Tumakbo si Sean sa hallway ng ospital. Hindi niya pinansin ang ilang nurse na nagtitinginan sa kaniya.Si Via lang at ang sanggol sa sinapupunan nito ang nasa isip niya. Walang tigil na nag-vibrate ang kan’yang cellphone, nakita niya ang mensaheng ipinadala ni Tya, nakasaad doon ang lokasyon ng treatment room ng babae. Nang makita si Sean na naroroon mula sa dulo ng bulwagan, tumayo si Tya mula sa bench at naghintay hanggang makarating siya ng malapitan.“Anong nangyari?” tanong ni Sean na may nanginginig na boses. Nag-aalalang tumingin si Tya kay Sean, habang ang mga kamay nito ay nakakuyom sa kaba.“Nakita niya ang picture mo sa magasin kasama si Evelyn Madini. Maya-maya ay namutla siya at agad na umuwi kami sa bahay. Iniwan ko lang siya saglit nang makarinig ako ng sigaw at nakita ko si Via na nasa sahig at tumutulo ang dugo sa kaniyang mga binti.” Napaiyak si Tya ng maalala ang pangyayari.“Hindi pa ako nakakita ng napakaraming dugo sa tanang buhay ko. Akala ko mawawala na siy
Sobrang nasisikipan si Sean sa kwarto ni Via. Naisipan niya na ilipat ito sa isang mas malaking silid ngunit ayaw naman niyang lumabas at iwan itong mag-isa kaya ang tanging nagawa niya lang ay umupo sa tabi nito. Hinaplos ni Sean ang maputlang pisngi ni Via. Hinalikan din niya ang mukha nitong natutulog. “I’m sorry, Baby,” bulong ni Sean sa nanginginig na boses.Napayuko si Sean, hindi pinansin ang mga luhang unti-unting tumulo sa kan’yang pisngi hanggang sa kan’yang baba. Umiyak siya ng tahimik. Nasayang ang oras nila dahil sa hindi pagkakaunawaan at pati na rin sa pagiging makasarili niya. Kung bago pa lang siya pumunta sa Bicol at ipinaliwanag niya ang lahat sa babae, baka hindi siya mangyayari ito.“I’m sorry,” bulong ni Sean habang pinisil niya ang kamay nito nang mahigpit, pagkatapos ay hinalikan ang palad ng babae.Tumayo si Sean sa upuan at niyakap si Via na nakahiga. Matagal niyang ipinulupot ang kan’yang mga braso sa mahinang katawan nito.Kinain ng matinding takot ang
Lumapit si Nicko Andreson kay Sean na nakasandal sa pader malapit sa garden ng ospital. Pareho silang nakatitig sa ilaw na nagbibigay liwanag sa paligid ng kalsada. Matagal na natahimik ang dalawang lalaki at pinagmamasdan ang mga dumadaang sasakyan. Hanggang sa huli, naglabas ng sigarilyo si Nicko at inalok kay Sean na tinanggihan nman nito. Nagkibit balikat si Nicko at itinapon ang sigarilyo sa lupa. Nakuha niya ang sigarilyo sa isa sa mga tauhang dala niya. Noong una, akala ni Nicko ay magpapagaan ito ng kalooban niya subalit hindi pala. Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita si Nicko, “Idala mo si Via rito.” Nilagay niya ang mga kamay sa bulsa dahil nagsisimula nang maglamig ang kamay niya. “May villa ako sa private island. Manatili muna kayo roon pansamantala. Ibinigay ko ang lahat ng mga pasilidad na kailangan ni Via, kabilang na ang isang medical team.” Napatingin si Sean sa lalaking katabi niya. Hindi siya umimik, habang iniisip ang pakay ni Nicko. Bakit siya t
Ang tunog ng sumasayaw na alon ay parang musika sa tainga ni Viania. Hanggang sa hinihila siya nito sa mas malalim na panaginip. Kumurba ang ngiti sa labi niya, ramdam kung gaano kaganda ang panaginip niya noong mga oras na iyon.Sa katunayan, hindi niya napansin si Sean na nakahiga rin sa kama sa tabi niya. Hanggang sa nakita niya ang lalaki. Napatingin siya sa mukha ng lalaking mahal niya. Lumakas ang tuwa sa puso niya, parang sasabog na sa dibdib niya. Gusto niyang tumagal ang panaginip niya at ayaw na harapin ang realidad. Realidad na wala si Sean sa tabi niya. Pinulupot ni Via ang mga kamay sa baywang ni Sean. Naka-topless ito at tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan.Ang panaginip ni Via ay naging totoo nang mahawakan niya ang mainit na balat ni Sean. Isa pa, naamoy niya ang pamilyar na pabango ng lalaki. Sinadya niyang hinawakn ang hubad na dibdib ng kasintahan, walang kahihiyang hinahalikan ang balat nito. Wala siyang pakialam kung anuman ang gawin niya sa lalaki da
