Matapos tawagan sina Willow at Disya ay naghanda na si Via para pumuntang Sweety. Sinabi sa kaniya ni Willow na lumipat na ito sa bahay ng mga magulang nito pero sinabi niyang puwede pa rin naman iting manirahan sa bahay na tinitirahan niya roon san rancho subalit tumanggi si Willow. Walang magawa si Via ngayong araw kaya inilipat niya lang ang iilang vase sa ibang silid.Naging routine na niya sa umaga ang manuod ng mabulaklak at paglanghap nito hanggang sa maalaala niya ang si Sean.Ilang araw na niyang hindi nakikita si Sean, sobrang na-mimiss na niya ito kaya ilang beses niyang kinuha ang litrato mula sa storage sa kan’yang memory box at tinitigan lang ang picture ng binata. Hindi niya inaasahan na magiging maayos muli ang kanilang relasyon. “Kumusta si Disya?” tanong ni Tya sabay bukas ng pinto ng sasakyan pagdating nilang dalawa sa bakery. “She’s fine, pagod na pagod kasi marami silang naging kliyente,” paliwanag ni Via nang maalala ang trabaho ni Disya bilang Interior Des
Naglakad si Sean sa hallway patungo sa study room ng kan’yang ama ng walang ekspresyon ang mukha. Makikita sa kaniya ang apoy na nagtatago sa kaniyang asul na mga mata.Para ba naging isang desyerto ang Mansion na mga Reviano. Tila sadyang nagtatago ang lahat kasama ang mga kasambahay, mukhang nagtatago ito sa kani-kanilang lungga dahil maaring tensyong mangyari ngayong araw sa mansion. Simula noong dumating siya sa mansion ay wala ni isang tao siyang nakita sa loob.Dalawang beses na kumatok si Sean sa malaking pinto na nasa harapan niya. Mga asal na natutunan niya simula noong siya ay limang taong gulang. Masunurin siyang naghintay hanggang sa marinig niya ang malalim na boses ng kan’yang ama.“Pasok,” utos ni Houston Reviano. Napaigting ang kaniyang panga nang marinig ang boses nito. Pumasok siya sa kwarto at tumingin ng diretso sa padre de pamilya ng Reviano.“Umupo ka at isara ang pinto sa likod mo.” Utos ni Houston sa kan’yang anak na may matigas na boses. Sumunod si Sean sa s
Kalalabas lang ni Daren sa meeting room kasama ang iba pang Luna Star Executives. Nasa kwarto pa rin ang ilan sa mga empleyadong kasamang dumalo sa meeting, pinauna muna nila ang mga Executive para maka-tsismis. Napahinto si Hadley na pinuno ng Quality Control Division nang makita niya ang kanilang CEO.Napangiti siya nang pumunta si Sean doon. “Mukhang bumalik na si Mr. CEO,” sabi ni Hadley sa isa pang kasamahan. Mabilis na naglakad si Sean Reviano sa hall patungo sa grupo ng mga Executive na nakatayo sa harap ng meeting room. Nang makitang bumalik na ang kan’yang matalik na kaibigan, ngumiti si Daren para kumustahin ngunit tumaas ang tensyon nang nasa harapan na nila si Sean. Sa isang iglap nawala ang ngiti sa mukha ni Daren nang dumapo ang isang kamao sa kaliwang pisngi at bumagsak ang katawan nito sa sahig. Nagkaroon ng komosyon kaya nakakuha ng atensyon ang mga kalapit na empleyado ng Luna Star. Pinigilan ni Dario Leaman, isang Financial Manager na nakatayo hindi kalayuan
Tumakbo si Sean sa hallway ng ospital. Hindi niya pinansin ang ilang nurse na nagtitinginan sa kaniya.Si Via lang at ang sanggol sa sinapupunan nito ang nasa isip niya. Walang tigil na nag-vibrate ang kan’yang cellphone, nakita niya ang mensaheng ipinadala ni Tya, nakasaad doon ang lokasyon ng treatment room ng babae. Nang makita si Sean na naroroon mula sa dulo ng bulwagan, tumayo si Tya mula sa bench at naghintay hanggang makarating siya ng malapitan.“Anong nangyari?” tanong ni Sean na may nanginginig na boses. Nag-aalalang tumingin si Tya kay Sean, habang ang mga kamay nito ay nakakuyom sa kaba.“Nakita niya ang picture mo sa magasin kasama si Evelyn Madini. Maya-maya ay namutla siya at agad na umuwi kami sa bahay. Iniwan ko lang siya saglit nang makarinig ako ng sigaw at nakita ko si Via na nasa sahig at tumutulo ang dugo sa kaniyang mga binti.” Napaiyak si Tya ng maalala ang pangyayari.“Hindi pa ako nakakita ng napakaraming dugo sa tanang buhay ko. Akala ko mawawala na siy
