Home / Romance / Narcissists / job interview

Share

Narcissists
Narcissists
Author: Nelia

job interview

ZIRI MONTEFALCO'S POV

"Ziri, anak, ere ang baon mo. Bilis-bilisan mo lang magsalamin at kanina ka pa hinihintay ng ama mo sa labas," natatawang Sabi ni nanay sabay abot sa akin ng isang daan na buo.

Natatawa siya kasi kanina pa ako panay pa-cute sa harap ng salamin. Iniisip niya sigurong may pinagpapagandahan ako sa klase namin.

"nanay, Alam ko ang Iniisip mo at ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na Mali ka ng Iniisip. Wala akong crush sa classroom namin. Malabong magkaroon, gusto ko lang talaga na pumasok ng presentable," depensa ko kaagad. Alam ko naman kasi na bawal pa, dahil nangako ako sa kanila na magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ako mag ka-boyfriend.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mag kabila kong balikat. "hindi naman gano'n ang Iniisip ko anak, nagagandahan Lang naman ako sa 'yo. Alam ko naman na Alam mo na ang mga dapat at hindi dapat gawin dahil matalino kang bata. At Alam ko naman na Alam mo rin ang sitwasyon ng buhay natin."

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapatong sa aking balikat at kinausap siya sa repleksyon namin sa salamin. "opo, nanay. Hayaan niyo po ilang araw na lang ay gragraduate na ako. Pinapangako ko po sa I yo na hahanap agad ako ng trabaho, Yung malaki ang sahod para hindi na po mamasada ang itay. Gagawin ko po ang lahat para umangat tayo sa buhay Kahit na papaano,"

Ngumiti ang inay sa harapan ng salamin, "anak, ang swerte namin ng itay mo dahil ikaw ang ibinigay niya sa amin. Alam Kong malayo ang mararating mo anak kaya galingan mo pang Lalo." mangiyak-ngiyak na Sabi niya.

Humarap ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "konting tiis na Lang inay, konting tiis na lang,"

Samantala.

Dali-Dali na akong lumabas para sumakay sa tricycle ng itay. May kalumaan na ang kaniyang motor kaya inabot pa ito ng ilang minuto bago umandar. Ganito kami araw-araw kaya madalas akong malate sa klase. Ito rin ang ginagawa Kong inspirasyon para lalong magsumikap sa pag-aaral.

"hay, sa wakas, nakisama rin." wika ng itay matapos mapaandar ang kaniyang tricycle.

"yaan mo tay, balang araw mapapalitan ko 'Yan ng Lamborghini." biro ko pa sa kaniya ngunit malalim ang faith ako na balang araw ay mabibilan ko nga siya noon.

"talaga, anak? Aba' y dapat pala'y ngayon pa lang ay magsanay na akong magmaneho ng four wheels."

"oo tay, claim na natin Yan! Manifesting!!!"

Kahit na panay ang langitngit ng sidecar ng itay ay matiwasay niya pa rin akong naihatid sa aking eskwelahan. Palaging agaw eksena ang pagpasok ko dahil lahat sila ay napapatingin sa gulong na medyo oblong na.

Hinahayaan ko na lang sila. Balang araw, gugulatin ko na lang sila.

"tay, pasok na po ako."

"okay, anak. Galingan mo!"

Kahit hindi naman kami mayaman ay talagang bago ako pumasok sa gate ay humahalik muna ako sa pisngi ng itay bilang goodbye kiss. Nakasanayan ko na rin kasi.

Samantala.

Pagkapasok na Pagkapasok ko pa lang sa gate ng aming eskwelahan ay kaagad na akong sinalubong ng aking best friend na si Izel.

Si Izel Roxas ay ang aking best friend simula ng tumuntong ako ng colleges. Actually, noong una, sinadya ko talagang mapalapit sa kaniya para makatikim ng Libre. Rich kid kasi siya dahil nagmamay-ari ang kaniyang ama ng isang maliit na kompanya. Katagalan, naging close na talaga kami dahil magkavibes kami ng ugali. Pareho kaming mahilig kumain.

"Ziri, late ka na naman! Kanina pa kaya kita inaantay," sermon niya sa akin habang tinuturo ang suot niyang orasan na pambisig.

"Naku, hindi ka pa pala nasasanay, noh?! Alam mo namang lighter na lang ang kulang at sasabog na ang tricycle namin." biro ko na lang sa kaniya.

"oo na, sindihan mo na kasi ng makapag-retired na!"

"Kung pwede lang, kaso saan naman kami kukuha ng pamalit?"

"ayy Ewan! Halika na nga!!"

Hinila niya ang kamay ko at mabilis na nagtungo sa aming department. Magkaklase kami ni Izel dahil Pareho kami ng kursong kinuha. Parehong BS Psychology ang kurso namin at ilang araw na lang ay gragraduate na kami kaya puspusan ang paggawa namin ng mga activities na kakailanganin para Maka-graduate.

Magastos man ang mga requirements ay hindi iyon naginh problema para sa akin dahil si Izel na ang sumasagot noon. Hanggang sa OJT namin ay siya na ang naging financer ko. Kung sa baon na isang daan lang kasi ay hindi naman iyon sasapat. Pang kain na pang kain lang iyon.

