Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong may isang bottle pa roon ng Chateau Margaux wine. Naalala kong regalo sa akin 'yon ni Marcus at talagang hindi ko iniinom dahil medyo expensive 'yon. Ngayon ay mabubuksan at maiinom ko na dahil nakakahiya naman kung ordinary wine lang ang ipapainom ko isang Cristianous Smith. "You saved me tonight," bulong ko sa wine. Sa sobrang gaan sa pakiramdam ay niyakap ko pa 'yon pero nang maalala kong kasama ko nga pala si Cristiano sa condo ay nagsimula na namang kumalabog ang puso ko. Humugot ako nang malalim na hininga bago kumuha ng dalawang wine glass doon at tuluyang bumalik sa sala kung saan ko iniwanan si Cristiano. Nang makita kong tahimik lang na naka-upo si Cristiano sa sofa kung saan ko siya iniwanan kanina ay naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakahilig ang likod niya roon habang ang isang hita niya ay nakapatong sa tuhod niya. Wala siyang ibang ginagawa roon at parang nakatungo lang siya na para bang may malalim na iniisip. "I'
"Alright, Lily. Let's not talk about it. Gusto kong mapahinga ang isip ko kahit ngayong gabi lang," sabi sa akin ni Cristiano. Napatango-tango naman ako roon at muling nagsalin ng wine sa glass ko. Bigla rin akong nahiya dahil baka ayaw niya nga talagang pag-usapan 'yon at in-open ko pa ang topic tungkol doon. "I'm sorry kung nagbigay pa ako ng opinion, pero tama ka. 'Wag na nga natin pag-usapan 'yon. We're here to relax and chill," sagot ko naman sa kaniya. Hindi siya nagsalita kaya muli akong uminom ng wine. Ngayon ko lang din na-realize na masarap nga ang niregalo sa aking wine ni Marcus. Kapag nagkita nga kami ulit ay ire-request ko sa kaniya na bilhan niya ako ulit ng gan'on. "It's alright, Lily. Nagtanong din naman ako about sa love life mo kaya ayos lang na napag-usapan natin ang sa akin," sabi ni Cristiano. Lumapit naman siya sa lamesa at nagsalin ng wine sa glass niya kaya pinanood ko lang siya habang nag-iisip kung ano ang pwedeng maging bagong topic namin. Hind ko nama
Nang matawagan ko si Stella at Marcus ay sinabi kong may emergency at kailangan nilang pumunta sa condo ko. Wala naman silang ibang tinanong pa dahil dali-dali na rin silang umalis sa bahay nila. "Baka mamura tayo ng dalawang 'yon kapag nalaman na pina-prank lang pala natin sila!" natatawang sabi ni Caroline. Nagsisimula na siyang uminom ngayon kaya lang ay wala ako sa mood uminom ng hard drinks kaya naman ang wine na natira namin ni Cristiano ang nilalaklak ko ngayon. "Kung hindi ko sasabihin na emergency ay hindi naman pupunta ang mga 'yon dito," sabi ko naman. "Sabagay. Ang hirap pa naman ayain ng dalawang 'yon lalo na kapag ganitong late na," sagot ni Caroline. Nag-inom lang kaming dalawa roon habang hinihintay ang dalawa naming kaibigan at nai-kwento ko na rin sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin sa buong week na 'yon. No'ng una ay nahihiya pa akong sabihin sa kaniya ang nangyari sa amin ni Cristiano pero nang mag-open up siya tungkol din sa gano'ng bagay ay sinunod ko na
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala roon. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit kinailangan pang maghatid ni Cristiano ng pagkain sa condo ko. "Hindi mo ba tinanong kung bakit niya ako dinalhan ng foods?" tanong ko kay Marcus. "Nope, pero ang sabi niya ay dinaan niya lang daw 'yon para hindi ka na magluto ng breakfast mo ngayon. Akala niya kasi mag-isa mo lang," patuloy na pagkukwento niya sa akin. Napatango naman ako at ikinalma ang sarili dahil baka mahalata pa ni Marcus na kinikilig ako roon. "Magsabi ka nga sa'kin ng totoo, Lily. Kayo na ba ni Cristiano?" mapaghinalang tanong niya sa akin. Sa gulat ko dahil sa tanong niya ay halos mahampas ko siya sa braso dahil kung ano-ano na ang iniisip niya. "Of course, not!" sagot ko kaagad. "Eh paano niya nalaman na mag-isa ka lang dito? Nandito ba siya kagabi?" tanong niya muli. "Paano naman siyang mapupunta rito e kayo ngang tatlo ang nandito?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Before we got here. Hindi naman kita huhusgahan
