Kinabukasan, nagising si Via na hindi komportable ang pakiramdam. Walang tigil ang pagsipa ng sanggol sa kan’yang tiyan kaya nahihirapan siyang makatulog. Ilang beses siyang nagpalit ng posisyon ngunit hindi pa rin siya kumportable.Nang makita si Via, na hindi mapakali at pabago-bago ng posisyon, hinaplos ni Sean ang tiyan ng asawa, na para bang naging palaruan na ng kanilang sanggol.“Mukhang hindi niya ako pinapatulog,” sabi ni Via habang hinihimas ang tiyan.“Ganito siya buong gabi.” Napatingin si Sean sa orasan sa mesa, alas sais na ng umaga. Bumangon siya sa kama at inalok si Via na sundan siya. Iniunat ni Sean ang kamay, balak na tulungan si Via na bumangon mula sa kama. “Paano kung may gawin tayo? Kadalasan ang sanggol ay matutulog kapag ang ina ay aktibo, “ wika ni Sean, nagbabasa kasi ito tone-toneladang mga libro tungkol sa pagbubuntis. Tinanggap ni Via ang kan’yang alok at maingat na bumangon sa kama.“Pero hindi ako nagugutom,” sabi ni Via, akala’y hahatiran siya ni Sea
Inimbitahan ni Hellena sina Via at Sean na dumalo sa isa sa mga event sa paghahanap ng pondo sa pag-aayos ng paaralan na naapektuhan ng bagyo sa maliit na bayan ng Bicol.Bilang isa sa mga ma-impluwensyang pamilya sa bayan, si Hellena na nagsilbi bilang chairman ng komite ng paaralan ay tumutulong sa pagsasagawa ng event na gaganapin sa City Hall. “Sigurado ka bang gusto mong dumalo?” nag-aalalang tanong ni Sean pagkatapos maisuot kay Via ang pink na damit. Nang makita ang pag-aalala sa mukha ng asawa, dahan-dahang hinawakan ni Via ang braso nito.“Ano ka ba! Wala akong malubhang sakit, Sean, buntis lang ako,” sabi ni Via habang nakangiti. “Alam ko pero hindi iyan ang gusto kong sabihin,” saad ni Sean habang patuloy na nakatitig sa tiyan ni Via na mukhang mabigat na para sa kaniya. Sobrang nag-aalala rin siya baka matisod pa sa lupa ang asawa habang naglalakad ito.“Gusto mo bang dalhan kita ng wheelchair?” tanong ni Sean na halata sa mukha ang pag-aalala. Nang marinig iyon, kinuro
Ang pasilyo ng ospital ay napuno ng naghihintay na mga lalaki pati na rin ng mga magagarang babae habang nagkukumpulan sa waiting bench. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Mahigit limang oras na silang nasa labas, nagdarasal para sa babaeng nanganganak sa loob. Samantala, magkahawak-kamay sina Tya at Disya na kadalasang magkalayo at magkaaway. Pareho silang maingat na sumusulyap sa pintuan ng delivery room habang pilit na sinisilip ang nasa loob. Huminga sila ng malalim nang makitang lumabas si Sean sa loob ng silid. Lumapit sila sa lalaki habang kitang-kita ang sa mga mata nito ang tuwa at malakas na sinabing, “Isa na akong ama!” Puno ng masasayang boses ang nasa paligid. Halos napuno ng pagbati ang silid at niyakap si Sean ng mga lalaki habang tinatapik ang kaniyang breaso. Nagmamalaki pa nga si Houston at tinanggap ang pakikipagkamay mula sa ilan sa mga lalaking matagal nang naghihintay sa corridor. Sinadya niyang imbitahan ang ilan sa mga malalapit niyang kasamahan para
Ang mga kalye sa paligid ng Bar Grand Avenue ay puno ng mga tao na gustong masaksihan ang pagdiriwang ng Bagong Taon hindi kalayuan sa Times Square. Hindi lang iyon, nagkikislapan ang mga ilaw sa kahabaan ng entertainment center at mga sasakyan na nagsisiksikan na nakaparada sa kalsada. Samantala, hindi na mapakali si Via na naghihintay kay Disya sa labas ng palikuran ng Grand Avenue hindi pa rin kasi lumalabas doon ang kaibigan. Mahigit twenty minutes nang naghihintay si Via, pero mukhang hindi pa rin tapos si Disya. “Nariyan ka pa ba? Kailangan mo pa ba ng ilang minuto?” tanong ni Via sabay katok sa isa sa mga stalls na ginagamit ni Disya. “Mauna ka na, masakit pa rin ang tiyan ko!” sagot ni Disya, napabuntong-hininga si Via at naglakad palabas.“Maghihintay ako sa labas ng building!” sigaw ni Via na tanging ungol lang ang isinagot ni Disya. Tila ba sobrang sakit talaga ng tiyan ng babae. Balak sana nilang dumiretso sa Times Square ngunit sinabi ni Disya na gusto niyang pumunta
