Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon. Ang tanging naaalala ko lang ay nakatulog ako sa sofa habang binabantayan ako ng mga kaibigan ko. Pagkagising ko naman ay nasa kama na ako sa kwarto ko. Napalitan na rin ako ng damit at hula ko ay si Ate Sabrina ang gumawa no'n para sa akin.Gumalaw ako sa kama para makabangon na pero napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa katawan. Pakiramdam ko ay para akong nabugbog at hindi naman 'yon nalalayo sa nangyari sa akin kagabi dahil sa ginawa ni Mr. Reyes. Wala na akong takot na nararamdaman ngayon pero hindi pa ako sigurado kung tuluyan na nga bang nawala ang trauma sa akin.Pinilit kong bumangon sa kama ko at naligo ako kaagad. Nagbabad ako sa paliligo habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Kung hindi dumating si Cristiano kagabi at kung hindi ko naagaw ang key card kay Mr. Reyes para mabuksan ang pintuan kagabi ay baka mas malala nga ang nangyari sa akin.Wala akong kaalam-alam na mangyayari sa akin 'yon dahil sobrang laki ng
"Are you sure it's okay if they'll interview you?" tanong sa akin ni Cristiano.Nasa garden kami ngayon at kaming dalawa lang ang naroon dahil sila Ate at ang tatlo ko pang mga kaibigan ay nauna nang umalis. May mga trabaho pa kasi silang naiwanan at talagang pumunta lang sila rito kanina ng maaga para ma-check kung ayos na ba ako."Yeah, wala namang problema. Isa pa, kailangan kong sagutin 'yon e," sagot ko naman pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.Napatango naman sa akin si Cristiano. Ang sabi niya ay may pupuntang mga police rito para mag-interview sa akin tungkol sa mga nangyari kagabi para umusad na ang kaso laban kay Mr. Reyes."You can say no if you don't want. We all know that you've been traumatized by what happened last night," sabi niya sa akin.Napailing naman ako dahil ayos lang talaga sa akin. Isa pa ay para na rin malinaw ko ang totoong nangyari. May nagpapakalat kasi ng maling balita na kabet ako ni Mr. Reyes kaya ako nagpunta sa hotel kung nasaan siya at alam kong
Umalis ako ng bahay na may mas maraming iniisip. Hindi ko naman talaga kailangan ng bodyguard pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Gusto kong mainis at 'wag na lang pasamahin sa akin ang mga boduguards ko kaya lang ay wala na akong magawa dahil ayaw nila akong sundin sa gusto kong 'yon. Iyon daw kasi ang bilin sa kanila ni Daddy at susundin naman daw nila ang ibang gusto ko basta ay 'wag lang ang paalisin sila. Napapairap na lang ako ng patago at napapabuntonghininga. Papunta ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Stella. Gamit ko ang sasakyan ko at sa likuran ko naman ang sasakyan ng dalawa kong bodyguards. Ang gusto pa nga nila ay sila na ang mag-drive para sa akin pero hindi ako pumayag. Ang utos lang naman sa kanila ni Daddy ay bantayan ako at hindi i-pag-drive kaya naman wala silang nagawa roon. "Sa malayo na lang kayo. Ayokong may makakita na may bodyguards ako," bilin ko sa dalawa. "Sige po, Ma'am. Kami na po ang bahala" sagot naman sa akin ni Romel. "Papasok ako sa r
