Home / Romance / The CEO's Personal Maid / KABANATA 54.1: ADDRESS

Share

KABANATA 54.1: ADDRESS

Author: sshhhhin
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Lola, 'wag niyo po akong iwan," pakiusap ko sa ginang nang itulak niya ako pasakay sa isang paalis nang bus.

"Puntahan mo ang address na 'yan, Ririka. Susunod kami ng lolo mo. Sige na," utos niya at ini-upo ako sa bakanteng upuan na malapit sa bintana. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng luha niya. "Mag-iingat ka. Mainit ang mata ng awtoridad sa 'yo ngayon."

Mas lalong kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pinagbibintanganan nila ako. Sabi ni Wilson, fingerprint ko raw 'yong nakita sa kutsilyo pero hindi ko naman iyon hinawakan! At isa pa, pinapahanap ako ni Brandon! Gusto niya akong ipahuli!

Suminghot ako at humigpit ang hawak sa papel na ibinigay sa akin ni lola. Sa Cebu City ang lugar na iyon pero hindi ko alam kung sino ang madadatnan ko roon.

Kinuha ko ang phone ko sa bag nang umandar ang bus. Nanginginig ang kamay kong binuhay iyon at pinindot ang daan-daang mensahe mula kay Brandon, sa mga kaibigan, kaklase at guro.

Hindi ko pa nabubuksan ang alin sa mga iyon nang lumi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 54.2: KARMA

    Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa makita ang pamilyar na mukha at katawan ng isang modelo. Si Rhianne! "Ms. Fontallez, kilala niyo po siya?""Yes! Thank you for escorting her here!" maarteng sagot niya sa guwardya at hinila ako papasok. Nadamdaman ko agad ang presko nang makatapak ako sa tiles nila sa labas ng bahay. Lalo na nang makapasok ako at bumungad sa akin ang lamig mula sa aircon."Guys, look who's here!" sigaw niya dahilan para mapatingin ang grupo niya sa kanila. Humiyaw sila sa pagkamangha at binati ako."Feel at home!" Kinindatan ako ni Rhianne at kinuha sa akin ang bag ko. "Bakit? Bakit po ako nandito?" tanong ko sa kanya."Well, it's because..." pambibitin niya at ngumisi. "I want to punish Brandon!"Napaawang ang labi ko nang marinig ang pangalan niya. "H-ha?" "Don't worry! It won't be physical but an emotional damage!" Humalakhak pa siya at inayos ang buhok ko. Napangiwi ako ako nang bigla niyang kurutin ang magkabila kong pisngi. "I know you are the real Erik

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 54.3: THOSE DAYS

    Nagsalubong ang kilay ko nang akbayan niya ako bigla at lumayo sa kanya ng kaunti. "Give me your number," aniya nang makabili kami. Nang hindi ko siya pinansin ay kinuha niya ang cover ng sim card na binili namin at doon niya kinopya ang numero ko.Nagtitipa pa lang ako ng mensahe para kay lola pero tumunog na iyon at tumawag sa akin ang hindi rehistradong numero. "Rename it as 'babe'," utos ni Gavin pero umiling ako. "Come on!" pagpupumilit niya pa."Hindi naman kita boyfriend, eh! Pangalan mo lang ang ilalagay ko!""Psh! Killjoy!"Hindi ko na pinansin ang reklamo niya dahil tumawag na si lola at agad ko iyong sinagot. "Lola! Kamusta po kayo? Nandito na ako!""Ayos lang kami ng lolo mo, apo. Komportable kami rito. Ikaw?""Ako rin po. Maayos po 'yong kwartong ibinigay ni Rhianne.""Mabuti naman kung gano'n! D'yan ka lang, ha? 'Wag kang lumabas ng hindi sila kasama.""Opo, kasama ko po si Gavin ngayon.""Yo, grandma!" bati niya pa. Napangiwi na lang ako."Yow!" rinig ko ang boses ni

