Home / Romance / Narcissists / womanizer

Share

womanizer

ISAGANI FERRER POINT OF VIEW

"Ano na naman ba ito Isagani? Kailan ka ba mananawang bigyan kami ng sakit ng ulo? Paano ko ipagkakatiwala sa 'yo ang lahat ng business natin kung hanggang ngayon eh hindi ka pa rin nagtitino?" galit na sigaw ni daddy sa akin.

Pinag-fiefiestahan na naman kasi sa social media ang pangalan ko dahil sa isang reklamo ng isa sa mga ex ko.

Like, bakit kailangan nilang sirain ang reputasyon ko after kong paligayahin sila sa kama? Tss,

"dad, huwag mo na lang pansinin 'yung mga tungkol do'n, mga hindi lang maka-move on' yung mga iyon kaya sinisiraan ako." depensa ko.

Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ko talaga trip na mag-stay sa isang relationship Lalo na kung wala naman talaga akong nararamdaman. Yung tipong gusto ko lang naman silang matikman kaso sila itong nag-iisip na may relasyon kami, eh hindi ko naman sila mga niligawan. Sila ang nagpakita ng motibo sa akin, palay ang lumapit sa akin so bakit hindi ko tutukain?

"anong huwag pansinin? Are you out of your mind? Dala-dala mo 'Yung apelido ko at nakakaladkad ito tuwing masasangkot ka sa issue. Isagani, bugbog sarado si Elle Jiminez. Halos hindi na siya makilala sa lala ng pagkakabugbog sa kaniya, ikaw ang tinuturo niyang gumawa sa kaniya noon. At dahil sa mga picture na inupload niya ay sirang-sira na ang pangalan mo sa mga tao. Ngayon, paano mo lilinisin ang pangalan mo? Hindi pa nga tapos yung pang bubugbog na ginawa mo sa bar, tapos may bago na naman?"

"dad, I was just drunk that night. Wala akong matandaan. Tsaka, that was fucking 3 months ago, bakit ngayon lang siya nagreklamo?"

Elle Jiminez is currently in the number spot of FSM magazine. Yes, we men find her attractive. Sexy, appealing, and beautiful, lahat nasa kaniya na pero hindi ko talaga makita ang sarili ko na maiinlove sa kanya. Napaka demanding ng babae na 'yon, may nangyari lang sa amin humihingi na ng kasal. Tss!

Wala talaga akong alam sa nga ibinibintang niya sa akin. Wala akong maalala na binugbog ko siya, basta ang tanging naalala ko lang ay nagtalo kami ng gabi na iyon dahil nakikipaghiwalay na ako sa kaniya kaso ayaw niyang pumayag. Wala akong naalala dahil waisted ako that night kaya feeling ko sinisiraan niya lang ako.

Inakmaan ako ng suntok ni dad Kaya napayuko ako, hindi ko naman siya masisisi Kung bakit hanggang langit ang galit niya sa akin ngayon. Matinding damages na rin kasi ang naidulot non sa mga negosyo niya pero sana lang ay kampihan naman niya ako bilang anak niya kaso....

"Ayusin mo 'yan, Isagani. Kung hindi mo malulusutan ang mga gulong ginawa mo, mapipilitan akong ipagkatiwala na lang sa pinsan mong si Christian ang mga negosyo na dapat sana ay sa' yo. Huwag mo akong subukan, Kaya kong gawin Yun, Isagani."

"no, dad! You can't do that to me! Bakit Kay Christian? Hindi mo naman anak 'Yan, bakit----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumabas na si dad sa aking kwarto.

Napahilamos na lang ako ng mukha. Napaka Dali para sa kaniya na magedesisyon. Hindi man lang niya paniwalaan at intindihin ang nag-iisa niyang anak. Wala na siyang ibang ginawa kun 'di ang pagkumparahin kami ni Christian.

Si Christian na anak sa labas ng kapatid ni dad na si tito Alfred. Si Christian na palaging mabango at mabuti sa paningin niya.

Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko rin naman talagang umayos ang buhay ko. Gusto ko nang magtino, pero putang Ina! Putang inang mga babae 'yan. Sila ang sumisira sa akin.

Lumaki naman ako na walang ibang ginawa Kung hindi ang sundin si dad. Lumaki ako na mas piniling sundin Kung hindi ang gusto niya at isinantabi ko ang sarili Kong kagustuhan. Ang Ending Lumaki akong walang kwentang tao. Basura pa rin sa paningin niya.