"No! Nag-usap na rin kami na hindi na ulit kami magkikita at mag-uusap. He agreed with that kaya lang nangyari ang kagabi," pagkukwento ko kay Stella. Sinabi ko sa kaniya ang pagtulong sa akin ni Cristiano at tuwang-tuwa naman si Stella dahil pakiramdam niya raw ay may gusto sa akin si Cristiano. Hindi ko naman sinasakyan ang sinasabi niya dahil ayaw kong ma-attach sa lalaking 'yon. He's so kind to me at aminado ako na siya lang ang nakakagawa na pakiligin ako sa maliliit na bagay. Ayaw ko namang magtuloy 'yon dahil alam kong masasaktan lang ako. Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan ni Stella roon hanggang may dumating na isang grupo sa kabilang table kaya napatingin kami roon sandali pero iniwas ko kaagad ang tingin ko dahil mas nagtuon ako ng atensyon sa mga kwento sa akin ni Stella. "Kailangan na makapagkita na tayo nila Caroline ulit. Marami na siyang tsismis na namimiss," sabi ni Stella. Napatango naman ako dahil ilang event na rin ang na-miss ni Caroline na hindi kami ka
"Why don't you just ask her personally? Nasa kabilang table lang naman siya," dagdag na sabi pa ni Regina. Wala pang ilang segundo ay dinumog na ang table namin kaya kumalabog ang puso ko roon. Hindi naman ako takot na tanungin tungkol doon, sadyang nagulat lang talaga ako dahil hindi ko expected ito. "Architect Scott, totoo ba ang sinasabi na mistress ka ni Mr. Reyes?" "Ano ba talagang ginawa mo sa hotel kung nasaan si Mr. Reyes?" "Totoo ba na pinagsamantalahan ka nito?" Hindi ko na alam ang mga iba nilang tanong dahil sunod-sunod ito. May nakatutok sa aking camera at mga phone. Si Romel at Benz naman ay pilit na pinapalayo ang mga ito sa akin at sinisiguro na hindi makadidikit ang mga ito sa akin. "Lily, you don't have to answer them," sabi naman sa akin ni Stella. Napatango naman ako kay Stella. Kahit may part sa akin na gusto nang magsalita roon ay hindi ko ginawa. Gusto kong linawin sa kanila ang lahat pero tingin ko ay hindi roon ang tamang lugar para sagutin ang mga tano
Hindi pa ako makatulog sa gabing 'yon kaya naman nag-phone na lang ako. Maraming message sa akin ang mga kaibigan ko but I chose to ignore it that time. Wala ako sa mood na makipag-usap ngayon dahil alam kong kinukumusta nila ako sa mga nangyayari..Tama nga rin si Daddy dahil may mga page at website na nag-post about sa eksena kanina sa restaurant. Nakabasa rin ako na nakaulat doon na kabet nga raw ako ni Mr. Reyes. Tinignan ko naman ang mga comments doon at may iilan akong nakita na galit na galit sa akin dahil naninira raw ako ng pamilya. May mga comments din naman doon na pinagtatanggol ako. Maraming hate comments ang nabasa ko at talagang nadamay ang company namin. Hindi ko tuloy alam kung malaki ba ang naging epekto nito kahit isang araw pa lang ang lumilipas sa mga nangyari. Hindi ko rin alam sa karamihan kung bakit naniniwala sila kaagad sa mga balitang nababasa nila kahit na wala naman silang sapat na ibidensya.Habang nagi-scroll naman ako sa phone ko ay lumabas ang name ni
Kinabukasan pagkagising ko ay nagulat ako nang naroon sila Daddy at Mommy sa bahay kahit medyo late na. Kadalasan kasi ay before seven pm ay wala na sila rito sa bahay."Good morning, sweetie!" bati sa akin ni Daddy.Nasa veranda siya ng bahay habang tinatanaw niya si Mommy na tahimik na nagdidilig ng mga halaman niya sa garden."Morning, Dad!" bati ko naman pabalik.Tinanaw ko si Mommy at nakita kong nakatingin siya sa amin at kumaway ito kaya naman kumaway na lang din ako pabalik sa kaniya habang nakangiti."Are you ready?" tanong sa akin ni Daddy.Napakunot naman ang noo ko pagkatapos ay tumayo ng maayos doon bago magsalita."Ready for what?" tanong ko.May trabaho ako ngayon pero mamaya pa ang pasok ko sa opisina ko dahil bibisita ako sa isang site, hindi kalayuan sa city namin."The Presscon will be held later. Hindi ko nga pala nasabi sa'yo kaagad kagabi," sabi ni Daddy.Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat. Alam kong nagpatawag si Daddy para sa Presscon pero hindi ko al
