"Iyon na nga, senyorito. Alam ko na po sa susunod," mahinahong paliwanag ko dahil parang ang laki agad ng kasalanan ko.Narinig ko ang malalim na hininga niya tila sumuko na. "Alright then.""Gigisingin ko na si Brayden?" tanong ko at siilip ang loob ng kwarto niya."Yes."Tumango ako at nanlambot ang puso nang makita ang mahimbing na natuulog na bata sa kama. Tila nawala ang mga pangamba ko dahil sa kanya. "Brayden? Baby, gising ka na!" tawag ko sa kanya at napangiti nang imulat niya ang nga mata niya. "Ate Rika!"Mas lumawak ang ngiti ko nang yakapin niya ang leeg ko. "Miss you!" dagdag niya."Ako rin, na-miss kita!" Humagikgik ako nang pakawalan niya ako. "Rest ka muna d'yan saglit bago ka bumangon," paalala ko sa kanya at inayos ang hinigaan niya."Daddy!" bati niya sa ama nang lumapit ito. Mabilis akong gumilid para hindi kami magtabi.Sinalubong siya ni Brandon at binuhat niya ito. "How 'bout me? You miss daddy too?" "Yes!" mabilis na sagot ni Brayden. Napangiti ako kahit paa
Naging abala ako sa school nang mga sumunod na araw. Dahil mag-e-exam na, kailangan nang kumpletuhin ang nga requirements namin lalo na sa RLE, iyong case presentation namin. Mabuti na lang ay nakalabas na si lolo sa hospital at sa bahay na lang siya nagpapagaling ngayon."Brandon," tawag ko sa kanya dahilan para matigil siya sa pagtitipa sa laptop. Tinatapos kasi namin iyong case study paper namin pero hindi ko magawa iyon ng matiwasay dahil may inaalala ako."Pwede bang... pautang ulit?" Napayuko ako dahil sa hiya. "Kasi 'yong tuition, 'di pa ako nakakapagbayad tapos mag-e-exam na niyan."Kumunot ang noo niya. "How much do you need?""Kahit three thousand lang sana. May less naman ako kasi Dean's Lister ako last semester. Pero kulang pa rin talaga 'yong pambayad ko. Kung okay lang naman sa 'yo.""I'll give it to you later."Dahil do'n ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Salamat!" sinserong sagot ko. Bigla tuloy akong nagsisisi sa pag-iwas sa kanya nitong mga makaraang araw. Ang ka
"Brayden, labas na muna tayo," si Ate Cathy at hinila ang bata. Nakita ko ang walang emosyong tingin sa akin ni Brandon bago siya tuluyang lumabas. "Brayden!" tawag ni Brandon sa kanya at sumunod itong lumabas.Naiwan ako roon na mag-isa. Pinulot ko ang phone at inayos ang sarili bago sumunod na lumabas. "You made Ate Rika cry!" rinig kong sigaw ni Brayden. "Hate you!"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Senyorito anong nangyayari?" si Tita Karina at saglit na napatingin sa akin. "I'm sorry," iyon lang ang naisagot ni Brandon habang nakaluhod siya sa harap ng anak niyang patuloy siyang sinusuntok sa dibdib."Daddy made her cry, lola!" sumbong ni Brayden kay Tita Karina. "Hindi po." Lumapit ako sa kanila para magpaliwanag. "Hindi po siya ang dahilan kung bakit ako umiyak."Lumuhod din ako sa harap ni Brayden nang tumingin siya sa akin. "Sorry, Brayden. 'Wag ka na magalit sa daddy mo. Wala siyang kasalanan.""Really?" "Oo," seryosong sagot ko sa kanya. "Kaya 'wag ka na magalit kay
Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil hindi makapaniwala. Maliit lang kasi ang bahay namin, malamok at ngayon, magulo pa. Hindi ako sigurado kung makakatulog siya rito. Lalo na't laki siya sa yaman at natutulog sa komportableng kama."Why? I'm serious, Rika. Can I sleep here?""Sige na!" pagsuko ko at muling nagpasalamat sa Kapitan. Nagpaalam na rin sila at sinabing 'wag na kaming mag-alala dahil nakabantay naman daw ang mga tanod sa paligid para makasigurado.Tahimik nang bumalik kami ni Brandon sa bahay. Isinandal na lang muna namin ang nasirang pinto at hinarangan ng kahoy na mahabang upuan para hindi matumba. "Doon ka na lang muna sa kwarto ko," paliwanag ko sa kanya at nagtungo sa kwarto nila lolo at lola. Ramdam ko namang sumunod si Brandon sa akin."How about you?""Dito ako," sagot ko at binuksan ang pinto. Naabutan naming yakap ni lola ang asawa habang nakahiga si lolo. Base sa ayos nila sa ginagawang marahang pagtapik sa kanya ni lola ay pinatulog niya ito.Sinarado ko rin
