"Apo, hali ka rito. Pahangin tayo. Iyong lolo mo, tuwang-tuwa dahil masarap daw sa pakiramdam ang sariwang hangin," anyaya sa akin ni lola nang mag-alas kwatro. "Tapusin ko lang po ito, lola," pagtanggi ko at pinagpatuloy ang pagsusulat ko sa diary ng mga natatandaang sinabi ng mga boses na narinig ko sa isip ko.Maya-maya pa ay napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Si Brandon, tumatawag.Tinitigan ko lang iyon hanggang sa tumigil ang pagtunog. Hindi ko pa kayang kausapin siya. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.Lumabas ako nang mas naging magulo ang isip ko. Kailangan ko muna sigurong magpahagin at magpahinga."Sis Ririka!" si Franz iyon. Malaki ang ngiti nila ng kasamang si JP at tumakbo palapit sa amin."Hello po!" magalang na bati nila kina lolo at lola."Magandang hapon. Kayo ba ay kaibigan ng apo namin?" tanong ni lolo sa kanila."True ka r'yan, lolo! Ako si Franz!" puno ng enerhiyang sagot nito at sunod ay ipinakilala niya si JP. "At ito po si John Paul.""JP na lang
Huling Na-update : 2024-01-12 Magbasa pa