RUTH’S POV“H-HINDI ko yata kaya ang ipapatrabaho niyo sa akin, Sergeant.”“C’mon, Ruth. Nagawa mo nga kila Manong, dito pa kaya?”“Pero sawa na akong magbenta–”“God, you’re an asset. Our recruit. Kaya sagot ka namin. Basahin mo ang nasa kontrata. We need you. What if magkadaupang palad mo si Boss V dito? ‘Di ba, hinahanap mo pa rin siya?”Saglit akong natigilan. “Tama, hinahanap ko pa rin siya pero hindi na ito ang gusto kong buhay. Hahanapin ko siya sa paraang alam kong ligtas ako.”“Naiintindihan kita. Pero may intel kasi kaming natanggap na may bagong tayo si Boss V. Kaya hindi malayong mahanap natin siya. Parehas nating gustong mahanap si Boss.”Napatitig ako sa kanya. “Kaya ba ako ang gusto niyo sa kasong ito dahil may koneksyon ako sa kanya?”Hindi nakaimik si Sergeant. “Tama ba?”“Okay. Hindi malayong kontakin ka niya. Sabi mo nga, meron siyang mahalagang bahay na kinuha niya sa ‘yo. Kaya sa tingin namin kokontakin ka niya. He also cares for you. Kasi kung ibang babae ka lan
RUTH’S POVMAGANDA ang bahay na sinasabi sa akin ni Benrick. Pang mayaman. Hindi bagay sa akin kaya natawa ako sa aking sarili. “May mga damit na rin sa loob kaya hindi mo na kailangang magdala ng mga damit. Kompleto na rin ang gamit pati groceries. Ikaw na lang ang kulang.”Nakahawak ako sa ulo nang lingunin niya ako kaya napatanong siya. “Okay ka lang?”Hinarap ko siya nang seryoso. “Hindi, Benrick.” Tumingin pa ako sa malaking bahay. “Hindi ako nababagay diyan kaya hindi ako okay.”“Pero bigay ‘yan sa ‘yo ng magulang ko bilang pasasalamat dahil kay Ayeisha.”“Masaya na ako na pasalamatan nila. Kasi kahit sino ang nasa lugar ko at buntis ang kasamahan sa silid, tutulungan din nila. Ganyan naman tayo. Kaya matatanggap ko pa ang maliit na bigay kesa sa ganitong bahay na pagkalaki. Sobra-sobra, Ben.”“Wala ka nang magagawa, nakapangalan na ‘to sa ‘yo.”“‘Yon nga, e. Iniisip kong ibenta na lang nga,” seryosong sabi ko.“W-what? No way!” kontra nito.Natawa ako nang mapakla. “Oo, Ben. A
RUTH’S POVHINATID ako ni Benrick sa bahay nang gabing iyon. Maaga daw kasi ang daan niya bukas kay Ayeisha kaya umalis din siya kaagad. Iyon naman ang hiling ko bago ako bumaba ng sasakyan niya. Kung mag-stay ako sa bahay ngayon hanggang bukas, dapat ako lang.Tatlong pares ng damit lang ang dala ko. Pero nakita kong punong-puno naman ng damit ang closet nang buksan ko kanina. Dinala ko rin ang mga mahahalagang gamit ko na bigay ni Sgt. De Vera. Saka may binabasa din akong libro na makakatulong sa trabaho ko bilang asset nila Sgt. Kaya nga sapat lang sa akin ang maliit na bahay dahil hindi naman ako laging uuwi. May mga oras na titira ako sa itinalagang bahay para sa akin.Late akong nakatulog dahil namamahay ako. Sa laki ba naman tapos mag-isa lang ako. Ganitong bahay ang pangarap ko para sa pamilya ko pero tinalikuran nila ako. Kaya wala namang halaga kung mapupunta sa akin ang bahay na ito. Aanhin ko naman ang malaki at magarang bahay kung hindi ko naman pwedeng tawaging tahanan.