"Hindi ko po siya boyfriend," pagtatama ko at hinila na si lola. "Mauna na po kami, Aling Helen. Mag-ingat po kayo lagi.""Ay sige! Kayo rin, mag-ingat kayo roon!" Kumaway pa ito habang malaki ang ngiti.Sumalubong sa amin si Brandon nang makalabas. Si lolo ay nakaupo ba sa may backseat. Naka-seatbelt na rin ito at nakangiting tinanaw kami mula sa bukas na bintana ng kotse. "Apo!" Kumaway pa ito, tila tuwang-tuwa sa nasakyan."La, pasok na rin po kayo." Inalalayaan ko ang ginang. Si Brandon naman ang naglagay ng mga gamit namin sa likod ng kotse. Halos sabay pa naming isarado ang pinto at ang likuran ng kotse. Nagkatitigan kami pero siya ang unang nagsalita. "Hop in," aniya nang lumakad at pagbuksan ako ng pinto. Mabilis ko siyang sinunod at tinanaw siya nang umikot matapos maisarado ang pinto sa gilid ko. "Are you ready?" "Oo!" si lolo ang masayang sumagot. Kita ko ang pagngiti ni Brandon bago niya pinaandar ang kotse at maingat na nagmaneho. Tumingin ako sa bintana at pinanood
"Apo, hali ka rito. Pahangin tayo. Iyong lolo mo, tuwang-tuwa dahil masarap daw sa pakiramdam ang sariwang hangin," anyaya sa akin ni lola nang mag-alas kwatro. "Tapusin ko lang po ito, lola," pagtanggi ko at pinagpatuloy ang pagsusulat ko sa diary ng mga natatandaang sinabi ng mga boses na narinig ko sa isip ko.Maya-maya pa ay napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Si Brandon, tumatawag.Tinitigan ko lang iyon hanggang sa tumigil ang pagtunog. Hindi ko pa kayang kausapin siya. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.Lumabas ako nang mas naging magulo ang isip ko. Kailangan ko muna sigurong magpahagin at magpahinga."Sis Ririka!" si Franz iyon. Malaki ang ngiti nila ng kasamang si JP at tumakbo palapit sa amin."Hello po!" magalang na bati nila kina lolo at lola."Magandang hapon. Kayo ba ay kaibigan ng apo namin?" tanong ni lolo sa kanila."True ka r'yan, lolo! Ako si Franz!" puno ng enerhiyang sagot nito at sunod ay ipinakilala niya si JP. "At ito po si John Paul.""JP na lang
"Oh, come on, Brand! She belongs here!" si Rhianne ang sumagot para sa akin at ibinigay sa akin ang baso niya na may bagong laman. "Drink, don't mind him.""She's not drinking," pigil ni Brandon at kinuha ulit sa akin ang baso. Napatitig ako sa magkasalubong na kilay niya. Bakit ba siya nagagalit?"Are you concerned? She's not your fucking girlfriend, Monteverde!" sigaw ni Jake sa kanya. Namayani iyon sa buong kwarto kaya napatigil din ang mga nagsasayawan at napatingin sa amin.Umigting ang bagang ni Brandon bago siya tumango. "Yeah!" sagot niya at hinila ako patayo. "Bakit?" mahinang tanong ko sa kanya nang makalabas kami ng kwartong iyon. Tahimik at kaming dalawa lang ang naroon sa palapag na iyon.Buong tapang kong tinignan ang matigas na ekspresyon niya. Kabaliktaran sa akin na inaantok at nahihilo na. Habang nakasandal sa pader ay inangat ko ang kamay ko at pinalandas ang daliri sa kilay niya. "Bakit ka galit, hmm?" Nang makitang nag-relax ang kilay niya ay bumaba ang daliri k
"Sorry po. Nagustuhan ko si Brandon." "Sinasabi ko na nga ba!" Dinuro niya pa pinanggalingan namin. "Bumalik ka roon! Kalimutan mo nang nahanap kita!" "Ate Cathy!" tawag ko sa kanya at hinabol siya. "Tigilan mo ako o ililigaw kita!" banta niya kaya natahimik ako. Lumapit naman siya at pinayungan ako ulit.Hindi na ako nagsalita hanggang sa matanaw namin ang bahay nila Tita Karina. Naabutan namin doon ang nag-aalalang si lola at Tita Karina."Uuwi na ako!" iritadong ani Ate Cathy. "Ate Cathy..." tawag ko sa kanya. "Bitawan mo 'ko!" reklamo niya kahit hindi ko siya hinahawakan."Anong problema?" si Tita Karina."Apo, saan ka ba nanggaling?" si lola at binigyan ako ng malinis na tuwalya. "Pinag-alala mo kami.""Naligaw lang po, lola. Sorry po, 'di na mauulit," sinserong hingi ko ng tawad."Sabay-sabay na tayong umuwi, Cathy. Tatawagan ko lang saglit sina Senyorito Brandon," paalam ni Tita Karina."Hinanap ka ng dalawang kaibigan mo, si Brandon, Canor at ni Cathy. Anong oras na? 'Wag
Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d
"Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan
"Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d
"Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business
"M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h
Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty
Doon ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Bakit parang nakakahiya dahil sa ekspresyon niya? E, normal lang naman na ganito magpa-dede ng bata at nakita naman na niya iyon dati.Matapos ko siyang mapakain at mapag-burp ay lumabas kami. Kaagad kong hinanap si mama para makisuyo. "Ate Cathy, si mama?" "Lumabas, ineng!" sigaw niya at nilapitan ako. "Ano bang kailangan mo?""Paki-laro muna si Raica. Magpapa-init lang ako ng pampaligo niya.""Ay, e 'di ibigay mo kay daddy!" sagot niya at nginuso si Brandon na tahimik sa mahabang upuan. "Si Brayden?" tanong ko muna kay Ate Cathy."Nasa labas, naglalaro!" Tumango ako at dahan-dahang lumapit kay Brandon. Napunta sa akin ang atensyon niya. Malalim ang tingin niya sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Gusto mo bang sa 'yo muna si Raica? May gagawin lang ako saglit.""Sure?" may bahif ng pag-alinlangang sagot niya at ipinosisyon ang braso. "How should I carry her?" "Ay ganito lang, senyorito!" si Ate Cathy na ang nagturo sa kanya. Main
Hindi ko maharap si Brandon kinabukasan. Mabuti na lang ay nabawi ko na agad kagabi ang phone sa kanya bago pa niya masabing hindi niya naalala ang anak. Ayaw kong magsinungaling kay Brayden pero ayaw ko rin siyang masaktan. Bata pa siya, ayaw kong sumama ang loob niya sa daddy niya. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon dahil ako mismo, hindi ko naiintindihan ang nangyayari."It's your leave today," ani Brandon dahil Linggo pero nanatili ako malapit sa kanya. Ayaw kong may mangyari sa kanyang masama hangga't nandito ako."Okay lang.""Don't you wanna spend Sunday with your child?"Hindi ako nakaimik. Maya-maya pa ay tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang papel na pamilyar sa akin. Iyong resume ko."I'll go to your address. You should go there too.""Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinabol siya."Rommel, open the gate!" Kahit nagtataka, mabilis na sinunod ni Kuya Rommel ang utos ni Brandon. "Hop in," aniya nang pagbuksan a
Umupo ako at sumandal sa pinto para bantayan siya. Nanatili ako roon hanggang sa mawala na ang ingay. Nalagdesisyonan kong tumayo na at sinimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig, lalo na ang mga bubog galing sa pagkabasag. "Ahhh!" daing ko nang makaramdam ng hapdi sa daliri matapos pulutin ang basag na baso sa may countertop. Mabilis na dumaloy palabas ang dugo kaya itinaas ko ang kamay kong may sugat at naghanap ng malinis na tela para ibalot iyon sa sugat ko at pigilan ang pagdurugo. "Brandon, pahingi nga ng medicine kit, please?" sigaw ko mula dahil alam kong nasa kwarto niya iyon. Pagbalik ko ay mas nag-ingat ako sa paglalakad. Sinuot ko na rin ang tainelas ni Brandon para hindi na masugat.Pinagsabay ko ang pagluluto at paglilinis. Marami naman kasing laman ang ref at cabinet niya kaya hindi na ako nahirapan.Muli akong napadaing nang bigla akong napaso dahil sa kakamadali. Hindi ko na alam ang uunahin ko dahil sa pagod at gutom."Brandon?" Muli akong kumatok sa pinto niya. B