Share

CHAPTER 2: PANYO

Author: sshhhhin
last update Last Updated: 2023-12-06 12:05:15

"Good morning, senyorito!" puno ng enerhiyang bati ko habang nakaharap sa salamin. Mabilis akong umiling at inalis ang ngiti. Masyado yatang overacting ang pagkakasabi ko.

Isa pa ngang practice!

"Magandang araw po, Senyito Brandon!" nakangiting sabi ko salamin. Tipong mukhang mabait talaga at inosente.

Ang kaso, kinikilabutan ako sa sariling ngiti! Parang ako 'yong pangit na manika sa horror movie kung makangiti. Iyong nakangiti ang labi pero hindi naman ang mga mata. "Hay! Bahala na nga mamaya!"

Kabado ako kaya pati pagbati ay kinakabesado ko. Ang sabi kasi ni mama ay dapat ngumiti ako kapag kaharap siya para hindi na siya magalit. Ang abiso naman ni papa ay maging natural lang ako. Pero ang natural na ugali ko ay iyong mahilig reklamo. Ang kaso, kagabi ay napahiya lang ako kaya iyong sinabi ni mama ang susundin ko. Magpapaka-plastic muna ako ngayong araw.

Naabutan ko si mama na nagti-templa ng kape sa isang mamahalin at bagong tasa. Iyon siguro ang para kay Senyorito Brandon. "Heto na, Rika," tawag niya sa akin kaya lumapit na ako para kunin iyon pati na ang platito na lalagyan nito.

"Alam mo naman na ang kwarto ni Senyorto, hindi ba?"

Mabilis akong tumango. "Opo. Ibibigay ko na 'to kasama ng panyo," sagot ko.

"Ayusin mo!"

Humalakhak ako dahil sa paalala niya bago umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon. Malawak ang buong lugar, nasa dulo pa ang kwarto ni senyorito at mabagal lang ang paglalakad ko kaya natagalan akong makarating. Tumikhim ako bago pumindot sa intercom gamit ang kaliwang kamay. "Senyorito!" pakanta at masayang tawag ko rito. Napangiwi ako at 'di napigilang mandiri sa sariling boses. "Gising ka na po ba? Your coffee is ready!" dagdag ko pa tulad ng sinabi ni mama.

"Hoy! Senyorito?" ulit ko nang walang sumagot. Tulog pa yata ang senyorito! Ano ba naman 'to?! Bakit ang tagal gumising? Baka malamig na ang kape niya mamaya!

Dismayado at iritado kong pinatay ko ang intercom nang walang sumagot. Sayang naman itong effort ni mama sa pagtimpla at iyong inensayo kong pagbati sa kanya! "Sayang 'tong kape mo. Akin na lang, ah? Pagawa ulit ako kay mama mamaya," sambit ko sa kawalan na tila ba nando'n siya na naririnig ako.

Humigop ako sa kape at namangha dahil sa sarap nito. Sakto ang pait at krema, ito ang gusto kong templa! Nasa labi ko ang tasa nang tinalikuran ko sa kwarto niya. Akmang lulunukin ko na ang kape nang maubo ako dahil sa gulat nang makita si Senyorito Brandon na palapit sa pwesto ko. Walang tunog ang yapak nito kaya hindi ko man lang naramdamang may tao.

Hala! Ano ba 'yan? Bakit nasa labas ang isang 'to? Akala ko pa naman ay tulog pa siya!

Kumunot ang noo niya. Nangingnig naman ang pagkakahawak ko sa platito at nananakit na ang lalamunan dahil sa kaka-ubo.

"What are you doing here?" malamig na tanong niya at huminto sa harap ko.

"K-kape mo po." Umubo ako ulit. Nag-iwas naman siya ng mukha.

"Why are you drinking it then?" muling tanong niya. Napangiwi naman ako.

Bakit parang ang laki na naman agad ng kasalanan ko? E, pwede namang palitan na lang 'to! Tsk! Kasalanan mo 'to, senyorito! Kung 'di ka lang sana lumabas ng kwarto mo bago ko maibigay 'to sa 'yo, e 'di bati na tayo.

