Home / Romance / The CEO's Personal Maid / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of The CEO's Personal Maid: Chapter 81 - Chapter 90

185 Chapters

KABANATA 37.2: NEW HOME

May itinurok sa balikat ko at ipinababa ang suot ko para makapag-dede na agad si Brayden. Itinapat siya sa kaliwang dibdib ko at maya-maya ay naramdaman kong dumidila siya roon at sumusupsop. "It's his first milk," manghang sambit ni senyorito sa akin at muli naming itinutok ang atensyon sa anak. Nilinis ako ng nurse at pinagsuot ng sanitary pad. Kinuhanan pa nila ako ng vital signs nang kunin nila si baby para kunin ang timbang at anthropometric measurement niya at bibigyan din daw siya ng vaccines, vitamin K at eye care. Matapos no'n ay dinila na kami ni baby sa sarili naming kwarto."Anak!" Naroon na sina mama at papa kaya kahit pagod na pagod na ako ay nagawa kong ngumiti. Niyakap nila ako habang nakahiga ako sa kama at binati, "Napakatatag mo, anak. Sigurado na ako, magiging mabuting ina ka sa anak ninyo ni senyorito!""Salamat po," paos na sambit ko at hinaplos ang anak na abala sa pag-inom ng gatas sa ibabaw ko. "Kawawa si Brayden, dami na niyang turok agad," kwento ko kina
last updateLast Updated : 2024-01-05
Read more

KABANATA 37.3: TULONG

"Welcome home, Rika and Baby Bradyden!" bati nila sa amin. Kinuha ni mama ang nagising na anak sa bisig ko bago ko sila isa-isang niyakap. Kumpleto na ulit kami rito! Maliban kay Gemma na hindi ko alam kung bakit wala.Isinarado nila ang awtomatikong makapal na kurtina bago kami kumain nang sama-sama. Syempre 'di kasali si Brayden do'n dahil breastmilk pa lang ang pwede sa kanya! Maingay ang lahat at puro kami tawanan habang nagki-kwentuhan lalo na nang ipakita ang video at picture namin mula sa hospital. Pabiro pa ngang nilait nila Franz at JP ang itsura ko ro'n. Samantalang kay senyorito, gwapo pa rin ang tingin nila kahit mukha na siyang natatae. Hay, mga bias!Payapa ang naging tulog ko sa bahay na iyon dahil kasama ko si senyorito sa kwarto. In-enjoy lang namin ang pag-aalalaga kay Brayden nang umiyak ito sa hating gabi at madaling araw.Wala na akong mahihiling pa. Kuntento na ako sa buhay namin ngayon. Pero ang buhay, marami talagang pagsubok."Rika! Kumalma ka!""Ma, si Brand
last updateLast Updated : 2024-01-05
Read more

KATAPUSAN 1: BRANDON'S POV

"Is that yaya Karina?" I curiously asked to Kuya Canor, one of my family driver. He has a lover and she's my Ate Karina. Sila ang palagi kong kasama rito sa Pilipinas. They taught me good things and raised me like their own. But now, Ate Karina is carrying a small child on her arms."Hello, Rika!" she even greeted her with a smile. Rika? Who is that?I felt a familiar pain of jealousy in my chest. How I wish my mother is as caring as her."Ate Karina, who is she?" I innocently looked at the person she is carrying and my lips parted as I saw her. She looks so small and fragile. It made me afraid on touching even her small hands. Tumingin ako sa tiyan ni Ate Karina na lumiit na ngayon. Bigla ay may napagtanto ako. "Is she the baby in your tummy last two days ago?""Yes, senyorto!" I can't help but to clap my hands on how amazing that works and stared at the angel-looking baby who is currently sleeping. Since then, I always stare at her and watch her cry even I wanted to wipe off her
last updateLast Updated : 2024-01-06
Read more

