“KAYA NAMAN pala nainlab saiyo ng husto ang anak ko, mabait ka palang talaga,” magiliw na sabi ni ng matikas na si Doctor Greg Samandehas kay Althea. Para itong pinatandang version ni Rigor. But unlike Rigor, napaka-friendly ng aura nito at palaging nakangiti. Unang pagkakakilala pa lamang nila ay magaan na kaagad ang loob niya rito. Mas lalo na nang panay ang papuri nito sa kanya. Flattered tuloy siya. “M-madalas po pala niya akong nababanggit sa inyo?” Masayang sabi niya sa matanda. “Syempre naman iha,” anitong humigop bahagya ng kape saka muling tumingin sa kanya, “Hindi naman lingid saiyo ang pinagdaanan ng anak ko, hindi ba? Pero simula nang makilala ka nya, naging masigla na ulit sya.” Wala siyang pagsidlan ng kasiyahan sa mga sinasabing iyon ng matanda, “H-hindi naman po kasi ganun ka. . .vocal ang anak nyo sakin. Minsan naiisip ko nga hong b-baka hindi naman sya ganun kasaya sa piling ko.” “No! Malaking b
“ANO bang ipinag-aalala mo, Rigor? Bakit hanggang ngayon parang hindi mo pa rin ako pinagkakatiwalaan?” Tanong ni Althea kay Rigor nang mapansin niyang tila hindi ito mapakali ng gabing iyon, katatapos lang ng auction at nagawa naman niya ang ipinagagawa sa kanya ng ama nito. Masaya silang makatulong sa financial problem ng mga ito ngunit pansin niyang hindi naman masaya si Rigor. “Hindi mo kilala si Papa,” sabi nito sa kanya, binilisan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan, “Next time bago ka magdesisyon tungkol sa mga bagay na ganito, pwede bang consult mo muna sakin? Ayoko na sanang mainvolve ka pa dito.” Mariing sabi nito, “Mas lalong ayokong nakikipag-usap ka kay Papa nang wala ako. Next time, wag na wag mo syang papasukin sa bahay kapag wala ako.” Nasaktan siya sa sinabing iyon ng lalaki. Akala pa naman niya ay parte na siya ng pamilya nito dahil girlfriend naman siya nito. Pero bakit gusto siya nitong ilayo sa pamilya nito? “Akal
HINDI ALAM ni Rigor kung ano ang mararamdaman sa sinabing iyon ni Althea. Ilang beses na parang nakita rin niya si Sophia nuon pero inisip na lamang niyang namamalikmata lamang marahil siya dahil sa labis na pangungulila dito. Ngunit hindi na lamang siya ang nakakakita kay Sophia ngayon. “I’m sure nagkamali ka lang. Baka namalikmata ka lang. Imposible ang sinasabi mo. Matagal nang wala si Sophia,” aniya rito habang napapailing. “Hindi ako maaring magkamali, Rigor. Si Sophia ang nakita ko. Buhay siya. . .buhay ang asawa mo,” umiiyak na giit nito sa kanya saka parang natatarantang tiningnan siya, “Ano ng mangyayari ngayon sakin, ha Rigor?” Nag-aalalang tanong nito. Hindi siya sumagot sa halip ay nagmamadaling pumasok sa kanyang kuwarto at kaagad na tinawagan ang ama. Ilang minuto rin bago siya nito sinagot. Kinumpronta kaagad niya ang ama tungkol kay Sophia. “Pa, hindi ko nakita ang bangkay ni Sophia nang mamatay siya. Basta n
MAAGANG gumising si Althea para maghanda ng kanilang almusal kahit na nga napuyat siya kagabi sa kahihintay na kakatukin siya sa kwarto ni Rigor para ayaing matulog sa kwarto nito na madalas nitong ginagawa. Ngunit hindi nangyari ang kanyang inaasahan kagabi. Iniyakan niya iyon ng husto lalo pa at alam niyang may kinalaman si Sophia dito. Alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi natitiyak kung nasaan si Sophia. Kinakabahan siya at natatakot at the same time. Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kuwarto ni Rigor. Inayos niya ang sarili at nakangiti siyang humarap dito nang magtungo ito sa kusina. “Good morning. Nagluto ako ng breakfast. . .” Hindi pa tapos ang pagsasalita niya ay pinutol na nito ang sasabihin niya. “I’ll be gone for a while. Huwag kang lalabas ng condo, mas safe ka rito. Or kung sakali mang may gusto kang puntahan, please ring me. Pasasamahan kita sa kaibigan ko.” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong lumabas.