Tahimik akong sumakay sa sasakyan ni Cristiano. Aamba pa nga siyang lalabas kanina para pagbuksan ako pero inunahan ko na sila."I'll take care of her," sabi ni Cristiano bago kami tuluyang umalis doon.Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na nakikita siya kung nasaan ako. Humugot ako ng malalim na hininga at isinuot sa akin ang seatbelt ko. "You should always check your car first before using it," sabi ni Cristiano.Napatingin naman ako sa kaniya habang diretsyo ang tingin niya sa daan. Tumikhim ako bago magsalita."I checked it naman kanina at maayos naman bago ko gamitin," sagot ko."Well, that's good but, hindi natin maiiwasan talaga na masiraan ng sasakyan," sabi niya kaya napatango naman ako.Hindi na ako nagsalita pa at nanahimik na lang doon pero muli siyang nagsalita."Kumusta ka pala? Nabalitaan ko sa mga kapatid ko na pinagkaguluhan ka raw ng media sa labas no'ng isang araw?" pagtatanong niya."Yeah, hindi ko rin expected 'yon. Good thing I have bodyguards na," sagot ko naman
Sa mga sandaling oras na naghihintay ako sa pagdating ni Cristiano ay siyang paglaban ko naman sa antok at pagod ko. Wala pa akong halos pahinga dahil iyon din ang araw na pag-uwi ko mula sa America. Mas nananaig naman ang kaba at takot ko kaya kahit na ano'ng bigat ng talukap ng mga mata ko ay hindi ko 'yon maipikit. Mahigit kalahating oras na ang lumipas at sigurado akong malapit na si Cristiano. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling sumilip sa bintana. Hindi pa rin umaalis ang mga lalaking nakabantay roon kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Hindi ba sila napapagod or inaantok man lang? Napailing na lang ako roon at napairap. Sana lang ay sapat ang mga dinalang tauhan ni Cristiano dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Mike. Ilang sandali pa akong nakatayo roon nang maramdaman kong nag-vibrate ang watch na nasa bulsa ko kaya naman dali-dali kong kinuha 'yon para tignan. Tumatawag doon si Cristiano kaya hindi ko na pinatagal pang sagutin 'yon dahil sa kaba na kanina ko p
"Matagal naman na tayong hiwalay simula nang mawala ang baby natin. So, bakit ayaw mo pa akong pakawalan?" tanong ko sa kaniya.May bahid ng luha sa gilid ng mga mata ko pero agad kong itiningin 'yon sa itaas para hindi magtuloy ang pagluha. Sinabi ko sa sarili ko na hiindi na ako iiyak muli sa harapan niya."I-I don't want us to separate. Patawarin mo na ako, Lily. Tatanggapin ko ang lahat 'wag mo lang akong hiwalayan," sagot niya sa akin at mas lalong humigpit ang yakap niya.Napahawaj ako sa braso niya para ilayo siya sa pagkakayakap sa akin pero masyado siyang malakas kaysa sa akin. "Bitiwan mo na ako," sabi ko sa kaniya.Naramdaman ko naman ang paghugot nang malalim niyang hininga bago ako tuluyang hiniwalayan sa pagkakayakap pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa."W-What are you doing?" nauutal kong tanong sa kaniya.Napatingin ako sa paligid namin at laking pasasalamat ko dahil walang tao roon. Lumuhod siya at humawak sa kamay ko."Don't leave me. Please," his v