Ilang sandali pa ay bigla nang bumukas ang aking pintuan at iniluwa noon si mommy Melda. Para akong nakaramdam ng kagingawahan matapos niyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. "anak, huwag mo nang pansinin ang sinabi ng dad mo. Galit lang iyon kaya ka niya napagsabihan. Naniniwala ako sa 'yo anak, Naniniwala ako na wala kang kasalanan. Sadyang ipinanganak ka lang na guwapo Kaya baliw na baliw sa' yo ang mga nagiging babae mo. Don't worry anak, I will help you to fix these, okay? Ang kailangan mo Lang gawin ngayon ay ikalma ang utak mo. I think you need a vacation Para mag-unwind." pag-aalo sa akin ni mommy.

"thankyou, mom. Thankyou for always be there for me."

Mabuti pa itong si mommy, palagi niya akong iniintindi. Palagi niya akong kinakampihan sa lahat ng bagay. Hindi tulad ni dad na puro Mali ang nakikita sa akin.

"sige na, magpahinga ka na, ako na ang bahala."

"mom, kausapin mo si dad, sabihin mo sa kaniya na sa akin niya ibigay ang company huwag kay----"

"ssssshhhhh..... Ang Sabi ko 'di ba, ako na ang bahala?"

Hindi na ako kumibo dahil may tiwala ako kay mom. Alam kong kaya niya si dad, at Alam na ni mom Kung ano ang dapat niyang gawin.

"I love you, mom."

"i love you too, son." she kissed my forehead before leaving my room.

Ako naman ay ipinikit ko na ang aking mga Mata at pinilit na matulog.

Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil sa pagkulo ng aking tiyan. Maaga kasi akong natulog kagabi Kaya nakalimutan ko nang humingi ng hapunan.

Wala si dad ngayon dahil maaga siyang umaalis Para pumasok sa office Kaya naman dali-dali akong bumaba para magpahanda ng agahan.

Pagbaba ko, naabutan ko si mommy na seryosong nakatingin sa aming 65 inches na flat screen TV. Na-curious ako kung ano ang pinanunuod niya at seryosong seryoso siya.

"good morning!" bati ko sa kaniya sabay yakap. Hindi siya bumati pabalik Kaya na patingin ako sa pinanunuod niya.

Damn!!! Napakuyom ang aking kamao sa aking nakita.

"ISAGANI FERRER, anak ng kilalang business tycoon, young CEO, humaharap ngayon sa patong-patong na reklamo mula sa kaniyang mga naging ex na sexy star." wika ng reporter sa telebisyon.

My jaw clenched after hearing the news. 4 of my ex accused me that I was beating them or physically abused them.

" NOOOOOO!!!!!!" sigaw ko. "hindi totoo Yan!"

Kaagad na pinatay ni mommy ang TV at humarap sa akin. "I'm sorry, anak. Hindi ko napansin na nariyan ka pala, napanuod mo pa tuloy."

Elle, Katrina, Suzi at Clariza. Nagtulong-tulong pa silang pabagsakin ako. Mga desperada!

"mom, hindi totoo yang nasa news! Sinisiraan Lang Nila ako, please do something!" hindi ko na MA-control ang sarili ko at sa mga oras na ito ay umaapoy na ako sa galit.

My mom tried to calm me but she can't. Mabilis Kong dinampot ang mga plato na nakalatag sa lamesa at Mabilis na ibinalibag iyon sa TV.

"son, I knew, I knew it. I know you and that's okay. Ilabas mo lang ang galit mo ngayon. Its okay,"

Imbis na awatin niya ako sa pagwawala ay hinayaan niya lang ako na magbasag ng gamit sa aming bahay. Hindi man lang siya nag-alala sa mga gamit na nasira, all she wanted was to support me.

Ang tanging kinuha niya lang ay ang cellphone ko and the rest is she let me destroyed it.

After kong mailabas ang galit ko ay pumanik na ako sa aking kwarto. After an hour ay sinundan na niya ako sa aking kwarto bitbit-bitbit ang isang tray na may lamang pagkain.

"kumain ka na, Alam kong napagod ka kanina. I hope you feel better soon," Inilapag niya ang tray sa may side table at inabot sa akin ang pinggan na may lamang garlic bread at tuna pasta. "okay na anak, huwag ka ng mag-alala, 5 pm ang flight mo papuntang boracay. 5 days ang kinuha ko para naman makapagrelax ka ng husto. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa news, Pinabura ko na. Basta ako na ang bahala sa lahat, kumain ka na."

Thankful ako at meron akong mommy na kagaya ni mommy Melda. Palagi siyang nasa tabi ko at palagi niyang sinisiguro na walang makaka-agrabyado sa akin kahit na si daddy pa iyan.

Speaking of daddy,

Habang kumakain ako ng almusal ay bigla-bigla na lang itong pumasok sa aking kwarto. Galit ako nitong sinugod at kinwelyuhan. Hindi ko na siguro kailangang itanong Kung bakit, parang Alam ko na.

