NAPATITIG SIYA KAY ALTHEA. ILANG sandali ring di siya makasagot sa tanong nito saka pilit na pilit na tumawa, “Sino ba ako sa pagkakakilala mo, ha Althea?” Tanong niya rito. “Isang Mafia?” sagot nito sa kanya saka tumawa ng malakas, “Para ka kasing leader ng isang sindikato. Kung hindi ko lang alam na ginagawa mo ito para tulungan ako, iisipin kong sindikato kang talaga, Dr. Rigor Samandehas.” May pait sa mga labing napangiti siya saka nagkibit ng balikat at dumiretso na sa loob ng kanyang kuwarto. Parang umi-echo sa utak niya ang boses ni Althea. Isang mafia? Fuck. Pumasok siya sa loob ng banyo at naligo. Saktong kakalabas lang niya ng banyo nang tumawag ang kanyang ama. Siniguradp niyang naka-lock ang pinto ng kuwarto bago niya sagutin ang tawag nito. “Rigor anak, may kailangan kang malaman tungkol sa pagkatao ni Althea. . .” panimula ng matanda nang sagutin niya ang tawag nito, “Pakibuksan ng laptop mo.” Utos nito na kaagad na
Huling Na-update : 2022-10-31 Magbasa pa