Home / Romance / The CEO's Personal Maid / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng The CEO's Personal Maid: Kabanata 1 - Kabanata 10

185 Kabanata

CHAPTER 1: SENYORITO

"Rika!" Mula sa pagtakbo palapit sa mansyon ng pamilyang Monteverde ay narinig ko ang sigaw ni mama mula sa cellphone na hawak ko. "Nasaan ka nang bata ka? Umuwi ka na!""O-opo!" hinihingal na sagot ko at agad na pinatay ang tawag. Sayang lang kasi ang load niya kung pagsasabihan niya ako rito.Inilabas ko ang inis sa pagsigaw habang tumatakbo. Lagot na naman ako nito! Gabi na kasi, tingin ko ay mag-a-alas siyete na. Pero heto, pauwi pa lang ako. Paniguradong maitatanong na naman sa akin kung ganitong oras ba dapat ang uwi ng isang babae. Binuksan ko ang mataas na gate at napayuko sabay hawak sa magkabilang tuhod nang mapatigil. Nakakapagod! Taas-baba ang dibdib ko habang sinusuri ang mga itim at mamahaling sasakyan na bumungad sa akin. Anong meron?Nilampasan ko ang mga iyon at tinungo ang madilim na bahagi ng mansyon. Baka kasi may bisita ang pamilya ng mga Monteverde at nakakahiya ang itsura ko ngayon kung sa front door ako papasok. Kahit madilim, binilisan ko ang paglalakad p
last updateHuling Na-update : 2023-12-06
Magbasa pa

CHAPTER 2: PANYO

"Good morning, senyorito!" puno ng enerhiyang bati ko habang nakaharap sa salamin. Mabilis akong umiling at inalis ang ngiti. Masyado yatang overacting ang pagkakasabi ko. Isa pa ngang practice!"Magandang araw po, Senyito Brandon!" nakangiting sabi ko salamin. Tipong mukhang mabait talaga at inosente.Ang kaso, kinikilabutan ako sa sariling ngiti! Parang ako 'yong pangit na manika sa horror movie kung makangiti. Iyong nakangiti ang labi pero hindi naman ang mga mata. "Hay! Bahala na nga mamaya!"Kabado ako kaya pati pagbati ay kinakabesado ko. Ang sabi kasi ni mama ay dapat ngumiti ako kapag kaharap siya para hindi na siya magalit. Ang abiso naman ni papa ay maging natural lang ako. Pero ang natural na ugali ko ay iyong mahilig reklamo. Ang kaso, kagabi ay napahiya lang ako kaya iyong sinabi ni mama ang susundin ko. Magpapaka-plastic muna ako ngayong araw. Naabutan ko si mama na nagti-templa ng kape sa isang mamahalin at bagong tasa. Iyon siguro ang para kay Senyorito Brandon. "Het
last updateHuling Na-update : 2023-12-06
Magbasa pa

CHAPTER 3: BAD KID

"Rika, nandyan na pala you!" masayang bungad ni Franz, ang kaibigan kong dahilan kung bakit marami akong sugat sa balat. Maarte siyang tumakbo palapit sa akin, inalis pa ang strap ng bag sa kanang balikat ko at pwersahan akong pinaupo. "Here ka umupo and let me check your sugat!" Mabilis akong umiling. "'Wag na, Franz! Para namang 'di pa ako sanay sa ganito!" pigil ko sa kanya at hinila siya patayo. "Correct ka r'yan, madam!" sang-ayon ni Mona at umupo sa arm chair ng inuupuan ko.Nalukot naman ang mukha ni Franz at hinawakan ang kamay ko. "Sorry talaga, mga sis! Nadadamay pa kayo dahil lang sa pagiging flirt ko!" madramang aniya at humagulgol pero walang luha. Napailing na lang ako at napangisi."Tanggap naman na namin dati pa na isa kang malaking flirt! Pero iba 'yong ngayon, sis! Naging third party ka sa mag-jowa!" pambubunyag ni John Paul o mas kilala bilang JP. Minsan Jopay ang gusto niyang ipantawag namin sa kanya. Gaya ni Franz, gay ang nirerepresenta niya bilang miyembro ng
last updateHuling Na-update : 2023-12-06
Magbasa pa

CHAPTER 4: PERSONAL MAID

"Rika, nasaan na si senyorito?" tanong ni Gemma, kasambahay na ilang taon lang din ang tanda sa akin. Nahihiya nitong inipit sa tenga ang ilang hibla ng takas na buhok. Ang hinhin niya talaga! Sila lang ni mama ang babaeng kasambahay na kilala kong hindi maharot tulad ko. "Nabanggit kasi ng mama mo na tinawag mo na siya.""Nagbibihis pa siya. Pero nasabi ko na. Baka mamaya nandito na 'yon," sagot ko bago siya nilampasan. Ang kaso, narinig ko ang yapak niyang umakyat patungo sa ikalawang palapag. Si senyorito ba ang pupuntahan niya? Wala ba siyang tiwala sa akin?Nagkibit ako ng balikat at naglakad na papunta sa kusina. Kumpara kagabi, walang mga bisita. Pero sandamakmak pa rin ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa hapag. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog iyon sa gitna ng katahimikan. Nagugutom na ako! Gusto ko na ring kumain.Tinungo ko ang kusina kung saan pwede nang kumain ang mga kasambahay. Ang kaso, wala ng tao roon. Tanging mga pinagkainang plato na nasa lababo lang an
last updateHuling Na-update : 2023-12-06
Magbasa pa

KABANATA 5: PIKON

Sabado ngayon. Wala kaming pasok kaya maghapon ang trabaho ko rito sa mansyon. Tulad ng laging ginagawa, nagwalis ako sa labas at loob ng mansyon. Iyon lang ang trabaho ko dahil ayaw nila akong paghawakin ng mga mamahalin at antigong gamit ng pamilyang Monteverde. Baka raw kasi masira o mabasag ko lang iyon.Sinunod ko ang paglilinis ng swimming pool. Taga-alis lang ako ng mga napupunta roong dahon gamit ang mahabang net. Nasa dulo ako ng pool, pinipilit na abutin ang dahong nasa pinakagitna nang biglang may magsalita sa likuran ko. "You're cleaning here instead of my room?"Dahil sa gulat ay napatalon ako sa swimming pool at nabitawan ang mabigat na net. "Senyorito?!" gulat na tawag ko sa kanya nang makaahon at mailuwa ang tubig na nainom. "Bakit ka nanggugulat?! Badtrip ka naman!" reklamo ko rito dahil una sa lahat, siya ang mga kasalanan kung bakit kay aga-aga ay naligo na ako agad. Pangalawa, may dalaw ako ngayon at paniguradong basa na ang suot kong napkin. At pangatlo, 'di ko
last updateHuling Na-update : 2023-12-14
Magbasa pa

KABANATA 6: SUNDO

"Ang ganda mo talaga, Rika!" Napangiwi ako sa puri ni Cathy, isa sa kapwa ko kasambahay na mahilig maghanap sa online dating applications ng matandang mayamang madaling mamatay. "Ang plastic mo po talaga!" may respetong pambabara ko sa kanya. Umiling ito at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. "Nagsasabi ako ng totoo! Pero sigurado ako, mas gaganda ka kapag nilagyan kita ng make-up!" paliwanag niya at hinila ang kamay ko nang magsimula na akong umiling bilang pagtanggi. Siya ang nagme-make up sa akin tuwing Recognition at Graduation. Maganda naman ang resulta dahil marunong siyang mag-make up. Pero ang ayaw ko lang ay nagkaka-pimple ako pagkatapos. Napagkakamalan tuloy ako nina mama at ng tropa ko na inlove raw ako. Kaloka!"Mali-late na po kami sa misa!" palusot ko at tinawag ang ina. "Ma! Mama, si Ate Cath, oh!" Pero hindi ito nagpakita. Nako naman! Ang tagal niya talagang magbihis kahit kailan!"Wala pa si Karina, hali ka na kasi!" pagtukoy niya kay mama at hinila ako paupo.
last updateHuling Na-update : 2023-12-14
Magbasa pa

