Sa aking minamahal na mga mambabasa, Una sa lahat, taos-puso akong nagpapasalamat sa inyo, sa inyong walang sawang suporta, sa bawat komentaryo, sa inyong paghihintay, at higit sa lahat, sa pagmamahal na ibinibigay ninyo sa kwentong ito. Ang inyong mga mensahe at excitement sa bawat update ay siyang nagiging inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang pagsusulat. Alam kong medyo natagalan ang pag-update, at humihingi ako ng paumanhin para rito. Minsan, ang buhay ay puno ng hindi inaasahang balakid, pero maniwala kayong hindi ko kailanman kinalimutan ang kwentong ito, at lalo na kayo, na matiyagang naghihintay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagsuporta, hindi lamang sa kwentong ito kundi pati na rin sa iba pang kwentong isusulat ko sa hinaharap. Muli, maraming salamat sa inyong tiyaga, pagmamahal, at suporta. Patuloy tayong maglakbay sa mundong nilikha natin dahil ang kwentong ito ay hindi lang akin, kundi atin. Mahal ko kayo! —Anne
Last Updated : 2025-02-22 Read more