HINDI alam ni Rigor kung ano ang kanyang isasagot kay Sophia. Naguguluhan ang utak niya sa mga nangyayaring ito ngayon. Napatitig sya nang matiim kay Sophia habang pilit na kinakapa ang damdamin niya para dito. Sa ngayon ay para siyang nasa dilim. Nilapitan siya nito at niyakap nang maghigpit, “Namiss kita ng sobra, Rigor. Walang araw na hindi ko pinapangarap na makasama kang muli,” sabi nitong buong pananabik siyang siniil ng halik sa mga labi. Para siyang napaso sa halik nito kaya mabilis siyang kumalas sa mga yakap nito. “Binigla mo ako, Sophia. Hindi ko alam kung ano sa ngayon ang nararamdaman ko. Hindi biro ang lahat ng sakit ng kaloobang pinagdaanan ko nang mawala ka at. . .at nang natanggap ko ng wala ka na, saka heto bumabalik ka kaya. . .naguguluhan ako. . .” aniya rito, “Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na buhay ka or dapat akong magalit dahil pinaglaruan ninyo akong lahat,” may pait sa mga labing dagdag niya, “I don’t know. . .I really don’t
HINDI MAKAPAGSALITA SI RIGOR. Paano ba niya ipapaliwanag kay Althea ang tungkol dito nang hindi niya mababanggit ang tungkol sa kanilang underground world? Napahinga siya ng malalaliim saka tumingin sa naguguluhang mukha nito. “I don’t think kailangan mo pang malaman ang mga dahilan nya. Labas ka na dito,” iyon lamang ang sinabi niya saka lumabas ng kanyang apartment dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang mga tanong ni Althea. Sa ngayon ay wala rin naman siyang maapuhap na isasagot dito. Maski siya ay naguguluhan ngayon. Ang gusto na lamang niya ay mapag-isa. Nagtungo siya sa isang bar at uminom ng uminom. Gulong-gulo ang utak niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang ginawang ito sa kanya ni Sophia. Paano siya nitong nagawang paglihiman? Tumatawag ito sa kanya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito. Maski si Althea ay nakailang missed calls na rin. Patuloy lamang siya sa pag-inom. Gusto niyang lunurin ang
HALATA NI ALTHEA na umiiwas sa kanya si Rigor. Gusto niya itong komprontahin tungkol kay Sophia ngunit kinatatakutan naman niya ang isasagot nito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang makiramdam. Feeling niya ay naghihintay lamang ito ng tamang panahon para makipaghiwalay sa kanya. Kinatatakutan niya ang araw na iyon ngunit ipinapangako niyang hindi na siya papayag na basta na lamang ito ibigay kay Sophia nang wala siyang laban. Iniisip pa lamang niya na maghihiwalay sila ay napapaiyak na siya. Ipinatong niya ang kape sa harap nito, nakatingin siya sa mukha nito ngunit parang iniiwas nito ang mga mata sa tingin niya. “Don’t worry, hindi kita kukulitin,” sabi niyang mabilis nang tumalikod at nagmamadaling pumasok sa loob ng kanyang kuwarto, kagat kagat ang labi upang hindi siya tuluyang mapaiyak. Simula nang magbalik si Sophia, gabi-gabi na yata siyang walang ginawa kundi ang umiyak. NILINGON LANG NI RIGOR si Althea. Hanggang nga
“NGAYON lang ulit ako magpapakalasing!” Namumungay na ang mga mata ni Althea, wala siyang tinatanggihan sa bawat salin ng alak sa baso niya. “Tell me Griff, bakit mo ko pinagpalit sa Britney na iyon?” tanong niya sa asawa, sa sobrang kalasingan ay nakalimutan niyang iba nga palang katauhan ang pagkakakilala nito sa kanya ngayon. Kumunot ang nuo ni Griff, “What do you mean, Sophia? Hindi pa ba malinaw saiyo na kaibigan ko lang si Britney?” Ang lakas ng tawa niya, “Don’t lie to me, Griff. Akala mo hindi ko alam ang tungkol sa inyong dalawa,” napapailing na sabi niya saka muling tinungga ang alak sa basong binigay sa kanya ng lalaki, “Anyway, wag na nating pag-usapan ang nakaraan. I’m glad na. . .na natapos na ang tungkol sa ating dalawa.” Tila naguguluhang tinitigan siya ni Griff, “I don’t understand,” bahagya itong natawa, “Baka ibang lalaki ang naiisip mo? Lasing ka na nga yatang talaga. Para tuloy gusto ko ng magtampo saiyo. Ako a