KABANATA 7: BUKID

Humiyaw ako at itinaas ang kamay sa ere habang dinadama ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko. Idagdag pa ang puro kulay berdeng mga puno at damo. Ang payapa. Nakaka-miss pumunta rito! "Senyorito!" tawag ko sa kasama at bumaba muna para yayain siya. Nakabukas kasi ng bahagya ang bubong ng kotse niya kaya nakuha kong matayo roon at makita ang tanawin. "Hali ka rito! Masarap 'yong hangin, sakto 'di gaanong maaraw rito!" Pero umiling ito at inalis ang suot na itim na salaming pamprotekta sa sinag ng araw. Kanina pa siya gan'yan! Nasa lilim pa rin kami pero naka-shades na siya. "Dali na!" pagpupumilit ko."Dito ka na lang. Malapit na tayo."Umungol ako sa pagkadismaya at napanguso. "Rommel, pakisarado na," utos pa niya kay kuyang driver na nasa harap.Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo at inalog. "Senyorito naman, e! Ang killjoy mo!""Tsk!" masungit na asik lang ang isinagot niya at inilayo ang braso. "You're acting like a child."Mas lalo akong napanguso at nagsumiksik
last updateHuling Na-update : 2023-12-14
Magbasa pa

KABANATA 8: GUILT

"Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—""Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya."Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya. "Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko. "Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato. Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso
last updateHuling Na-update : 2023-12-14
Magbasa pa

KABANATA 9: CRUSH

"Senyorito..." tawag ko rito para sana kausapin siya habang nasa biyahe.Pero napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang kumulo iyon. Nagugutom na ako. Doon ko napagtantong mangga lang ang kinain namin ni senyorito kanina. Kaya siguro pagod na ako nang magdilim na. Gumalaw si senyorito at inilahad sa akin ang paperbag. Kinuha ko iyon at 'di siya nilubayan ng tingin. "Ayos ka na ba, senyorito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya sa gitna ng dilim at kaunting ilaw na tumatama sa kanya sa tuwing may madaraanan kaming nga poste na bukas ang ilaw. "Yeah, just eat if you're hungry," tipid na sagot niya at muling humarap sa bintanang nasa tabi niya. Dahil do'n ay nakanguso kong kinuha ang burger at kumagat para kumain na. Panay ang tingin ko kay senyorito habang ngumunguya. Tulog ba siya? Alukin ko kaya? Baka nagugutom na rin siya.Tahimik akong lumapit sa kanya at sinuri kung talagang nagpapahinga siya. Nang makitang nakapikit siya ay tumango ako dahil nakumpirmang tulog nga siya. Akmang la
last updateHuling Na-update : 2023-12-14
Magbasa pa

KABANATA 10: PAHINGA

Tinatamad akong bumangon nang marinig ang tunog ng alarm. Pinatay ko iyon at nakapikit na bumalik sa kama. Agad kong niyakap ang unan at nagkumot. Ang lamig ng panahon kaya ayaw ko pang bumangon! Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip nang muling magising dahil sa malakas na boses ni mama. "Rika, mag-aalas otso na! Bakit natutulog ka pa r'yan?!" "Ha?" iritadong tanong ko at napatayo nang may humila sa akin. "Akala ko naman nakabihis ka na at lahat-lahat. Pero nakahilata ka rin!" pagbubunganga ni mama. Itinulak niya ako papasok sa banyo at napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang malamig na tubig mula sa shower na bumabagsak sa katawan ko. "Ma!" sigaw ko sa kanya at agad na lumayo. "Maligo ka na, kita mong mali-late ka na!" singhal niya bago ako iniwan. Iritado akong humikab at naghubad ng damit para ipagpatuloy ang pagligo. Itinabi ko muna ang mga basang damit para labhan na lang pagka-uwi. Tinatamad akong nagbihis at nagsuklay. Monday na naman! Ang tagal pa para ma
last updateHuling Na-update : 2023-12-14
Magbasa pa
PREV
123456
...
19
DMCA.com Protection Status