Share

boracay

"sigurado ka bang Kaya mo, Ziri? Kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba o ano?" hindi maiwasan ni Izel na hindi mag-alala para sa kaibigan. Alam naman niya kasing may malala na itong sakit eh sumigi pa rin sila sa lakad. Kung siya lang kasi ang tatanungin ay ayaw na nga Sana niyang tumuloy ngunit si Ziri itong mapilit.

"ano ka ba? Okay nga lang ako. Nandito na tayo, aatras pa ba ako? Saka feeling ko naman Mas lalakas ako kapag nakatapak na ako sa puting buhangin ro'n. Doon mo ako picturan ng ilalagay sa tarpaulin ng st. Peter." pagbibiro pa niya sa kaibigan.

Nasa airport na sila ngayon at nag-aantay na Lang ng tawag. Walang paglagyan ang kasiyahan ni Ziri Samantalang itong si Izel at hindi mapakali. Hindi siya komportableng magsaya knowing na may taning na ang buhay ng kasama niya.

"basta kapag may naramdaman Kang kakaiba---sabihin ko kaagad sa Akin, ha."

"oo naman, huwag mo nga akong intindihin. Bes, anim na buwan pa naman 'yon. Nasa unang buwan pa lang tayo. Ako nga hindi ko iniisip ang tungkol sa sakit ko, ikaw naman' tong paalala nang paalala."

"Bes naman eh, paanong hindi ko iisipin eh, pagka namatay ka, sino na ang magising best friend ko? Sino na ang makakasama ko sa gimikan? Huhuhu"

Nagyakapan silang dalawa nang mahigpit. Maya Maya lang ay agad din silang nagbitaw dahil sa narinig nilang ingay mula sa likuran.

"artista ba 'Yung dumating? Bakit sila tilian ng tilian?" tanong ni Izel Kay Ziri.

Nagkibit balikat lang ito, "huh, Ewan ko ba. Gusto mo lapitan natin?" alok niya Kay Izel sabay hawak sa kamay nito.

"gagi, huwag na. Baka flight na natin,"

"flight 5J 999... Speaking ayun na sa screen 'Yung flight number natin," kinikilig na Sabi ni Ziri na akala mong walang iniindang sakit.

Excited nilang inilabas ang kanilang mga valid I. D. At passport at Saka nagtungo sa checking.

"Bes, first time Kong makasakay sa eroplano, grabe pwede na akong mamatay."

"korni mo naman, Saka ka na mamatay kapag naka rating na tayo sa bora. Mag-aafam hunting pa tayo ro'n."

"ayy, oo nga pala. Tignan mo itong swimsuit na nabili ko sa lazada, free shipping na ginamitqn ko pa ng voucher Kaya pumatak na bente pesos na Lang ang Isa. Bumili nga ako ng walo," pagbibida ni Ziri.

Panay ang hagikgikan nilang mag kaibigan Kaya naman hindi na Nila namanalayan na nakakaabala na sila sa ibang pasehero ng eroplano Lalo na yung paseherong lalaki na nasa harapan lang nila."darn it! Kailan pa natutong sumakay ng eroplano ang mga eskwater?" inis na pagpaparinig nito sa dalawa.

"excuse me?" Alam ni Ziri na sila ang pinaparinggan nito kaya mabilis siyang tumayo para sitahin Sana ito kaso pinigilan lang siya ni Izel. "huwag mo akong, awatin. Yabang neto eh, eskwater pala, ha!"

"ano ka ba, Ziri? Wala naman siyang pinangalanan. H'wag Kang mag-react. Baka isipin tinamaan ka,"

Dito lang natigil si Ziri. Napag-isip isip niyang Tama naman ang kaniyang best friend. Wala nga naman itong pinangalanan. Guilty lang kasi siya dahil sila itong mga maingay.

Samantala.

