Ang mga kalye sa paligid ng Bar Grand Avenue ay puno ng mga tao na gustong masaksihan ang pagdiriwang ng Bagong Taon hindi kalayuan sa Times Square. Hindi lang iyon, nagkikislapan ang mga ilaw sa kahabaan ng entertainment center at mga sasakyan na nagsisiksikan na nakaparada sa kalsada. Samantala, hindi na mapakali si Via na naghihintay kay Disya sa labas ng palikuran ng Grand Avenue hindi pa rin kasi lumalabas doon ang kaibigan. Mahigit twenty minutes nang naghihintay si Via, pero mukhang hindi pa rin tapos si Disya. “Nariyan ka pa ba? Kailangan mo pa ba ng ilang minuto?” tanong ni Via sabay katok sa isa sa mga stalls na ginagamit ni Disya. “Mauna ka na, masakit pa rin ang tiyan ko!” sagot ni Disya, napabuntong-hininga si Via at naglakad palabas.“Maghihintay ako sa labas ng building!” sigaw ni Via na tanging ungol lang ang isinagot ni Disya. Tila ba sobrang sakit talaga ng tiyan ng babae. Balak sana nilang dumiretso sa Times Square ngunit sinabi ni Disya na gusto niyang pumunta
Sumasakit ang ulo gayundin ang kaliwang bahagi ng kaniyang tiyan nang bumangon si Sean sa kama. Nakarinig siya ng ungol sa kanang bahagi niya kaya napalingon siya sa kinaroroonan nito. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa sofa at may hawak na magasin sa kandungan niya.“Mas mabuting humiga ka muna bago pumasok ang doktor at makita ka sa ganiyang posisyon,” payo ng lalaki bago ibinalik ang atensyon sa magasin. Napahinga ng malalim si Sean at sinubukang bumangon sa higaan habang tinitiis ang sakit sa kaniyang tiyan. Bumuntong hininga naman ang lalaki na nakaupo sa sofa na agad na ikinalukot ng mukha ni Sean sa inis.“Sinabi ko sa iyo na humiga ka muna sobrang tigas naman ng ulo mo,” sabi muli ng lalaki at umiling. “Puwede ka nang umuwi pagkatapos mong kausapin ang mga pulis,” sabi ni Sean habang umungol sa sakit at bumibigat ang paghinga, nahihirapan siyang tumayo dahl hanggang ngayon ang katawan niya ang nanginginig.Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaking may h
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon, maging si Via ay nakalimutan na niya ang trauma noong tinutukan siya ng baril ng isang estranghero. Habang inaala ni Via ang nakaraan, masasabi siyang napakaswerte niya dahil mabilis siyang nakatanggap ng tulong subalit hanggang ngayon ay hindi pa niya nakilala o nakita ang mukha ng lalaking ninakawan noon. Buti na lang at nandiyan si Disya na laging tumutulong sa kaniya noong nasa ospital siya. Isipin niya lang kung gaano kahirap igalaw ang kasukasuan ng kaniyang balikat kaya hindi niya ito magamit sa loob ng ilang linggo. “Kailan matatapos ang shift mo?” tanong ni Disya na nagtatrabaho sa likod ng counter. Ito na ang huling buwan nila sa unibersidad at kung walang nangyaring masama sa kaniya, ilang linggo na lang sana ay mayroon na sila ng bachelor’s degree at makakapag-apply na agad ng trabaho. Pero bago mangyari iyon ay nagpa-part time pa rin sina Via at Disya campus coffee shop na pinagtrabahuan nilang d
Tumayo si Via sa harap ng gusali ng Luna Star Hotel at tumingin dito, umaasang magiging maayos ang magiging interview niya sa loob. Bago pumasok sa loob ay inayos niya ang kaniyang make-up at pormal na damit. Matapos huminga ng malalim at tahimik na nagdasal, confident na naglakad si Via sa pintuan at huminto sa information section. “Excuse me, I have an interview appointment for the Quality Control position at Luna Star in about fifteen minutes,” sabi ni Via na may ngiti sa kan’yang mukha. Saglit na tinitigan ng babaeng nasa likod ng mesa si Via bago tiningnan ang computer na nasa harapan niya. “Sandali, gusto ko munang kumpirmahin ang iyong sinabi,” sagot ng babae habang may tinatawagan. Habang naghihintay, luminga-linga muna si Via sa ibang direksyon, walang kamalay-malay na pinisil niya ang daliri kaya namula ito.Ang Luna Star Hotel ay tunay na kahanga-hanga. Ito ay katulad ng isang kastilyo hindi sa isang hotel. Mayroong daan-daang milyong mga kuwadro na gawa sa mga dingd
