Puno ng ngiti ang pamilyang Reviano mula sa masasayang mukha ng mga imbitadong bisita at host. Kitang-kita sina Houston Reviano at ang kan’yang asawa na si Hellena Reviano habang binabati ang mga espesyal na panauhin sa gitna ng Hall. Napuno ng malalakas na tunog ng tawanan at huni ng mga kuwento ang silid na sinasabayan ng malamving na tugtog habang ang mga couple ay nagsasayawan sa dance floor.Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga malalapit na tao at ng mga may kaugnayan sa pamilyang Reviano, sa kasamaang palad, wala ni katiting na presensya ng pamilya Madini subalit walang pakialam ang lahat ng tao roon. Sa masasayang hosts lang ang focus nila. Kitang-kita si Sean na nakatayo sa tabi ng kaniyang bagong nobya habang nakaupo sa isang bench malapit sa Hall.Marahang hinawakan ni Sean ang kamay ni Viania Harper, ang babaeng kakapalit lang ng apelyido si Viania Reviano. Paminsan-minsan ay hinahalikan ang palad at noo nito habang may binubulong na ikinatawa nilang dalawa para maakit ang
Nagdala ang hangin ng isang matamis na amoy na nanggagaling sa namumuladkad na mga bulaklak sa burol malapit sa bayan ng Bicol.Isa sa malalaking mansyon ang nakatayong marilag sa gitna ng kabahayan malapit sa mga burol.Isang itim na kotse ang nakitang papasok sa bakuran ng mansyon at sa sandaling huminto ang sasakyan, isang guwapong lalaki ang lumabas sa gilid ng manibela at umikot papunta sa kabilang side ng sasakayan. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat, saka lumapit sa isang magandang babae na naka-maroon na bestida na pang-buntis.“Pagod ka na ba?” tanong ni Sean, inalalayan si Via mula sa pagkakaupo. “Gusto kong humiga saglit,” sagot ni Via habang ang mga braso ni Sean ay nakapulupot sa tagiliran niya.“Mukhang may inihanda si Mom para sa atin,” sabi ni Sean habang inakay siya papasok.Kakatungtong pa lang nila sa terrace nang bumukas nang husto ang malaking pinto sa harap ng dalawa, bumungad sa kanya ang pigura ng isang matandang lalaki na nakatayo habang nakahalukipk
Kinabukasan, nagising si Via na hindi komportable ang pakiramdam. Walang tigil ang pagsipa ng sanggol sa kan’yang tiyan kaya nahihirapan siyang makatulog. Ilang beses siyang nagpalit ng posisyon ngunit hindi pa rin siya kumportable.Nang makita si Via, na hindi mapakali at pabago-bago ng posisyon, hinaplos ni Sean ang tiyan ng asawa, na para bang naging palaruan na ng kanilang sanggol.“Mukhang hindi niya ako pinapatulog,” sabi ni Via habang hinihimas ang tiyan.“Ganito siya buong gabi.” Napatingin si Sean sa orasan sa mesa, alas sais na ng umaga. Bumangon siya sa kama at inalok si Via na sundan siya. Iniunat ni Sean ang kamay, balak na tulungan si Via na bumangon mula sa kama. “Paano kung may gawin tayo? Kadalasan ang sanggol ay matutulog kapag ang ina ay aktibo, “ wika ni Sean, nagbabasa kasi ito tone-toneladang mga libro tungkol sa pagbubuntis. Tinanggap ni Via ang kan’yang alok at maingat na bumangon sa kama.“Pero hindi ako nagugutom,” sabi ni Via, akala’y hahatiran siya ni Sea
Inimbitahan ni Hellena sina Via at Sean na dumalo sa isa sa mga event sa paghahanap ng pondo sa pag-aayos ng paaralan na naapektuhan ng bagyo sa maliit na bayan ng Bicol.Bilang isa sa mga ma-impluwensyang pamilya sa bayan, si Hellena na nagsilbi bilang chairman ng komite ng paaralan ay tumutulong sa pagsasagawa ng event na gaganapin sa City Hall. “Sigurado ka bang gusto mong dumalo?” nag-aalalang tanong ni Sean pagkatapos maisuot kay Via ang pink na damit. Nang makita ang pag-aalala sa mukha ng asawa, dahan-dahang hinawakan ni Via ang braso nito.“Ano ka ba! Wala akong malubhang sakit, Sean, buntis lang ako,” sabi ni Via habang nakangiti. “Alam ko pero hindi iyan ang gusto kong sabihin,” saad ni Sean habang patuloy na nakatitig sa tiyan ni Via na mukhang mabigat na para sa kaniya. Sobrang nag-aalala rin siya baka matisod pa sa lupa ang asawa habang naglalakad ito.“Gusto mo bang dalhan kita ng wheelchair?” tanong ni Sean na halata sa mukha ang pag-aalala. Nang marinig iyon, kinuro