Bumuntonghininga ako bago pa makapagreklamo. Baka mas lalo lang siyang mairita sa akin. "Akala ko kasi tulog ka pa, senyorito. At sayang naman 'to kaya ininom ko," mahinahong paliwanag ko at huminga ng malalim. "Gagawa na lang po ako ng bago. Sorry ulit." Yumuko ako at akamang lalampasan na siya nang muli siyang magsalita.

"Come with me."

Tinignan ko siya at sinundan nang buksan niya ang pinto ng kwarto niya. Bumungad sa akin ang lamig at bango ng silid niya. Ang fresh naman!

"Kwarto lang ba talaga 'to, senyorito? Ang ganda at ang laki!" manghang tanong ko nang makita kung gaano iyon kalawak at parang hindi lang iyon kwarto para pagtulugan. Kun'di parang isang bahay pa dahil kumpleto ang lahat ng gamit. May mini kitchen, dining, bedroom, living room at tanaw kong may swimming pool pa sa terrace.

"The kitchen is right there. Prepare me a coffee," maya-mayang utos niya. Napatigil tuloy ako sa paggagala sa kwarto niya.

Naptingin ako sa kanya. "Ngayon na senyorito?"

"Yeah. Make it fast," sagot niya bago umupo sa isang swivel chair, nagsuot ng salamin sa nga mata at hinarap ang laptop na may logo ng mansanas na may kagat. Kay aga-aga, busy na agad siya!

Siguro gano'n talaga ang buhay. Kahit mayaman ka o mahirap, madami kang kailangang gawin kung gusto mo talagang kumita. Kaya naman gusto kong magtrabaho rito para yumaman ako agad! Gusto ko kasing ako na ang gagastos sa sarili ko at mabili iyong bagay na gusto ko.

Determindo, tumango ako at napatingin sa kape na para dapat sa kanya. Paano kaya ito gawin? Sinuri ko ang gamit at sangkap na nasa maliit na kusina rito sa kwarto niya. Kinuha ko ang lalagyan ng kape pati na ang makinang pamilyar sa paningin ko. Coffee maker iyon. Pero hindi ko alam kung paano gamitin.

"Senyorito!" tawag ko kay Brandon pero hindi niya ako tinapunan ng atensyon. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa laptop habang nagtitipa. Ang bilis ng kamay niya base sa tunog na nililikha ng mga keyboard. Sobrang busy siguro.

Napanguso ako at bigong tinalikuran siya.

"Call me when you're done and leave."

Napatingin ako ulit sa kanya nang magsalita siya. "Aalis na po ako, senyorito. Hindi ko alam paano gamitin 'tong coffee maker. Tatawagin ko na lang si—"

"Okay," tamad na sagot niya. "Pack your things too and leave."

Mabilis akong lumapit sa kanya dahil pagkataranta. Bakit nambabanta na naman 'to? "Sentorito naman! Akala ko ba 'di mo na ako papaalisin? Nagamot ko na 'yong sugat ko kagabi. Tignan mo, oh!" Iniwan ko ang tsinelas sa sahig at itinaas ko pa ang paa sa lamesa niya para ipakita ang bandage ba naroon.

Napatingin siya sa paa ko, pataas sa mukha ko. Ngumiti ako dahil wala siyang reaksyon. Pero ilang saglit pa ay nagsalubong ang kilay niya at sumigaw, "Get your foot off my desk!"

Nalangiwi ako at napairap. Parang ang dumi ng mga paa ko kung umasta siya. "Arte!" bulalas ko at ibinaba ang paa. "'Di naman po mabaho ang paa ko—"

"Leave!"

"Gagawa na po ako ng kape mo!" mabilis ring sagot ko at tinalikuran siya.

Nagpakulo ako ng tubig at tinansya ang kape at cream na naroon para ikumpara ang lasa sa ginawang kape ni mama para kay senyorito.

"Damn it! Anong klaseng kasamabahay ka?" mariing tanong niya at nagtagalog pa. Napaka-seryoso ng dating niya.

