Hindi ko alam kung anong oras na basta puti ang kisame na sumalubong sa akin. May pumasok sa kwarto kaya napatingin ako roon. Si mama na may kasamang nurse. "Normal na po ang vital signs niya, ma'am. Pwede na po siyang mai-discharge mamaya pagkatapos matanong ni doktora," paliwanag ng nurse at humarap siya sa akin nang makalapit. "Hi, Rika, ako nga pala si Nurse Jen, kamusta ang pakiramdam mo?" "Okay naman po. Nauuhaw ako," paos na sagot ko sa kanya. Kaagad naman akong inabutan ni mama ng tubig.Lumabas ang nurse at nang bumalik ay may kasama siyang babaeng doktor. Binati ko siya at gano'n din siya bago lumabas iyong nurse. Kinausap niya ako, tinanong kung anong pangalan ko, edad ko, anong grade na ako at kung kailan ako huling niregla."Noong December 14 po 'yong huli," paliwanag ko sa kanya."Iyong 14 ba ang unang araw kung kailan ka niregla?"Umiling ako. "10 po 'yong nauna at 14 naman po 'yong huli."Tumango siya at ngumiti sa akin. "May boyfriend ka ba, Erika?"Bigla kong naisi
Last Updated : 2024-01-03 Read more