Hindi malaman ni Ziri kung ano ba ang kulang sa kaniya at bakit sa dami ng inapplyan niya ay wala man lang tumawag sa kaniya. Sunod-sunod na rejections ang kaniyang natamo sa iba pa niyang inapplyan kaya parang unti-unti na siyang nawalan ng gana. Dumagdag pa ang pamimiga ng kaniya Ina sa kaniya. "anak, ano na ba? Akala ko ba tatawagan ka na? Bakit hanggang ngayon, nag-aapply ka pa rin? Ziri, apat na buwan na, apat na buwan na tayong lugmok sa kahirapaan. Si bumbay sinisingil na ako, umutang lang ulit ako sa isa pang bumbay para may maibayad sa kuryente at tubig. Ano na ba ang nangyari? Akala ko ba magaling ka?" Imbis kasi na imotivate siya nito ay parang kinekwestyon pa nito ang kaniyang kakayahan bagay na lalong nagpababa ng tingin niya sa kaniyang sarili. "nay naman, ginusto ko bang hindi matanggap sa trabaho? Nakita niyo naman po na ginawa ko naman ang lahat ng best ko pero wala eh, Baja nga hindi ako magaling kaya gano'n. Hayaan niyo po, gagawa pa rin ako ng paraan. Kung kina
Magbasa pa