"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
“A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito
SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l
“A-ALEJANDRO?” May panic siyang naramdaman nang makita ang lalaki lalo pa at hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganitong pagkakataon. Gusto nga niyang murahin ang kanyang sarili dahil sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay buhay na buhay pa rin ang damdamin niya para dito. At ewan kung totoong nakita niya sa mga mata nito or nag-iilusyon lamang siya, ang piping pananabik nang tingnan siya nito. Pero marahil ay nag-iilusyon nga lamang siya dahil saglit na saglit lang siya nitong tiningnan pagkatapos ay parang umiiwas na itong magtama man lamang ang kanilang mga paningin. Habang siya ay ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan habang hindi pa rin makapaniwala na nasa kanyang haraparan ngayon ang lalaking kay tagal niyang pinanabikang muling makita. “Miss Tamara Fierro, si Mr. Alejandro Manigbas po ang bagong may ari ng Hacienda Fierro,” dinig niyang sabi ng abogado ng bangko na si Atty. Mendez.
NAPAPAIYAK si Tamara habang binabasa ang dumating na sulat ng bangko sa kanya. Ipinapaalala nito na mareremata na ang Hacienda Fierro ng bangko. Saan siya kukuha ng two hundred fifty million pesos para ipamtubos sa kanilang hacienda? Simula nang mamatay ang kanyang Papa at makulong ang kanyang asawa ay hindi na niya alam kung papaano babayaran ang nagkapatong-patong na mga utang ng mga ito. Ni hindi nga niya alam na matagal na palang nakasanla sa bangko ang hacienda. Saan namang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganuon kalaking pera? Ni wala nga siyang matinong trabaho ngayon. Tuluyan na siyang napaiyak. Ngayon niya pinagsisihang hindi niya pinagbuti ang kanyang pag-aaral, di sana’y may fall back siya ngayon. Akala kasi niya’y wala ng katapusan ang pera ng pamilya kung kaya’t naging bulagsak rin naman siya. Party dito, party duon. Nuong ipadala siya sa Amerika ng Papa niya, sa halip na mag-aral siyang mabuti ay kung anu-anong kagagahan lang naman duon ang pinagagawa
“TAMARA FIERRO!!!” Narinig ni Tamara na tawag ng ama mula sa malawak na bakuran ng Hacienda Fierro. Nabitiwan tuloy niya ang kinakaing hinog na mangga na ipinakuha niya sa isa sa kanilang trabahante sa hacienda. Alam niyang kapag tinatawag siya sa buong pangalan ng ama, pihadong mainit na naman ang ulo nito. Napalingon sa kanya si Alejandro, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahanap ka na ng Papa mo, Mara,” sabi ng kanyang Yaya Magda na kasama niyang nanginginain ng hinog na mangga. Dinig nila ang malakas na dagundong ng kabayo nito papasok sa bakuran ng hacienda. Napaismid siya. “Hindi naman tayo umaalis dito, nasa loob lang naman tayo ng bakuran, akala mo naman mawawala ako,” inis na sabi niya habang waring nagpapalitan sila ng makahulugang mga tingin ni Alejandro. Ang kanilang lupain ay nasa 60 hectares at iba’-ibang uri ng mga namumungang puno ang naroroon. Mayroon din silang malawak na poultr