Kaya naman ng makagraduate na ako ay kaagad na akong nagdesisyon na maghanap na ng trabaho para makabawi naman sa mga taong sumuporta sa akin. Iyon nga lang, nasabay pa ang pagkasira ng tricycle ng itay kaya naging mahirap para sa akin ang pag-aapply. Pero syempre, walang mahirap sa taong nagsusumikap. Tinyaga ko talagang mag-apply kahit na maupod man ang takong ng sandals ko sa kakalakad at paglipat-lipat ng sasakyan.

Nagpasa ako ng resume sa iba't-ibang company na sa tingin ko ay Maia apply ko ang mga pinag-aralan ko. Gusto ko Sana ay maging HR manager dahil sa tingin ko ay doon nararapat ang skills na meron ako.

"anak, nangutang muna ako sa bumbay ng pera para may pang gastos tayo. Hindi na raw kasi kayang irepair yung tricycle ng itay mo kaya pinakilo na lang namin sa junkshop. 'yung pinagbentahan naman, ibinayad naman namin sa kuryente at tubig." d***g ng inay sa akin.

Kakauwi ko lang ngayon galing sa pag-aapply, pagod na pagod ako at kumakalam na rin ang tiyan. Gusto ko sanang ikwento sa inay ang mga nangyari sa akin ngayong araw kaso hindi ko na lang ginawa. Ayoko kasing makadagdag pa ako sa kaniyang alalahanin.

"hayaan mo 'nay, nakapagpasa na po ako ng resume. Nag-aantay na lang po ako ng tawag. Huwag po kayong mag-alala' nay. Malalaking company ang inaapplyan ko kaya siguradong malaki ang sahod. Hindi niyo na po kailangan na alalahanin ang ipambabayad sa bumbay. Babayaran kaagad natin yan,"

"Alam ko naman iyan, 'Nak. Kaya nga malakas ang loob ko na mangutang eh. Alam Kong matatanggap ka agad,"

Mataas ang expectation ko na matatanggap kaagad ako dahil Mataas din ang expectation ng mga magulang ko sa akin. Hindi ko sila p'wedeng biguin dahil umaasa sila sa akin kaya naman kinabukasan, lumakad akong muli upang mag-apply pa sa Mas Malalaking kompanya. Alam ko ang kakayahan ko at sa tingin ko ay dito ako nababagay. Suma tutal, Nass labing anim na na kompanya ang pinagpasahan ko ngunit ang ipinagtataka ko lang ay Kung bakit puri 'tatawagan ka na lang po namin' ang sinasabi Nila sa akin bagay na nakakabahala.

Habang lumilipas kasi ang araw ay pahirap nang pahirap ang buhay namin. Kada linggong lumilipas ay pahaba na nang pahaba ang listahan ng utang namin sa tindahan.

"anak, wala pa ba? Akala ko ba Nagpasa ka na ng mga resume? Bakit Hanggang ngayon hindi ka pa rin nila tinatawagan? Anak, due date na ako Kay bumbay, saan ako kukuha ng pambayad? Baka kapag hindi ako makabayad, I post niya ako sa f*. 'Nak, salbahe pala ' Yun maningil, namamahiya."

"konting antay pa , inay. Siguradong tatawagan din nila ako."

"aba'y kailan pa, anak? Kapag ba, baon na baon na tayo? Subukan mo pa sa iba anak, kahit anong posisyon patulan mo na. Ang importante, may trabaho ka,"

2 months na rin pala akong nag-aantay ng tawag mula sa mga inapplyan ko pero ni isa ay wala pa ring tumatawag sa akin.

Akala ko magiging madali Lang para sa akin ang natanggap pero hindi pala. Akala ko na porket magaling ako sa school ay magkakatrabaho kaagad ako. Hindi pala, I am so disappointed to my self.

Kinabukasan.

Dahil nakakabingi na ang mga d***g ni nanay ay kinapalan ko na ang mukha ko para manghiram ulit ng pera Kay Izel. Siya na Lang kasi ang tanging tao na naiisip ko na makakatulong sa akin.

Buti na lang talaga ay never akong napahiya, kahit na patong-patong na ang utang ko sa kaniya ay patuloy pa rin siyang naniniwala.

Mabilis niya akong sinendan ng 500 pesos sa gcash at iyon ang gagamitin ko ngayon na pang gastos sa pag-aapply.

Kaagad akong naligo at nagbihis dahil naniniwala ako na nasa Umaga ang swerte. Pencil skirt, while polo blouse at 3 inches na sandals ang sinuot ko. Pinony ko na rin ng mataas ang buhok ko at syempre, hindi mawawala ang eye glasses.

Naglagay na rin ako ng mas makapal na make up para mas may dating. Napansin ko kasi na puro kalalakihan ang nag-iinterview sa akin Kaya kailangan ko ng kumapit sa patalim. Kailangan ko na atang gumamit ng killer eye.