Lumaylay ang balikat ko nang tabihan ako ni Senyorito Brandon at siya na mismo ang nagtempla ng sariling kape.

"May iuutos ka pa po ba?" nahihiyang tanong ko nang buhatin niya ang kapeng kakagawa. Tama nga siguro siya, anong klaseng kasambahay ako? Simpleng pagtimpla ng kape, 'di ko pa magawa. Dapat aralin ko rin ito! Sasabihin ko kay mama na turuan ako para wala nang masabi si senyorito.

"Umalis ka na. Naiintindihan mo naman na siguro 'yon."

Umalis? Saan?

"Opo." Yumuko ako sa kanya para magpaalam na. Napahawak ako sa dulo ng palda para ibaling do'n ang kaba. Papalayasin na ba niya talaga ako?

"Senyorito..."

"Labas!"

Ah, lalabas sa kwarto niya!

Bumuntonghininga ako at natigil ang makapa ang panyo na nasa bulsa. Iyong dapat na ibalik sa kanya.

Nilapitan ko siya at inilahad sa kanya ang panyo. "Ibabalik ko lang 'yong panyo mo."

"Itapon mo," maikling sagot niya nang 'di ako tinitignan.

"Nilabhan ko po ito, senyorito," malumanay na dagdag ko. "Malinis 'to at mabango! Walang mantsa at plantsado."

Narinig ko ang malalim na hininga matapos tumigil sa pagtitipa. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi?"

"Sayang naman po kasi kung itatapon lang," nakangusong katwiran ko. Ang dami kayang walang matinong panyo sa mundo! Tapos siya itatapon niya lang? "Parang bago lang po kasi 'to," pagkumbinsi ko.

Tiningala ko siya nang tumayo siya. Tahimik niyang kinuha sa akin ang panyo at naglakad palapit sa isang basurahang nasa sulok. Tumakbo ako para sundan siya. Seryoso talaga siyang itatapon niya na lang iyon? Sayang naman! Nilabhan ko pa iyon!

"Akin na lang po!" pigil ko at napaluhod para saluhin iyon bago pa tuluyang bumukas ang awtomatikong basurahan. "Wala kasi akong panyo. Akin na lang," ulit ko habang nakatingala sa kanya. Nagtiim ang bagang niya bago siya tumalikod at naglakad palayo.

"Salamat, senyorito!" Iwinagaygay ko ang panyo niya para magpaalam kahit hindi niya ako pinapansin.

Pagkalabas ko ng kwarto niya ay napasandal ako sa pader at napabuntonghininga. Akala ko naman, magiging maayos na kami. Nadagdagan lang ang galit niya sa akin.

Hay nako! Palpak ang plano!

Nagbihis na ako ng uniporme namin. Handa na akong pumasok sa school nang makita ulit ang senyorito na palabas sa mansyon. Nakasuot ito ng kulay kayumangging khaki shorts at puting long sleeves polo na parehong nakatupi ang manggas sa siko niya. Mukhang kakaligo niya rin base sa basang buhok niya.

Sinundan ko siya dahil palabas din ako. Napa-angat ako ng tingin para sundan ang amoy niya. Grabe! Ang fresh naman ni senyorito!

"Sa bayan, Canor," utos nito kay papa. Siya kasi ang isa sa mga driver ng pamilya.

"Sige ho, sir!" Napatingin naman saglit sa akin si papa. "P'wede bang isabay na rin ang anak ko? Papasok din kasi sa eskwela, sir."

"Sure, where is he?"

"Dapat po 'she', senyorito!" pagtatama ko sa kanya.

Napabaling siya sa akin sa akin. Umarko ang kilay nang suriin niya ako saglit bago bumaba ng hagdan. "Let's go."

Tumakbo ako para sundan siya at pumasok sa likod ng kotse. Akmang sasakay rin ako nang isarado niya ang pinto.

"Anak, hali ka na rito sa harap," tawag ni papa sa akin at pinagbuksan pa ako ng pinto. Napangiti ako at sumakay na roon. "'Yong seatbelt, ikabit mo," paalala pa niya.