Ang pasilyo ng ospital ay napuno ng naghihintay na mga lalaki pati na rin ng mga magagarang babae habang nagkukumpulan sa waiting bench. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Mahigit limang oras na silang nasa labas, nagdarasal para sa babaeng nanganganak sa loob. Samantala, magkahawak-kamay sina Tya at Disya na kadalasang magkalayo at magkaaway. Pareho silang maingat na sumusulyap sa pintuan ng delivery room habang pilit na sinisilip ang nasa loob. Huminga sila ng malalim nang makitang lumabas si Sean sa loob ng silid. Lumapit sila sa lalaki habang kitang-kita ang sa mga mata nito ang tuwa at malakas na sinabing, “Isa na akong ama!” Puno ng masasayang boses ang nasa paligid. Halos napuno ng pagbati ang silid at niyakap si Sean ng mga lalaki habang tinatapik ang kaniyang breaso. Nagmamalaki pa nga si Houston at tinanggap ang pakikipagkamay mula sa ilan sa mga lalaking matagal nang naghihintay sa corridor. Sinadya niyang imbitahan ang ilan sa mga malalapit niyang kasamahan para
Ang mga kalye sa paligid ng Bar Grand Avenue ay puno ng mga tao na gustong masaksihan ang pagdiriwang ng Bagong Taon hindi kalayuan sa Times Square. Hindi lang iyon, nagkikislapan ang mga ilaw sa kahabaan ng entertainment center at mga sasakyan na nagsisiksikan na nakaparada sa kalsada. Samantala, hindi na mapakali si Via na naghihintay kay Disya sa labas ng palikuran ng Grand Avenue hindi pa rin kasi lumalabas doon ang kaibigan. Mahigit twenty minutes nang naghihintay si Via, pero mukhang hindi pa rin tapos si Disya. “Nariyan ka pa ba? Kailangan mo pa ba ng ilang minuto?” tanong ni Via sabay katok sa isa sa mga stalls na ginagamit ni Disya. “Mauna ka na, masakit pa rin ang tiyan ko!” sagot ni Disya, napabuntong-hininga si Via at naglakad palabas.“Maghihintay ako sa labas ng building!” sigaw ni Via na tanging ungol lang ang isinagot ni Disya. Tila ba sobrang sakit talaga ng tiyan ng babae. Balak sana nilang dumiretso sa Times Square ngunit sinabi ni Disya na gusto niyang pumunta
Sumasakit ang ulo gayundin ang kaliwang bahagi ng kaniyang tiyan nang bumangon si Sean sa kama. Nakarinig siya ng ungol sa kanang bahagi niya kaya napalingon siya sa kinaroroonan nito. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa sofa at may hawak na magasin sa kandungan niya.“Mas mabuting humiga ka muna bago pumasok ang doktor at makita ka sa ganiyang posisyon,” payo ng lalaki bago ibinalik ang atensyon sa magasin. Napahinga ng malalim si Sean at sinubukang bumangon sa higaan habang tinitiis ang sakit sa kaniyang tiyan. Bumuntong hininga naman ang lalaki na nakaupo sa sofa na agad na ikinalukot ng mukha ni Sean sa inis.“Sinabi ko sa iyo na humiga ka muna sobrang tigas naman ng ulo mo,” sabi muli ng lalaki at umiling. “Puwede ka nang umuwi pagkatapos mong kausapin ang mga pulis,” sabi ni Sean habang umungol sa sakit at bumibigat ang paghinga, nahihirapan siyang tumayo dahl hanggang ngayon ang katawan niya ang nanginginig.Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaking may h
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon, maging si Via ay nakalimutan na niya ang trauma noong tinutukan siya ng baril ng isang estranghero. Habang inaala ni Via ang nakaraan, masasabi siyang napakaswerte niya dahil mabilis siyang nakatanggap ng tulong subalit hanggang ngayon ay hindi pa niya nakilala o nakita ang mukha ng lalaking ninakawan noon. Buti na lang at nandiyan si Disya na laging tumutulong sa kaniya noong nasa ospital siya. Isipin niya lang kung gaano kahirap igalaw ang kasukasuan ng kaniyang balikat kaya hindi niya ito magamit sa loob ng ilang linggo. “Kailan matatapos ang shift mo?” tanong ni Disya na nagtatrabaho sa likod ng counter. Ito na ang huling buwan nila sa unibersidad at kung walang nangyaring masama sa kaniya, ilang linggo na lang sana ay mayroon na sila ng bachelor’s degree at makakapag-apply na agad ng trabaho. Pero bago mangyari iyon ay nagpa-part time pa rin sina Via at Disya campus coffee shop na pinagtrabahuan nilang d
Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko
Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan
Nilagyan ni Via ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagay ang bomb bath doon nang biglang narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng banyo. Lumingon saglit si Via at napanganga, tiningnan niya si Sean na parang nagtatanong kung bakit ito naroon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Via sabay tingin sa pinto. “Maliligo, of course,” sagot ni Sean na nagsimulang maghubad.Paano niya nagawang maligo at hinayaan lang si Caro na mag-isa sa labas? Hinugot ni Via ang isang tuwalya mula sa istante at isinuot ito saka nilagpasan ang kan’yang asawa ngunit ang mga braso ni Sean ay pumulupot sa kan’yang baywang kaya agad na napatigil si Via. “Binigyan ko siya ng laruan. Kaya huwag kang mag-alala, Baby,” mahinang sabi ni Sean na para bang nag-uusap sila tungkol sa isang kuting sa labas na naiwan mag-isa sa halip na sa isang sampung buwang gulang na sanggol.“Gosh! Paano kung umiyak siya, Sean? Walang nag-aalaga sa kan’ya ngayon,” protesta ni Via habang sinusubukang kumawala.Sa kasamaang
“Isekreto natin... sa lahat?” pabulong na tanong ni Via, sa harap mismo ng labi ni Sean. Dahil sa liwanag na naaninag mula sa mga gusali sa paligid kaya kumikinang ang kanilang mga basang labi.“Oo,” sambit ng lalaki na sinundan ng ungol nang dumaan ang tungki ng ilong niya sa likod mismo ng leeg ng dalaga dahilan para manginig ang katawan nito. Muling pumikit si Via nang mag-iwan ng bakas ng halik si Sean sa kan’yang sensitibong balat sa leeg. “Sean,” tawag ni Via na hindi maintindihan kung ano ang gusto ng katawan. “Yes, Baby,” sagot ni Sean habang hinihila ang bewang ni Via para magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Napatalon si Via sa gulat nang maramdaman niyang may dumidikit sa kan’yang pagkababae na ikinatawa ni Sean ng mahina at sinadyang halikan ang labi ng babae. Noong una ay kinakantilan at tinutukso lang ni Sean ang pang-ibabang labi ni Via at kinagat-kagat ng marahan, pagkatapos ay ipinasok niya ang dila niya sa labi ng dalaga kaya medyo bumuka ang bibig ni
Napatingin si Sean sa kan’yang wrist watch. Makalipas ang labin-limang minutong paghihintay, bumaba siya ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa hagdanan patungo sa apartment ni Via. Sinadya niyang bagalan ang mga hakbang para mas may oras si Via sa paghahanda. Agad siyang pumasok sa corridor nang biglang huminto ang kan’yang mga hakbang at nadatnan ang isang babaeng nakasilip mula sa apartment sa tabi ng kwarto ni Via. “Ikaw ba ang manliligaw ni Viania?” bulong ng babaeng ipinakita ang kalahating mukha nito at kanang mata lang ang ipinakita habang ang kabilang parte ng katawan ay nakaharang sa pinto. Nilagay ni Sean ang hintuturo sa labi niya na para bang sinasabi niyang manahimik at agad namang tinakpan ng babae ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay habang tumatango, saka dahan-dahang isinara muli ang pinto ng apartment. Matapos matiyak na walang nang isturbo, kumatok si Sean sa marupok na pinto ni Via. Mula sa kan’yang nakatayong posisyon, masasabi ni Sean na kadalasan ay