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 55.1: RIVAL

    "Everything is ready, Rika! Go and check your walk-in closet!" ani Rhianne nang sabihin niya sa aking matulog na dahil may pasok pa ako bukas. "Nursing din ba ang course ko?" "Of course!" Napangiti ako roon at tumakbo papunta sa kwartong tinutuluyan. Nang buksan ko ang isang pinto, nakita ko roon ang mga mamahaling damit at sapatos pero ang puting uniporme ang nakaagaw ng pansin ko. May logo iyon ng sikat na private university kaya mas nalula ako. "Thank you, Rhianne!" malaki ang ngiti kong sigaw mula sa pangalawang palapag. Nakita ko naman ang pag-ngisi niya at pagtango sa akin. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pinagluto ko rin sila ng breakfast bago ako nagbihis ng uniporme. Nakaka-miss! Ilang araw akong hindi nakapasok sa school kaya ngayon, aral na aral ako. "You're early," si Gavin na walang suot pang-itaas at magulo ang buhok. "Hindi ko pa po kasi alam kung saan 'yong school namin," paliwanag ko sa kanya. Blanko ang mga mata niya nang tumango siya. "Hintayin mo ako,

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 55.2: BEG

    "Rhiane?" tawag ko ulit sa kanya nang hindi niya ako pansinin. "Just go, Rika," si Gavin na ang sumagot kaya kinuha ko na ang bag ko at bumalik sa cottage para muling mag-aral. Nag-unat pa ako dahil inantok ako roon sa ambiance ng pwesto nila. Alas dose na ng gabi nang dalawin ako ng antok. Iniligpit ko ang mga gamit ko at naghanda na para balikan sina Rhianne sa pwesto nila. Gusto ko nang magbihis at matulog! Bumaba ako sa cottage at naglalakad na nang biglang may brasong pumulupot sa bewang ko. Naamoy ko ang pamilyar na panlalakeng pabango kaya nagka-ideya ako kung sino iyon. "Ririka..." Napapikit ako at kaagad kong naramdaman ang pag-agos ng luha sa pisngi nang tawagin ako ni Brandon. Isiniksik niya pa ang mukha sa balikat ko. "I missed you. I missed you so much," bulong niya sa gitna ng mabilis na paghinga. Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang alisin iyon sa akin. "Bitawan mo 'ko," utos ko sa kanya. "No." Imbes na kiligin ay mas lalo akong nairita sa sagot niya. "Ano

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 55.3: ALAM

    Nanlaki ang mga mata ko nang sipain ni Jake ang likuran ni Brandon. Napaatras ako nang pumaibabaw si Brandon sa akin at nakita ko ang dugo sa bibig at pisngi niya. Sinabunutan ni Jake si Brandon at hilain ito patayo nang pumagitna ako at niyakap si Brandon. "Tama na po!" pakiusap ko kay Jake at itinulak si Brandon palayo sa kanya. "Bakla ka pala, e! Ano? Sa kama ka lang lalake?" pang-aasar sa kanya ni Jake pero umiling ako. "'Wag mo nang patulan. Umuwi ka na," pakiusap ko sa kanya at hinila siya papunta sa cottage. Patakbo kong kinuha ang bag para kunin ang pang-gamot sa sugat niya nang maabutan ko silang nagbubugbugan na naman. "Kuya Gavin! Awatin mo sila, please?" naiiyak na pakiusap ko sa kanya pero nanatiling blanko ang tingin niya. "Hayaan mo sila. Matanda na sila. Kusa ring hihinto ang mga 'yan." Umiling ako at tinakbo ang reception para magsumbong. Mabuti na lang ay kaagad akong sinamahan ng guwardya. "Saan ang gulo rito, ineng?" tanong nito sa akin nang maabutan naming n