[After Flashback: Continuation of chapter 8] *** "I-I'm so sorry to hear that, Lily. Kung alam ko lang na gano'n ang pinagdaanan mo," sabi sa akin ni Liam. Pinalis ko ang mga luha ko at agad na ininom ang alak na nasa harapan ko. Hindi ko akalain na sa ilang taon ang lumipas ay muli akong mapapaiyak. That was very diffucult for me to move on. Matapos kong magpatulong kay Ate na dalhin ako sa ibang bansa na walang makakaalam ay nagsimula akong kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero hindi ko pa rin maiwasan na maalala 'yon minsan. "Mali ang ginawa sa'yo ni Kuya pero napatawad mo na ba siya? Are you ready to face him again?" tanong sa akin ni Liam. Natawa ako at napailing dahil kaya ko naman na talagang humarap kay Cristiano. May kaonting takot lang talaga akong nararamdaman dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon naming dalawa kapag nagkita kaming muli. Basta ang tanging gusto ko lang ngayon ay ma-annul ang kasal naming dalawa kaya naman hindi ko maiwasang magalit sa t
Walang kahit na sino ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Nawalan lang naman ako ng anak at dahil 'yon sa pananakit sa akin ni Cristiano. Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako lumaban sa kaniya ay sana hindi iyon nangyari. Kung nag-stay na lang sana ako sa kwartong 'yon at indahin ang pananakit niya sa akin.Tulala lang ako habang naka-upo sa hospital bed. Kanina pa ako iyak nang iyak doon at paminsan-minsan ay hihinto ako kapag napagod. Hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay nawala ang hinihintay kong anak. Hindi ko man lang siya nahawakan, nakita, at kahit kailan hindi ko na siya makikitang lalaki pa kasama ako."Eat this so you can get some strength. Tinawagan ko na si Sabrina," sabi ni Cristiano.Hindi siya umalis sa tabi ko kanina pa kahit na nakailang beses na akong pagtaboy sa kaniya. Mas lalo akong naiyak dahil naalala ko ang mga magulang at kapatid namin na sabik na sabik sa pagdating ng magiging anak ko p
"Bakit sa akin mo ibinabalik ang mga salitang dapat sa'yo? You're the who's cheating here at hindi ako!" dagdag na sabi ko sa kaniya.Siya naman talaga ang nanloloko sa aming dalawa at hindi ako. Binalikan niya ang ex niya kinikita niya ito ng patago. Niloloko nila kami ng asawa ni Francine."So, bumabawi ka nga? You're doing this to shame me?! Ang kapal ng mukha mo! Pinakasalan lang kita dahil nabigla ako at dahil sa batang dinadala mo! I agree to marry a girl but nothing like you!" patuloy niya.Pinalis ko ang mga luha ko at umiling sa mga sinasabi niya. Kahit isa ay walang katotohanan doon dahil ang pagloloko ay ang bagay hinding-hindi ko kayang gawin dahil alam ko ang pakiramdam no'n. "Hindi ako bumabawi. Hindi kita niloloko-""Stop lying!" sigaw niya dahilan nang pagkahinto ko sa pagsasalita."Alam mong gusto ka ni Liam kaya ka sumasama sa kaniya! Sana pala sa kaniya ka na lang nagpakasal! Nagpakipot ka pa no'ng una pero gusto mo rin pala!" sunod-sunod niyang sabi sa akin.Halos
"I'm his brother. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya," sabi ni Liam sa bodyguard ko. Napailing naman ako dahil baka magalit lalo sa akin si Cristiano pero ayaw ko namang makulong dito sa loob ng bahay lalo na at karapatan kong lumabas. "Mapapagalitan po ako, Sir. Baka mawalan pa ako ng trabaho," sagot nito kay Liam. "Ako ang bahala sa'yo. Tatawagan ko rin si Cristiano para sabihin na ako ang kasama ng asawa niya. May tiwala siya sa akin," patuloy na pagpupumilit ni Liam. Ilang minuto rin kaming nakipag-usap sa bodyguard ko hanggang sa nakumbinsi namin ito at nakalabas nga ako. "Bakit ayaw kang palabasin ng bahay ni Cristiano?" tanong sa akin ni Liam. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong paalisin. Nag-isip na lang tuloy ako ng ibang dahilan para masagot ko ang tanong ni Liam. "Ah, he just want me to rest. Ayaw niya munang umalis-alis ako para raw hindi ako mapagod," palusot na sabi ko. "Don't worry. Ako na ang ba
