Home / Romance / The Mafia's Dispensable Woman / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Mafia's Dispensable Woman: Chapter 31 - Chapter 40

96 Chapters

CHAPTER 30

NGUMITI ang lalaki sa kanya kaya napilitan siyang ngumiti rin dito pero ewan ba niya kung bakit may takot siyang nararamdaman habang naiisip na dalawa lang sila sa loob ng elevator at pakiramdam niya ay biglang bumagal ang takbo niyon. Iniiwas niya ang tingin dito ngunit pasimple niya itong pinagmamasdan sa relection ng stainless na elevator. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi nalalayo ang edad nito kay Rigor. Ang built nito ay para ring kay Rigor, waring hinulma para maging perfect. Mas malalaki lang ang mga braso nito kesa kay Rigor, siguro ay dahil sobrang fit ang suot nitong red collar shirt. Ipinikit niya ang mga mata dahil waring kinikilabutan siya habang lalo niya itong pinag-aaralan. Kaya naman nang bumukas ang elevator at marating nila ang basement ay halos madapa siya sa paglalakad para puntahan ang kanyang sasakyan. Nangangatal ang kanyang mga kamay nang makasakay siya sa loob ng kotse niya. Hindi niya matukoy kung bakit siya takot na takot.
last updateLast Updated : 2022-10-31
Read more

CHAPTER 31

SINAMANTALA na ni Rigor ang pagkakataon para makuha ang mga kailangan niya sa kompanya ng Liana’s Enterprise. Pasimple niyang pinainom si Felicitas ng gamot para ito mag-hallucinate at saglit na hindi mapansin ang ginagawa niya. Twenty minutes lang ang epekto ng gamot na iyon sa katawan ng tao kaya kailangan niyang biisan ang kilos niya bago pa ito bumalik sa normal na pag-iisip. Tawa ng tawa si Felicitas habang siya naman ay mabilis na hinahanap ang mga kailangan niyang documents. Mabilis ang kanyang mga kilos. Isang pagkakamali lang niya ay mapapahamak hindi lamang siya kundi pati na rin ang buong grupo. Kinuha niya ang kanyang phone at kinunan ng larawan ang lahat ng mga documents na kailangan niya. Pagkatapos ay ipinadala niyang iyon lahat sa ama. Saktong 19 minutes ay tapos na ang lahat ng mga kailangan niyang gawin. Nilapitan niya si Felicitas na tawa ng tawa sa isang sulok habang waring may kausap na kung sino. Isang minuto na lamang ay b
last updateLast Updated : 2022-11-01
Read more

CHAPTER 32

“STOP IT FEL,” SIGAW ni Griff dito saka pinigilan ito sa ginagawa, “I’m not getting married, for God’s sake!” Natigilan si Felicitas sa pagsabunot sa kanya, “You’re lying! Hindi ba napag-uusapan na ninyo ni Britney ang nalalapit ninyong kasal!” “Felicitas, I think it’s very unapproprecate to meddle in my affair. And please stop assuming!” yamot na sabi dito ni Griff saka tumingin sa kanya, “I’m sorry,” hinawakan siya nito sa balikat at akmang igigiya na palayo sa mga ito nang marinig nilang magsalita si Rigor. “So kasalanan pa ngayon ni Felicitas ang pagiging babaero mo!” Yamot na sabi nito. “Excuse me,” nakakunot na turan ni Griff. Napaismid si Rigor, “Tinutuhog mo ang mga babae iyon pala may girlfriend ka na. Balak mo bang mamangka sa dalawang ilog?” May sarcasm ang tonong sabi nito. Nagulat na lamang sila nang bigla itong suntukin ni Griff. Muntik nang ma-out of balance si Rigor sa p
last updateLast Updated : 2022-11-01
Read more

