Ilang araw ang nakalipas…. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Hilda ang kinaroroonan nina Sean at Via sa paligid ng Cebu, kasama na ang ospital at Sweety ngunit ni-anino nila hindi niya nakita. Sa katotohanan, nang bumisita siya sa panaderya, natagpuan lamang niya ang isang babaeng nagngangalang Tya na laging pumapasok dahilan para mawalan ng pag-asa si Hilda na mahanap sina Sean. Matapos ang pakikipagtalo kay Gamal noong nakaraan, nagpasya si Hilda na huwag nang makipag-ugnayan muli sa lalaki. Nagtrabaho siya nang mag-isa at nangako sa sarili na hindi susuko. “Ikaw ba ang may-ari ng bakery na ito?” tanong ni Hilda kay Tya na nasa likod ng counter. Kumunot ang noo ni Tya. Simula noon, palaging nagtatanong ang babaeng nasa harap ni Tya tungkol sa mga personal issue, kaya hindi siya komportable. “Hindi, nagtatrabaho lang ako sa lugar na ito,” sagot ni Tya. “May iba ka pa bang bibilhin?” tanong ni Tya na sinusubukang ibahin ang topic. Luminga-linga si Hilda sa paligid, parang
Ilang araw pa ang nakalipas…Kumalat sa lahat ng sulok ng mundo ang balita tungkol sa love story nina Sean Reviano at ng kan’yang girlfriend na si Viania Harper. Napag-usapan ng lahat ang tungkol sa kanilang romantikong relasyon sa pamamagitan ng isang magasin na pinangalanang The Morning Sun pati na rin ang worldwide station ng telebisyon na DJ Vision. Ang mga nanlait kay Via sa social media ay bumaling kay Evelyn dahil kumalat ang malalaswang litrato ng babae na may iba’t ibang lalaki sa iba’t ibang lugar noong engaged pa sila ni Sean Reviano. “Kita mo? Kumbaga, noong pumunta si Evelyn sa Korea para sa isang photo shoot, doon niya nakilala ang kan’yang mga lalaki,” ani Cece na nagpapakita ng malabong larawan ni Evelyn Madini sa kama kasama ang isang dayuhang lalaki. Bumuntong-hininga si Altha sa inis dahil hindi niya akalaing ang babaeng hinahangaan niya noon ay gagawa ng malaswang bagay sa likod ng dati nilang CEO, kahit na sa kumalat na sa Luna Star Hotel ang katotohanan kung
Nag-impake si Sean ng ilang damit at mga kailangan sa isang maliit na maleta habang si Via naman ay pinapanuod lamang si Sean na abala sa paglalakad sa silid.Naglagay rin ang lalaki ng ilang file at dokumento sa isang travel bag.“Bakit ka pa magdadala ng damit? Pupunta ka lang naman sa Manila ‘di ba?” naguguluhang tanong ni Via. Kagabi, sinabi ni Sean na may gusto siyang asikasuhin sa Manila at palagay ni Via na tungkol ito sa trabaho ni Sean sa Luna Star Hotel.Higit pa rito, napansin niya ang lalaki na matagal nang hindi nakikitang gumagawa ng mga normal na aktibidad, gaya ng pagsuri sa email, pagtawag, o abala man lang sa laptop at gadget. Huminto si Sean sa pag-iimpake at lumapit kay Via na panay ang tingin sa kan’yang bagahe. “Gagawi rin kasi ako sa Cebu para bisitahin si Tiya Azura at kumustahin ang kalagayan niya,” sabi ni Sean na agad namang ngumiti si Via. Uminit ang puso niya dahil talagang nagmamalasakit si Sean sa nag-iisang pamilya niya. Muntik pa ngang makalimutan n
Katatapos lang ni Via mag-almusal kasama si Kalista sa hapag kainan nang magtanong si Kalista sa kaniya. ‘Gusto mong lumabas? Naiinip na ako rito.’Tumango siya bilang pagsang-ayon matapos ilagay ang maruruming pinggan sa lababo. Nagsimula silang maglakad patungo sa hallway na nagdudugtong sa sala ngunit napahinto si Via nang marinig niya ang boses ni Sean na nagmumula sa telebisyon sa break room ng staff ng villa. Bumuka ang bibig ni Via para tanungin si Kalista kung narinig ba ng babae ito pero nang maalala na bingi si Kalista, muling napatikom ang bibig ni Via. Kinuha niya ang kamay ni Kalista at hinila ito patungo sa pinanggalingan ng tunog. Sa katunayan, hindi pinansin ni Via ang nagtatanong na tingin ni Kalista na sumunod mula sa kaniyang likuran. Sa loob ng kwarto ay may isang babaeng trabahador na tila seryosong nanonood ng telebisyon. Hindi man lang napansin ng babae sina Via at Kalista na nakatayo sa may pintuan. Nakatitig sila sa screen ng telebisyon kung saan makikit
Nang matapos ang press conference, inakay ni Xavier at ng iba pang guwardiya si Sean palabas ng kwarto sa ilalim ng mahigpit na seguridad. Naglakad sila sa hallway patungo sa ibang elevator para maiwasan ang mga media.Nadadaanan pa lang ng grupo ang dalawang kwarto nang biglang nakita nila si Daren na matagal nang naghihintay sa may elevator. “Pwede ba tayong mag-usap? Sandali lang,” tanong ni Daren bago pumasok si Sean sa elevator. Huminto ang mga hakbang ni Sean kasunod ang mga lalaki sa likod. Lumingon siya at tumingin kay Daren na may masamang tingin.“Busy ako,” sagot ni Sean balak na sanang magpatuloy sa kan’yang paglalakad ngunit napatigil siya nang ilabas ni Daren ang kan’yang pamilyar na knitted na medyas.“Naiwan mo ito noong nasa opisina ka pa,” saad ni Daren habang inilahad sa kaniya ang medyas. Nang walang sabi-sabi’y hinila ni Sean ang bagay at tiningnan ang pattern na ginantsilyo ng kamay ni Via. Maingat na hinaplos ng mga daliri ni Sean ang maliliit na medyas ng buon
Puno ng ngiti ang pamilyang Reviano mula sa masasayang mukha ng mga imbitadong bisita at host. Kitang-kita sina Houston Reviano at ang kan’yang asawa na si Hellena Reviano habang binabati ang mga espesyal na panauhin sa gitna ng Hall. Napuno ng malalakas na tunog ng tawanan at huni ng mga kuwento ang silid na sinasabayan ng malamving na tugtog habang ang mga couple ay nagsasayawan sa dance floor.Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga malalapit na tao at ng mga may kaugnayan sa pamilyang Reviano, sa kasamaang palad, wala ni katiting na presensya ng pamilya Madini subalit walang pakialam ang lahat ng tao roon. Sa masasayang hosts lang ang focus nila. Kitang-kita si Sean na nakatayo sa tabi ng kaniyang bagong nobya habang nakaupo sa isang bench malapit sa Hall.Marahang hinawakan ni Sean ang kamay ni Viania Harper, ang babaeng kakapalit lang ng apelyido si Viania Reviano. Paminsan-minsan ay hinahalikan ang palad at noo nito habang may binubulong na ikinatawa nilang dalawa para maakit ang
Nagdala ang hangin ng isang matamis na amoy na nanggagaling sa namumuladkad na mga bulaklak sa burol malapit sa bayan ng Bicol.Isa sa malalaking mansyon ang nakatayong marilag sa gitna ng kabahayan malapit sa mga burol.Isang itim na kotse ang nakitang papasok sa bakuran ng mansyon at sa sandaling huminto ang sasakyan, isang guwapong lalaki ang lumabas sa gilid ng manibela at umikot papunta sa kabilang side ng sasakayan. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat, saka lumapit sa isang magandang babae na naka-maroon na bestida na pang-buntis.“Pagod ka na ba?” tanong ni Sean, inalalayan si Via mula sa pagkakaupo. “Gusto kong humiga saglit,” sagot ni Via habang ang mga braso ni Sean ay nakapulupot sa tagiliran niya.“Mukhang may inihanda si Mom para sa atin,” sabi ni Sean habang inakay siya papasok.Kakatungtong pa lang nila sa terrace nang bumukas nang husto ang malaking pinto sa harap ng dalawa, bumungad sa kanya ang pigura ng isang matandang lalaki na nakatayo habang nakahalukipk
Kinabukasan, nagising si Via na hindi komportable ang pakiramdam. Walang tigil ang pagsipa ng sanggol sa kan’yang tiyan kaya nahihirapan siyang makatulog. Ilang beses siyang nagpalit ng posisyon ngunit hindi pa rin siya kumportable.Nang makita si Via, na hindi mapakali at pabago-bago ng posisyon, hinaplos ni Sean ang tiyan ng asawa, na para bang naging palaruan na ng kanilang sanggol.“Mukhang hindi niya ako pinapatulog,” sabi ni Via habang hinihimas ang tiyan.“Ganito siya buong gabi.” Napatingin si Sean sa orasan sa mesa, alas sais na ng umaga. Bumangon siya sa kama at inalok si Via na sundan siya. Iniunat ni Sean ang kamay, balak na tulungan si Via na bumangon mula sa kama. “Paano kung may gawin tayo? Kadalasan ang sanggol ay matutulog kapag ang ina ay aktibo, “ wika ni Sean, nagbabasa kasi ito tone-toneladang mga libro tungkol sa pagbubuntis. Tinanggap ni Via ang kan’yang alok at maingat na bumangon sa kama.“Pero hindi ako nagugutom,” sabi ni Via, akala’y hahatiran siya ni Sea
Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko
Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan
Nilagyan ni Via ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagay ang bomb bath doon nang biglang narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng banyo. Lumingon saglit si Via at napanganga, tiningnan niya si Sean na parang nagtatanong kung bakit ito naroon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Via sabay tingin sa pinto. “Maliligo, of course,” sagot ni Sean na nagsimulang maghubad.Paano niya nagawang maligo at hinayaan lang si Caro na mag-isa sa labas? Hinugot ni Via ang isang tuwalya mula sa istante at isinuot ito saka nilagpasan ang kan’yang asawa ngunit ang mga braso ni Sean ay pumulupot sa kan’yang baywang kaya agad na napatigil si Via. “Binigyan ko siya ng laruan. Kaya huwag kang mag-alala, Baby,” mahinang sabi ni Sean na para bang nag-uusap sila tungkol sa isang kuting sa labas na naiwan mag-isa sa halip na sa isang sampung buwang gulang na sanggol.“Gosh! Paano kung umiyak siya, Sean? Walang nag-aalaga sa kan’ya ngayon,” protesta ni Via habang sinusubukang kumawala.Sa kasamaang
“Isekreto natin... sa lahat?” pabulong na tanong ni Via, sa harap mismo ng labi ni Sean. Dahil sa liwanag na naaninag mula sa mga gusali sa paligid kaya kumikinang ang kanilang mga basang labi.“Oo,” sambit ng lalaki na sinundan ng ungol nang dumaan ang tungki ng ilong niya sa likod mismo ng leeg ng dalaga dahilan para manginig ang katawan nito. Muling pumikit si Via nang mag-iwan ng bakas ng halik si Sean sa kan’yang sensitibong balat sa leeg. “Sean,” tawag ni Via na hindi maintindihan kung ano ang gusto ng katawan. “Yes, Baby,” sagot ni Sean habang hinihila ang bewang ni Via para magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Napatalon si Via sa gulat nang maramdaman niyang may dumidikit sa kan’yang pagkababae na ikinatawa ni Sean ng mahina at sinadyang halikan ang labi ng babae. Noong una ay kinakantilan at tinutukso lang ni Sean ang pang-ibabang labi ni Via at kinagat-kagat ng marahan, pagkatapos ay ipinasok niya ang dila niya sa labi ng dalaga kaya medyo bumuka ang bibig ni
Napatingin si Sean sa kan’yang wrist watch. Makalipas ang labin-limang minutong paghihintay, bumaba siya ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa hagdanan patungo sa apartment ni Via. Sinadya niyang bagalan ang mga hakbang para mas may oras si Via sa paghahanda. Agad siyang pumasok sa corridor nang biglang huminto ang kan’yang mga hakbang at nadatnan ang isang babaeng nakasilip mula sa apartment sa tabi ng kwarto ni Via. “Ikaw ba ang manliligaw ni Viania?” bulong ng babaeng ipinakita ang kalahating mukha nito at kanang mata lang ang ipinakita habang ang kabilang parte ng katawan ay nakaharang sa pinto. Nilagay ni Sean ang hintuturo sa labi niya na para bang sinasabi niyang manahimik at agad namang tinakpan ng babae ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay habang tumatango, saka dahan-dahang isinara muli ang pinto ng apartment. Matapos matiyak na walang nang isturbo, kumatok si Sean sa marupok na pinto ni Via. Mula sa kan’yang nakatayong posisyon, masasabi ni Sean na kadalasan ay
Tumitibok pa rin ang puso ni Via nang makabalik siya sa kan’yang silid. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot. Kahit ang isang tanong ay pumasok sa kan’yang isipan; paano kung pumasok si Devan sa opisina niya? Agad na ni-lock ni Via ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok sa kaniyang opisina. Sana lang ay hindi magtanong ang kan’yang amo na si Hadley. Pagbalik sa upuan, sinubukan ni Via na mag-focus sa pagkumpleto ng mga dokumento sa computer ngunit hindi pa rin siya mapakali. Agad niyang hinanap ang AC remote para mapababa ang temperatura ng kwarto. Isang tunog ng mensahe sa kan’yang telepono ang agad na nagpagising kay Via. Umaasa siyang si Sean iyon. Sean: [Okay ka lang?] Nabato si Via ng ilang minuto nang mabasa niya ang mensahe. Nag-type siya ng ilang salita, pagkatapos ay binura muli, hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin.Huminto ang daliri niya nang nabasa ang kaniyang tinipa ‘hindi okay’ at agad niyang ipinatong ang ulo sa mesa habang nasa tabi niya ang
Nakatuon ang tingin ni Sean sa CCTV habang naroon si Via sa screen at nagpapakita ng mga pinaggawa nito sa pribadong office ng dalaga. Blangko siyang nakatingin doon habang ang isa niyang kamay sa mesa ay gumagalaw, may ritmong parang tunog ng yapak ng kabayo. Nang makatayo si Via sa kan’yang inuupuan at lumabas ng kwarto ay agad na pinalitan ni Sean ang screen ng CCTV sa bawat corridor na kan’ang madaanan. Binati ni Via ang ilang empleyado at huminto sandali para makipag-usap. Nakikita ang bawat routine ng babae, itinuon ni Sean ang kan’yang atensyon sa trabaho sa desk at humigop ng kape habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa screen ng CCTV. Ngayon ay lumipat si Via patungo sa pantry at sinundan ito ng mga mata ni Sean ngunit ang tasa sa kan’yang kamay ay tumigil sa harap ng kan’yang mga labi nang makita niyang may pumasok sa pantry sa likuran ng dalaga....... Nauhaw bigla si Via at nakalimutan niyang magdala ng tumblr kaninag umaga. Matapos batiin ang kaniyang seniors, pinil
Nang mag-out si Via sa kaniyang trabaho ay agad na umuwi siya sa apartment. Mabilis niyang inalagay ang mga damit niya sa loob ng kaniyang bagong bag. Tapos na ang negosyo niya rito at walang dahilan para manatili siya sa apartment ni Sean. Iniisip niya kung paano ba niya paiinitin ang sarili dahil babalik na naman siya sa apartment noon na sira ang heater.Nang ma-realize niyang nakasilid na ang lahat sa bag ay lumabas na ng kwarto si Via. Actually, gusto ni Via na magpaalam muna kay Sean via text message pero ayaw niyang istorbohin ang lalaki.Isa pa, ayaw niyang maging komportable sa apartment ng kan’yang amo. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam niya ay sobrang mali noon na para bang sinasamantala niya ang sitwasyon. Nang makarating siya sa lobby, biglang tumunog ang phone ni Via at nakita ang pangalan ni Sean sa screen pero pinatay niya ito dahil ayaw niyang itanong ni Sean kung ano ang ginagawa niya. Sa pagmamadaling hakbang, naglakad si Via palabas.Pagdating sa apartment,
Huminto ang sasakyan sa harap mismo ng isang magarbong restaurant at may ilang sasakyan na nakaparada sa paligid. Medyo kinabahan si Via sa ng makitang nasa loob at hindi niya namamalayan na hinawakan niya ang kamay ni Sean na nakaupo sa gilid habang nakatutok ang mga mata nito sa pagtingin sa labas ng bintana. Sinulyapan ni Sean ang mga daliri ni Via na pinipisil ang kamay niya parang hindi alam ng dalaga na ang hawak na kamay niya ay kay Sean. At dahil opportunity na ito para sa kaniya agad niyang ginantihan ang pagkakahawak ni Via nang isang haplos sa daliri.“Ito ba talaga ang lugar na pupuntahan natin?” tanong ni Via habang nakatingin sa paligid. Para bang kakaiba ang feeling niya rito dahil iilan lang ang nakaparadang kotse sa parking lot na parang walang celebration na magaganap.Sinundan ni Sean ang tingin ni Via at sumagot, “Oo, ito nga ang lugar.” Nang lumingon si Via ay napagtanto niyang simula pa noong pagdating nila ay magkadikit na ang kanilang mga kamay. Namula siya a