Umuulan ng napakalakas habang papauwi si Viasa apartment. Basang-basa siya.Tumakbo siya habang dinadaanan ang mga puddles sa kalsada patungo sa front porch ng apartment building na nirentahan niya. Ilang residente ng apartment ang naglabas-masok at may hawak na payong. Sa kasamaang palad, nakalimutan ni Via na magdala ng payong dahil akala niya ay magiging okay naman ang panahon “Hello,” sabi ng isa sa mga nakatira sa room number five habang bumababa ng hagdan. “Hey,” bati ni Via pabalik. Dumaan ang dalawang babae sa magkaibang direksyon.Pagkaakyat ng hagdan sa ikalimang palapag ay nakaramdam ng pagod si Via bago makarating sa harap ng pintuan ng silid. “Oh! Bumalik ka na? Kumusta ang interview?” tanong ng isang dalaga na nanggaling sa katabing kwarto na nirentahan ni Via.Nanginig ang katawan ni Via dahil sobrang lamig. Ang mga labi ni Via na nagsimulang maging bughaw at nagbigay ng matamis na ngiti. Sinadya niyang dumiretso sa kwarto ngunit ayaw naman niyang magmukhang basto
Lunes ng umaga, excited si Via na magtrabaho dahil unang araw niya sa Luna Star Hotel. Kinailangan pa niyang suriin ng mabuti ang kan’yang hitsura ng ilang beses upang matiyak na ang kan’yang mga damit ay hindi gusot. Tinitigan niya ang kan’yang sarili sa salamin ng mahabang panahon kung ang lipstick at pulbos sa mukha ay perpekto. Parang may kulang pa, hanggang sa napagtanto niyang mabilis na lumipas ang oras, mali-late na siya. “Jeez, mas concern ka pa talaga sa mukha at physical appearance kaysa sa oras ng iyong trabaho, mali-late ka na” ungol ni Via habang hinihila ang isang bag at set ng susi bago lumabas ng kwarto. Napilitan siyang gamitin ang subway dahil wala siyang kotse o perang pambayad ng taxi. Pagdating sa harap ng Luna Star, naramdaman ni Via na gusot-gusot na naman ang kaniyang damit dahil sa siksikan na mga pasahero ng tren. Bago pumasok sa building ay chineck niya muna ang kaniyang make-up at inayos ang puting sando at itim na palda na hanggang tuhod. Nang masigu
Isa-isang pinag-aralan ni Via ang mga dokumentong ibinigay ng bago niyang amo na si Hadley Fulton, ang Management Representative ng Luna Star Hotel. “May Eight Division ang Luna Star. Gusto kong malaman mo ang bawat division at sub-division, ngunit ngayon, kailangan mo lang pag-aralan ang data sa Quality Control Division at Document Controller. Lahat ng kailangan mo ay nasa Bantex,” paliwanag ng lalaki habang may hawak na malaking asul na file storage. “Pagkatapos nito, bibigyan kita ng training sa quality management system.” Bumigat ang ulo ni Via nang makita niya ang isang tumpok ng mga dokumento na nakatambak sa mesa. “Pakiulit po? Kailangan kong... matutunan ang lahat ng ito?” tanong ni Via na hindi maalis ang tingin sa mga files na nasa harapan niya.Tumango si Hadley at idinagdag pa ang isa pang bundle ng mga dokumento sa ibabaw ng tumpok na mga papel. “Kung mayroon kang hindi maintindihan, tanungin mo lang ako,” sabi ni Hadley habang papalabas ng silid, naiwan si Via na hin
Nagambala ang focus ni Sean na ngayon ay nasa miting. Hindi niya pinapakinggan ang operations manager na si Daren Osbert habang nagpapaliwanag tungkol sa buwanang report sa Luna Star Hoter na nakakuha ng walumpung porsyentong pagtaas ng mga bisita. Gusto niyang iuntog ang kaniyang ulo sa mesa habang inaalala ang pag-uusap nila ni Via kanina. Siguro kapag nalaman ni Brodi na gumagawa siya ng kalaokohan kay Via para mapapayag lang ang dalaga ay baka pagtawanan lang siya nito. “Sean…?” Nang marinig ang pagtawag sa kan’yang pangalan ay agad na natauhan si Sean at ibinalik ang atensyon sa meeting room. Tumikhim siya at sumagot, “Yeah?” Matagal siyang tinitigan ng matalik niyang kaibigan kaya medyo nahiya siya. “Ano ang iyong opinyon tungkol dito?” biglang tanong ni Daren na lalong nagpakunot ng noo ni Sean. Nilibot niya ang tingin sa ilan sa mga subordinates na nakaupo sa paligid ng mesa, curious ang mga mukha nito na para bang ito ang kauna-unahang nawala ang sarili niya sa miting