**Snow's POV** Pinilit kong iwasan ang muli niyang pagtatangkang halikan ako, pilit na inililingon ang aking mukha, ngunit mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking panga. Hindi ako nagtagumpay. Muli niyang idinikit ang kanyang labi sa akin, at ramdam ko ang matinding panggigigil sa paraan ng kanyang paghalik—brusko, walang alinlangan, at parang hayok na hayok. Napapikit ako sa pandidiri at sinubukan kong ilayo ang aking sarili, ngunit tila bakal ang kanyang mga bisig na hindi ko matakasan. Mas diniinan pa niya ang paghalik, tila ba nais akong pigain hanggang sa tuluyang mawalan ng lakas ang aking katawan. Nang maramdaman kong sinusubukan niyang ipasok ang kanyang dila, doon ko na tuluyang naipon ang galit at inis sa loob ko. Sinunggaban ko ang kanyang ibabang labi at mariing kinagat. "Shit!" singhal niya, agad na umatras habang dinadampian ng daliri ang nasugatang labi. Dahil sa aking ginawa, inaasahan ko nang magagalit siya, pero sa halip na umatras, mas lalo siyang nag-init.
Last Updated : 2025-03-11 Read more