Lahat ng Kabanata ng Ayeisha : Her Broken Piece : Kabanata 101 - Kabanata 110
131 Kabanata
The Broken Vow-Chapter 23
RUTH'S POV KATAHIMIKAN ang nagisnan ko nang umaga na iyon. Napahawak din ako sa tiyan kong kumukulo. Ilang oras ba akong nakatulog? Napapikit ako nang bumalik sa alaala ko nang nangyari kahapon kaya napabalikwas ako nang bangon. Nasaan ako? Inilinga ko ang aking paningin sa magarang silid na iyon. Nandito na ba ako sa poder ng Boss nila Tatay? Dali-dali akong bumangon at lumapit sa bintana para sumilip. Napaawang ako ng labi nang makita ang ilang paroo't parito habang may bitbit na mga baril. Nanlumo ako bigla. Nandito na nga ako sa poder ng Boss nila Tatay. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Isang moreno, matangkad at seryosong lalaki ang bumungad sa akin. Hindi ko masabing gwapo dahil sa maraming tatoo sa katawan nito. Nakasandong puti lang siya at itim na pantalon. "Mabuti naman at gising ka na. Kailangan mo nang magsimulang magtrabaho sa akin." Naupo siya sa kama at seryosong nakatingin sa akin. "S-sino ka?" "Kailangan pa bang tanungin 'yan? Alam mo
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 24
BENRICK’S POV 3 years later… PAGKALAPAG ng chopper sa helipad na pinasadya kong ipagawa sa bahaging iyon ng kasukalan ng San Remigio ay kaagad kong dinayal ang numero ni Ayeisa– ang kakambal ko. Maghahatid lang ako ng perang kailangan niya. Kalahating oras pa akong naghintay sa maliit na kubong naroon bago dumating ang kapatid ko. Dapat sa bayan kami lalapag kaso baka makita ni Kuya King ang chopper namin. Kilala niya ito dahil ilang beses na niyang nahiram noon. “Benrick!” “Kuya,” pagtatama ko. “Benrick nga lang, e,” aniya. Marahas na lang akong napabuntonghininga. Minsan tuloy napagkakamalang siya ang mas matanda sa akin. “Kumusta?” “Eto, super pagod. Baka gusto mo nang bumalik, huh? Maawa ka naman sa akin, Ayeisha. Napapag-iwanan na ako ng mga kaibigan ko.” Paulit-ulit ko kayang sinasabi ‘yan sa kakambal. Saka nami-miss na namin siya pati ang pamangkin ko. Tumawa lang siya. “Malapit na. Hinihintay ko na lang ang year end nila Halina tapos balik na ako.” “Yeah, nabanggit
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 25
RUTH’S POVTULALA na naman ako habang nasa harap ng pagkain. Hindi pa ako nangangalahati sa pagkain ko, mukhang maabutan na naman ako ng bell. Sa totoo lang, wala akong gana kumain. Wala naman na kasing rason para kumain. Wala nang rason para mabuhay. Hindi ko alam kung bakit nandito pa ako. Ilang beses ko na ring pinagtangkaang wakasan ang buhay ko pero nagigising pa rin ako sa aking maliit na higaan.“Oy, Ruth. Marami nang naghahanap sa ‘yo sa club. Hindi ka ba isasama ni Manong sa aalis sa linggo?”“May deal kami, Evelyn. Nagawa ko na ang pinapagawa niya kaya hindi muna ako lalabas.”“Mabuti ka pa. Ano ba kasi ang pinapagawa lagi sa ‘yo ni Manong? Ilang taon ka na ring ganyan.”Napatigil ako sa pagnguya. “‘Wag mo nang alamin, Evelyn. Mas lalong hindi mo magugustuhan.”Hindi na lang nakaimik ang kaibigan. Hirap na nga ito sa pagbukaka at pag-repack aalamin pa ang ginagawa niyang buwis-buhay. Pagkarinig ng bell ay mabilis na nagsitayuan ang mga kasamahan ko. Nagpahuli ako. Hindi ta
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 26
