"Basta, sumakay ka na lang! Ako na gagawa ng part mo sa research," bulong ko rin at humagikgik. Natawa na lang siya at kumain na nang matapos mag-picture. "Sis, may dumi ka sa side ng lips mo," ani Franz sa akin. Napatingin naman ako kay Troy nang mabilis niya akong iniharap sa kanya at pinunasan ang gilid ng labi ko. May sauce pala roon."Sakit niyo sa mata!" reklamo ni Rence at naubo pa. "Rika, can we talk?"Naeatatwa ako nang may marinig na pamilyar na boses. Lahat kami ay nag-angat ng tingin sa lalakeng nagsalita. Naabutan ko ang malamig na tingin ng bughaw niyang mga mata sa akin. "Ayaw ko," matigas na sagot ko at hinawakan ang braso ni Troy. "Kumain na tayo.""Rika, sino 'yan? Ang sama ng tingin sa akin," mahinang bulong niya sa akin."Ex ko," mapait na sagot ko at muling sinulyapan si senyorito na magkasalubong ang kilay. "Umalis ka na, naiilang mga kasama ko!""Let's talk after you eat, then," mahinahong sagot niya at tumalikod na sa amin.Humigpit ang kapit ko sa kutsara
Last Updated : 2023-12-25 Read more