Tumitibok pa rin ang puso ni Via nang makabalik siya sa kan’yang silid. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot. Kahit ang isang tanong ay pumasok sa kan’yang isipan; paano kung pumasok si Devan sa opisina niya? Agad na ni-lock ni Via ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok sa kaniyang opisina. Sana lang ay hindi magtanong ang kan’yang amo na si Hadley. Pagbalik sa upuan, sinubukan ni Via na mag-focus sa pagkumpleto ng mga dokumento sa computer ngunit hindi pa rin siya mapakali. Agad niyang hinanap ang AC remote para mapababa ang temperatura ng kwarto. Isang tunog ng mensahe sa kan’yang telepono ang agad na nagpagising kay Via. Umaasa siyang si Sean iyon. Sean: [Okay ka lang?] Nabato si Via ng ilang minuto nang mabasa niya ang mensahe. Nag-type siya ng ilang salita, pagkatapos ay binura muli, hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin.Huminto ang daliri niya nang nabasa ang kaniyang tinipa ‘hindi okay’ at agad niyang ipinatong ang ulo sa mesa habang nasa tabi niya ang
Nakatuon ang tingin ni Sean sa CCTV habang naroon si Via sa screen at nagpapakita ng mga pinaggawa nito sa pribadong office ng dalaga. Blangko siyang nakatingin doon habang ang isa niyang kamay sa mesa ay gumagalaw, may ritmong parang tunog ng yapak ng kabayo. Nang makatayo si Via sa kan’yang inuupuan at lumabas ng kwarto ay agad na pinalitan ni Sean ang screen ng CCTV sa bawat corridor na kan’ang madaanan. Binati ni Via ang ilang empleyado at huminto sandali para makipag-usap. Nakikita ang bawat routine ng babae, itinuon ni Sean ang kan’yang atensyon sa trabaho sa desk at humigop ng kape habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa screen ng CCTV. Ngayon ay lumipat si Via patungo sa pantry at sinundan ito ng mga mata ni Sean ngunit ang tasa sa kan’yang kamay ay tumigil sa harap ng kan’yang mga labi nang makita niyang may pumasok sa pantry sa likuran ng dalaga....... Nauhaw bigla si Via at nakalimutan niyang magdala ng tumblr kaninag umaga. Matapos batiin ang kaniyang seniors, pinil
Nang mag-out si Via sa kaniyang trabaho ay agad na umuwi siya sa apartment. Mabilis niyang inalagay ang mga damit niya sa loob ng kaniyang bagong bag. Tapos na ang negosyo niya rito at walang dahilan para manatili siya sa apartment ni Sean. Iniisip niya kung paano ba niya paiinitin ang sarili dahil babalik na naman siya sa apartment noon na sira ang heater.Nang ma-realize niyang nakasilid na ang lahat sa bag ay lumabas na ng kwarto si Via. Actually, gusto ni Via na magpaalam muna kay Sean via text message pero ayaw niyang istorbohin ang lalaki.Isa pa, ayaw niyang maging komportable sa apartment ng kan’yang amo. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam niya ay sobrang mali noon na para bang sinasamantala niya ang sitwasyon. Nang makarating siya sa lobby, biglang tumunog ang phone ni Via at nakita ang pangalan ni Sean sa screen pero pinatay niya ito dahil ayaw niyang itanong ni Sean kung ano ang ginagawa niya. Sa pagmamadaling hakbang, naglakad si Via palabas.Pagdating sa apartment,
Huminto ang sasakyan sa harap mismo ng isang magarbong restaurant at may ilang sasakyan na nakaparada sa paligid. Medyo kinabahan si Via sa ng makitang nasa loob at hindi niya namamalayan na hinawakan niya ang kamay ni Sean na nakaupo sa gilid habang nakatutok ang mga mata nito sa pagtingin sa labas ng bintana. Sinulyapan ni Sean ang mga daliri ni Via na pinipisil ang kamay niya parang hindi alam ng dalaga na ang hawak na kamay niya ay kay Sean. At dahil opportunity na ito para sa kaniya agad niyang ginantihan ang pagkakahawak ni Via nang isang haplos sa daliri.“Ito ba talaga ang lugar na pupuntahan natin?” tanong ni Via habang nakatingin sa paligid. Para bang kakaiba ang feeling niya rito dahil iilan lang ang nakaparadang kotse sa parking lot na parang walang celebration na magaganap.Sinundan ni Sean ang tingin ni Via at sumagot, “Oo, ito nga ang lugar.” Nang lumingon si Via ay napagtanto niyang simula pa noong pagdating nila ay magkadikit na ang kanilang mga kamay. Namula siya a