Home / Romance / Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Ang Lihim Na Babae Ni Mr. CEO: Kabanata 31 - Kabanata 40

80 Kabanata

KABANATA 31 I DAHLIA

Kinabukasan ay nagising si Via na hindi mapakali. Napatingin siya sa gilid ng kama kung saan natulog si Sean. Bumangon siya sa kama at naligo bago sumama kay Tya sa hapag kainan. Ngayon ang gusto niyang gawin ay iwaksi sa kaniyang isipan si Sean.“Hey, magandang umaga,” bati ni Tya sabay flip ng pancake sa teflon. “Morning,” sagot ni Via habang tinakpan ang bibig dahil sa paghihikab. Napatingin siya sa almusal na nakahain sa mesa. “Oh anong mukha iyan? Naaawa ka ba matapos mong paalisin ang kawawang lalaki kagabi?” tanong ni Tya na nakakuha ng matalim na tingin sa kaniya. Imbes na makonsensya ang babae sa pagpapapasok nito sa bahay ay natawa si Tya. “My God, kung alam mo lang kung gaano kaawa-awang tingnan ang poging iyon nang umalis sa bahay natin. Naawa ako sa kaniya habang nakatingin lang sa pinto tila ba pinag-iisipan niyang kakatok sa pinto o hindi. Nakakaawang lalaki,” napabuntong-hininga si Tya habang nakakuyom ang mga kamay sa harap ng dibdib habang hinahangaan ang perpek
Magbasa pa

KABANAT 32 I ANG SUGATANG KAMAY NI VIA

Magkasamang pumunta sina Via at Tya sa tindahan ng Tiya niya. Dumating sila sa bakery pagkatapos kunin ang mga bulaklak na binigay ni Sean.“Paalalahanan mo ako kung bakit kailangan nating kamuhian ang lalaking iyon, okay?” sambit ni Via habang papasok silang dalawa sa shop. Nakaramdam siya nang hapdi sa kaniyang kamay dahil sa tinik na nagkanda-tusok sa daliri habang inaayos nila ang bouquet na ibinigay ni Sean.Napasulyap si Tya kay Via na kanina pa nagrereklamo dahil sa pananakit ng mga daliri. “Sabi ko naman sa iyo, mag-iingat ka. Alam mo namang puno iyon ng mga tinik eh,” paliwanag nito kay Via na kakalabas lang ng mga bulaklak sa vase. Saglit na napaawang ang labi ni Via at gustong ipagtanggol ang sarili. “Mga rose lang naman ang alam kong may tinik eh. Hindi ko naman alam na may iba pa pala. Tingnan mo? Maliit lamang ang tinik nila,” saad niya nang maalala ang bulaklak na Euphorbia dahil sa matatalas na tinik nito. Gusto niyang murahin si Sean dahil sinaktan na naman siya ni
Magbasa pa

KABANATA 33 I EMOSYONAL

“Ikaw ba ang nagbayad para sa treatment room ni Tita Azura? Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi ko kailangan ng tulong mo!” galit na wika ni Via habang mabilis na naglalakad papunta sa VVIP room kung saan ginagamot ang kan’yang tiya. Ang kamay ni Via ay natatakpan ng benda matapos gamutin iyon ng Doctor. Hindi naman na kailangan iyon dahil kunting sugat lang naman ang natamo niya. Napapangiti na lang nga ang mga Doctor at nars dahil sa ka-OA-han ng lalaking kasama niya. Kanina ay napa-panic ito dahil sa kunting galos lang na kamay niya. Napapailing na lang siya dahil sa kabaliwang ginagawa ng lalaki.“Alam ko. Pero Via, huwag mo namang isama ang galit mo rito at hadlangan ang pagpapagamot kay Tiya Azura. Gusto kong makatulong. Ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Tiya Azura. Ayaw mo ba noon, Baby?” malambing na saad ni Sean na may ngiti sa labi.Tama naman ang lalaki. Hindi siya dapat maging makasarili at idamay ang tiyahin sa kanilang problema. Kinagat ni Via ang kan’yang labi.Ayaw
Magbasa pa