"Opo!" ngiting sagot ko at ikinabit ang seatbelt sa katawan. Nang masiguradong ayos na iyon ay pinaandar na niya ang kotse. Mabuti pa talaga si papa, mabait at maalalahanin. E, si senyorito? Palagi lang galit at nagmumura.

"Pa, 'wag mo na ulit akong sunduin mamaya, ha? May project kaming gagawin," paalam ko sa ama habang nagmamaneho ito.

"Anong project 'yan? Kailangan mo pa ba ng perang pambayad?"

Mabilis akong umiling dahil wala naman talagang project na gagawin. Sadyang mabilis lang maniwala si papa sa akin. Kabaliktaran ni mama na kung magpapaalam ako ay magtatanong nang magtatanong hangga't mahuli akong nagsisinungaling.

"Hindi na po! Magpa-practice lang kami ng sayaw sa PE namin. Hiphop 'yon, pa!"

Umiling ito habang nasa kalsada ang tingin. "Nako! Kaya ba sabi ng mama mo ay may sugat ka na naman? Bilihan na lang kita no'ng nilalagay sa tuhod para 'di ka na masugatan ulit."

Malawak akong napangiti at inabot ang braso niya para yakapin. "Ang sweet mo talaga, papa! 'Di tulad ng ibang lalake r'yan!" pagpaparinig ko sa senyoritong nasa likuran.

"Naman! Kaya na-inlove ang mama mo sa akin!" Humalakhak ako dahil sa bilib niya sa sarili. Yabang! "Kaya ikaw, ayusin mo ang desisyon mo pagdating sa lalake."

"Pa! Kadiri!" tili ko dahil 'di ako interesado sa pagkakaroon ng boyfriend. "Magmamadre na lang ako kaysa magpakasal."

Sa pagkakataong iyon ay siya na ang tumawa. "Balang araw, baka kainin mo lang 'yang sinasabi mo, 'nak! Bihira lang ang 'di tinatamaan ni Kupido para magmahal."

Ngumiwi lang ako para maipakitang hindi ako naniniwala sa kanya. Binitawan ko na si papa para makapagmaneho siya nang maayos. Maya-maya ay hindi sinasadyang mapadaan ang tingin ko kay Senyorito Brandon na nasa likuran ng kotse. Napatingin din siya sa akin.

"Ikaw, Sir Brandon, may iniibig ka na ba?"

Iniibig? Gusto kong matawa at magreklamo kay papa dahil sa napakalalim na salitang ginamit niya. Pero hindi mahiwalay ang tingin ko kay Brandon. Para iyong na-magnet nang magtama ang tingin namin.

"Meron," sagot ni senyorito bago pinutol ang pakikipagtitigan sa akin.

Related chapters

  • The CEO's Personal Maid   CHAPTER 3: BAD KID

    "Rika, nandyan na pala you!" masayang bungad ni Franz, ang kaibigan kong dahilan kung bakit marami akong sugat sa balat. Maarte siyang tumakbo palapit sa akin, inalis pa ang strap ng bag sa kanang balikat ko at pwersahan akong pinaupo. "Here ka umupo and let me check your sugat!" Mabilis akong umiling. "'Wag na, Franz! Para namang 'di pa ako sanay sa ganito!" pigil ko sa kanya at hinila siya patayo. "Correct ka r'yan, madam!" sang-ayon ni Mona at umupo sa arm chair ng inuupuan ko.Nalukot naman ang mukha ni Franz at hinawakan ang kamay ko. "Sorry talaga, mga sis! Nadadamay pa kayo dahil lang sa pagiging flirt ko!" madramang aniya at humagulgol pero walang luha. Napailing na lang ako at napangisi."Tanggap naman na namin dati pa na isa kang malaking flirt! Pero iba 'yong ngayon, sis! Naging third party ka sa mag-jowa!" pambubunyag ni John Paul o mas kilala bilang JP. Minsan Jopay ang gusto niyang ipantawag namin sa kanya. Gaya ni Franz, gay ang nirerepresenta niya bilang miyembro ng