RUTH’S POV “KAILANGANG suotin ko ba talaga ito?” Tinuro ko pa ang evening dress na nakasabit. “Oo, Ruth. Kailangan. Hindi ka papasukin sa party kung nakapantalon ka lang,” ani ni Manong sa akin. “Hindi ba kagaya ng dati na makikipagkita lang ako sa kanila gaya ng kainan o–” “Doon ka raw niya kikitain dahil mainit na ang bata ni Colonel. Kilala ka naman niya kaya kaya hindi ka mahihirapan siguro. Saka idi-deliver mo lang naman sa kanya ang susi.” “Sige po.” Tumingin ako sa maliit na nakakahon. Alam kong naroon ang susi na sinasabi Manong. Kapag marami ang order kay Manong, hindi ko talaga dala. Tanging susi ng room o ng storage box ang dala ko. Sila na ang bahalang kumuha doon. “Kailangan niyo nang umalis ngayon para maaga rin kayo makarating.” Mabilis ang mga naging kilos ko pagkakuha ng dress na susuotin at maliit na kahon. Sa sasakyan na ko isusuot ang dress dahil hindi pwedeng makita ng iba na iba ang pinapagawa sa akin. Hindi ako nagbebenta ng aliw gaya ng mga kasamahan ko
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 27
RUTH’S POVMABIGAT sa dibdib na nahiga ako sa higaan ko. Hindi mawala sa isipan ko si Benrick lalo na ang mga sinabi niya. Halata nga ang pandidiri niya sa akin, hindi niya nga nakalimutang magsuot ng condom. Sigurista dahil baka nga naman magkasakit siya. Hindi kami bagay sa isa’t-isa. Ang dami ko ring kasalanan sa kanya. Deserve ko naman ang gano’ng trato.Masakit man na gano’n ang tingin niya sa akin, ayos lang. Para naman sa kanya ito, para hindi madawit ang pangalan niya oras na bumagsak ang club at ang factory.Wala akong balita sa kanya nitong nagdaang taon dahil kung hindi sa club, meeting sa mga kliyente ni Manong at pabrika lang ako. Kung hihiling naman ako kay Manong na lalabas papayagan niya ako basta may kasama. Ako lang sa lahat ng nandoon sa pabrika ang may gano’ng treatment, hindi nila alam iyon. Paano, nauutusan niya kasi ako kahit na imposibleng gawin.Late ako nakatulog kakaisip kay Benrick pero maaga akong nagising para magtrabaho. Nakakasawa ang paulit-ulit na tra
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 28
RUTH’S POVHALOS sabay-sabay na umalis ang mga kasamahan ko sa puwesto nila nang marinig ang tunog ng bell. Hudyat na tapos na ang aming trabaho at maghahanda na rin ang ilan para pumunta sa club– siyempre kasama ako ngayon. Ngayon ulit ang schedule nang pagkikita namin ni Sergeant. Sana may magandang balita siya. Sabi niya kasi nitong nagdaan, may nakuha silang intel tungkol kay Boss V.Malungkot na pumasok ako sa aking inuukopa. Wala na akong kasama ngayon dahil sa wakas malaya na si Evelyn. Sana matupad lahat ng pangarap niya sa buhay. Ang bata niya pa, marami pa siyang mararating sa buhay. Sabi ko sa kanya, magkita kami kapag nakalabas na rin ako.Akmang maghuhubad ako nang bumukas ang pintuan. Iniluwa no’n si Manong.“Tumawag si Sarhento, nasa club daw siya mamaya. Mukhang maganda yata ang performance mo, Ruth. Binabalik-balikan ka niya.” Bahagya lang akong ngumiti.Hindi ba si Manong nagtataka? Sa tuwing natatawag ang pangalan ko, laging naroon si Sgt De Vera? At kung hindi siya
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 29
RUTH’S POV“G-God, R-Ruth,” dinig niyang anas ni Benrick habang patuloy siya nitong inaangkin mula sa likuran. Naramdaman niya rin ang pagkagat niya sa aking likod na ikinadaing ko. Pero kahit gano’n lamang pa rin ang sarap na pinapalasap nito.Ilang sandali pa siyang inagkin nito sa posisyong iyon bago siya nito pinangko at pinaupo sa mesa na gawa sa mahogany. Pawis na pawis si Benrick nang tingnan niya. Tumutulo pa ang pawis nito.Napalunok ako nang paghiwalayin niya ang hita ko. May suot na namng condom si Benrick. Mukhang diring-diri sa akin. Natakot yatang mahawaan ng sakit.Napakapit ako sa balikat ni Benrick nang basta na lang niyang ipasok ang kahabaan niya. “Fvccckkk!” ani ni Benrick.Tumingin pa siya sa akin pagkuwa’y inabot ang labi ko at sinakop iyon na kaagad kong tinugon. Napabitaw din ako dahil naging mabilis na ang paglabas pasok niya sa akin. Hinawakan pa niya ang magkabilaang hita ko habang patuloy sa pag-angkin sa akin. Napapatingin din siya sa kisame habang umuun