KABANATA 34 I ANG PABORITONG BULAKLAK NI VIA

Tumunog ang doorbell sa labas ngunit wala man lang pakialam si Via roon dahil busy ito sa kakakain ng kaniyang almusal.Hanggang ngayon ay naaalala pa niya kung gaano siya tratuhin ng may pag-iingat at pagmamahal ni Sean kahapon. Punong-puno ng mga tanong ang kan’yang isip, bakit ba napakabait ni Sean sa kaniya? Hinimas-himas pa nito ang tiyan niyang nagsisimula nang umumbok. Hindi lang iyon, ingat na ingat pa si Sean sa tuwing kikilos siya, para siyang itnuturing na salamin na madaling mabasag kung hindi iingatan. Sa pagkakaalam ni Via, ayaw na ni Sean sa relasyon nila at gusto pa nga nitong ipalaglag ang bata sa kaniyang sinapupunan ‘di ba?Sinabi pa nga niya na tumahimik siya at ayaw na ayaw nitong ipaalam ang relasyon nila sa mga tao. Ano ba talaga ang gustong iparating ng lalaking iyon at nakarating pa talaga ito sa Cebu.Hinding-hindi naman kasi magiging sila dahil ikakasal na rin naman si Sean. Hindi rin ito nagpaliwanag at pumasok na lang sa buhay niya ng basta-basta at ni i
Magbasa pa

KABANATA 35 I PAINTING

Ilang beses na tumunog ang numerong idinayal ni Hilda. Ito ang pangatlong beses na tinawagan niya si Gamal ngunit sa hindi malamang dahilan hindi man lang nito sinasagot ang tawag niya. Inis na inis siya sa lalaki. Imposibleng hindi papansinin ni Gamal ang tawag niya. May nangyari kaya sa katrabaho niya? Matapos maalala ang lalaking nagnakaw ng lahat ng kan’yang mga personal na gamit kasama ang camera na pinaghirapan niyang bilhin at pagipunan ay galit siyang napaupo sa sofa.Ginagawa lang naman ang kaniyang trabaho bilang Paparazzi hindi naman iyon isang ilegal na trabaho and for God’s sake, trabaho niya ang maghanap ng tsismis tungkol sa buhay mga kilalang tao na nasa industriya!Ilang ring lang ay sa wakas sinagot na ng lalaki ang tawag niya. Hindi na niya hinintay ang pagsagot nito at nagmura siya ng malakas nang hindi binibigyang ng pagkakataon si Gamal para ipaliwanag ang sarili. “Kanina pa kita tinatawagan, pero hindi mo ako pinapansin! Alam mo bang nahihirapan ako rito! May
Magbasa pa

KABANATA 36 I NAWAWALA SI SEAN

Simula noong tanghali ay hinintay ni Via si Sean na pumunta sa panaderya ngunit hanggang sa lumubog na ang araw ay hindi pa rin ito nagpapakita na ikinagulat niya. Sa kada tunog ng chime sa pinto ay siya ring pagtibok ng puso niya nagbabakasakaling si Sean ang pumasok sa loob ngunit nadidismaya lamang siya. “Hoy, huwag ka ngang sumimangot ng ganiyan. Natatakot ang customer dahil mukha kang mataray riyan,” siko ni Tya pagkaalis ng isa sa mga customer na may masamang tingin.Napabuntong-hininga si Via at muling ibinalik ang tingin sa bintana kung saan tanaw ang kalsada sa labas. Alam ni Tya kung bakit nakabusangot ang babae ngayon. “Malamang sa malamang nasisiguro kong busy iyon ngayon, for sure babalik siya rito bukas. Sige na, ngumiti ka na riyan bago pa man mawalan tayo ng customer ngayong araw,” masiglang saad ni Tya.Napaikot na lang ng mata si Tya dahil hindi man lang nito sinunod ang sinabi niya. Nanatili pa ring nakabusangot ang kaibigan niyang si Via.........Nagising si Vi
Magbasa pa

KABANATA 37 I ANG HEADLINE SA ISANG MAGASIN

Matapos tawagan sina Willow at Disya ay naghanda na si Via para pumuntang Sweety. Sinabi sa kaniya ni Willow na lumipat na ito sa bahay ng mga magulang nito pero sinabi niyang puwede pa rin naman iting manirahan sa bahay na tinitirahan niya roon san rancho subalit tumanggi si Willow. Walang magawa si Via ngayong araw kaya inilipat niya lang ang iilang vase sa ibang silid.Naging routine na niya sa umaga ang manuod ng mabulaklak at paglanghap nito hanggang sa maalaala niya ang si Sean.Ilang araw na niyang hindi nakikita si Sean, sobrang na-mimiss na niya ito kaya ilang beses niyang kinuha ang litrato mula sa storage sa kan’yang memory box at tinitigan lang ang picture ng binata. Hindi niya inaasahan na magiging maayos muli ang kanilang relasyon. “Kumusta si Disya?” tanong ni Tya sabay bukas ng pinto ng sasakyan pagdating nilang dalawa sa bakery. “She’s fine, pagod na pagod kasi marami silang naging kliyente,” paliwanag ni Via nang maalala ang trabaho ni Disya bilang Interior Des
Magbasa pa

