Isa-isang pinag-aralan ni Via ang mga dokumentong ibinigay ng bago niyang amo na si Hadley Fulton, ang Management Representative ng Luna Star Hotel. “May Eight Division ang Luna Star. Gusto kong malaman mo ang bawat division at sub-division, ngunit ngayon, kailangan mo lang pag-aralan ang data sa Quality Control Division at Document Controller. Lahat ng kailangan mo ay nasa Bantex,” paliwanag ng lalaki habang may hawak na malaking asul na file storage. “Pagkatapos nito, bibigyan kita ng training sa quality management system.” Bumigat ang ulo ni Via nang makita niya ang isang tumpok ng mga dokumento na nakatambak sa mesa. “Pakiulit po? Kailangan kong... matutunan ang lahat ng ito?” tanong ni Via na hindi maalis ang tingin sa mga files na nasa harapan niya.Tumango si Hadley at idinagdag pa ang isa pang bundle ng mga dokumento sa ibabaw ng tumpok na mga papel. “Kung mayroon kang hindi maintindihan, tanungin mo lang ako,” sabi ni Hadley habang papalabas ng silid, naiwan si Via na hin
Nagambala ang focus ni Sean na ngayon ay nasa miting. Hindi niya pinapakinggan ang operations manager na si Daren Osbert habang nagpapaliwanag tungkol sa buwanang report sa Luna Star Hoter na nakakuha ng walumpung porsyentong pagtaas ng mga bisita. Gusto niyang iuntog ang kaniyang ulo sa mesa habang inaalala ang pag-uusap nila ni Via kanina. Siguro kapag nalaman ni Brodi na gumagawa siya ng kalaokohan kay Via para mapapayag lang ang dalaga ay baka pagtawanan lang siya nito. “Sean…?” Nang marinig ang pagtawag sa kan’yang pangalan ay agad na natauhan si Sean at ibinalik ang atensyon sa meeting room. Tumikhim siya at sumagot, “Yeah?” Matagal siyang tinitigan ng matalik niyang kaibigan kaya medyo nahiya siya. “Ano ang iyong opinyon tungkol dito?” biglang tanong ni Daren na lalong nagpakunot ng noo ni Sean. Nilibot niya ang tingin sa ilan sa mga subordinates na nakaupo sa paligid ng mesa, curious ang mga mukha nito na para bang ito ang kauna-unahang nawala ang sarili niya sa miting
Pagod na pagod na pumasok si Via sa apartment building. Umuulan na naman ng malakas sa labas kaya basang-basa ang kan’yang kamiseta, na nag-iiwan ng bakas ng mga patak ng tubig sa kahabaan ng koridor habang dumadaan noong siya ay tumungo sa silid ng kaniyang apartment. “Tsk, ano ba iyan! Umuulan na naman ba sa labas?” tanong ng isang babae na nasa tabi ng kwarto ni Via. Malamig na sagot ni Via bago sumagot. “Oo, sa tingin ko ay uulan hanggang sa susunod na linggo.” Ngumiti ang babae at isinara ang pinto ng apartment nang mabuksan ni Via ang lock. Sa totoo lang, hindi siya masyadong malapit sa mga residente sa apartment, ngunit palagi siya sinasalubong ng babaeng nasa katabing kwarto niya kapag siya ay umuuwi. “Nakapatay na naman ang heater, sana hindi ka lamigin ngayong gabi!” saad ng babaeng. Ang mga dingding ng gusali ay napakanipis, kaya madaling marinig ni Via ang mga boses sa paligid.“Salamat sa impormasyon!” sagot ni Via sa hindi masiglang tinig. Kapag hindi pa siya nagp
Nakakuyom ang mga kamay ni Sean nang mapansin niya ang nagbabalat na pintura sa dingding ng apartment ni Via. Hindi siya makapaniwala na nakatira si Via sa ganitong lugar. Kung alam niya simula pa lang, baka gumawa pa siya ng iba plano bago siya mag-alok ng trabaho sa kaniya. Hindi na kataka-taka na kakaiba ang pakiramdam niya nang dumaan siya sa lansangan sa labas ng apartment ni Via. Itong lugar na tinatapakan niya ang pinaka-hindi maunlad na lugar ng lungsod, kung saan narito ang mga pinakamasamang mga tao, lahat ay narito na— mga kriminal, siga, gang, adik at iba pa. Ano nga ba ang naisip ni Via at napinili pa niyang manirahan dito? Paano kung may magbalak gumawa ng masama kapag siya pauwi na galing trabaho? Iniisip pa lang niya na may lalaking hahawakan ang babae ay nagagalit na siya. Nang makita ang marupok na pinto sa kan’yang harapan, kinatok ito ni Sean gamit ang kan’yang tatlong kaliwang buko upang kumpirmahin ang lakas ng suportang na gawa sa kahoy. Ngunit naging matal