Sumasakit ang ulo gayundin ang kaliwang bahagi ng kaniyang tiyan nang bumangon si Sean sa kama. Nakarinig siya ng ungol sa kanang bahagi niya kaya napalingon siya sa kinaroroonan nito. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa sofa at may hawak na magasin sa kandungan niya.“Mas mabuting humiga ka muna bago pumasok ang doktor at makita ka sa ganiyang posisyon,” payo ng lalaki bago ibinalik ang atensyon sa magasin. Napahinga ng malalim si Sean at sinubukang bumangon sa higaan habang tinitiis ang sakit sa kaniyang tiyan. Bumuntong hininga naman ang lalaki na nakaupo sa sofa na agad na ikinalukot ng mukha ni Sean sa inis.“Sinabi ko sa iyo na humiga ka muna sobrang tigas naman ng ulo mo,” sabi muli ng lalaki at umiling. “Puwede ka nang umuwi pagkatapos mong kausapin ang mga pulis,” sabi ni Sean habang umungol sa sakit at bumibigat ang paghinga, nahihirapan siyang tumayo dahl hanggang ngayon ang katawan niya ang nanginginig.Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaking may h
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon, maging si Via ay nakalimutan na niya ang trauma noong tinutukan siya ng baril ng isang estranghero. Habang inaala ni Via ang nakaraan, masasabi siyang napakaswerte niya dahil mabilis siyang nakatanggap ng tulong subalit hanggang ngayon ay hindi pa niya nakilala o nakita ang mukha ng lalaking ninakawan noon. Buti na lang at nandiyan si Disya na laging tumutulong sa kaniya noong nasa ospital siya. Isipin niya lang kung gaano kahirap igalaw ang kasukasuan ng kaniyang balikat kaya hindi niya ito magamit sa loob ng ilang linggo. “Kailan matatapos ang shift mo?” tanong ni Disya na nagtatrabaho sa likod ng counter. Ito na ang huling buwan nila sa unibersidad at kung walang nangyaring masama sa kaniya, ilang linggo na lang sana ay mayroon na sila ng bachelor’s degree at makakapag-apply na agad ng trabaho. Pero bago mangyari iyon ay nagpa-part time pa rin sina Via at Disya campus coffee shop na pinagtrabahuan nilang d
Tumayo si Via sa harap ng gusali ng Luna Star Hotel at tumingin dito, umaasang magiging maayos ang magiging interview niya sa loob. Bago pumasok sa loob ay inayos niya ang kaniyang make-up at pormal na damit. Matapos huminga ng malalim at tahimik na nagdasal, confident na naglakad si Via sa pintuan at huminto sa information section. “Excuse me, I have an interview appointment for the Quality Control position at Luna Star in about fifteen minutes,” sabi ni Via na may ngiti sa kan’yang mukha. Saglit na tinitigan ng babaeng nasa likod ng mesa si Via bago tiningnan ang computer na nasa harapan niya. “Sandali, gusto ko munang kumpirmahin ang iyong sinabi,” sagot ng babae habang may tinatawagan. Habang naghihintay, luminga-linga muna si Via sa ibang direksyon, walang kamalay-malay na pinisil niya ang daliri kaya namula ito.Ang Luna Star Hotel ay tunay na kahanga-hanga. Ito ay katulad ng isang kastilyo hindi sa isang hotel. Mayroong daan-daang milyong mga kuwadro na gawa sa mga dingd
Umuulan ng napakalakas habang papauwi si Viasa apartment. Basang-basa siya.Tumakbo siya habang dinadaanan ang mga puddles sa kalsada patungo sa front porch ng apartment building na nirentahan niya. Ilang residente ng apartment ang naglabas-masok at may hawak na payong. Sa kasamaang palad, nakalimutan ni Via na magdala ng payong dahil akala niya ay magiging okay naman ang panahon “Hello,” sabi ng isa sa mga nakatira sa room number five habang bumababa ng hagdan. “Hey,” bati ni Via pabalik. Dumaan ang dalawang babae sa magkaibang direksyon.Pagkaakyat ng hagdan sa ikalimang palapag ay nakaramdam ng pagod si Via bago makarating sa harap ng pintuan ng silid. “Oh! Bumalik ka na? Kumusta ang interview?” tanong ng isang dalaga na nanggaling sa katabing kwarto na nirentahan ni Via.Nanginig ang katawan ni Via dahil sobrang lamig. Ang mga labi ni Via na nagsimulang maging bughaw at nagbigay ng matamis na ngiti. Sinadya niyang dumiretso sa kwarto ngunit ayaw naman niyang magmukhang basto