KABANATA 38 I ANG KATOTOHANAN SA MGA LUMANG TELEPONO

Naglakad si Sean sa hallway patungo sa study room ng kan’yang ama ng walang ekspresyon ang mukha. Makikita sa kaniya ang apoy na nagtatago sa kaniyang asul na mga mata.Para ba naging isang desyerto ang Mansion na mga Reviano. Tila sadyang nagtatago ang lahat kasama ang mga kasambahay, mukhang nagtatago ito sa kani-kanilang lungga dahil maaring tensyong mangyari ngayong araw sa mansion. Simula noong dumating siya sa mansion ay wala ni isang tao siyang nakita sa loob.Dalawang beses na kumatok si Sean sa malaking pinto na nasa harapan niya. Mga asal na natutunan niya simula noong siya ay limang taong gulang. Masunurin siyang naghintay hanggang sa marinig niya ang malalim na boses ng kan’yang ama.“Pasok,” utos ni Houston Reviano. Napaigting ang kaniyang panga nang marinig ang boses nito. Pumasok siya sa kwarto at tumingin ng diretso sa padre de pamilya ng Reviano.“Umupo ka at isara ang pinto sa likod mo.” Utos ni Houston sa kan’yang anak na may matigas na boses. Sumunod si Sean sa s
Magbasa pa

KABANATA 39 I GUMUHO ANG MUNDO NI SEAN

Kalalabas lang ni Daren sa meeting room kasama ang iba pang Luna Star Executives. Nasa kwarto pa rin ang ilan sa mga empleyadong kasamang dumalo sa meeting, pinauna muna nila ang mga Executive para maka-tsismis. Napahinto si Hadley na pinuno ng Quality Control Division nang makita niya ang kanilang CEO.Napangiti siya nang pumunta si Sean doon. “Mukhang bumalik na si Mr. CEO,” sabi ni Hadley sa isa pang kasamahan. Mabilis na naglakad si Sean Reviano sa hall patungo sa grupo ng mga Executive na nakatayo sa harap ng meeting room. Nang makitang bumalik na ang kan’yang matalik na kaibigan, ngumiti si Daren para kumustahin ngunit tumaas ang tensyon nang nasa harapan na nila si Sean. Sa isang iglap nawala ang ngiti sa mukha ni Daren nang dumapo ang isang kamao sa kaliwang pisngi at bumagsak ang katawan nito sa sahig. Nagkaroon ng komosyon kaya nakakuha ng atensyon ang mga kalapit na empleyado ng Luna Star. Pinigilan ni Dario Leaman, isang Financial Manager na nakatayo hindi kalayuan
Magbasa pa

KABANATA 40 I SONOGRAM

Tumakbo si Sean sa hallway ng ospital. Hindi niya pinansin ang ilang nurse na nagtitinginan sa kaniya.Si Via lang at ang sanggol sa sinapupunan nito ang nasa isip niya. Walang tigil na nag-vibrate ang kan’yang cellphone, nakita niya ang mensaheng ipinadala ni Tya, nakasaad doon ang lokasyon ng treatment room ng babae. Nang makita si Sean na naroroon mula sa dulo ng bulwagan, tumayo si Tya mula sa bench at naghintay hanggang makarating siya ng malapitan.“Anong nangyari?” tanong ni Sean na may nanginginig na boses. Nag-aalalang tumingin si Tya kay Sean, habang ang mga kamay nito ay nakakuyom sa kaba.“Nakita niya ang picture mo sa magasin kasama si Evelyn Madini. Maya-maya ay namutla siya at agad na umuwi kami sa bahay. Iniwan ko lang siya saglit nang makarinig ako ng sigaw at nakita ko si Via na nasa sahig at tumutulo ang dugo sa kaniyang mga binti.” Napaiyak si Tya ng maalala ang pangyayari.“Hindi pa ako nakakita ng napakaraming dugo sa tanang buhay ko. Akala ko mawawala na siy
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status