"Rika!" Mula sa pagtakbo palapit sa mansyon ng pamilyang Monteverde ay narinig ko ang sigaw ni mama mula sa cellphone na hawak ko. "Nasaan ka nang bata ka? Umuwi ka na!""O-opo!" hinihingal na sagot ko at agad na pinatay ang tawag. Sayang lang kasi ang load niya kung pagsasabihan niya ako rito.Inilabas ko ang inis sa pagsigaw habang tumatakbo. Lagot na naman ako nito! Gabi na kasi, tingin ko ay mag-a-alas siyete na. Pero heto, pauwi pa lang ako. Paniguradong maitatanong na naman sa akin kung ganitong oras ba dapat ang uwi ng isang babae. Binuksan ko ang mataas na gate at napayuko sabay hawak sa magkabilang tuhod nang mapatigil. Nakakapagod! Taas-baba ang dibdib ko habang sinusuri ang mga itim at mamahaling sasakyan na bumungad sa akin. Anong meron?Nilampasan ko ang mga iyon at tinungo ang madilim na bahagi ng mansyon. Baka kasi may bisita ang pamilya ng mga Monteverde at nakakahiya ang itsura ko ngayon kung sa front door ako papasok. Kahit madilim, binilisan ko ang paglalakad p
"Good morning, senyorito!" puno ng enerhiyang bati ko habang nakaharap sa salamin. Mabilis akong umiling at inalis ang ngiti. Masyado yatang overacting ang pagkakasabi ko. Isa pa ngang practice!"Magandang araw po, Senyito Brandon!" nakangiting sabi ko salamin. Tipong mukhang mabait talaga at inosente.Ang kaso, kinikilabutan ako sa sariling ngiti! Parang ako 'yong pangit na manika sa horror movie kung makangiti. Iyong nakangiti ang labi pero hindi naman ang mga mata. "Hay! Bahala na nga mamaya!"Kabado ako kaya pati pagbati ay kinakabesado ko. Ang sabi kasi ni mama ay dapat ngumiti ako kapag kaharap siya para hindi na siya magalit. Ang abiso naman ni papa ay maging natural lang ako. Pero ang natural na ugali ko ay iyong mahilig reklamo. Ang kaso, kagabi ay napahiya lang ako kaya iyong sinabi ni mama ang susundin ko. Magpapaka-plastic muna ako ngayong araw. Naabutan ko si mama na nagti-templa ng kape sa isang mamahalin at bagong tasa. Iyon siguro ang para kay Senyorito Brandon. "Het
"Rika, nandyan na pala you!" masayang bungad ni Franz, ang kaibigan kong dahilan kung bakit marami akong sugat sa balat. Maarte siyang tumakbo palapit sa akin, inalis pa ang strap ng bag sa kanang balikat ko at pwersahan akong pinaupo. "Here ka umupo and let me check your sugat!" Mabilis akong umiling. "'Wag na, Franz! Para namang 'di pa ako sanay sa ganito!" pigil ko sa kanya at hinila siya patayo. "Correct ka r'yan, madam!" sang-ayon ni Mona at umupo sa arm chair ng inuupuan ko.Nalukot naman ang mukha ni Franz at hinawakan ang kamay ko. "Sorry talaga, mga sis! Nadadamay pa kayo dahil lang sa pagiging flirt ko!" madramang aniya at humagulgol pero walang luha. Napailing na lang ako at napangisi."Tanggap naman na namin dati pa na isa kang malaking flirt! Pero iba 'yong ngayon, sis! Naging third party ka sa mag-jowa!" pambubunyag ni John Paul o mas kilala bilang JP. Minsan Jopay ang gusto niyang ipantawag namin sa kanya. Gaya ni Franz, gay ang nirerepresenta niya bilang miyembro ng
"Rika, nasaan na si senyorito?" tanong ni Gemma, kasambahay na ilang taon lang din ang tanda sa akin. Nahihiya nitong inipit sa tenga ang ilang hibla ng takas na buhok. Ang hinhin niya talaga! Sila lang ni mama ang babaeng kasambahay na kilala kong hindi maharot tulad ko. "Nabanggit kasi ng mama mo na tinawag mo na siya.""Nagbibihis pa siya. Pero nasabi ko na. Baka mamaya nandito na 'yon," sagot ko bago siya nilampasan. Ang kaso, narinig ko ang yapak niyang umakyat patungo sa ikalawang palapag. Si senyorito ba ang pupuntahan niya? Wala ba siyang tiwala sa akin?Nagkibit ako ng balikat at naglakad na papunta sa kusina. Kumpara kagabi, walang mga bisita. Pero sandamakmak pa rin ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa hapag. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog iyon sa gitna ng katahimikan. Nagugutom na ako! Gusto ko na ring kumain.Tinungo ko ang kusina kung saan pwede nang kumain ang mga kasambahay. Ang kaso, wala ng tao roon. Tanging mga pinagkainang plato na nasa lababo lang an