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 56.1: AWAY

    "Rika!""Po?" Tumayo ako nang maisuot ang puting stockings ko at binuksan ang pinto nang marinig ang boses ni Rhianne roon."Come here!" bakas ang saya sa boses niya. "Bakit?" kuryosong tanong ko at halos madulas pa nang hilain niya ako. Stockings lang kasi ang suot ko. "Wait lang Ate Rhianne," paalam ko at bumalik sa kwarto para magsuot ng puting sapatos."Yuck! Did you just call me 'ate'? Don't call me like that! Call me 'ma'am'," masungit na pagtatama niya."Okay po, ma'am," sagot ko at nagpahila sa kanya papunta sa katapat na kwarto. Binuksan niya ang kurtinang tumatakip sa glass window at itinuro ang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay. Pamilyar ang itim na kotseng iyon. "Do you have an idea who owns that car?" mapanlaronf tanong niya sa akin."Si Brandon," bulong ko."Right!" Pumalakpak pa siya. "Paasahin mo, magpahatid ka sa kanya!"Mabilis akong umiling. "Ayaw ko!" Ayaw ko na siyang makasama. Hindi ko nga alam kung bakit siya nandito. Paano na lang si Brayden? Si Erika? Mas

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 56.2: 'B'

    "I'll fetch you later."Tumango ako at kinalas na ang seatbelt. "Salamat po."Nagmadali akong naglakad papasok at nanghihinang umupo sa sariling lamesa nang makarating sa classroom namin. Dumagdag pa kasi ang mariing tingin sa akin ng mga kaklase ko na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanila."Hello!" Nginitian ko na lang sila. Napaawang naman ang labi nila at napangiwi sabay iwas ng tingin."Can I see your notes, Ririka?" si Hans iyon, kinuha niya pa ang notebook ko at dinala iyon sa labas. "I forgot to study last night." "Talaga ba?" sarkastikong tanong ko sa kanya at sinubukang bawiin sa kanya ang notebook ko. "Bakit notes ko ang tinitignan mo? Tapos mo na ba ang buong libro?""Nope!" tamad na sagot niya at itinaas iyon sabay bitaw nang mapunta ang kamay niya sa railings."Ano ba?!" iritadong sigaw ko sa kanya at nagmadaling tumakbo para kunin ang notebook ko. Nakakainis! Pagod na pagod ako nang makabalik sa palapag na iyon nang makita kong iyong bag ko naman ang inilaglag ni

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 56.3: TARGET

    "'Wag mo nang alamin! Tigilan mo na ako!" sagot ko at akmang papatayin na iyon nang magsalita siya. "I have the things you needed. You called me instead of Gavin," dagdag pa niya, na-estatwa naman ako. "I'm here in front of your school. How about you?" "Pupuntahan na lang kita r'yan." "I'll come to you. Nakapasok na ako." Sa huli ay sinabi ko na ang daan papunta sa comfort room kung nasaan ako. Bigla ko tuloy naalalang siya rin ang bumili ng underwear at napkin ko dati sa NPU. "Ririka?" Napalunok ako nang marinig ang boses niya at pinihit ang cubicle para buksan. "What happened?" tanong niya at pumasok sa loob para i-abot sa akin ang paperbag. "Nabasa lang," paliwanag ko at muling pumasok sa cubicle. "Umuwi ka na. Salamat dito." Narinig ko ang yapak niya palayo kaya tinapos ko na ang pagbibihis. Black pants iyon at puting t-shirt. Niladlad ko ang basang buhok at mas komportable na ngayon. Akma kasi sa mga palagi kong isinusuot iyong pinili ni Brandon. Kasalungat ng mga damit k

Latest chapter

  • The CEO's Personal Maid   WAKAS: MY SENYORITO

    Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 69: TAMANG ORAS AT PANAHON

    "Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.2: DESPITE EVERYTHING

    "Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.1: KASALANAN

    "Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 67: MUCH

    "M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.3: BARIL

    Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.2: SEDUCE

    Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.1: ONE MORE CHILD

    Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 65.5: DADDY

    Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B

DMCA.com Protection Status