Maaga akong nagising kinabukasan. 4:45 pa lang! Ang konti lang ng tulog ko! Lumabas ako ng kwarto at binati ang mga gising nang kasambahay. Nang makita ang mga magulang ay mas lalo akong napangiti. "Good morning, ma, pa!" bati ko sa kanila nang maabutan silang nagka-kape. Si papa ay halatang kakagising dahil sabog pa ang buhok. Inayos ko iyon at tinabihan siya."Ang aga mo ngayon, anak! Wala ka namang pasok ngayon, 'di ba?"Tumango ako at humingi ng kape niya para humigop doon. "Nakatulog din kasi kami ni senyorito ng kahapon, pa, kaya siguro maaga ako ngayon," paliwanag ko."Nakita nga namin! Kakamustahin sana namin kayo pero tulog naman!" pagkwento niya at humalakhak. "Sa susunod do'n kayo sa kama para mas komportable! Malamig ang sahig at baka magkasakit kayo!" "Rika, ha? Pinapayagan namin kayo ni Senyorito Brandon na kayo lang sa kwarto mo pero sana 'wag niyong kakalimutan iyong limitasyon niyo. Bata ka pa!" paalala naman ni mama. Uminit ang pisngi ko at naalala iyong mainit na
Last Updated : 2023-12-27 Read more