"Pres, tara! Hatid nakita sa inyo," anyaya sa akin ni Wilson nang mailigpit ko ang mga gamit ko."Ririka..." si Brandon. "Sabay na tayo.""Ako na, pre," si Wilson na ang tumanggi. Nasabi ko naman na sa kanya na lumipat na kami ng bahay. Malapit lang din roon si Wilson kaya sa kanya na ako sasabay. Naduduwag kasi ako kay Brandon.May parteng gusto ko siyang makasama. Pero may pumipigil sa sa akin."Kay Wilson na ako sasabay. Ingat pauwi," sabi ko sa kanya at akmang bubuhatin na ang bag nang kunin iyon ni Wilson sa akin at binuhat niya iyon paharap sa balikat niya."Tara na." Tinignan ko si Brandon nang hilain ako ni Wilson. Sa kamay namin siya nakatingin. Mabilis kong binawi ang kamay ko kay Wilson at sinabayan na lang itong maglakad. "Dito na pala kayo nakatira. Sunduin kita bukas?" alok ni Wilson nang makarating kami sa bahay nina Tita Karina. "Hindi na, malayo pa 'yong sa inyo, eh. Sabay na lang ulit tayong umuwi." "Sige, sabi mo, eh!" Ngumiti siya ng malawak at napatingin sa b
Last Updated : 2024-01-13 Read more