    Last Updated : 2023-12-06
  • The CEO's Personal Maid   CHAPTER 4: PERSONAL MAID

    "Rika, nasaan na si senyorito?" tanong ni Gemma, kasambahay na ilang taon lang din ang tanda sa akin. Nahihiya nitong inipit sa tenga ang ilang hibla ng takas na buhok. Ang hinhin niya talaga! Sila lang ni mama ang babaeng kasambahay na kilala kong hindi maharot tulad ko. "Nabanggit kasi ng mama mo na tinawag mo na siya.""Nagbibihis pa siya. Pero nasabi ko na. Baka mamaya nandito na 'yon," sagot ko bago siya nilampasan. Ang kaso, narinig ko ang yapak niyang umakyat patungo sa ikalawang palapag. Si senyorito ba ang pupuntahan niya? Wala ba siyang tiwala sa akin?Nagkibit ako ng balikat at naglakad na papunta sa kusina. Kumpara kagabi, walang mga bisita. Pero sandamakmak pa rin ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa hapag. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog iyon sa gitna ng katahimikan. Nagugutom na ako! Gusto ko na ring kumain.Tinungo ko ang kusina kung saan pwede nang kumain ang mga kasambahay. Ang kaso, wala ng tao roon. Tanging mga pinagkainang plato na nasa lababo lang an

    Last Updated : 2023-12-06
  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 5: PIKON

    Sabado ngayon. Wala kaming pasok kaya maghapon ang trabaho ko rito sa mansyon. Tulad ng laging ginagawa, nagwalis ako sa labas at loob ng mansyon. Iyon lang ang trabaho ko dahil ayaw nila akong paghawakin ng mga mamahalin at antigong gamit ng pamilyang Monteverde. Baka raw kasi masira o mabasag ko lang iyon.Sinunod ko ang paglilinis ng swimming pool. Taga-alis lang ako ng mga napupunta roong dahon gamit ang mahabang net. Nasa dulo ako ng pool, pinipilit na abutin ang dahong nasa pinakagitna nang biglang may magsalita sa likuran ko. "You're cleaning here instead of my room?"Dahil sa gulat ay napatalon ako sa swimming pool at nabitawan ang mabigat na net. "Senyorito?!" gulat na tawag ko sa kanya nang makaahon at mailuwa ang tubig na nainom. "Bakit ka nanggugulat?! Badtrip ka naman!" reklamo ko rito dahil una sa lahat, siya ang mga kasalanan kung bakit kay aga-aga ay naligo na ako agad. Pangalawa, may dalaw ako ngayon at paniguradong basa na ang suot kong napkin. At pangatlo, 'di ko

    Last Updated : 2023-12-14
  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 6: SUNDO

    "Ang ganda mo talaga, Rika!" Napangiwi ako sa puri ni Cathy, isa sa kapwa ko kasambahay na mahilig maghanap sa online dating applications ng matandang mayamang madaling mamatay. "Ang plastic mo po talaga!" may respetong pambabara ko sa kanya. Umiling ito at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. "Nagsasabi ako ng totoo! Pero sigurado ako, mas gaganda ka kapag nilagyan kita ng make-up!" paliwanag niya at hinila ang kamay ko nang magsimula na akong umiling bilang pagtanggi. Siya ang nagme-make up sa akin tuwing Recognition at Graduation. Maganda naman ang resulta dahil marunong siyang mag-make up. Pero ang ayaw ko lang ay nagkaka-pimple ako pagkatapos. Napagkakamalan tuloy ako nina mama at ng tropa ko na inlove raw ako. Kaloka!"Mali-late na po kami sa misa!" palusot ko at tinawag ang ina. "Ma! Mama, si Ate Cath, oh!" Pero hindi ito nagpakita. Nako naman! Ang tagal niya talagang magbihis kahit kailan!"Wala pa si Karina, hali ka na kasi!" pagtukoy niya kay mama at hinila ako paupo.