BENRICK’S POVKAKALAPAG ko lang kay Ruth sa may kama nang bigla na lang siyang naupo.“N-nasusuka ako,” aniyang nakapikit. Dinala pa niya sa labi ang mga kamay niya.“Sandali!” Lumapit ako kay Ruth at pinangko ko siya papunta sa banyo.“Inom ka nang inom, e, hindi mo naman pala kaya.” Napamulat si Ruth sa narinig ang tiningnan ako. Mapupungay ang mata niya nang mga sandaling iyon. At parang kinikilala niya ako.“W-wait… B-bakit ka nandito?”Naduduwal na siya ng mga oras na ‘yon pero pinipigilan lang nito, kaya hindi ko siya sinagot. Binaba ko siya sa tapat ng sink pero umalis siya doon at biglang naupo sa tapat ng inidoro at doon na pinakawalan ang sukang pinipigilan niya.Naupo ako at hinaplos ang likod niya. Akmang isasandal niya ang ulo niya sa toilet bowl mismo nang pigilan ko. Pinasandal ko na lang siya sa aking dibdib. Inayos ko pa ang upo ko.“Nasusuka ka pa ba?” tanong ko sa kanya.Tumango siya pero nakapikit ang mata. At lumayo na nga siya sa akin para muling magsuka.“Ruth,
RUTH’S POVMATAGAL kong nakagat ang labi ko. Parang dudugo na nga sa sobrang gigil kay Benrick. Tinanggal ko na ang hiya ko para mapa-oo siya pero ni-reject niya pa rin ang offer ko. Ayaw niyang aminin pero nandidiri pa rin siya sa akin. Hindi niya kayang angkinin ako sa sobrang diri na siguro.Dalawang beses ko pang tinampal ang sarili ko pagkatapos kong magsalita na i-lock ang pintuan. Hahakbang na sana ako nang may pumigil sa aking kamay. Bago pa man ako makatingin sa mata ni Benrick ay hinigit na niya ang bewang ko pagkuwa’y siniil ako nang halik. Pinikit ko pa ang mata ko at tinugon siya. Iginiya niya rin ang aking mga kamay payakap sa leeg niya na sinunod ko naman.Ungol ang namutawi sa akin mayamaya dahil naging mapusok ang palitan namin ng halik. Ang mga kamay niya ay may sariling distinasyon. Pinaglakbay niya iyon sa aking likuran sa ilalim ng aking dress na may kasamang pagpisil. Bumaba pa iyon sa ibaba. Tanging underwear na lang ang nasa ilalim niyon. Kaya napa-ungol si Be
RUTH’S POV“BA’T ‘di ka na lang nagpakita?” may halong inis na sabi ko nang pumasok sa silid kung saan naroon si Benrick.Kumamot siya sa ulo. Hindi siya makatingin sa akin.Ang tigas kasi ng ulo. Sabi nang ‘wag bumaba, talagang bumaba pa talaga. Dinaig pa ni Benrick ang marites sa kanto. Paniguradong nakilala siya ng kapatid niya. Siyempre, kapatid niya ‘yon. Karugtong na ng bituka niya kaya talagang makikilala siya nito. Kakaiba pa naman ang tingin ni Ayeisha sa kanya. Imbes na magtatagal pa ito, hindi na tuloy.“I’m sorry. Na-curious lang ako sa pag-uusapan niyo ng kakambal ko. ”Natawa ako nang mapakla. Malamang sa malamang, narinig niya ang lahat nang pinag-usapan namin ni Ayeisha.“Uso talaga sa mga lalaki ang makitid ang utak, ano? Kung ako sa kapatid mo, iwan ko na ‘yang King na ‘yan. Hindi niya alam ang pinagdaanan ni Ayeisha sa loob, kaya, ‘wag siyang mag-isip nang masama. Hindi niya alam na walang ginawa si Ayeisha kung hindi ang isipin siya at ang mga anak nila!”Hindi ko
RUTH'S POV"K-KYRIE..." ani ko sa mahinang himig. Lumapit pa kasi siya sa akin kaya hindi ko tuloy alam ang sasabihin."I-Ikaw nga, Ruth. K-Kumusta ka na? Anong ginagawa mo dito?" Sabay hagod sa kabuohan ko.Imbes na sagutin si Kyrie, nilagpasan ko siya. Nakita ko kasing biglang tumayo si Mr. Liu. Hindi ako nagkamali nang iniisip. Lumapit din sa akin si Mr. Liu para salubungin ako. Hindi na ako lumingon kay Kyrie. Bahala na siya mag-isip sa kung ano na ang ginagawa ko ngayon dito. Ang mahalaga sa akin, magampanan ko ang trabaho ko ngayon. Dito nakasalalay ang pagkikita naming mag-ina kaya hindi dapat ako mag paapekto sa ibang tao.Saglit kaming nag-usap ni Mr. Liu. Wala pang kalahating oras. Sumaglit lang pala siya dito para kumuha ng babaeng makakasama sa party. Napag-usapan naman na namin ang mga dapat at hindi paglabas. Sa harap mismo ni Madam kami nag-usap.Pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Liu ay nagpaalam ako kay Madam. Pumayag naman siya kaagad. Alam niyang may pasok ako kinabukas
RUTH'S POV WALA kaming imikan ni Ben habang papunta kami ng foundation. Nang dumating kami, sakto lang ang in ko. Pero para sa akin, late na. Kaya naman nagmadali ako. Iniwan ko si Benrick sa entrance at nawala sa isip ko na magkasama kaming pumasok. Kaya naman pagdating ng breaktime namin, sa akin nakatingin ang halos sa mga kasamahan ko. "Matagal na ba kayo magkakilala ni Sir Benrick?" "Bakit kayo magkasamang dumating kanina?" Natigilan ako sa mga tanong na naibulas ng mga kasamahan ko. Parang gusto kong bumalik sa puwesto ko. Hindi ko alam ang mga isasagot sa kanila. Hindi ko pwedeng i-deny na hindi bumaba ako sa sasakyan ni Benrick. “Um, kaibigan ko kasi ang kakambal ni Sir Benrick,” ani ko na lang. “Nang malaman kong pupunta siya dito ngayon, sumabay na lang ako. Kaya ‘yon ang mga nakita niyo kanina.” May mga naniwala sa mga sinabi ko at meron din naman parang hindi dahil sa paraan nang pagtingin ng mga ito sa akin. “Kaya pala. Sabagay, mababait ang mga Santillan at dow
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth