“SASAMA kang manuod ng sine sa lalaking iyon?” Inis na tanong ni Rigor nang ipaalam niya rito ang lakad ng araw na iyon, “No way!” “Teka nga Rigor, magkalinawan nga tayo dito, hindi mo ako prisoner, uy. Ako pa rin naman ang magpapatakbo sa buhay ko.” Paalala niya rito, “Nagpaalam lang ako para di na tayo mag-away pa pero di ko hinihingi ang permiso mo!” “Sige, go ahead. Pero wag na wag kang lalapit muli sakin na umiiyak kapag ginawan ka na naman ng masama ng lalaking iyon!” Asar na sabi nito sa kanya. “Sa palagay mo, bakit ka nya niyayang manuod ng sine, ha? San ka sa palagay mo kasunod na yayain ng lalaking iyon pagkatapos nyong manuod ng sine? Sa hotel? O baka sa motel lang kasi nagpapakita ka ng ka-cheap-an!” Inis na nasampal niya ito. Napaiyak siya sa sobrang galit niya rito. “Hindi porke’t utang ko saiyo ang buhay ko pwede mo na kong pagsalitaan ng ganyan!” nangangatal sa galit na sigaw niya rito, “Inayos mo lang ang mukha ko
Read more