Kailangan ni Tita Azura ng masinsinang pangangalaga sa loob ng isang linggo kaya naman ay hindi pa siya makakabalik ng Baguio kaagad-agad. “I’m sorry, hindi pa kasi makakauwi si Auntie at walang mag-aalaga sa kan’ya. Mukhang hindi na ako makakatrabaho muna sa Cherry Blossom,” mahinang saad ni Via. “Huwag mong sabihin iyan. Wala kang ginagawang masama, Via. Bumalik ka sa Cherry Blossom kahit kailan mo gusto, may space ka palagi rito,” paliwanag ni Asher na nakikinig kay Via mula sa kabilang linya. Nang makita ang kaniyang tiya na may life support machine, napabuntong-hininga si Via. “Salamat,” bulong niya. Matapos maputol ang tawag, tahimik na umupo si Via sa upuan habang pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng dibdib ni Tita Azura. Gumapang ang guilt sa puso ni Via nang makita ang nagpalaki sa kan’ya mula pa noong siya ay maliit. “I’m sorry, Auntie,” bulong ni Via sa paos na boses. Hinaplos niya ang marupok na braso ng kan’yang Tiya. Ang mga kulubot na linya sa braso nito ay ang mga p
Last Updated : 2022-09-05 Read more