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 30
RUTH'S POVDALI-DALI kong ini-lock ang pintuan ng aming silid nang makaalis si Ayeisha. Kaagad kong itinimbre kay Sgt. De Vera ang pag-alis ni Ayeisha. Nasa club daw ito kaya napatawag siya dito."Message forwarded, Ruth. Thank you.""Akala ko ba poprotektahan niyo si Ayeisha? Bakit nasa club ka? Paano kung mapaano si buntis?""Calm down, Ruth. Ligtas siya. Malakas ang kapit ng kaibigan mo kaya hindi siya papabayaan doon. Sulitin mo na lang ang mga oras mo diyan dahil baka ma-miss mo." Tumawa pa siya pero ako hindi.Iniisip ko kung kumusta na si Ayeisha ngayon. Sana matapos na nga ito. Pagod na ako sa ganitong buhay. Gusto kong makita naman ang araw na sumisikat at lumulubog. Normal na buhay ang gusto ko.Napahiga ako sa aking kama kapagkuwan. Alam ko naman ang mangyayari ngayong gabi. Oras na lang nga ang inaabangan ko maghapon. Nawala na nga sa isipan ko na kukunin si Ayeisha ngayon. Buti na lang lahat planado. Basta ayokong malaman ni Manong na isa ako sa asset nila Sergeant. Kaya
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 31
RUTH’S POV“H-HINDI ko yata kaya ang ipapatrabaho niyo sa akin, Sergeant.”“C’mon, Ruth. Nagawa mo nga kila Manong, dito pa kaya?”“Pero sawa na akong magbenta–”“God, you’re an asset. Our recruit. Kaya sagot ka namin. Basahin mo ang nasa kontrata. We need you. What if magkadaupang palad mo si Boss V dito? ‘Di ba, hinahanap mo pa rin siya?”Saglit akong natigilan. “Tama, hinahanap ko pa rin siya pero hindi na ito ang gusto kong buhay. Hahanapin ko siya sa paraang alam kong ligtas ako.”“Naiintindihan kita. Pero may intel kasi kaming natanggap na may bagong tayo si Boss V. Kaya hindi malayong mahanap natin siya. Parehas nating gustong mahanap si Boss.”Napatitig ako sa kanya. “Kaya ba ako ang gusto niyo sa kasong ito dahil may koneksyon ako sa kanya?”Hindi nakaimik si Sergeant. “Tama ba?”“Okay. Hindi malayong kontakin ka niya. Sabi mo nga, meron siyang mahalagang bahay na kinuha niya sa ‘yo. Kaya sa tingin namin kokontakin ka niya. He also cares for you. Kasi kung ibang babae ka lan
Magbasa pa
The Broken Vow-Chapter 32
RUTH’S POVMAGANDA ang bahay na sinasabi sa akin ni Benrick. Pang mayaman. Hindi bagay sa akin kaya natawa ako sa aking sarili. “May mga damit na rin sa loob kaya hindi mo na kailangang magdala ng mga damit. Kompleto na rin ang gamit pati groceries. Ikaw na lang ang kulang.”Nakahawak ako sa ulo nang lingunin niya ako kaya napatanong siya. “Okay ka lang?”Hinarap ko siya nang seryoso. “Hindi, Benrick.” Tumingin pa ako sa malaking bahay. “Hindi ako nababagay diyan kaya hindi ako okay.”“Pero bigay ‘yan sa ‘yo ng magulang ko bilang pasasalamat dahil kay Ayeisha.”“Masaya na ako na pasalamatan nila. Kasi kahit sino ang nasa lugar ko at buntis ang kasamahan sa silid, tutulungan din nila. Ganyan naman tayo. Kaya matatanggap ko pa ang maliit na bigay kesa sa ganitong bahay na pagkalaki. Sobra-sobra, Ben.”“Wala ka nang magagawa, nakapangalan na ‘to sa ‘yo.”“‘Yon nga, e. Iniisip kong ibenta na lang nga,” seryosong sabi ko.“W-what? No way!” kontra nito.Natawa ako nang mapakla. “Oo, Ben. A
Magbasa pa
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status