Sobrang nasisikipan si Sean sa kwarto ni Via. Naisipan niya na ilipat ito sa isang mas malaking silid ngunit ayaw naman niyang lumabas at iwan itong mag-isa kaya ang tanging nagawa niya lang ay umupo sa tabi nito. Hinaplos ni Sean ang maputlang pisngi ni Via. Hinalikan din niya ang mukha nitong natutulog. “I’m sorry, Baby,” bulong ni Sean sa nanginginig na boses.Napayuko si Sean, hindi pinansin ang mga luhang unti-unting tumulo sa kan’yang pisngi hanggang sa kan’yang baba. Umiyak siya ng tahimik. Nasayang ang oras nila dahil sa hindi pagkakaunawaan at pati na rin sa pagiging makasarili niya. Kung bago pa lang siya pumunta sa Bicol at ipinaliwanag niya ang lahat sa babae, baka hindi siya mangyayari ito.“I’m sorry,” bulong ni Sean habang pinisil niya ang kamay nito nang mahigpit, pagkatapos ay hinalikan ang palad ng babae.Tumayo si Sean sa upuan at niyakap si Via na nakahiga. Matagal niyang ipinulupot ang kan’yang mga braso sa mahinang katawan nito.Kinain ng matinding takot ang
Lumapit si Nicko Andreson kay Sean na nakasandal sa pader malapit sa garden ng ospital. Pareho silang nakatitig sa ilaw na nagbibigay liwanag sa paligid ng kalsada. Matagal na natahimik ang dalawang lalaki at pinagmamasdan ang mga dumadaang sasakyan. Hanggang sa huli, naglabas ng sigarilyo si Nicko at inalok kay Sean na tinanggihan nman nito. Nagkibit balikat si Nicko at itinapon ang sigarilyo sa lupa. Nakuha niya ang sigarilyo sa isa sa mga tauhang dala niya. Noong una, akala ni Nicko ay magpapagaan ito ng kalooban niya subalit hindi pala. Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita si Nicko, “Idala mo si Via rito.” Nilagay niya ang mga kamay sa bulsa dahil nagsisimula nang maglamig ang kamay niya. “May villa ako sa private island. Manatili muna kayo roon pansamantala. Ibinigay ko ang lahat ng mga pasilidad na kailangan ni Via, kabilang na ang isang medical team.” Napatingin si Sean sa lalaking katabi niya. Hindi siya umimik, habang iniisip ang pakay ni Nicko. Bakit siya t
Ang tunog ng sumasayaw na alon ay parang musika sa tainga ni Viania. Hanggang sa hinihila siya nito sa mas malalim na panaginip. Kumurba ang ngiti sa labi niya, ramdam kung gaano kaganda ang panaginip niya noong mga oras na iyon.Sa katunayan, hindi niya napansin si Sean na nakahiga rin sa kama sa tabi niya. Hanggang sa nakita niya ang lalaki. Napatingin siya sa mukha ng lalaking mahal niya. Lumakas ang tuwa sa puso niya, parang sasabog na sa dibdib niya. Gusto niyang tumagal ang panaginip niya at ayaw na harapin ang realidad. Realidad na wala si Sean sa tabi niya. Pinulupot ni Via ang mga kamay sa baywang ni Sean. Naka-topless ito at tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan.Ang panaginip ni Via ay naging totoo nang mahawakan niya ang mainit na balat ni Sean. Isa pa, naamoy niya ang pamilyar na pabango ng lalaki. Sinadya niyang hinawakn ang hubad na dibdib ng kasintahan, walang kahihiyang hinahalikan ang balat nito. Wala siyang pakialam kung anuman ang gawin niya sa lalaki da
Napatingin si Via kay Sean na kasalukuyang nagpapakain sa kan’ya. Matiyaga itong sumandok habang sinusubuan siya nito.Hindi ito nagrereklamo kapag siya ay mabagal sa pagnguya, o nag-aatubiling tanggapin ang pagkain na itinutok sa kan’yang bibig.Napangiti na lang ito at hindi namalayang naubos na niya ang mahigit kalahating bowl ng sopas.“Busog na ako,” sambit ni Via at napaiwas ng tingin. Ibinalik ni Sean ang stainless spoon sa porcelain bowl at inilagay ito sa mesa. Binigyan niya ng isang basong mineral water ang dalaga. Tinanggap ni Via ito nang walang pagtutol. Ngayon ay bumaling ito sa prutas na nasa mesa. Binalatan nito ang mansanas na nasa tray.Napakahusay ng mga daliri ni Sean sa pagbabalat ng prutas. Hinati niya ang prutas sa ilang piraso, saka muling ipinakain iyon kay Via. Tinitigan niya ang prutas na nasa harapan lang ng bibig niya. Ninakawan pa niya ng tingin si Sean na tahimik na nakaupo. Nang makita ang seryosong mukha ni Sean sa kan’ya ay wala siyang magawa kung