"Lola, 'wag niyo po akong iwan," pakiusap ko sa ginang nang itulak niya ako pasakay sa isang paalis nang bus."Puntahan mo ang address na 'yan, Ririka. Susunod kami ng lolo mo. Sige na," utos niya at ini-upo ako sa bakanteng upuan na malapit sa bintana. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng luha niya. "Mag-iingat ka. Mainit ang mata ng awtoridad sa 'yo ngayon."Mas lalong kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pinagbibintanganan nila ako. Sabi ni Wilson, fingerprint ko raw 'yong nakita sa kutsilyo pero hindi ko naman iyon hinawakan! At isa pa, pinapahanap ako ni Brandon! Gusto niya akong ipahuli!Suminghot ako at humigpit ang hawak sa papel na ibinigay sa akin ni lola. Sa Cebu City ang lugar na iyon pero hindi ko alam kung sino ang madadatnan ko roon.Kinuha ko ang phone ko sa bag nang umandar ang bus. Nanginginig ang kamay kong binuhay iyon at pinindot ang daan-daang mensahe mula kay Brandon, sa mga kaibigan, kaklase at guro.Hindi ko pa nabubuksan ang alin sa mga iyon nang lumi
Last Updated : 2024-01-21 Read more