Natapos agad ang meeting naming iyon dahil sa ginawa ni senyorito. Magti-thank you talaga ako sa kanya mamaya!Alas-dies nang naglaba kaming dalawa ni Mona ng mga damit at uniform ko. Nakipag-videocall pa kami kina Franz at JP habang ginagawa iyon."Bakit 'di kayo nag-sama, e 'di ako na sana naglalaba ng bra mo sis!" reklamo ni Franz."Tapos hihingin mo? No thanks!" biro ko. "Damot naman this girl!" mataray na sagot niya. "Mona, pakibasa nga 'yan!" "Subukan mo!" pananakot ko kay Mona pero mabilis niya akong sinabuyan ng bula. Binawian ko siya at hinabol pa siya nang tumakbo siya. Hindi na namin narinig sina Franz at JP nang magbasahan kami gamit ang hose na nasa gilid. Tumatawa pa kami habang umiilag sa tubig ng isa't-isa. "Hoy, sis! Tama na!" pigil ko sa kanya nang ma-realize na marami na kaming nasayang na tubig sa tubig na nasa sahig. Ako na ang unang nagpatay ng hose kaya sumunod na rin siya. "Sis?!" pinanlakihan ko siya ng mga mata nang bigla niyang hinubad ang damit kong suo
"Walang bawian, senyorito, ah?" tukso ko. "Sasaksakin mo 'pag ayaw mo magpaturok!" sigaw ni Ate Cathy. "Saksakin ng pagmamahal!" sinabayan niya pa ako sa banat. Lumawak naman ang ngiti ni senyorito at nakitawa rin sa amin."Ang landi, sis!" si Mona na parang siya ang nahihiya siya para sa akin. Tinawanan ko na lang iyon at nakangiting pinagpatuloy ang pagkain. Dahil sa tanghaliang iyon ay na-inspire ako na pagbutihan ang entrance exam namin. Ang kaso, halos dumugo na ang utak ko nang mabasa ang mga tanong! Pinilit ko iyong inintindi pero ang mga nasa huliang tanong ay diretso shade na lang ako sa answer sheet dahil paubos na ang oras."Sana mataas," umaasang bulong ko bago iyon inilagay sa machine na siyang magko-compute ng score ko. 'Di kasi pwedeng pumasa lang dahil may quota ang estudyanteng tatanggapin nila sa BS Nursing. Gano'n din sa mga kukuha ng BS Engineering, Architecture at Accountancy. Kaya sana ay makasama ako sa high rankings! Kahit pinakahuli na basta makasama lang,
"Kinakabahan ako, senyorito! Paano kung lahat sila english speaking kagaya mo?" pagki-kwento ko sa kanya nang makapasok kami sa loob ng pinakasikat na Medical School sa siyudad namin. Tatlo lang ang katulad nito rito at ito ang pinakamahal sa lahat pero pinakamalapit at pinakamaganda raw dahil mga trained at license nurses, midwife, at doctor talaga ang nagtuturo sa major dubjects! Iyong sa mga GE subjects, 'di rin basta-basta dahil lahat mataas ang marka sa boards at bihasa talaga magturo!Napatingin ako sa mga ibang nagpapa-enroll. Isang grupo sila ng kababaihan at napatingin kay senyorito sabay hagikgik."Luh? Crush ka agad no'ng mga 'yon!" reklamo ko.Napangiti naman siya sa akin at inilagay ang kamay sa bewang ko. "Don't mind them. They can't steal me from you, baby. Mahal na mahal kita," malambing na aniya.Lumawak ang ngiti ko at nagpasama sa kanya sa registrar para mag-enroll hanggang sa accounting para magbayad. Maganda ang lugar, malawak, malinis at amoy mamahalin! Feeling
Pinunasan ko ang luhang putamak dahil sa saya. Miss ko na si senyorito! Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.Inilagay ko sa bag ang tsokolateng bigay niya at inipit iyong sulat niya sa notebook ko para may babasahin ako kapag nalulungkot ulit ako sa school namin!Pagkarating ko sa classroom namin ay tahimik lang akong umupo. Maingay ang mga kaklase ko dahil marami na ang may kani-kanilang grupo. Pero may mga katulad ko pa ring nag-iisa at nagsi-cellphone lang o nakikinig ng music.Kinuha ko ang phone para sana mag-online na lang nang may dalawang lumapit sa akin. Akala ko kakausapin ako pero uupo lang pala sa tabi ko."Hi!"Nag-angat ako ng tingin sa bumati. Babae at maikli ang buhok niya kaya ayos lang kahit nakalugay ito dahil 'di naman umaabot sa balikat niya iyon. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin kaya napangiti ako. "Hi!" salubong ko. "Ano na kasing name mo?" tanong niya at tinignan ang ID ko. Pero tinakpan ko iyon at biniro siya. "Kinalumutan mo agad, kakapakilala lang nat