KATAPUSAN 1.2: REMEMBER

I immediately stepped on the cigarette I took as I heared some footsteps coming on my direction. I was about to went out of the dark when someone bumps on me... really fucking, hard!"Pa?" an unfamilar voice spoke and started touching me."What the hell?!" I cussed and pushed her in disbelief. Who the hell is this woman?! Mas lalo akong nawala sa mood nang matakasan ako ng babaeng iyon. I tsked! Nasaan na ba si Ririka? While we are on the dining room, I scanned both familiar and unfamilar faces of girls who are in that room. Then my eyes stopped on the youngest looking one. My eyes stared at her face, trying to see Ririka's resemblance. Pero dahil magulo siya ay niyaya ko na lang siyang lumapit sa akin. Then I realized, it would be awkward if I just stare at her so, why not ask her to do something for me?"Pour me a drink," I order and start staring at her eyes. I blink as she stared at me too."Ikaw po?" she asked using a familar voice, not Ririka's but the one who bumps me a whil
last updateLast Updated : 2024-01-06
Read more

KABANATA 38.1: TRANSFEREE

"Ririka, heto na ang baon mo!"Mabilis akong umiling kay lola at iwinagayway ang tinapay na hawak ko. "Meron na po akong baon, la! Sa 'yo na 'yan!" Kumaway pa ako at tumakbo na palabas ng kanto namin para pumasok ng naka-civillian. Suot ko naman ang ID ko kaya pinapasok ako ng guard. Sa loob na ako nagbihis ng uniform at nagpalit ng sapatos para mabango pa rin at hindi malagyan ng kahit na anong mantsa na pwede kong makuha habang naglalakad sa kalsada. Dalawa lang kasi ang uniporme ko kaya dapat malabhan ko agad pagdating sa bahay. Hassel naman kung may dumi na dahil sa kapabayaan ko. Puting-puti kasi iyon."Pres, may script ka na sa Leopold's Maneuver?" iyon ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa classroom namin. May Return Demonstration kami roon sa susunod na linggo. "Wala pa. Mamaya ko pa lang gagawin. Ise-send ko rin sa GC natin," pangako ko sa kanya. "Abangan ko 'yan! Thank you, Pres!"Tumango ako at ginantihan ang matamis na ngiti niya. Wala pa namang ina-announce na list ku
last updateLast Updated : 2024-01-06
Read more

KABANATA 38.2: BRANDON

"Seryoso?!" parehas kami ng reaksyon kanina. Tumango-tango ako at ngumiti. "Matalino siguro 'yon! Kinakabahan ako! Baka need ko mag-extra effort para ako pa rin ang Rank 1. Ayaw ko namang maalis sa Dean's List.""Kaya mo 'yan! Bilib nga ako sa 'yo, ang sipag mo!" sagot niya at inayos pa ang takas na buhok sa mukha ko. "Kailangan na ng gel?" tanong ko sa kanya kaya kumuha na ako ng kaunti at nilagyan ang gilid ng buhok. Bilang nursing student kasi, kailan laging presentable mula ulo hanggang paa."Hello po, si Brandon po ba ito? Ako po si Ririka Dela Rosa from NPU, BSN 2A. And nasabi ni Ma'am Gen na transferee ka," paliwanag ko pero nanatiling tahimik ang background."Kuya Brandon? Hello? Pwedeng hingiin ko na lang F.B mo? Wala na kasi akong load."Mabilis na namatay ang tawag. Napatakip ako ng mukha dahil mukhang naubos na ang load ko! Akmang tatayo na ako para bumili nang tumunog iyong phone ko at may na-recieve na 2000 worth of load!Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang tumawag a
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

KABANATA 38.3: RIKA

"Morning, Pres!" bati sa akin ng mga kaklase nang makapasok sa classroom. At nang sumunod ang lalakeng nakasunod sa akin, nanlaki ang mga mata nila at agad siyang nilapitan. "Sino siya? Bakit ang gwapo?""Brandon Fernandez ang pangalan niya! Transferee!" paliwanag ko at agad silang inutusang lumayo ng kaunti dahil nakita ko ang uneasiness sa bughaw na mga mata ni Brandon."Rika, can I seat beside you?" tanong niya sa akin nang maibaba ko ang bag."Oh! May katapat na si Wilson!" komento ng kung sino."Sige, rito ka na lang po!" ani Ally at kaagad na lumipat upuan. Hindi naman naging problema kung matangkad siya at nasa harap dahil pataas nang pataas ang mga upuan sa bawat row. Agad kong inilabas ang planner para tignan ang mga importanteng gagawin namin ngayon. Mabuti na lang ay walang quiz!"Pres!" si Wilson. "Nandito na raw 'yong transferee?""Oo, katabi ko," sagot ko sa kanya at nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata ni Wilson. "Wilson nga pala," pagpapakilala niya sa sarili."
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