    Last Updated : 2023-12-14
  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 7: BUKID

    Humiyaw ako at itinaas ang kamay sa ere habang dinadama ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko. Idagdag pa ang puro kulay berdeng mga puno at damo. Ang payapa. Nakaka-miss pumunta rito! "Senyorito!" tawag ko sa kasama at bumaba muna para yayain siya. Nakabukas kasi ng bahagya ang bubong ng kotse niya kaya nakuha kong matayo roon at makita ang tanawin. "Hali ka rito! Masarap 'yong hangin, sakto 'di gaanong maaraw rito!" Pero umiling ito at inalis ang suot na itim na salaming pamprotekta sa sinag ng araw. Kanina pa siya gan'yan! Nasa lilim pa rin kami pero naka-shades na siya. "Dali na!" pagpupumilit ko."Dito ka na lang. Malapit na tayo."Umungol ako sa pagkadismaya at napanguso. "Rommel, pakisarado na," utos pa niya kay kuyang driver na nasa harap.Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo at inalog. "Senyorito naman, e! Ang killjoy mo!""Tsk!" masungit na asik lang ang isinagot niya at inilayo ang braso. "You're acting like a child."Mas lalo akong napanguso at nagsumiksik

    Last Updated : 2023-12-14
  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 8: GUILT

    "Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—""Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya."Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya. "Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko. "Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato. Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso

    Last Updated : 2023-12-14
  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 9: CRUSH

    "Senyorito..." tawag ko rito para sana kausapin siya habang nasa biyahe.Pero napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang kumulo iyon. Nagugutom na ako. Doon ko napagtantong mangga lang ang kinain namin ni senyorito kanina. Kaya siguro pagod na ako nang magdilim na. Gumalaw si senyorito at inilahad sa akin ang paperbag. Kinuha ko iyon at 'di siya nilubayan ng tingin. "Ayos ka na ba, senyorito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya sa gitna ng dilim at kaunting ilaw na tumatama sa kanya sa tuwing may madaraanan kaming nga poste na bukas ang ilaw. "Yeah, just eat if you're hungry," tipid na sagot niya at muling humarap sa bintanang nasa tabi niya. Dahil do'n ay nakanguso kong kinuha ang burger at kumagat para kumain na. Panay ang tingin ko kay senyorito habang ngumunguya. Tulog ba siya? Alukin ko kaya? Baka nagugutom na rin siya.Tahimik akong lumapit sa kanya at sinuri kung talagang nagpapahinga siya. Nang makitang nakapikit siya ay tumango ako dahil nakumpirmang tulog nga siya. Akmang la

    Last Updated : 2023-12-14
  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 10: PAHINGA

    Tinatamad akong bumangon nang marinig ang tunog ng alarm. Pinatay ko iyon at nakapikit na bumalik sa kama. Agad kong niyakap ang unan at nagkumot. Ang lamig ng panahon kaya ayaw ko pang bumangon! Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip nang muling magising dahil sa malakas na boses ni mama. "Rika, mag-aalas otso na! Bakit natutulog ka pa r'yan?!" "Ha?" iritadong tanong ko at napatayo nang may humila sa akin. "Akala ko naman nakabihis ka na at lahat-lahat. Pero nakahilata ka rin!" pagbubunganga ni mama. Itinulak niya ako papasok sa banyo at napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang malamig na tubig mula sa shower na bumabagsak sa katawan ko. "Ma!" sigaw ko sa kanya at agad na lumayo. "Maligo ka na, kita mong mali-late ka na!" singhal niya bago ako iniwan. Iritado akong humikab at naghubad ng damit para ipagpatuloy ang pagligo. Itinabi ko muna ang mga basang damit para labhan na lang pagka-uwi. Tinatamad akong nagbihis at nagsuklay. Monday na naman! Ang tagal pa para ma

    Last Updated : 2023-12-14

Latest chapter

  • The CEO's Personal Maid   WAKAS: MY SENYORITO

    Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 69: TAMANG ORAS AT PANAHON

    "Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.2: DESPITE EVERYTHING

    "Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.1: KASALANAN

    "Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 67: MUCH

    "M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.3: BARIL

    Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.2: SEDUCE

    Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.1: ONE MORE CHILD

    Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 65.5: DADDY

    Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B

DMCA.com Protection Status