Isang malakas na suntok ang kaniyang ginawa dahilan Para matabingi ang mukha ko at pumutok ang gilid ng labi ko. Narinig Kong inaawat siya ni mom ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya naawat. Kasunod kasi ng malakas na suntok na iyon ay sinundan pa niya ng batok at sipa.

"ang kapal talaga ng mukha mo! Sana hindi na Lang ikaw ang naging anak ko. Puro na lang kahihiyan ang ginagawa mo sa akin! Kesa aminin mo at ayusin mo ang mga gulo na ginawa no, nakuha mo pang mag-post sa F******k para maghugas ng kamay. Ano ba ang akala mo? Makakatulong 'yon? Lalo pang lumala! " at isang batok na naman ang kaniyang ginawa sa akin.

Hindi naman ako nasaktan sa pananakit na ginawa niya sa akin. Nasaktan ako sa mga sinabi niya na sana raw ay hindi na lang ako ang naging anak niya. Gano' n pala ay hinihiling niya, pagkatapos kong sundin ang lahat ng gusto niya gano'n pala ang matatamo ko ngayon.

"dad, ano bang post Yung sinasabi mo? Wala akong Alam sa sinasabi mo,"

Ngumiti ng mapait sa akin si dad. The way he looks at me, kitang-kita ko ang malaking disappointment niya sa akin. Kaagad niyang inabot ang hawak niyang cellphone at pinabasa sa akin ang tinutukoy niyang post.

"AYOKO NA SANANG MAGSALITA TUNGKOL SA MGA ISSUE NA IBINABATO NIYO/NILA SA AKIN KASO SOBRA NA! NAAPEKTUHAN NA ANG MGA MAGULANG KO KAYA MAPIPILITAN NA AKONG ILABAS ANG MGA IBIDENSYA NA MAGPAPATUNAY NA WALANG NANGYARING LIGAWAN KAYA HINDI KO MASASABI NA NAGING GIRLFRIEND KO SILA. KAYO NA PO ANG BAHALANG HUMUSGA KUNG SINO ANG NAGSASABI NG TOTOO. MY GIRLFRIEND PO AKONG TAO AT KAYA KO INILABAS DIN ITO AY PARA MALAMAN NIYA NA SIYA LANG ANG MAHAL KO." caption sa post ko. Sa post na iyon ay naroon ang napakaraming screenshots ng mga naging conversations namin sa chat nila Elle, Katrina, Suzi at Clariza.

Sa screenshots na yon ay mababasa na sila ang mga unang lumapit sa akin at nag-alok ng kanilang sarili. Nandoon din mababasa na tinatakot nila akong sasaktan nila ang kanilang sarili kapag nakipaghiwalay ako sa kanila.

Kumbaga, Doon makikita kung anong klaseng mga babae sila dahil marami silang sine send na nude photos para akitin ako.

Wala naman akong nakikitang Mali sa post na iyon dahil lilinis pa nga ang pangalan ko ro'n, iyon nga lang tiyak na masisira ang mga image ng mga ex ko dahil sa isinawalat kong convo.

Napalingon agad ako Kay mommy dahil Alam ko na siya ang nag-post noon gamit ang f* ko. Hawak niya kasi ang cellphone ko kanina at sa tingin ko at tama lang din naman ang kaniyang ginawa.

"ano ba ang inaarte mo, Hon? Ano bang Mali sa post na iyon? Nabasa mo naman 'di ba na sila ang kating-kati na magpakamot sa anak natin? Ngayon, sino ngayon ang maeeskandalo?" singit ni mom sa usapan.

"h-huwag mong sabihin na ikaw ang naglabas ng post na iyon?" hindi makapaniwalang Sabi ni dad.

"ako nga! Ayaw mo kasing gumawa ng paraan! Palagi ka na Lang nakasisi, Kaya nilinis ko Lang ang pangalan ng anak natin. At higit pa riyan ang Kaya Kong gawin kapag hindi pa natigil ang issue na ito."

"ibang klase ka talaga Melda! Huwag mo sanang pagsisihan yang pangungunsinti mo sa anak no balang araw,"

Lumabas na si dad sa kwarto ko at iniwan na kami ni mom doon.

Samantala,

"mom, thank you for saving me again and again. And... I'm sorry,"

"Isagani, anak, you are my son. Kahit na ano pa ang gawin mo, palagi Kang Tama sa paningin ko."

Si mommy na mismo ang nag-empake ng mga dadalin kong mga gamit sa boracay. Ganyan talaga siya, Kahit malaki na ako ay palagi niya pa rin akong inaayos.

"mom, baka Pati paghatid sa airport gawin mo ha. Huwag naman sana, hindi na ako Bata. I am 25 years old at nasa tamang edad na ako."

Natawa siyang bigla, "okay, okay, I get it! Sige na, magpahinga ka na," iniwan na niya ako sa aking kwarto at ako naman ay nakahinga na ng maluwag.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
lucky me
pa update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status