From Ninoy Aquino International Airport, mga isang oras at sampong minuto lang ang kaniyang naging byahe bago naka rating sa Godofredo P. Ramos Airport o Caticlan.

Masayang masaya ang mag kaibigan Kaya doon pa lang sa Caticlan Airport ay panay na ang selfie nila.

Sa isang shots ni Ziri, aksidenteng nahagip si Isagani sa Isa niyang kuha. Kaagad siyang natulala sa guwapo ng itsura nito suot ang Kulay itim na shades. Agad na tumibok ng mabilis ang puso niya Kaya izinoom niya PA ang naturang picture at pinaka titigan ang guwapo nitong mukha.

Nang lingunin naman niya ito ay bigla na ang nawala sa kaninang kinatatayuan. Inilibot niya pa ang kaniyang paningin ngunit hindi na talaga niya ito nakita. "nasaan na 'Yun? Ang bilis na ang nawala no' n."

"Nino?" tanong tuloy no Izel sa kan'ya.

"Yung guy na pogi! ere oh," ipinakita Niya Kay izel Ang picture kung saan Niya ito nahagip.

"ay, pakshet! guwapo nga! ano kaya Ang lasa Nyan? swerte siguro ng gf nyan, Noh? bukod sa pogi na mukha pang masarap."

"feeling ko Wala pa syang gf."

"ha? pa'no mo naman nasabe?"

"sus, mag-isip ka nga. kung may gf Yan, edi sana Kasama nya yun ngayon. oh, ere, Nakita mo naman sya lang mag-isa." pagpupumilit pa ni Ziri.

"oh, sige ba nga. single na kung single. kaso Wala na sya kaya Tara na!"

hinila na ni Izel si Ziri patungo sa kanilang bangkang sasakyan. Wala syang ka alam-alam na Hindi pa rin nakaka get over si Ziri sa gwapong lalaki na Nakita nito kanina.

pilyang inupload ni Ziri sa kan'yang myday Ang larawang iyon at nilagyan ng caption na "why can't you hold me in the street." parang Ang pinapalabas nyang may relasyon Sila ng lalaking iyon at secret lang Ang relasyon nila. gano'n!

samantala.

pagdating nila sa Boracay ay kaagad silang tumuloy sa hotel na tutuluyan nila. sandali Muna silang namahinga at inayos Ang kanilang mga gamit at pagkatapos ay isinuot na Ang kanilang mga pang malakasang swimsuit.

"ayy, sino ka d'yan? Bella Hadid?" wika ni Ziri nang makitamg suot na ng kaibigang si izel Ang kulay red na 1 piece swimsuit. payat Ang pangangatawan nito at may pagkamorena kaya nagmistulan itong Modelo. idagdag pa Ang mahaba nitong biyas.

"ayy, ayaw mo talagang magpabog Noh! nag 1 piece swimsuit ka rin?" wika naman ni Izel Kay Ziri matapos nitong makita Ang suot nitong panligo. "infairness, nagmukha Kang calendar girl ng alak," pang aasar pa nito dahil sa medyo daring Ang awrahan ng kaibigan.

"calendar girl talaga? bakit, mahalay ba? gagu Neto. Ganda-ganda ng sinabi Kong condiments sa 'yo eh,"

"baka compliments?" pambabara naman ni Izel.

"whatever!" tanging sagot na lang nya sabay suot ng shades.

nangakuntento na Sila sa kanilang mga itsura ay nag-umpisa na silang lumabas para makaapak sa ipinagmamalaki ng Lugar. Ang white beach sand. Wala silang sinayang na minuto at talagang sinulit Ang Ganda ng tanawin.

picture rito, picture doon. Panay Ang kanilang pag-awra sa camera. syempre, kapag nasa Boracay ka, Hindi p'wedeng Hindi ka magpakuha ng litrato sa crystal kayak.

unlimited shots for only 250 pesos. masayang Masaya Ang dalawa.

nagpa-braid din Sila ng buhok dahil Nakita nilang marami Ang nakagano'n. 150 per piece naman sa gano'n.

busog na busog Ang mga mata nila sa dami ng turista na kasabay nilang naliligo sa dagat. sa kulay pa lang ng mga buhok ng iba Dito ay masasabi talagang karamihan sa mga ito ay dayo.