KABANATA 39.1: PAYPHONE

"Anong ginawa mo kay Ririka?!" sigaw ni Wilson at malakas na itinulak si Brandon palayo sa akin."Okay lang ako," pagpapakalma ko sa kanya at hinawakan ang braso niya para magpatulong na pumunta sa upuan. Dinala ako sa Clinic kanina at pinainom ng gamot pampakalma. Ang resulta? Hindi ako naka-attend sa unang subject namin at naiinis ako dahil do'n!"Anong nangyari?" "Mamaya na. Masakit ang ulo ko," malamig na sambit ko at inihiga ang mukha sa sariling lamesa. Bumalik na naman ba iyong mga boses sa isip ko? Ayaw ko na! Ayaw ko na silang marinig!"Gan'yan siguro kapag nasobrahan ng talino, nababaliw!" rinig kong sabi ni Regine mula sa likuran ko. Okay lang, Ririka. Hindi ka baliw. Hindi lang stable ang pag-iisip mo minsan. "Good morning, sir!" bati namin sa sumunod na klase. Nag-discuss siya pero sumasakit ang ulo ko kaya hindi ako masyadong makapag-focus."Who can tell me their favorite music and share why it is your favorite of all?"Natahimik ang lahat. Maya-maya pa ay tinawag ng
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

KABANATA 39.2: SELOS

Mabilis kong ibinaba ang kamay nang gumalaw siya at tumuwid ng pagkakaupo habang namumungay ang bughaw na mga mata. "You're awake. You should eat now. I'll just get a hot water," aniya at kinuha ang cup noodles na nakasarado pa.Napatingin ako sa tray na iniwan niya. May sandwich roon, tubig at crackers. Umayos ako ng upo at akmang aabutin ang crackers nang bumalik siya. Inunahan niya akong buksan iyon at ibinalik sa akin. "Tubig," paki-usap ko na i-abot niya iyon sa akin.Umawang ang labi niya habang pinapanood akong uminom. "Bakit hindi mo ako ginising?" "I tried but you were unconscious. The nurse says it's because of the medicine and you needed rest." Tumango ako at sinundan ang kamay niya nang kinuha ang cup noodles. "Do you want some? Even just the soup so you feel better," alok niya."Ako na," saad ko at kinuha sa kanya iyon pero hindi niya binitawan. Inilapit niya lang iyon sa akin. Bumuntonghininga na lang ako at inihipan iyon bago kinain. Pagtingin ko sa kanya, napalunok
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more

KABANATA 39.3: HEADACHE

Naunang lumabas ang mga boys para magtawag ng Tricycle para maihatid ang mga magkakapareho ng bus station o lugar na pupuntahan. Nang tumabi si Ally sa akin ay malaki ang ngiti niya. "Sabi ni Brandon, sabay na raw ako sa kanya!""Mag-isa mo?" matabang na tanong ko. "Baka kung saan ka dalhin no'n, ah?""Sabi niya tanong ko raw kayo ni Wilson kung gusto niyong sumabay sa amin. Ano?"Huminga ako ng malalim at tumango dahil baka mapahamak pa 'tong si Ally. Hindi pa naman namin gaanong kilala si Brandon."Sige, sasabihin ko sa kan'ya!" masayang sagot niya at agad na nilapitan ang lalake.Pinanood ko ang pagkonti ng mga kaklase namin. Pinahiram na namin iyong ibang payong nang apat na lang ulit kaming natira. Sabay namang kinuha nina Ally at Brandon ang kotse niya sa parking lot kaya naiwan kami ni Wilson kasama ang ilan pang estudyante na naghihintay roon."Kilala mo ba si Brandon?" tanong ko kay Wilson.Napangisi siya at tumango. "May kilala akong Brandon pero Monteverde ang apelyido. Sik
last updateLast Updated : 2024-01-07
Read more
PREV
1
...
7891011
...
19
DMCA.com Protection Status