahat pero bumulong lang sa akin si Ate roon para palakasin ang loob ko. Isinara ang pintuan doon at kaming pamilya na lang nga ang naroon. Kabado naman akong napatingin kina Mom and Dad na nagtatakha ang mga mukha roon habang tinitignan akong namumugto ang mga mata. "Bakit mo kami pinatawag, Lisette? At ano ang dapat nating pag-usapan? May problema ba?" sunod-sunod na tanong naman ni Daddy. "Good news or bad news?" tanong naman ni Mommy. "Both," sagot ni Tita. "Then let's start for good news," sabi naman ni Lucas doon na wala ring kaalam-alam. Napatingin sa akin si Tita Lisette at tumango sa akin na para bang sumenyas na ako na ang magsabi roon pero napailing
Maraming prutas 'yon at bigla rin akong nagutom kahit maaga pa. Nakita ko namang walang epekto 'yon kay Janeth kaya kumuha ako at kumain din habang nagpipirma.Ilang saglit lang din ay tumunog naman ang phone ko kaya agad akong napatingin doon. Text lang siya pero si Liam ang may mensahe kaya agad kong binasa dahil baka importante.From Liam:I hope you like the fruits. Kainin mo lahat 'yan para healthy kayo ni baby.Napangiti naman ako dahil sa kaniya pala galing ang mga 'yon. Bigla ko tuloy naalala ang suggestion niya kagabi na siya na lang ang ipakasal sa akin at kuhanin ang responsibilidad na dapat si Cristiano ang gagawa. Ayaw kong mangyari 'yon dahil sigurado akong masasayang lang si Liam at ang pagkakaibigan naming dalawa kapag ipinakasal kami sa isa't-isa. I want him to be happy at hindi siya magiging masaya kapag ako ang naging asawa niya.I'd rather to suffer than to see him hurting because of me.To Liam:Received it. Thanks, Liam!Itinabi ko ang phone ko nang makapag-reply
"Mauna ka nang sumakay sa elevator. Susunod na lang ako. Makikita mo naman ang mga bodyguards ko na naghihintay sa baba," sabi sa akin ni Cristiano. Nasa harapan na kami ng elevator ngayon at hinihintay ko lang huminto 'yon doon. Dalawang metro siguro ang layo niya sa akin at talagang hindi siya lumapit. Tipid naman akong ngumiti at tumango sa kaniya dahil mas mainam nga na hindi kami magkasama sa loob ng elevator. Nakakahiya kung doon pa ako masusuka at baka biglang kumalat na lang doon sa buong company na buntis ako. Nang bumukas ang elevator ay laking pasasalamat ko naman dahil walang ibang tao na sakay roon kaya mabilis na akong pumasok. Nagtama naman ang mga tingin namin ni Cristiano habang sumasara ang pintuan ng elevator. Kita ko ang seryosong mga tingin niya sa akin na para bang sobrang lalim ng iniisip niya. Naputol lang ang titigan naming dalawa nang tuluyang magsara ang pintuan. Tatlong minuto lang naman ang lumipas hanggang sa nakababa na ako sa parking area. May sumalu
"Masasaktan mo lang ang babaeng pinakamamahal mo kapag nalaman niya ang tungkol dito. Kaya ko namang kausapin sina Dad and even your parents," sabi ko kay Cristiano."Sinaktan niya rin naman ako e. Isa pa, we can't convince our parents. Kilala ko si Dad and also your Dad, kaya nga sila nagkasundo sa matagal na panahon," sunod-sunod niyang paliwanag sa akin.Hindi ako nakapagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya pero gusto ko pa rin subukan. Malay namin ay this time pagbigyan nila kami."Naiitindihan mo naman siguro kung bakit ayaw kong ikasal tayong dalawa, right?" dadgdag pa niya.Napatango naman ako sa kaniya at napabuntong hininga roon."I don't want us to get married but I promise you that I can take care of you and our baby. Hindi ko kayo aabandonahin and I will support you in everything," pagpapatuloy niya."I agree with you and thank you for that, Cristiano. Magkakasundo naman tayo sa gan'yang bagay pero ang pinaka-problema lang natin sa ngayon ay ang mga magulang natin," su
"Go! Spill the tea!" sabi ni Stella. Kanina pa nila ako kinukulit na sabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman pero hindi ko muna 'yon sinabi sa kanila hangga't hindi dumadating ang order naming apat. Nang ma-serve naman na ang lahat ng pagkain ay muli nila akong kinulit. "Can we eat first? Kahit dalawang subo lang. Kanina pa ako gutom e," sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagsabay na pag-irap ng dalawa kaya natawa na lang ako at sinimulan ang pagkain. Gano'n din naman ang ginawa nila at kaya ko 'yon binibitin na sabihin sa kanila ay nagdadalawang isip pa ako. Malalaman din naman nila ito sa mga susunod na araw o linggo kaya ayaw ko rin na patagalin pa. Tahimik lang naman silang tatlo roon habang kumakain at nakatingin sa akin na para bang hinihintay na magsalita akong muli. Itinawa ko naman ang kabang nararamdaman ko at humugot nang malalim na hininga bago tuluyang magsalita. "'Wag kayong magugulat, okay?" sabi ko sa kanila. "Oh come on, Lily. Hindi namin maipapanga
"What are you trying to emphasize, Liam? Don't tell me that you're still insist on what you want?" tanong naman ni Tito Christian kay Liam. Nanatili lang naman kaming tahimik doon at nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Si Tito ay nanatiling nakatingin kay Liam na para bang naghihintay ng isasagot sa kaniya habang si Liam naman ay tamad na naka-upo. Nakatingin lang siya sa hawak niyang tinidor at hindi nagsalita. "Impossible ang gusto mong mangyari, Liam anak. Yeah, we're family but you're not involved here," sabi naman ni Tita Lisette. "Mom and Dad is right, Liam. Hindi porket mahal mo si Lily at ayaw siyang pakasalan ni Kuya ay hindi ibig sabihin pwede mo nang kuhanin ang responsibilidad na 'yon," si Lucas naman ang nagsalita ngayon. Natahimik naman sila sandali nang may mag-serve na ng pagkain sa amin kaya naman nagkatinginan lang kami ni Ate. Sina Mom and Dad naman ay abala ang mga mata sa mga pagkain na inilalagay sa lamesa. Nang makaalis naman ang mga service crew ay
Unang araw ko sa bahay ni Cristiano at hinatid niya lang ako roon dahil may meeting daw siya. Hapon na 'yon at gusto niya pa nga sana na kumuha ng kasambahay mula sa bahay nila o sa bahay namin para may kasama ako roon habang wala siya pero pinigilan ko siya. Pakiramdam ko kasi ay mas komportable ako kapag wala akong kasamang kasambahay na tutulong sa akin. Malaki ang bahay ni Cristiano at hindi iyon ang bahay kung saan niya ako dinala nang may mangyari sa amin. Hindi rin naman ako magtatakha kung marami siyang bahay dahil bilyonaryo nga siya. Nagbilin naman siya sa akin na kumain ako ng gusto kong kainin dahil maraming laman ang refrigerator niya at maging feel at home raw ako dahil sa aming dalawa raw 'yon. Hindi naman talaga kami roon titira dahil pinapa-renovate pa raw niya ang talagang bahay na pagtutuluyan namin. Wala akong trabaho sa araw na 'yon kaya naman sa sobrang kalakihan ng bahay ni Cristiano ay bagot na bagot na ako. Nag-tour naman ako mag-isa sa bahay na 'yon para la