Sa Ferrer's company ang unang kompanyang pinuntahan ko ngayon. May nakapagsabi kasi sa akin na madalas daw hiring dito dahil kalat sa buong Pilipinas ang mga negosyo ng nagmamay ari nito. Yun nga lang, hindi ka raw pwede umangal kapag sa malayo ka nadestino. Para sa akin naman, okay Lang kahit malayo basta malaki ang sahod.

At dahil sobrang aga ko nga ay nauna na akong interviewin, ang swerte ko dahil natapat na pamangkin daw ng may-ari ang mag-iinterview sa akin kaya sa malamang raw ay matanggap kaagad ako. Mabait daw kasi yung sir Christian,

Ang totoo, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako Lalo na nang pumasok na ako sa opisina ng tanggapan.

Bigla-bigla rin kasing sumulpot ang nasabing sir Christian at mukhang hindi totoo ang narinig ko tungkol sa kaniya. Base kasi sa mukha na ipinapakita niya sa akin ngayon ay mukha siyang masungit.

Pinilit Kong umupo ng maayos at tumingin sa kaniya ng diretso. Parang nanunuyo nga lang ang bibig ko kaya panay ang basa ko sa aking labi.

"sir, here's my resume," inabot ko sa kaniya ang hawak Kong envelope at natakot ako sa paraan niya ng oag-abot nito. Mukhang wala yata siya sa mood.

The way he looks at me... My knees turns to jelly. Para niya akong kakainin ng buhay.

Kaagad niyang inilabas ang resume ko at salubong ang kilay na binasa. "Okay, Tell us more about yourself?"

Sa dami ko nang inapplyan ay sisiw na para sa akin ang mga ganitong katanungan. Kabisado ko na ang mga tanong kaya Kabisado ko na rin ang mga isasagot ko.

"I am Ziri Montefalco, 21 years old, fresh graduates and I am hard worker, passionate, consistent and disciplined."

Ewan ko pero may mali sa pamamaraan ng tingin niya sa akin. " Why do you think you are the best candidate for the job?" hindi ko masabi Kung inborn bang simangot siya o wala lang siya sa mood. Para kasing tamad na tamad siyang tanungin ako.

Kahit pa nakakahawa ang katamaran niya ay Pinilit ko pa ring siglahan ang pagsagkt ko sa kaniya.

"I am a very committed worker, I love challenges and I have the will to succeed. I am a motivated person. I have the ability to learn fast which will facilitate the training period." sa Ganda na pagkakadeliver ko no'n eh Ewan ko na lang talaga Kung hindi niya pa ako tanggapin.

"Why do you apply for this position?"

"Because I am looking for a job. I want to advance my career / experience in a position that allows me to grow as person and employee."

"Do you prefer to work independently or on team?"

"They are both my favorites." ngumiti pa ako sa kaniya ngunit Mabilis na niyang ibinalik sa envelope ang aking resume at pagkatapos ay dumikwatro.

"What is your salary requirement?"

"I am expecting to get a job offer that is realistic and reasonable. "

"ahh, Ziri, to tell you honestly, hindi kita matatanggap sa team ko. You did not meet my standards pero dahil na rin sa efforts mo at galing sa pagsasalita, p'wede kitang offeran ng ibang trabaho." tumayo siya at nagtungo sa may glasswindow, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakita ang lungkot sa mukha ko. Pero dahil may sinabi siyang bibigyan niya ako ng ibang offer ay nagkaroon pa rin ako ng konting pag-asa.

"a-anong trabaho, sir? Sige po, sir Christian. Kahit anong posisyon po sana,"

"position? Tss, janitress lang ang bakanteng posisyon ngayon. 12k monthly, 6 hours duty. Iyon lang ang trabahong maiooffer ko sa 'yo. Take it or leave it?"

Hindi ko Alam kung ikatutuwa ko ito o ano. Seriously? Janitress talaga? I am a degree holder tapos gagawin niya lang ako na taga linis?

"sorry sir, ha! Kahit po sino sigurong colleges graduate ay tatanggihan ang alok niyo. Okay lang po sana kung undergraduate ako eh,"

"I thought you badly needed work?"

"kailangan ko nga po kaso mali yatang kompanya ang napsukan ko. Salamat na Lang po pero hindi ko po talaga matatanggap ang alok mo."

Tumayo na ako a Mabilis na tumalikod. Grabe, may mga tao palang katulad niya. Hindi naman sa minamaliit ko ang trabaho na inaalok niya sa akin kaso pormal akong nag-apply, tapos gagaguhin niya Lang ako? Ang layo ng HR manager sa Janitress, ha!

"okay, Goodluck na lang sa pag-aapply mo. I'm sure hindi ka rin nila tatanggapin." pahabol pa niya.

Sira ulo ata 'yon!? Tao akong nag-apply dito tapos gaganunin niya lang ako!?

Kaysa sirain ko ang araw ko sa Christian na iyon ay minovate ko pang lalo ang sarili ko para magsikap pang lalo. Inisip ko na Lang na mas marami pa akong pwedeng applyan Kung saan makatao ang magiging boss ko. Hindi kagaya ng chaka na Christian na iyon na akala mong sino. Ang dami-dami niyang tinanong tapos Janitress lang ang trabaho na ibibigay niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status