Sabado ngayon. Wala kaming pasok kaya maghapon ang trabaho ko rito sa mansyon. Tulad ng laging ginagawa, nagwalis ako sa labas at loob ng mansyon. Iyon lang ang trabaho ko dahil ayaw nila akong paghawakin ng mga mamahalin at antigong gamit ng pamilyang Monteverde. Baka raw kasi masira o mabasag ko lang iyon.Sinunod ko ang paglilinis ng swimming pool. Taga-alis lang ako ng mga napupunta roong dahon gamit ang mahabang net. Nasa dulo ako ng pool, pinipilit na abutin ang dahong nasa pinakagitna nang biglang may magsalita sa likuran ko. "You're cleaning here instead of my room?"Dahil sa gulat ay napatalon ako sa swimming pool at nabitawan ang mabigat na net. "Senyorito?!" gulat na tawag ko sa kanya nang makaahon at mailuwa ang tubig na nainom. "Bakit ka nanggugulat?! Badtrip ka naman!" reklamo ko rito dahil una sa lahat, siya ang mga kasalanan kung bakit kay aga-aga ay naligo na ako agad. Pangalawa, may dalaw ako ngayon at paniguradong basa na ang suot kong napkin. At pangatlo, 'di ko
"Ang ganda mo talaga, Rika!" Napangiwi ako sa puri ni Cathy, isa sa kapwa ko kasambahay na mahilig maghanap sa online dating applications ng matandang mayamang madaling mamatay. "Ang plastic mo po talaga!" may respetong pambabara ko sa kanya. Umiling ito at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. "Nagsasabi ako ng totoo! Pero sigurado ako, mas gaganda ka kapag nilagyan kita ng make-up!" paliwanag niya at hinila ang kamay ko nang magsimula na akong umiling bilang pagtanggi. Siya ang nagme-make up sa akin tuwing Recognition at Graduation. Maganda naman ang resulta dahil marunong siyang mag-make up. Pero ang ayaw ko lang ay nagkaka-pimple ako pagkatapos. Napagkakamalan tuloy ako nina mama at ng tropa ko na inlove raw ako. Kaloka!"Mali-late na po kami sa misa!" palusot ko at tinawag ang ina. "Ma! Mama, si Ate Cath, oh!" Pero hindi ito nagpakita. Nako naman! Ang tagal niya talagang magbihis kahit kailan!"Wala pa si Karina, hali ka na kasi!" pagtukoy niya kay mama at hinila ako paupo.
Humiyaw ako at itinaas ang kamay sa ere habang dinadama ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko. Idagdag pa ang puro kulay berdeng mga puno at damo. Ang payapa. Nakaka-miss pumunta rito! "Senyorito!" tawag ko sa kasama at bumaba muna para yayain siya. Nakabukas kasi ng bahagya ang bubong ng kotse niya kaya nakuha kong matayo roon at makita ang tanawin. "Hali ka rito! Masarap 'yong hangin, sakto 'di gaanong maaraw rito!" Pero umiling ito at inalis ang suot na itim na salaming pamprotekta sa sinag ng araw. Kanina pa siya gan'yan! Nasa lilim pa rin kami pero naka-shades na siya. "Dali na!" pagpupumilit ko."Dito ka na lang. Malapit na tayo."Umungol ako sa pagkadismaya at napanguso. "Rommel, pakisarado na," utos pa niya kay kuyang driver na nasa harap.Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo at inalog. "Senyorito naman, e! Ang killjoy mo!""Tsk!" masungit na asik lang ang isinagot niya at inilayo ang braso. "You're acting like a child."Mas lalo akong napanguso at nagsumiksik
"Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—""Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya."Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya. "Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko. "Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato. Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso
Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d
"Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan
"Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d
"Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business
"M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h
Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty
Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main
Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a
Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B