"Yes baby?" masayang aniya at humiwalay sa akin saglit. Pinagmasdan niya ang ayos ko kaya umikot pa ako para ipakita sa kanya. "Ganda ba?""Yes! Bagay sa 'yo! White really suits you the best!""Pati 'yong pang-mental?" Humalakhak kami sa biro ko nagulat naman ako sa isinagot niya. "Pwede rin, kapag baliw na baliw ka na sa akin.""Gumagaling ka nang humarot, ah!" tukso ko sa kanya."I missed you so much!" may gigil na saad niya at muli akong niyakap sabay halik sa noo ko."Na-miss din kita! Kung alam mo lang!" sagot ko at napatingin sa likuran niya. Iyong mga estudyanteng kagaya ko, nakangiti sila habang may hawak silang phone at nakatutok iyon sa amin."Tara na nga sa loob, senyorito! Baka mag-viral ka na naman dito!" anyaya ko sa kanya. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at inalalayang pumasok."Do you want somewhere to go for dinner?" tanong niya habang nagmamaneho.Hinarap ko siya at lumawak ang ngiti mo. "Date tayo?!"Sinulyapan niya ako at simple lang siyang ngumiti sa akin b
Napangiti ako at niyakap siya habang naghuhugas siya. Syempre, matagal ko na naman ulit siyang mayayakap 'pag umalis siya!Nang natapos ay nagpaalam kami sa isa't-isa para maligo at magbihis. Simula kasi nang magsimula ang klase ay gabi na ako naliligo at sa umaga ay half bath na lang para 'di na masayang ang oras sa pagpapatuyo ng buhok bago iyon i-pusod.Excited akong pumunta sa kwarto ni senyorito nang matapos magawa ang routine. Pinagbuksan naman niya ako agad at inakbayan."Hoodie ko?" tanong ko sa kanya. Pinapasok naman niya ako sa walk-in closet niya. Napaawang ang labi ko habang tinitignan ang madami pero organisadong mga damit niya. Karamihan ng mga iyon ay itim pero bagay niya naman dahil mas lalo siyang pumuputi. "I'll pick one for you and choose what I will wear tonight," paliwanag niya. "Are you up, baby?""Game!" malawak ang ngiting sagot ko at pinalandas ang daliri sa mga hoodie na mayroon siya. Pinili ko iyong kulay itim na may kaunting disenyong puti sa braso. Siya n
Tinadtad ko kaagad ng chat si senyorito nang mawala siya sa paningin ko matapos umandar ng kotseng sinasakyan niya. Sayang at hindi ako makasama para ihatid siya kasi may pasok ako. Si Kuya Rommel at Gemma ang kasama ni senyorito. Si papa kasi ang maghahatid sa akin sa school.Bumalik ako sa kwarto ko at napatingin sa phone nang tumunog iyon. Tumatawag si senyorito kaya mabilis ko iyong sinagot. "Miss na kita agad!" seryosong bungad ko sa kanya at humiga sa kama."Me too! Someday, I'll bring you with me, baby."Malungkot akong napangiti at niyakap ang malaking teddy bear. "Balik ka, isama mo na ako ngayon," biro ko.Natahimik siya sa background. Handa na akong sabihing joke lang iyon nang magtanong siya. "Do you have a passport?""Wala!""I thought you have! We'll work on that, so I could bring you next time." Ngumiti ako at tumango kahit hindi niya nakikita. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon at pumasok si mama.Bumangon ako at hinintay na lumapit siya sa akin. Yayakapin
Napanguso ako dahil sa naisip at hinintay na lang siya dahil wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Anong lenggwahe kaya iyon?"Baby?" Muli akong napatingin sa screen nang magsalita at makita si senyorito. "Si Rhianne ba kausap mo?" hindi ko naitago ang pait sa boses. Napaawang ang labi niya. "You heard me a while ago?""Oo, naka-on mic mo!" mas lalo akong nainis dahil sa selos. So, ayaw niya iparinig sa akin iyon?"Sige, bye na!" pagtapos ko ng usapan namin pero hinintay ko pa rin siyang magsalita at magpaliwanag."Wait, baby! It's my brother..." panimula niya. "My half brother.""May half brother ka? Bakit 'di ko alam? At bakit sinabi mo kanina 'Rhianne'? Iyon lang naintindihan ko sa mga sinabi mo!"Tumango naman siya at sumadal sa dulo ng kama niya. "I have a half brother, his name is George and a half sister named Francene.""George at Fracene?" bulong ko dahil pamilyar ang mga pangalang iyon sa akin. "'Yong nasa painting!" bulalas ko ng maalala. "Sila iyong anak nila senyor
Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d
"Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan
"Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d
"Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business
"M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h
Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty
Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main
Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a
Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B