Tinulungan ni Sean si Via na makasakay sa kotse at pinagbuksan pa siya nito ng pinto, dahilan para makaramdam siya ng awkward sa labis na atensyong natatanggap niya mula sa sariling amo.Sa katunayan habang binabagtas ang kahabaan ng Maynila papunta sa apartment ng lalaki ay sobrang tahimik nilang dalawa. Tanging naririnig lang sa loob ang tunog ng radyo habang pinapatugtog ang kantang Passenger Seat ni Stephen Speaks. Talaga namang saktong-sakto iyong kanta sa sitwasyon nila ngayon. Sinadya ni Sean na bagalan ang pag-drive kaya mas nagkaroon sila ng oras para magkasama ng matagal at mapalapit sa isa’t-isa. Sa gilid ng ka’yang mata, pinagmamasdan niya si Via na isinasabit ang isang hibla ng buhok sa tenga gamit ang magagandang daliri nito. Hindi ito nakaligtas sa kan’yang atensyon nang hindi niya malayang kagat-kagat na niya ang ibabang labi dahil sa kaba. Halos mapaungol siya nang hindi sinasadyang masuklay nito ang kan’yang buhok sa likod ng kan’yang mga balikat at expose na exp
Matatagpuan ang apartment building ni Sean sa gitna ng lungsod, hindi kalayuan sa Luna Star Hotel. Si Via na kabababa pa lang ng sasakyan ay tumingin sa skyscraper na nasa harapan niya at may kabang nakikita sa kaniyang mukha. Napatingin siya kay Sean habang kinukuha ang mga bagahe niya sa trunk. “Come in,” sabi ni Sean habang nauna sa paglalakad at tuluya namang sinundan ng dalaga na may pag-aalinlangan. Pagkarating sa lobby, may lalaking lumapit sa kanila. Base sa galaw ng lalaki, ipinapakita talaga nito ang respeto sa lalaki. “Mr. Reviano,” sabi ng lalaking nakasuot ng uniporme gym trainer at ngumiti ng malawak.Inabot ni Sean ang mga bag na dala niya sa lalaki. Sa isang bati lang ay alam na ni Sean kung ano ang dapat gawin ng lalaki subalit saglit namanng nakaramdam si Via ng pagka-awkward dahil hindi ito sanay sa ganitong treatment. Aangal na sana siya ngunit mas piniling manahimik dahil wala siyang karapatan, boss niya ang nasa harapan niya.Sabagay, gawain naman ng isang
Umupo si Via sa kan’yang desk habang binibigyan ng blankong tingin ang tambak na dokumento sa kan’yang harapan.Medyo na-distract ang focus niya kaninang umaga sa apartment ni Sean.Nang matapos ang hapunan nila kagabi ay agad na nag-excuse siya sa lalaki at pumunta sa kan’yang kwarto dahil nakaramdam siya ng pagkailang dahil nasa iisang kwarto sila ni Sean. At kinaumagahan naman, magkahiwalay silang naglakad papunta sa Luna Star. Pumunta it sa opisina dala ang sasakyan habang si siya ay inihatid ng isang driver. Sabi sa kaniya ni Sean, dadaan muna ito sa penthouse. “Tapos na ba ang trabaho mo?” tanong ni Hadley na biglang pumasok sa kwarto at agad na ikinagulat ni Via.“Oh, malapit na,” sagot niya habang sinulyapan ang tumpok ng hindi pa rin matapos-tapos na mga dokumento. “Magpahinga ka muna at paki-photocopy ito kapag tapos ka na.” Nakatanggap si Via ng ilang pirasong papel na ibinigay ng kan’yang amo. Pagkaalis ng lalaki ay pumunta muna siya sa copy room at piniling magpahin
Pagkatapos ng trabaho ni Via sa Luna Star ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Sean na nagsasabi sa kan’ya na bumalik sa apartment nito at pinagbawalan si Via na bumalik sa dating impyernong apartment noon. Malinaw na ipinakita ni Sean ang ang hindi pagkagusto sa apartment at tila pareho sila ng nararamdaman. “Uuwi ka na ba?” tanong ni Amber na kasabay niyang naglalakad. Napaka-friendly ng babae at sinamahan pa siya ng babae sa una niyang araw. “Oo, maglalakad lang ako mula rito,” sabi ni Via nang madaanan niya ang doorman. Ngumiti ang isang lalaki may magandang katawan sa dalawang magagandang babae na sabay na naglalakad. “Good afternoon, Miss Harper,” sabi ng lalaki na ikinatigil ni Via dahil alam nito ang pangalan niya.Nang makarating sila sa labas, hindi maitago ni Via ang curiosity sa harap ni Amber. “Tama ba ang narinig ko, alam ng lalaking iyon ang pangalan ko kanina?” Tumingin sa likod si Amber at nagkibit balikat. “Siya ay bagong security officer natin, marahil ay