Isa sa bucket list nila rito ay Ang mag-hanap ng afam at makipagkaibigan Dito. Wala lang, naisip lang nilang gumawa ng listahan ng mga gagawin nila sa loob ng 4 days and 3 nights nilang pag-sstay rito.

"uy, bes, tignan mo 'yung Isang 'yun, oh. yummy my tommy my hotdog." wika ni Izel habang inginunguso Kay Ziri Ang Isang foreigner na naka swimming trunks lang kung saan bakat Ang kabahagi.

Hindi naman nagpakita ng interes si Ziri dahil Ang mukha ng lalaki kagabi Ang naiisip pa rin nya.

"hayysst, pass na ko sa afam, bes. ayoko na, iba na bet ko. sa Pinoy pa rin ako,"

"luh! iniisip mo pa rin ba 'yung lalaki na 'yon. huwag mo sabihing na love at first sight Kang kiki ka."

"bakit? masama ba?"

"Hindi naman."

Panay Ang lingap ni Ziri at nagbabakasakali na makita nya o di kaya ay Makasalubong Ang naturang lalaki kaso sa dami ng mga turista na Kasama nilang nagbabakasyon sa Boracay ay mukhang Isang malaking suntok sa buwan na makita ito.

hanggang inabot na Sila ng gabi. pagod at gutom na silang pareho dahil sa kakalibot kaya nagdesisyon na silang kumain.

sa Isang fastfood chain Dito sa Boracay napili ni Ziri na kumain bagay na tinutulan naman ni Izel.

"Ziri, Hindi healthy Ang mga pagkain Dito. sa iba na Lang tayo kumain. Gaga ka talaga, remember may sakit ka kaya dapat maging strikto ka sa mga kinakain mo." sermon nya sa kaibigan.

"Izel, nakalimutan mo na rin ba na walang Luna's Ang sakit ko at mamamatay at mamamatay rin ako kahit paano pang pag iingat Ang gawin ko? kaya p'wede bang pagbigyan mo na Lang ako. gusto ko rito, kaya Dito tayo kumain, please?"

parang biglang nanikip Ang damdin ni Izel. nasasaktan sya tuwing napunta sa seryoso Ang kanilang usapan. sa totoo lang, ayaw na nga sana nyang mapag usapan nila Ang tungkol doon. gusto niyang libangin si Ziri at mapasaya ito sa mga huling Oras, Araw, at buwan na ilalagi nito sa Mundo.

"oh, sya. Sige Po. Dito na Po tayo kakain. orderin mo Ang lahat ng gusto mong orderin at sagot ko lahat."

"yey!!! thankyou, bes!! the best ka talaga."

"Tama Yan. enjoyin mo lang Ang Buhay, Ziri. huwag mong palungkutin Ang sarili mo. gawin mo na Ang lahat ng gusto mong gawin. sa gastos? ako Ang bahala."

"yes. gagawin ko talaga ang lahat mg gusto Kong gawin. maging Yung mga Hindi ko pa na-eexperience, Dito sa Boracay ko gagawin. Dito ko hahanapin Ang taong nakaka first blood sa akin." pagbibida pa ni Ziri.

"seriously? as in one night stand?"

Ziri is still innocent and virgin when it comes in bed. never pa sya kasing nagka boyfriend dahil Ang pag-aaral Ang inuna nyang ipriorities noon. at ngayon na bilang na lamang Ang natira niyang Oras sa Mundo ay naisipan ni Ziri na hanapin Ang lalaki na makakapagdala sa kanya sa langit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status