CHAPTER 33

“SINO BA ang lalaking iyon sa buhay mo?” Matiim na tanong nito sa kanya. Napalunok si Althea. Mas lalo lamang magiging curious si Griff kung hindi niya ito sasagutin kaya mas minabuti na lamang niyang magsinungaling, “Actually, isa sya sa makulit na stalker ko. Ilang beses ko na syang binasted pero ewan ko ba kung bakit kahit san ako magounta, sinusundan ako ng lalaking iyon.” “Bakit hindi mo ipapulis? Gusto mong ipabugbog ko sa mga dati kong kapitbahay ang lalaking iyon?” suggestion ni Griff sa kanya. “No!” Mabilis na sagot niya, “Huwag mong gagawin yan. Magagalit sakin si Papa,” sabi niya rito. Hindi niya alam kung saan papunta ang kasinungalingan niyang ito. Ito ang isa sa mga weaknesses niya, hindi siya magaling magsinungaling. “What do you mean?” “G-gusto ni Papa si Rigor para sakin k-kaya nga nung makita mo kaming magkasama nun, si Papa ang nagumilit na pagbigyan ko ang lalaking iyon ng. . .ng
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more

CHAPTER 34

“NAALALA KO na ang lahat, Rigor. Hindi ako tunay na anak ng mga Mondragon. Naalala ko na ang tunay kong magulang,” umiiyak na sabi niya sa lalaki, “Ngayon malinaw na sakin kung bakit. . .kung bakit ang layo ng mukha ko kay Mama,” humihikbing sabi niya rito. Matiim na nakatingin sa kanya ang lalaki. “Tulungan mo akong hanapin ang tunay kong ina. . .siya iyong babae sa panaginip ko. Tulungan mo akong mahanap sya. Pero kung hindi mo ako matutulungan, okay lang. Hahanapin ko sya. . .” “Hahanapin nating dalawa ang tunay mong mga magulang.” Narinig niyang sagot ni Rigor sa kanya. “Salamat Rigor.” Naluluhang sabi niya rito. Magulong-magulo ang utak niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit nagawa siyang ipaampon ng kanyang mga magulang. Hindi naman sila kapos. Hindi sila mayaman ngunit hindi sila kinakapos. Besides, nag-iisang anak rin lang siya nuon ng mga magulang niya. Natatandaan pa niya kung saan siya pumapasok na
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more

CHAPTER 35

“INAY. . .” NIYAKAP nang mahigpit ni Althea ang kanyang ina. Napaluha siya nang manariwa sa kanya ang mga alaala. “Kinupkop tayo ng mga Mondragon pagkatapos mamatay ng tatay mo sa pagtatanggol kay Don Rolando Mondragon. Nang maaksidente ka at isang taon kang walang malay tao, nagpasya ang mag-asawang dalhin ka sa Amerika para duon ituloy ang pagpapagamot saiyo. Pagkatapos ng dalawang taon, bumalik ka ng Pilipinas na parang walang nangyari pero di mo na ako nakikilala. Ang mag-asawa na ang itinuring mong mga magulang. Naisip kong mas makakabuti na siguro ang ganun kaya nang alukin nila ako na ampunin ka na lamang nila, pumayag na ako. Nakita ko kung paano ka nila mahalin. . .” Paliwanag nito sa kanya, “Kaya nagpakalayo-layo na lamang ako.” “Pero bakit?” Hindi maitindihang tanong niya rito. “Dahil nangako ako sa mga Mondragon na mananatiling lihim ang tungkol sa tunay mong pagkatao sa. . .sa mga kaibigan nila. Saka ng mga panahong
last updateLast Updated : 2022-11-03
Read more

CHAPTER 36

“SYEMPRE naman may konting selos silang mararamdaman, but I’m sure magiging masaya silang malaman na nagbalik ng lahat ng mga alaala mo,” sagot ni Rigor sa kanya. Hindi alam ni Althea kung bakit nag-iinit ang pakiramdam niya habang nakatingin dito. Parang may mga paru-parong nagsisiliparan sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon, ibinaling na niya sa may bintana ang kanyang paningin dahil hindi na siya mapakali. Hindi naman niya kailanman naramdaman kay Griff ang ganitong klase ng attractions. Parang napakaraming nangyayari sa buhay niya nitong nakalipas na mga buwan. Kung may masama mang naganap, may katumbas namang magagandang nangyayari sa kanya. Excited na siyang makilala ang kanyang kapatid. Ngayon pa lang ay kung anu-ano ng naiisip niya na magiging bonding nilang mag-ate since ang sabi ng nanay niya ay babae ang nakababata niyang kapatid at matanda siya rito ng eleven years. Ano kayang itsura ng kapatid niya? Umaasa siyang h
last updateLast Updated : 2022-11-03
Read more