Napatingin si Via kay Sean na kasalukuyang nagpapakain sa kan’ya. Matiyaga itong sumandok habang sinusubuan siya nito.Hindi ito nagrereklamo kapag siya ay mabagal sa pagnguya, o nag-aatubiling tanggapin ang pagkain na itinutok sa kan’yang bibig.Napangiti na lang ito at hindi namalayang naubos na niya ang mahigit kalahating bowl ng sopas.“Busog na ako,” sambit ni Via at napaiwas ng tingin. Ibinalik ni Sean ang stainless spoon sa porcelain bowl at inilagay ito sa mesa. Binigyan niya ng isang basong mineral water ang dalaga. Tinanggap ni Via ito nang walang pagtutol. Ngayon ay bumaling ito sa prutas na nasa mesa. Binalatan nito ang mansanas na nasa tray.Napakahusay ng mga daliri ni Sean sa pagbabalat ng prutas. Hinati niya ang prutas sa ilang piraso, saka muling ipinakain iyon kay Via. Tinitigan niya ang prutas na nasa harapan lang ng bibig niya. Ninakawan pa niya ng tingin si Sean na tahimik na nakaupo. Nang makita ang seryosong mukha ni Sean sa kan’ya ay wala siyang magawa kung
“Gusto mong lumabas?” tanong ni Sean kay Via. Naalala niya ang sinabi ni Doctor Timothy na bumubuti na ang kalagayan ni Via pero under treatment pa rin ito kaya hindi nito pa magagawa ang mga mabibigat na gawain. Nag-isip si Via ng ilang minuto bago tuluyang sumagot. “Magpapakit muna ako ng damit,” sabi ni Via habang sinusubukang bumangon. Mabilis na binuhat ni Sean si Via kaya napasigaw ito sa gulat at nalilitong tumingin kay Sean nang ibinalik siya nito sa kama. “Anong ginagawa mo?”“Diyan ka lang sa kama,” sabi ni Sean gamit ang ma-awtoridad na boses, habang naglalakad siya papunta sa closet at naghanap ng lemon yellow sundress. “Maganda ka kapag nakasuot ka ng yellow sundress,” sabi niya at ipinakita ang sundress kay Via. Nang makita ang sundress sa mga kamay ni Sean, umiling si Via at hindi makapaniwala. Minsan may pagka overprotective si Sean kahit kasuotan niya ay pinupunan nito! Mukhang nagbago na talaga ang personalidad ni Sean o baka naman ay hindi nito pinapakita lang
Naglakad si Sean sa tabing dagat at nakasalubong si Gideon Rose. Nagtama ang mga mata ng dalawang lalaki sa isa’t isa at sabay-sabay silang napatango habang dumadaan. Walang salita, tanging mga sulyap lang ang nakakaunawa sa posisyon ng isa’t isa.Kung tutuusin, hindi man lang nilingon ni Sean ang babaeng nasa braso ng lalaki dahil hindi rin niya gugustuhin kapag may tuminging estrangerong lalaki sa Via niya. Ang mukha ni Sean na kanina ay seryoso ay lumambot nang mapatangin kay Via. “Naghintay ka ba ng matagal?” tanong ni Sean habang nakayuko at hinalikan si Via sa noo. “Hindi, kausap ko rin kasi ang kapitbahay natin,” sagot ni Via habang nakatitig sa mag-asawang papalayo.Bumalik ang tingin ni Via sa librong nasa kamay ni Sean. Nawala agad ang ngiti ng babae nang makita ang librong dala niya.Nang makita ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Via, tumingin si Sean sa libro nang may pagdududa.“Bakit? Hindi mo ba gusto ang librong ito? Hindi ba binabasa mo ang librong ito kay Tit
Ilang araw ang nakalipas…. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Hilda ang kinaroroonan nina Sean at Via sa paligid ng Cebu, kasama na ang ospital at Sweety ngunit ni-anino nila hindi niya nakita. Sa katotohanan, nang bumisita siya sa panaderya, natagpuan lamang niya ang isang babaeng nagngangalang Tya na laging pumapasok dahilan para mawalan ng pag-asa si Hilda na mahanap sina Sean. Matapos ang pakikipagtalo kay Gamal noong nakaraan, nagpasya si Hilda na huwag nang makipag-ugnayan muli sa lalaki. Nagtrabaho siya nang mag-isa at nangako sa sarili na hindi susuko. “Ikaw ba ang may-ari ng bakery na ito?” tanong ni Hilda kay Tya na nasa likod ng counter. Kumunot ang noo ni Tya. Simula noon, palaging nagtatanong ang babaeng nasa harap ni Tya tungkol sa mga personal issue, kaya hindi siya komportable. “Hindi, nagtatrabaho lang ako sa lugar na ito,” sagot ni Tya. “May iba ka pa bang bibilhin?” tanong ni Tya na sinusubukang ibahin ang topic. Luminga-linga si Hilda sa paligid, parang