“ALTHEA, please, be reasonable!” Pakiusap ni Rigor sa kanya, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat saka itinaas ang kanyang baba para iharap sa mukha nito, “Wala kang dapat na ipag-alala kay Felicitas dahil wala naman nangyari at never na may mangyayari sa amin, okay?” Pagbibigay assurance nito sa kanya, “Alam kong iyon naman talaga ang ipinagpuputok ng butse mo. Pinagseselosan mo sya, right?” “Do you think ganun lang kakitid ang utak ko para pagselosan sya? Nagagalit ako dahil sa halip na sabihin mo sa kanyang wala syang karapatang pagsalitaan ako ng ganun, parang sya pa ang kinampihan mo. Ako ang girlfriend mo, hindi ba?” Nagdadamdam na sabi niya rito. Kung nuong sila pa ni Griff ay hindi niya magawang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya, this time sa pangalawa niyang pakikipagrelasyon ay ipinasya niyang maging vocal ssa tunay niyang nararamdaman. Matagal ring panahong na nanahimik lamang siya. Hinahayaan lamang niyang abusuhin siya ng asa
Read more