Iniwanan ko nga si Liam doon at hindi ko alam kung sa mismong office ko ba siya maghihintay or hihintayin niya na lang ang tawag ko sa kaniya mamaya. Hindi na rin naman na kasi ako nakapagtanong dahil nagmamadali na akong umalis, pero bukas naman ang office ko para sa kaniya. Itatanong ko na lang kay Janeth mamaya kung saan naghihintay sa akin si Liam. "Good afternoon, Ma'am Architect!" Nagulat naman ako nang makarating ako sa parking area ay naroon na si Romel at Benz. Napaangat ang isa kong kilay at napatingin sa kanilang dalawa na akala mo hindi mga bodyguards dahil sa ayos nila. "Wow! Nakabalik na pala kayo sa duty niyo para bantayan ako?" natatawang tanong ko sa kanila. "Opo, Ma'am Architect! Na-miss niyo po ba kami?" tanong naman ni Benz sa pabirong boses. Natawa ako at napailing bago sumagot. "Actually, no. Bigla nga akong nalungkot ngayon nang nakita ko kayo ulit," sagot ko naman sa pabirong boses ko rin. "Grabe naman, Architect. Bakit naman po?" tanong ni Romel. "I'm
"Alam ko naman 'yon, Liam at kung gusto ko pa rin si Cristiano ay alam ko naman kung hanggang saan ang boundaries ko. Believe me or not, wala na talaga akong gusto kay Cristiano," sunod-sunod kong paliwanag sa kaniya. Hindi kailangan maisali si Cristiano sa usapan namin dahil ang kailangan naming pag-usapan ngayon ay ang sa aming dalawa. "And let's not about him. Ang kailangan nating pag-usapan ay ang situation natin ngayon," dagdag ko pa. "Hindi ako naniniwala na wala ka ng gusto sa kapatid ko pero ayos lang 'yon. 'Wag sanang lumayo ang loob mo sa akin," sagot naman niya sa akin. "Of course, not. Ikaw pa rin ang kaibigan ko, Liam. Walang magbabago sa kung ano ang meron tayo dati. Ikaw sana ang 'wag lumayo ang loob sa akin dahil hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo," pagpapatuloy ko roon. "Syempre hindi rin lalayo ang loob ko sa'yo, Lily. Hindi naman importante sa akin kung basted or may pag-asa ako sa'yo eh. The important thing here is nasabi ko sa'yo ang nararamdam
Ilang linggo rin ang lumipas simula nang mangyari ang mga naging problema ko. Nadamay rin ako sa issue ni Regina dahil ako ang pinagbintangan niya na nagpakalat ng video na 'yon pero agad ko namang napensahan ang sarili ko sa tulong ni Liam. Siya ang humawak ng kaso roon at napatunayan na wala namang ibidensya si Regina para pagbintangan ako kaya naman bumalik lang sa kaniya 'yon. Siya pa ngayon ang nakasuhan ng oral defamation kaya naman sobrang sakit siguro ng ulo ng management niya sa kaniya. "Architect! Ready ka na ba mamaya?" tanong sa akin ni Trisha. Nasa office ako ngayon at abala kami sa ilang mga gawain. Tinatapos na namin 'yon dahil nag-aya si Stella na mag-night out dahil weekend naman daw. Tumanggi nga ako no'ng una dahil wala ako sa mood mag-party ngayon. Medyo masama rin ang pakiramdam ko kaya lang ay dahil minsan lang naman makompleto ang grupo namin ay no choice ako kung hindi sumama sa kanila. "Yup," tipid na sagot ko naman. "Ang moody mo yata ngayon, Architect? A
"Lily," tawag sa akin ni Liam. Wala na sa tabi ko si Lucas dahil nagkayayaan silang magsayaw sa dance floor habang ako ay nanatili naman sa table namin kasama ang iba pa naming mga kaibigan doon. Ubos na rin ang chips na binili sa akin ni Lucas at nakailang basong juice na rin ako doon. "Liam, what's up?" tanong ko naman kay Liam. Nakatayo siya sa harapan ko kaya naman kinailangan ko pang tumingala para lang matignan siya. "Are you alright? Kanina ka pa kumakain niyan ah? Hindi ba at ayaw mong kumakain ng unhealthy foods?" tanong niya sa akin. Nang makita niya sigurong nahihirapan ako sa pagtingala sa kaniya ay naupo siya sa tabi ko. Nakita ko namang nakatingin siya sa mga kinakain ko roon pero nagkibit na lang ako ng balikat. "Yeah, pero minsan lang naman 'to," sagot ko sa kaniya. "Gutom ka ba? We can eat dinner if you want," sabi niya. Napahinto naman ako sandali roon at pinakiramdaman ang sarili ko pagkatapos ay napatango sa kaniya dahil nakaramdam pa rin ako ng gutom kahit