Gano'n ang mga naging trato sa akin ni Cristiano sa mga sumunod na araw pa at alam ko ang dahilan. Ayaw na niya sa akin dahil nasa iba na muli ang atensyon niya at ramdam niyang mahal na siya ulit ni Francine."What happened to your right hand?" tanong sa akin ni Stella.Nasa condo ako ngayon at dinalaw na naman ako ni Stella. Napatingin naman ako sa kamay kong may kaonting lapnos dahil sa pagkakapaso kanina."Ah, wala. Naaksidenteng naidikit ko lang 'yan kanina habang nagluluto ako," sabi ko sa kaniya.Aksidente naman talaga ang nangyari kanina dahil nagtalo kaming dalawa ni Cristiano. Muntikan ko na naman kasing masunog ang niluluto ko kanina at inagaw niya 'yon sa akin pero nagpumilit ako na ako na lang ang magluto. Sa pagiging makulit ko kanina ay napagalit ko siya nang sobra dahilan nang pagdadabog niya kaya tumama sa akin ang mainit na kawali."My gosh! Tigilan mo na nga kasi ang kakaluto. Cooking is not for you kahit na ano'ng gawin. Sabihin mo kay Cristiano ay ikuha ka ng cook
"May asawa na kayong parehas, Francine. Why don't you focus on yuour husband and build your own family? Bakit sa akin pa ang gusto mong sirain?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at napayuko lang habang umiiyak. Mabilis akong maawa kapag nakakakita ako ng mga taong umiiyak sa harapan ko pero hindi niya deserve ng awa ko. "Lily, please. Sinubukan ko naman lumayo at kalimutan siya e. Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para lang 'wag na ulit magpakita sa kaniya pero tadhana ang nagdadala sa amin sa isa't-isa," sunod-sunod niyang sabi. Napailing naman ako at napasinghap. Masakit para sa akin ito dahil dalawa kaming nasasaktan dahil sa isang lalaki at alam kong isa sa amin ang uuwi ng panalo at isa ang uuwi na talunan. "I don't care about your feelings, Francine. That's not valid to ruin a family! And I'll do my best to save my family, so I'm here to warn you. Stay away from my husband," sunod-sunod ko ring sagot sa kaniya. Alam kong wala akong laban dahil siya naman talaga
"You're leaving?"Napahinto si Cristiano sa paglalakad nang tuluyan siyang makababa sa hagdan. Ten pm na at nakita kong bihis na bihis siya. Madilim na sa sala kaya hindi aakalain na may tao roon. Nakahiga na kami kanina pa sa kwarto para matulog at magpahinga pero naramdaman kong bumangon siya kaya naman inunahan ko na siya rito sa baba dahil kutob kong aalis siya. Tama naman ang kutob ko dahil nasa harapan ko siya ngayon.Simula nang bumalik siya galing sa ibang bansa ay may nag-iba sa kaniya. Naging cold ang tungo niya sa akin sa tuwing maglalambing ako sa kaniya. Kaya naman sa tuwing naiisip ko na si Francine ang dahilan no'n ay hindi ko maiwasang hindi masaktan."What are you doing here?" tanong naman sa akin pabalik ni Cristiano.Tanging kaonting ilaw lang ang naroon at kita ko ang tingin niya sa akin."Uminom lang ako ng tubig," palusot na sabi ko naman sa kaniya."Gabi na ah? Aalis ka pa?" tanong ko kaagad sa kaniya."Andrew called me. Nasa bar sila with our friends, at pinapa