Nakakuyom ang mga kamay ni Sean nang mapansin niya ang nagbabalat na pintura sa dingding ng apartment ni Via. Hindi siya makapaniwala na nakatira si Via sa ganitong lugar. Kung alam niya simula pa lang, baka gumawa pa siya ng iba plano bago siya mag-alok ng trabaho sa kaniya. Hindi na kataka-taka na kakaiba ang pakiramdam niya nang dumaan siya sa lansangan sa labas ng apartment ni Via. Itong lugar na tinatapakan niya ang pinaka-hindi maunlad na lugar ng lungsod, kung saan narito ang mga pinakamasamang mga tao, lahat ay narito na— mga kriminal, siga, gang, adik at iba pa. Ano nga ba ang naisip ni Via at napinili pa niyang manirahan dito? Paano kung may magbalak gumawa ng masama kapag siya pauwi na galing trabaho? Iniisip pa lang niya na may lalaking hahawakan ang babae ay nagagalit na siya. Nang makita ang marupok na pinto sa kan’yang harapan, kinatok ito ni Sean gamit ang kan’yang tatlong kaliwang buko upang kumpirmahin ang lakas ng suportang na gawa sa kahoy. Ngunit naging matal
Tinulungan ni Sean si Via na makasakay sa kotse at pinagbuksan pa siya nito ng pinto, dahilan para makaramdam siya ng awkward sa labis na atensyong natatanggap niya mula sa sariling amo.Sa katunayan habang binabagtas ang kahabaan ng Maynila papunta sa apartment ng lalaki ay sobrang tahimik nilang dalawa. Tanging naririnig lang sa loob ang tunog ng radyo habang pinapatugtog ang kantang Passenger Seat ni Stephen Speaks. Talaga namang saktong-sakto iyong kanta sa sitwasyon nila ngayon. Sinadya ni Sean na bagalan ang pag-drive kaya mas nagkaroon sila ng oras para magkasama ng matagal at mapalapit sa isa’t-isa. Sa gilid ng ka’yang mata, pinagmamasdan niya si Via na isinasabit ang isang hibla ng buhok sa tenga gamit ang magagandang daliri nito. Hindi ito nakaligtas sa kan’yang atensyon nang hindi niya malayang kagat-kagat na niya ang ibabang labi dahil sa kaba. Halos mapaungol siya nang hindi sinasadyang masuklay nito ang kan’yang buhok sa likod ng kan’yang mga balikat at expose na exp
Matatagpuan ang apartment building ni Sean sa gitna ng lungsod, hindi kalayuan sa Luna Star Hotel. Si Via na kabababa pa lang ng sasakyan ay tumingin sa skyscraper na nasa harapan niya at may kabang nakikita sa kaniyang mukha. Napatingin siya kay Sean habang kinukuha ang mga bagahe niya sa trunk. “Come in,” sabi ni Sean habang nauna sa paglalakad at tuluya namang sinundan ng dalaga na may pag-aalinlangan. Pagkarating sa lobby, may lalaking lumapit sa kanila. Base sa galaw ng lalaki, ipinapakita talaga nito ang respeto sa lalaki. “Mr. Reviano,” sabi ng lalaking nakasuot ng uniporme gym trainer at ngumiti ng malawak.Inabot ni Sean ang mga bag na dala niya sa lalaki. Sa isang bati lang ay alam na ni Sean kung ano ang dapat gawin ng lalaki subalit saglit namanng nakaramdam si Via ng pagka-awkward dahil hindi ito sanay sa ganitong treatment. Aangal na sana siya ngunit mas piniling manahimik dahil wala siyang karapatan, boss niya ang nasa harapan niya.Sabagay, gawain naman ng isang
Umupo si Via sa kan’yang desk habang binibigyan ng blankong tingin ang tambak na dokumento sa kan’yang harapan.Medyo na-distract ang focus niya kaninang umaga sa apartment ni Sean.Nang matapos ang hapunan nila kagabi ay agad na nag-excuse siya sa lalaki at pumunta sa kan’yang kwarto dahil nakaramdam siya ng pagkailang dahil nasa iisang kwarto sila ni Sean. At kinaumagahan naman, magkahiwalay silang naglakad papunta sa Luna Star. Pumunta it sa opisina dala ang sasakyan habang si siya ay inihatid ng isang driver. Sabi sa kaniya ni Sean, dadaan muna ito sa penthouse. “Tapos na ba ang trabaho mo?” tanong ni Hadley na biglang pumasok sa kwarto at agad na ikinagulat ni Via.“Oh, malapit na,” sagot niya habang sinulyapan ang tumpok ng hindi pa rin matapos-tapos na mga dokumento. “Magpahinga ka muna at paki-photocopy ito kapag tapos ka na.” Nakatanggap si Via ng ilang pirasong papel na ibinigay ng kan’yang amo. Pagkaalis ng lalaki ay pumunta muna siya sa copy room at piniling magpahin