CHAPTER 37

HUMIHINGAL SI ALTHEA nang makapasok na sa loob ng unit. Saktong kakalock lamang niya sa pinto ng kanyang kuwarto nang tumawag si Rigor at pinagbibihis siya dahil sa labas raw sila magdi-dinner ngayong gabi. Biglang nawala ang lahat ng takot niya knowing na makakasama niya ngayon ang lalaki. Nuong isang araw kasi ay madaling araw na itong umuwi dahil maraming pasyente sa ospital. Tuwing hindi umuuwi ng bahay si Rigor ay hindi siya mapanatag. Para na siyang isang may bahay na palaging nakaantabay sa pag-uwi nito. Ayaw naman niyang maging clingy. It’s just that nasanay na siyang palagi silang magkasama. At gusto niya ang pakiramdam na nakikita niya itong palagi. Feeling niya, pinaka-safe siya sa piling nito. Nag-aalala na nga siya. Alam naman kasi niyang darating rin ang araw na kailangan na niyang umalis sa condominium nito. Hindi naman kasi habang buhay ito. At iniisip pa lamang niya iyon ay para ng nagsisikip ang dibdib niya. Habang tumataga
last updateLast Updated : 2022-11-04
Read more

CHAPTER 38

SI GRIFF ang pinakahuling tao sana na gustong makasama ni Althea ngayong gabi ngunit since wala siyang ibang maisip na tawagan ay ito na lamang ang kinontak niya. Naiinis talaga siya kay Rigor. Ni hindi man lamang siya nito pinigilan kaninang bumaba siya sa sasakyan. Talagang wala man lamang itong pagpapahalaga sa kanya. Nagmamaktol na napakagat labi siya. “Hey, Sophia, what’s wrong?” Narinig niyang tanong nang nasa kabilang linya, “Bakit napatawag ka?” “Pwede mo ba akong samahan ngayong. . .g-gabi?” Halos paanas na tanong niya rito. Nang may makita siyang taxi ay kaagad na sumakay, “I’ll message you kung saan tayo magkikita.” Aniya rito, kinabisado niya ang numero ng telepono nito saka ini-off na ang kanyang phone para di na malaman pa ni Rigor kung nasaan siya. Parang tinitusok ng maliliit na karayom ang dibdib niya habang iniisip ang nangyari kanina. Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan siya pupunta ng mga or
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more

CHAPTER 39

NAGPASYA SI ALTHEA na supilin na lamang itong nararamdaman niya para kay Rigor. In the first place ay di naman nito kasalanan kung wala itong nararamdaman para sa kanya. Sa katunayan ay malaki ang utang na loob niya rito. Kung hindi dahil dito ay baka matagal na siyang nilamon ng pating sa dagat. Ni hindi nga siya nito pinilit nang magtalik sila kaya ano nga bang pinagpuputok ng butse niya? Naging honest lang naman ito ng tunay nitong nararamdaman. Libog lang talaga ng katawan ang namagitan sa kanila and at least ay naging honest ito sa kanya hindi tulad ni Griff na binola-bola lamang siya para makuha ang gusto nito sa kanya. Maaga siyang bumangon para maghanda ng almusal nila. Alas-siyete ay gising na rin si Rigor. Ipinatong niya sa mesa ang nilutong daing na bangus, itlog na maalat, fried rice at sunny side up egg. “I’m sorry sa tantrums ko kagabi. M-May period kasi ako kaya,” napakibit balkat siya, “Alam mo naman ang mga babae, tinitopak kapa
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status