Pagkatapos ng trabaho ni Via sa Luna Star ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Sean na nagsasabi sa kan’ya na bumalik sa apartment nito at pinagbawalan si Via na bumalik sa dating impyernong apartment noon. Malinaw na ipinakita ni Sean ang ang hindi pagkagusto sa apartment at tila pareho sila ng nararamdaman. “Uuwi ka na ba?” tanong ni Amber na kasabay niyang naglalakad. Napaka-friendly ng babae at sinamahan pa siya ng babae sa una niyang araw. “Oo, maglalakad lang ako mula rito,” sabi ni Via nang madaanan niya ang doorman. Ngumiti ang isang lalaki may magandang katawan sa dalawang magagandang babae na sabay na naglalakad. “Good afternoon, Miss Harper,” sabi ng lalaki na ikinatigil ni Via dahil alam nito ang pangalan niya.Nang makarating sila sa labas, hindi maitago ni Via ang curiosity sa harap ni Amber. “Tama ba ang narinig ko, alam ng lalaking iyon ang pangalan ko kanina?” Tumingin sa likod si Amber at nagkibit balikat. “Siya ay bagong security officer natin, marahil ay
Tiningnan ni Via ang sarili sa salamin at naghanda para dadaluhang sa event na sinabi sa kaniya ni Sean. Isinuot niya ang lahat ng ibinigay nito sa kan’ya, mula sa alahas hanggang sa sapatos. Ang cocktail evening dress ay bumagay sa kan’yang katawan dahil hapit na hapit nito ang kan’yang mga kurba. Gayunpaman, sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng hiya dahil ito ang unang pagkakataon na magsuot siya ng mga damit na medyo elegante. Maglalagay na sana ng lipstick si Via nang marinig niya ang tunog ng bell sa buong kwarto. Nakakunot ang noo niya. Tinapos ni Via ang kan’yang make-up at nagmamadaling binuksan ang pinto. Hindi niya alam kung sino ang nakatayo sa labas ngunit dahil nag-iisa siya sa apartment walang ibang magbubukas ng pinto kung hindi siya lang. Nanlaki ang mga mata ni Via nang malaman niya kung sino ang guest na nakatayo sa harap nang sumilip siya sa peephole. Hindi namalayan ang sarili na kaagad na inayos niya kan’yang buhok at damit at pagkatapos huminga ng
Huminto ang sasakyan sa harap mismo ng isang magarbong restaurant at may ilang sasakyan na nakaparada sa paligid. Medyo kinabahan si Via sa ng makitang nasa loob at hindi niya namamalayan na hinawakan niya ang kamay ni Sean na nakaupo sa gilid habang nakatutok ang mga mata nito sa pagtingin sa labas ng bintana. Sinulyapan ni Sean ang mga daliri ni Via na pinipisil ang kamay niya parang hindi alam ng dalaga na ang hawak na kamay niya ay kay Sean. At dahil opportunity na ito para sa kaniya agad niyang ginantihan ang pagkakahawak ni Via nang isang haplos sa daliri.“Ito ba talaga ang lugar na pupuntahan natin?” tanong ni Via habang nakatingin sa paligid. Para bang kakaiba ang feeling niya rito dahil iilan lang ang nakaparadang kotse sa parking lot na parang walang celebration na magaganap.Sinundan ni Sean ang tingin ni Via at sumagot, “Oo, ito nga ang lugar.” Nang lumingon si Via ay napagtanto niyang simula pa noong pagdating nila ay magkadikit na ang kanilang mga kamay. Namula siya a
Nang mag-out si Via sa kaniyang trabaho ay agad na umuwi siya sa apartment. Mabilis niyang inalagay ang mga damit niya sa loob ng kaniyang bagong bag. Tapos na ang negosyo niya rito at walang dahilan para manatili siya sa apartment ni Sean. Iniisip niya kung paano ba niya paiinitin ang sarili dahil babalik na naman siya sa apartment noon na sira ang heater.Nang ma-realize niyang nakasilid na ang lahat sa bag ay lumabas na ng kwarto si Via. Actually, gusto ni Via na magpaalam muna kay Sean via text message pero ayaw niyang istorbohin ang lalaki.Isa pa, ayaw niyang maging komportable sa apartment ng kan’yang amo. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam niya ay sobrang mali noon na para bang sinasamantala niya ang sitwasyon. Nang makarating siya sa lobby, biglang tumunog ang phone ni Via at nakita ang pangalan ni Sean sa screen pero pinatay niya ito dahil ayaw niyang itanong ni Sean kung ano ang ginagawa niya. Sa pagmamadaling hakbang, naglakad si Via palabas.Pagdating sa apartment,